IKAWALUMPU'T ISA
"Proseso"
Darating ako sa harap mo,
sa pagitan ng damdamin at pagtingin,
Sa pinagmulan ng pagkahulog
at pagsalong ginawa mo sa akin,
Sa gitna ng tuluyang paglalim
ng tunay ko sayong damdamin,
At sa dulo na magpapatuloy ang tayo
sa tuluyan ko sayong pag-angkin.
Ito ang poseso ng aking pagsinta
na ikaw ang nasa sentro ng lahat.
December 11, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top