IKATATLUMPU'T TATLO

"Haplos"

Nais kong mabatid muli ang lambot
ng mga palad mong tumutugtog,

Kung paano ako nito akitin upang
lumapit sa presensya mo, aking irog,

At sa pag-imbay ng katawan
nating 'di mapipigil sa marahang paghaplos,

Sa isa't-isa ay hihinahon ang pusong
kapayapaan ang tanging aagos.


October 25, 2020 | 11:11

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top