Chapter 8

CHAPTER EIGHT

NAWALA ANG pagkahilo na nararamdaman ko nang dalhin kaming mga nasangkot sa gulo kanina sa pinakamalapit na police station.

"Hindi nga kami 'yong nagsimula ng gulo. Bakit ayaw niyo pa rin kaming pakawalan?!" inis na sigaw nung lalaking nakaalitan ni Julius.

Halos mapangiwi ako nang masilayan ang mga pasa nito sa mukha.

"That bastard was the who initiated the fight!" The other guy shouted, pointing out a finger to Julius. "Tapos nakisali pa 'yong mga kasama niya," he added, glaring at our direction.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang tumikhim naman si Paolo sa tabi ko. Si Julius, tahimik lang na nakayuko at mukhang hindi pinagsisisihan ang ginawa.

"Chief, how can we settle this?" mahinang tanong ni Maris na mukhang nawala na rin ang tama ng alak. Nakatayo silang dalawa ni Karen sa tabi namin at ang sama-sama ng tingin. Malamang sa malamang, they both disappointed to the three of us.

"Miss, dapat maturuan muna ng leksyon 'yang mga kasama mo," pagsingit nung isang lalaki.

"And how about you guys? Hindi ba dapat turuan din kayo ng leksyon?" taas-kilay na tanong ni Karen sa kanila. "Don't play the victim card here. Pare-pareho kayong may kasalanan kaya 'wag na kayong magsisihan."

Natahimik naman 'yong lalaki dahil sa pagsasalita ni Karen. 'Yan, ayaw pa kasing tumahimik, e. Nakatikim ka tuloy ng supalpal ala Karen.

"Dahil hindi na kayo mga minor, I think we can settle this by yourselves," one of the police officers said. "Pag-usapan niyo nang masinsinan kung anong balak niyong gawin sa mga nasira niyong kagamitan sa The Happy Place."

"Iba-ban na ba kami roon ni Mr. Ong?" I worriedly asked, referring to the owner of the place. Sa tagal na nga kasi naming napunta roon, nakilala na namin ang may-ari which is si Mr. Ong.

"No," the police officer replied. "Bibigyan niya pa raw kayo ng chance. Pero kailangan niyo raw pagbayaran 'yong ginawa niyo. Hindi muna raw kayo pwedeng pumunta roon for a month; plus kailangan niyo ngang bayaran ang mga nasira sa bar."

Napatingin ako sa apat na lalaking nasa harapan namin. They're all glaring at us. Huh! As if naman nasisindak kami sa mga tingin nila. Nag-init na naman tuloy ang ulo ko nang maalala ang pagsapak na ginawa sa akin nitong isang lalaking nasa harapan ko.

Buong buhay ko, hindi pa ako nasapak sa mukha. Tapos ngayon . . . walang anu-ano niya lang binangasan ang pagmumukha ko.

Hindi ba siya aware na todo ang pag-aalaga ko sa mukha tapos babangasan niya lang? Sayang 'yong skin care routine ko!

"Guys," sabay kaming napatingin ni Paolo nang tawagin kami ni Julius. "Let me handle this. Ako nang bahala rito. Tutal ako naman ang may kasalanan at nadamay lang kayo."

"No, Julius, hindi ka namin pwedeng iwan dito," tugon ni Paolo.

"Right. Saka sa ayaw man o sa gusto mo, may ambag na kami sa gulong 'to," pagsingit ko naman.

"Tama na ang drama," ani Maris. "Let's settle this already para makauwi na tayong lahat. You know, my mom kept on texting me, for sure nag-aalala na 'yon sa akin."

Pagbanggit non ni Maris, napakuha agad ako sa cellphone ko. At halos mapanganga ako nang mapansing hanggang ngayon ay wala pa ring reply o text ang pinakamagaling kong boyfriend.

