IKATLO

"Kuntento"

Marahil hindi ito
ang ninanais kong mithiin,

Na ang nakaaabot na lang sa iyo'y
ang malalayo kong tingin,

Lubos akong nagagalak.
Lubos pa rin akong nagagalak,

Sapagkat hinayaan ako
ng kalawakan na ika'y makilala.

Na maiparamdam sa iyo
ang pagmamahal na hindi ikinaila,

Na sa maiksing panahon
ay natuklasan natin ang wasto at sala,

Sapat na iyon.
'Di na ako mag-aalala.

June 12, 2020 | 05:12pm

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top