CHAPTER 15

Iony POV

Ilang araw ang nakalipas ng Mangyari ang mga nangyari nakaraan lamang. At magmula noon ay parati na ako kinakausap ni Hazel na noon ko lang rin nalaman ang pangalan nito.

Nakakapagtaka nga kasi hindi pangkaraniwan ang kaniyang ngalan at kakaiba na wari mo ba ay galing sa isang malayong bagay.


Si Hazel ay isang madaldal na Babae base sa pagkakakilanlan ko sa kaniya sa mga nagdaang araw n pakikipag-usap niya sa akin, masasabi ko ring may magandang puso at makulit.

At ngayon nga'y kasalukuyan niya kaming tinutulungan ni Ulap na Magdilig at magtanggal ng mga tuyong dahon ng mga halaman dito sa harden habang walang sawang nagkukwento ng mga hilig niya sa mga bagay bagay.

"Iony."

Nagtataka nga ako kung bakit siya naririto sa aming gawi kung ang kaniyang dapat na gawin ay maglaba at doon lamang sa loob ng palasyo nagtatrabaho hindi sa labas. Ang kaniya lamang responde ay nakiusap siya sa punong mangagawa na ilipat siya dito para makasama niya ako. Hayst, noon ko lamang nalaman na napakakulit ng babaeng ito.

"Iony."

Mayroon siyang porselanang balat na hindi rin pangkaraniwan liban nalang kung isa siyang Maharlika. Agad ko namang iniling ang ulo, imposible naman sapagkat kung isa siyang Maharlika at may dugong bughaw, hindi niya pipiliin ang ganitong buhay at kaylan man hindi siya hahawak ng kahit anumang maduming bagay.

"Iony!"

Nagulat ako ng bigla nalamang isinigaw ni Hazel ang aking ngalan sa pagmumukha ko, muntik pa akong mapasigaw dahil sa lapit pa ng kaniyang mukha.

Kunti nalang talaga at masasabihan ko na siyang isang papansin. Hayst.

Umayos ako ng tayo at tumikhim. "Pasensya. Bakit at tinatawag mo ako?"

"Hayst, Iony talaga. Bumalik ka nga sa iyong sarili at makinig ka sa akin." Nakapamewang na ani nito wari ba ay Ina ko siya na siyang pinangangaralan ako.

Ano bang problema ng babae na ito at ganiyan makapagsalita sa akin na wari ay dati na kaming magkakilala.

"Hazel. Kunti nalang talaga at kukurutin na kita." Ani ko bago binaba ang gamit na aking hawak bago siya hinawakan sa kaniyang balikat bago itinalikod sa akin at itinulak sa kaniyang pwesto kanina.

"Puwedi ba, bumalik kana sa iyong ginagawa at huwag mo na akong guguluhin?"

Pagkatapos ay muli kong kinuha ang aking gamit at bumalik sa aking ginagawa.

"Hmmp! Gusto kitang kausapin pa at hindi mo ako mapipigalan ngayon!" Sambit nito.

"Kausapin mo ang iyong sarili at huwag ako."

"Ako lang ba o sadyang para na kayong mag-asawa?" Singit ni Ulap na hindi ko napansing nandiyan lang pala sa tabi tabi.

Hayst.

"Hey! Don't say such thing!" Sigaw naman ni Hazel na nagpagulat sa aming dalawa ni Ulap at nagpagulo sa aming isipan.

Nababaliw naba ang babaeng ito at kung ano anong sinasabi?

"Isa ka na bang baliw na nilalang at ganiyang mga salita ang iyong sinasabi?" Tanong ni Ulap. Hindi ko na lamang sila pinansin at itinuloy ang aking ginagawa.

"H-Huwag mong sabihin iyan. Talagang hindi mo lang naiintindihan! At isa, bakit ka nga ba nakikisali sa amin, ha!" At nagsimula na nga sila sa pagsisigawan.

Napailing na lamang ako. Iwan ko nalang kung hindi sila pagalitan ng aming Punong Mangagawa.

SUMAPIT NA ANG gabi at ngayon nga ay nagpapahinga na ang lahat liban sa akin. Naririto ako sa hardin, nakaupo sa lagi kong tambayan sa ilalim ng puno. Hindi ako makatulog kaya napili ko na lamang na magpalipas ng gabi dito.

Hindi naman masyadong istrikto ang mga tagapagbantay upang bawalan kaming lumabas tuwing oras na ng pahinga at tapos na ang trabaho.

Balak ko sanang umuwi saglit dahil gusto ko nang makita ang kapatid ko, sa darating na araw na wala kaming trabaho. Kamusta na kaya ang kapatid ko? Sigurado naman na inaalagan siya ng mabuti ni Aga, hindi ba?

Hayst, may tiwala naman ako kay Aga. Talagang gusto ko na muling makita ang mahal kong kapatid.

"Tila ba ay malaki ang iyong problema kung bakit kanina ka pa nag bubuntong hininga binibini."

