IKAWALUMPU'T SIYAM
"Kasiguraduhan"
Sa pagitan ng libo kong taka,
Ikaw lang ang nag-iisa kong sigurado.
Ang nanguna sa maraming mga baka,
para sa ating dalawa'y maging desidido.
Ang nagwaksi sa mga akala,
Ang para sa aki'y pumagitna,
May nais lang akong makariktan,
Sigurado ka rin kaya sa akin, sinta?
December 19, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top