IKAANIMNAPU'T ANIM
"Pansin Ko"
Sa edad kong ito di ko lubos maisip
na mahilig pa rin ako sa sapin-sapin, turon,
maruya, puto, kutsinta at sa anak mo tita.
Para bang pinatikim ako ng arnibal,
bukayo, tira-tira, at ngiti ko na ang 'yong masisita
Tatanggi, magtatakip mata,
subalit sa mapang-angkit
mo pa ring ngisi ako napupunta,
Wala ng ligoy-ligoy at mga pagtanggi,
'di na ako magpapasita,
Akin ka na sinta.
November 27, 2020 | 11:11
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top