IKATATLUMPU'T APAT

"Lumuha ako at ang  Langit"

Nang minsan kong sinubukang pumikit
at kusang magpahalik sa ulan,

Pulo't gata na nagwangis ang patak
ng langit sa mata kong luhaan.

Natunghayan ko ang pagsalubong
ng lungkot ko sa pighati ng mga ulap,

At nabatid kong muli rin kaming
ngingiti pagsapit ng libong pagkurap.


October 26, 2020 | 11:11

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top