IKASIYAM
"Sa Aking Pagbalik"
Sa kawalan kung saan
ako naging talang kabaliktaran,
Batid na iniwan,
na parang 'di na dapat balikan,
Narito akong masinop na nagbabalik
sa muling pagbuo ng naudlot na halik.
Bisig ko'y sandalan sapagkat,
Ito na ang huling pagpanhik.
Hayaang tinginan natin
ang magkusa sa pag-imik,
Sa pananatili ko,
Hindi na muling lilisan pa
sa kalawakan ng titig
mong palaging nagtatalik.
September 19, 2020 | 12:42am
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top