IKAANIMNAPU'T APAT
"Baka Bukas"
Tingin ka sana sa mga bituin
para sabay natin silang tititigan,
Habang iniisip na baka bukas
magandang araw na ang kahihinatnan.
Na baka bukas magtatangis na
ang tunay na ngiting mamamagitan,
Sa ngayon, tumingala ka muna
at ako'y iyong sabayan,
Dumungaw sa kalangitan,
pagmasdan ang kalawakan,
Malamig mong mga palad
sa hangin, ay aking hahawakan.
November 25, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top