IKAWALUMPU'T WALO
"Paghalili"
Sa espesyal na araw na ito
nais ko lang na 'yong mabatid,
lubos ang aking pagpapasalamat
sa mga ngiting sa 'kin mo naihatid.
Marami pang bagay sa ating pagkataon
ang nais kong matuklasan,
Mga saya't pighating sa maamo
mong mukha 'di sadyang napagsidlan.
Hayaan mo,
Hayaan ang maalinsangang simoy
na hatakin ang tayong dalawa palapit,
Isabay sa mapanibughong pag-ulan
ng bawat bulalakaw sa mga gabing sumasapit.
Kahanay ng pagkakataong pigil
na makadantay ka sa 'king mga balikat,
Na matagal nang bukas para sayo
nang sa gayo'y kalayaan sayong kaluluwa ang umakibat,
Bungisngis sa ngiti mong malalim,
Hahalili sa ating unang takipsilim.
December 18, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top