CHAPTER 1

Iony POV



"Darating na naman ang araw ng kaarawan ng Reyna Ate. Sana naman sa pag kakataong ito ay masilayan na natin siya. Alam mo bang talagang pangarap kong makita ang mahal na Reyna Ate. Siguro napakaganda niya, ang daming nabibighani at nagkakagusto kasi sa kaniya kapag siya ay nasilayan nila."



"Hindi natin alam kapatid ko, dahil iwan ko lang kung anong gagawin natin kung magiging ukupado ba ang oras natin sa panahon na iyon o hindi. Dedepende na iyan sa oras." Nakita kong napalabi siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.



"Sana naman wala tayong gawin dahil nais ko talagang masilayan ang Reyna. Kahit na sa pagkakataon lang na ito."



Napailing-iling nalang ako. Nais niya talagang makita ang mahal na reyna. Sino nga ba ang hindi. Isa itong butihin na Reyna ng aming kaharian, napakabusilak rin ang puso, dagdag pang nakakabighani ang kaniyang napakagandang mukha.



Ngunit ayon iyon sa mga naririnig ko sa mga taong nakakita na sa Mahal na Reyna.



Ngunit sa kabila naman ng taglay niyang ugali at ganda, wala pa daw na kahit na sino, mapa-prinsepe man o mga lalakeng anak ng mga opisyal, ang nakapagpabihag at nakakuha ng kaniyang puso at atensyon.



Bata pa naman ang mahal na Reyna, sa tingin ko ay kaedadan ko lang ngunit mas matanda ako ng isang taon. Sa susunod na ang kaniyang kaarawan, dalawampo't lima na ang taong nabubuhay siya sa mundo bilang isang Reyna ng aming kaharian.



"Ate doon na muna ako sa loob at magluluto ng panghapunan." Tumango nalang ako sa kapatid ko at nagpatuloy sa pagpapalakol ng mga kahoy na kakakuha ko lamang sa kagubatan.



Ilang oras pa ang ginugol ko sa pagpipiraso ng mga kahoy at Padilim na ng matapos ako.



Ngunit bago mamahinga ay inilagay ko na muna ang mga nasibak na kahoy sa kinalalagyan ng mga tuyo ng nasibak na kahoy. Matapos ay agad kong iniupo ang sarili sa gilid ng aming bahay kung saan ay may silyang nakagay.



Habang nagpapahinga ay pinagmamasdan ko rin ang mga bituin sa kalangitan. Ang sasaya nilang tingnan at pagmasdan, nagliliwanag at kumikinang sa aking paningin ang bawat isa sa kanila.



Masaya kaya maging isang bituin? Kasi ang tangi lamang nilang gawin ay magliwanag at magbigay saya sa mga taong nagmamasid sa kanila tuwing sila ay lilitaw kapag sasapit na ang gabi.



Napabuntong hininga ako. Imposible ang iniisip ko na iyon.



"Ate pumasok kana sa loob nang tayo ay makapaghapunan." Tumango na lamang ako sa kapatid kong bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.





May lahi ata siyang kabute at hangin. Hindi ko man lang napansin na lumapit na siya sa akin.



Tumayo na ako ng mauna na sa loob ang kapatid ko. Sumunod narin ako matapos mag-unat ng katawan.



Nang makapasok ay agad na akong umupo sa lamesa na gawa lamang sa kahoy. Nakahain ang mga biyayang aming nakuha sa mga tanim namin sa bakuran.



Bago kami nagsimulang kumain ay nagdasal at nagpasalamat muna.



Ako na ang kusang maghugas ng mga pinagkainan dahil alam ko namang pagod din ang kapatid ko sa pagtatrabaho sa pamilihan.



Matapos makapaghugas ay pumasok na ako ng silid ko at nagpalit ng damit. Nang makapagpunas ng katawan ay inihiga ko na ang sarili sa matigas na higaan.




Nakakapagtaka kung bakit kami lamang nang kapatid ko ang nandito sa aming kubo. Sa kadahilanang maagang pumanaw ang mga magulang namin sa kamay ng mga ligaw na tao sa labas ng kaharian. Matapos ang nangyari ay namuhay na kami ng kapatid ko na walang gumagabay sa amin.



Mabuti nga ay nakapaghanap agad ako ng aming titirahan at pagkakakitaan. Salamat iyon sa magandang pamamalakad ng Reyna sa kahariang ito.




Bigla akong napaisip. Isang araw na lamang at kaarawan na ng mahal na reyna. Sa araw na iyon ay magkakaroon ng pangkalahatang handaan at magpaparada rin ang reyna sa kaharian kung kayat magkakaroon ng pagkakataon na makita ng lahat ang Reyna.




Siguro pagbibigyan ko na lamang ang minsang hiling ng kapatid ko. Para naman matuwa siya at mawala ang kalungkutan niya.



Ipinikit ko na lamang ang mga mata at tuluyan ng nagpalamon sa antok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top