IKATATLUMPU'T PITO
"Balik-Tanaw"
Ibalik mo ako sa punto ng oras
na wala pa akong pakialam,
Sa panahon kung saan ikaw ang palaging
tinatanaw at hindi mo iyon alam,
Tanda ko pa ang sulyap sayo't
ang malagkit kong titig sayo'y inam.
Labis na nakasasabik
kaya't ninanais kong bumalik.
Babalikan ang mailap na oras
na hindi ko napigil sa pag-alpas,
Para damhin ang pag-abot sayo ng rosas,
na tanda ng paghanga kong di kukupas.
October 29, 2020 | 11:11pm
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top