Nagulat ako ng isang pamilyar na boses ang bigla na lamang nagsalita sa aking bandang lukiran.

Nilingon ko ito. "Mahal na Reyna." Agad akong nagbigay galang.

"Hindi mo na ako kailangang batiin ng ganiyan kung tayo lamang dalawa ang magkasama." Ani nito at naupo damuhan at sumandal sa katawan ng puno na ikinagulat ko naman.

"Gusto ko lamang na maramdaman ang pagiging normal na walang kahit na anong katayuan." Ani nito at bumuntong hininga na ikinagulat ko muli.

"At muli ay, tawagin mo na lamang akong Amoure kung tayo lang dalawang magkasama, maliwanag?" Agad naman akong tumango ng tumingin siya sa akin.

Nagdadalawang isip man ay hinayaan ko na lamang ang sariling maupo sa kaniyang tabi. Walang nagsali sa aming dalawa at pinakinggan lamang ang tunog ng gabi habang pinapakiramdaman ko siya.

Pansin kong nakapikit ito habang nakasandal ang ulo sa puno.

Ang aliwalas niya tingnan. Tila ba, habang pinagmamasdan ko siya ay, lumiliwanag ang kaniyang porselanang balat, ang kaniyang maalon na mahabang buhok ay tila pa sumasayaw sa ihip ng hangin ang kaniyang labi...

Nagulat ako ng bigla na lamang siyang nagmulat ng mata at diretso ang tingin sa akin. Agad naman akong umiwas, pagkuway naramdaman ang sariling pisnge na nag iinit.

Bumibilis rin ang tibok ang aking puso. Kinakabahan ba ako? Saan naman?

Nagulat ako ng makita kong unti unting lumalapit ang mukha ang Reyna sa akin habang nanliliit ang kaniyang mata na diretsong nakatingin sa akin.

Lalong bumilis ang tibok ng aking puso ng napasandig na ang aking ulo sa puno at unyi na lamang ay magkakalapit na ang aming mukha.

"A-an..." hindi ko na natuloy ang aking tatanungin ng bigla na lamang itong tumawa na ikinapagtaka ko naman.

"Pa-pasensya na." Ani pa nito at ikinalma ang sarili na wari ba ang kinakausap niya. "Kalma lamang Amoure."

Hindi naman agad ako nakapagsalita at tiningnan lang siya hanggang sa napakalma na niya ang kaniyang sarili.

Muli ay binalot na naman kami ng katahimikan. At salamat din sapagkat kumalma na ang aking puso sa pagtibok ng mabilis.

"Maaari bang humingi ng tulong Iony?" Pagkuway putol ng Reyna sa katahimikan. Nakatingin ito sa malayo.

Nagtaka ako sa kung bakit siya humihingi ng tulong sa akin.

"Maari Mahal na Reyna..." natigil ako ng bigla na lamang niya akong nilingon at sinamaan ng tingin.

"...Amoure. Pasensya na." Nakakakaba naman ang sitwasyon ko.

"Gusto kong pumunta ng Kabisera at Maglibot libot." Nagtaka naman ako sa kaniyang sinabi. Magsasalita na sana muli ako ng naunahan niya ako.

"Nang parang isang Normal na Mamamayan. Kaya Iony..." Nagulat na naman ako ng nilingon niya ako at lumapit sa akin.

"Tulungan mo akong ikubli ang aking pagkatao at samahan mo ako. Maari ba?" Nagulat ako at muli na namang tumibok ng mabilis ang aking puso ng hawakan niya ang aking kamay na nasa aking tabi.

Hindi ako makapag-isip ng tama ngayon idagdag mo pang napakalapit niya sa aking mukha. Wala sa sariling napatango na lamang ako.

Nagulat ako ng bigla na lamang itong tumili. At kung gulat ako kanina? Mas malala ngayon sapagkat bigla na lamang niya akong dinamba ng isang mahigpit na yakap habang nagpapasalamat ng puno ng galak.

Maslalo kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha. Ano na bang nangyayari sa aking sarili? Hindi ko na maintindihan.

"Salamat. Salamat. Salamat!"

Maya-maya ay bumitaw na siya sa akin at muling sumeryoso ang mukha ngunit agad naman niya akong nginitian.

"Pasensya na muli sa aking ipinakitang ugali. Alam kung hindi dapat ganon aakto ang isang Reyna ngunit, hayaan mo na lamang ako kung maaari?" Ani nito.

Tulala naman akong tumango sa kaniya, gulat parin sa nangyari kanina.

Kumalma ka Iony.

"Siya nga pala, gusto kong malaman kung ano ang iyong ginagawa dito gayong gabi na." Ani nito.

Inayos ko ang sarili bago siya sinagot.

"Nagpapalipas lamang ng oras sapagkat hindi ako makatulog." Ani ko.

"Hmmm, gayon din naman ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top