IKAWALUMPU'T ANIM
"Sulyap"
Sana napapansin mo sa harap ng bahay niyo
ang payak ko roong mga pagyapak,
Marahan ako palaging humahakbang
habang ang mata'y sa pinto niyo nakatarak,
Ang pagsulyap ko na may pigil
pang pagkurap na ikaw ang hanap,
Sabay iwas ng tingin tungo sa kalsadang
animo'y kaba agad ang lumalaganap,
Tinutuloy ang mga pigil na lakad
at lalampas na ikaw pa rin ang hangad,
Babalik ulit para sumilip sa pinto
ng pagtingin sayong patuloy sa pagbukadkad.
December 16, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top