CHAPTER 2

Iony POV




Madilim pa lamang ay gising na ako at nagluluto ng pang-umagahan namin. Matapos makapagluto ay lumabas na ako ng kubo dala ang timbang gawa sa kahoy upang umigib ng tubig mula sa balon na medyo malayo sa aming balay.




Sa gitna ng aming bayan ito matatagpuan. Umiigib ako araw-araw dalawa ang dalawang baldeng gawa sa kahoy na medyo malayo, kasama ang isang matibay na mahabang kahoy na makakatulong sa akin sa pagbuhat.




Pagkalabas pa lamang ng bakuran ay kunti pa lamang ang nakikita kong gising na mga tao. Pasikat pa lamang ang araw ng makarating na ako sa balon.




Pagdating doon ay nakita kong abala na ang halos lahat sa kani-kanilang mga gawain at trabaho.




Itinuon ko na lamang ang sarili sa pagkuha ng tubig sa ilalim ng balon.




Nang mapuno ang dalawang balde ay inilagay ko sa aking balikat ang kahoy at naupo bago isinabit ang dalawang balde sa dulo ng kahoy.




Nang maayos ay dahan dahan na akong tumayo at nagsimulang maglakad. Mabigat para sa isang babaeng katulad ko ngunit sanay narin naman ako sa ganito.




"Napakatigasin mo talaga Ion. Paano mo nagagawa iyan? Siguro may kapangyarihan ka, ano?" Napairap nalang ako at hindi siya sinagot. Nagpatuloy nalang sa paglalakad.




Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin na hindi ko na lamang pinansin.




"Hayst. Ikaw talaga. Hanggang ngayon hindi mo parin ako pinapansin." Rinig kong sambit nito.




Siya si Agatha. Ang babaeng araw-araw na lamang akong iniirita sa tuwing pupunta ako sa balon upang mag-igib ng tubig.




Hinahayaan ko na lamang kahit pa nakakaramdam ako minsan ng hiya. Minsan kasi siyang umamin sa akin na may gusto siya sa akin ngunit akin iyong tinanggihan sapagkat pareho kaming babae at, hindi ko alam kung lalayo ba siya o mananatili kung malaman niya ang pinakatatagong sekreto ko.




Kaya patuloy ko siyang itinataboy. Ngunit ayaw niya rin namang patalo kaya hinayaan ko na lamang.




"Oy! Ion, bukas pupunta ako at aabangan ang Mahal na Reyna sa bayan. Pupunta kaba ng iyong kapatid?"




"Oo." Tipid na sagot ko dito. Nakita ko naman siyang naglakad sa unahan ko.




"Tumabi ka sa dinadaanan ko kung ayaw mong mabunggo kita Aga." Suway ko sa kaniya.





Inilagay naman niya ang mga kamay sa kaniyang likuran, humarap sa akin at patalikod na naglakad habang ngingite-ngite pa akong pinagmasdan. Napairap na lamang ako.





Aaminin kong maganda siya, ngunit hindi ito sapat para ako ay mabighani sa kaniya.




Babae ako ngunit, hindi lalake ang hanap at gusto ko.




"Ayoko nga." Sambit niya. Hindi ko na lamang pinatulan pa ang kaniyang kakulitan.




Hanggang sa makarating sa aming bahay ay hindi siya umalis at hindi tumigil kakasunod sa akin na hinayaan ko na lamang. Panatag naman ako dahil lagi siyang pumaparito, at naglalaro sila minsan ng aking kapatid.




Pagpasok ay naabutan kong kumakain na ng agahan ang kapatid kong si Iona. Napatingin siya sa akin ng maramdaman ang presensya ko.




"Ate nandito kana. Nauna na akong kumain dahil nagugutom na ako." Tumango na lamang ako at nagtungo sa palikuran.




Nakahinga ako ng maluwag ng naibaba ko na ang mga balde. Inayos ko ang mga iyon bago lumabas at inilagay ang kahoy sa likod, sa bakuran.




Pumasok na ako sa loob at naabutang masayang nag-uusap ang dalawa. Hinayaan ko na lamang sila at ginawa na ang dapat kong gawin.




"ATE MAGMADALI ka! Paparada na ang karwahe ng Mahal na reyna." Tawag na naman ng kapatid ko.




Napabuntong hininga na lamang ako bago lumabas ng bahay. Naabutan ko ang kapatid ko kasama si Aga sa labas ng balay namin.




"Hindi na ako makapaghintay Ate Aga! Unang pagkakataon ko ito para makita ang Reyna."




"Gayon din ako Iona." Rinig kong sambit nilang dalawa. Naglakad ako papalapit sa kanila habang inililibot ang paningon sa mga taong makikita ang tuwa sa mukha.




Nais talaga nilang makita ang Mahal na Reyna.




"Tara na upang maging maaga tayo." Ani ko sa kanila. Wala naman na silang sinabi at nauna pang naglakad sa akin.





Napailing na lamang ako at sinundan na sila. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa labas ng palasyo, dito namin napagkasunduan na mag-abang upang makita ng maganda ang pagparada ng Mahal na Reyna.





Maingay ang mga tao at iisa lamang ang pinag-uusapan, iyon ay kung gaano sila nasisiyahan na sa wakas ay makikita na nila ang hinahangaan nilang Reyna.




Ako nalang nga siguro sa tingin ko ang hindi masyadong interesado sa ganito. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko ay baka nagtatrabaho ako ngayon at hindi sinasayang ang Oras.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top