IKAANIMNAPU'T WALO
"Sarang(hae)gola"
Kailan kaya maiibsan
ng natatanging pag-ibig,
ang nagpupumiglas na
damdaming ipinahiwatig,
upang hindi na
mag-alinlangan sa pagratig,
at nang madama ang ulo
mong sa balikat ko nakahilig.
Nakamit na kita habang
ako'y 'di na ikinaila,
subalit sayo pa rin napapadpad
ang sarili kong tila,
pinalipad at paulit-ulit
na nahuhulog na saranggola,
Ikaw lang ang nais kong sumalo sa akin,
maaari ba?
November 29, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top