IKAANIM

"A.M.A."
(Ang Mga Alaala)

Tanda ko pa ang mga araw
na masaya kang nakikipaglaro sa akin.
Bukang liwayway,
Maagang pagpulas para umpisahan
ang panibagong misteryosong araw,
Ito akong nangungulit na maghabulan,
nais lang ang saya para sa isipang hilaw.
Sabay sa hamog ng usok
mula sa 'yong bibig.

Ang ngiti sa mga mata
nating walang nakaalintanang kumakabig,
Ito ang aking pinakahilig.
Nakahilata sa iyong kanlungan,
batid sa bawat segundo ng senaryong iyon,
ayaw ko nang lumisan,

Hiling kong ganito na lang muna tayo,
Huwag ka na munang lumayo.
Yayakap lang sa iyo,
habang ang mainit kong mga yakap
sa baywang at halik sa 'yong pisngi
ang iyong tanging makakariktan.

Tanda ko ang lahat.
Tanda pa rin kita.
Dito ka lang sa aking alaala,
hanggang sa aking pagtanda.

June 21, 2020 | 07:38pm

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top