Mabuti naman at nakisama 'yong mga nakaaway namin. Napagdesiyunan na paghahatian na lang namin ang dapat bayaran sa mga nasirang gamit sa THP. Kinausap pa si Julius at 'yong lalaking nakasuntukan niya (dahil sa kanila nga nagsimula ang gulo) kaya nauna na kaming tatlo sa labas at doon na lang maghihintay. Nagpa-iwan kasi si Karen sa loob para alalayan si Julius.

Nang tuluyan na kaming makalabas, nagulat kami sa taong bumungad sa amin. Napahawak agad tuloy kami ni Paolo sa braso ni Maris para pakalmahin ito.

"Ang lakas din talaga ng loob mong magpakita pa rito," inis na sambit ni Maris.

"I'm not into you, guys. Hindi kayo ang dahilan kung bakit ako nandito," mataray na tugon ni Coreen.

"'Wag mo nang patulan," bulong ko kay Maris. "Hindi naman 'yan worth it."

"Chie was right, boss," pagsang-ayon din na bulong ni Paolo. "Saka kalalabas lang natin sa police station, ayaw ko namang pumasok ulit."

Napabuntonghininga na lang si Maris at napairap sa gawi ni Coreen. Kung ugali ko rin siguro ang mapagpatol, baka matagal ko na ring napatulan 'tong walang kwentang ex ni Julius.

"Hindi ko talaga alam kung anong nakita ni Julius sa babae na 'yan," Maris whispered. "Oo, given na maganda siya. Pero sa usapang pag-uugali? Bagsak, e."

Natatawang napailing na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Maybe they're right when they said that no one's perfect in this world. At 'yong sinasabi nilang walang ginawang perpekto ang Diyos? I'm absolutely agree with that. Living example na kasi non si Coreen.

"Kalma ka nga lang, boss. 'Yong puso—"

"Ako, Paolo, tigil-tigilan mo 'ko ah! May kasalanan ka pa sa akin," pagputol ni Maris sa sinasabi ni Paolo.

"O ano na namang nagawa ko, boss?" nagtatakang tanong nito.

"Ano na namang nagawa ko?" she mimicked his voice. "Sinong may sabing makipag-away kayo, ha?"

"Hala! Bakit ako lang pinapagalitan mo? E, si Julius kaya 'yong nagsimula. Saka si Chie 'yong may pinakamaraming nasuntok diyan, e," depensa niya.

Napailing na naman ako sa dalawang 'to. Hindi talaga pwedeng hindi sila mag-aaway o magtatalo sa isang araw, e. Hindi kumpleto ang araw nila kapag wala silang sagutan dalawa.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko para i-check kung may paramdam na ba ang boyfriend ko . . . and much to my dismay, wala pa rin. Pinindot ko na ang call button dahil unti-unti na naman akong naaasar.

And to my surprise, naka-turn off ang phone niya.

Ano na naman ba 'tong ganap ni Victor?

Habang abala ako sa pagtatadtad ng text messages kay Victor, napalingon naman ako sa may entrance ng police station dahil sabay na lumabas na sina Julius, Karen, 'yong isang lalaki, at si . . . Coreen.

Nanlaki ang mga mata ko nang wala man lang reaksyon sa mukha ni Julius na kasalukuyang nakakapit sa braso nung lalaki si Coreen.

"Julius!" I called him. Agad naman siyang napalingon sa gawi namin. "Ayos na ba ang lahat?" tanong ko paglapit nila.

Napatingin ako sa direksyon nila Coreen at dumiretso na sila sa naka-park na sasakyan sa malapit.

I heaved a sigh.

"Yeah . . ." mahinang tugon niya. "Guys, sorry ulit sa abalang 'to, ah. Hindi na mauulit."

"Ano ka ba, pareng Julius, wala 'yon, 'no! Through thick and thin kaya 'tong pagkakaibigan natin. 'Di ba guys?" masiglang sambit ni Paolo. "Saka ayos din kaya 'yong nangyari kanina. Matagal-tagal ko na rin kasing hindi nagagamit 'tong kamao ko, e," dugtong pa niya sabay suntok sa hangin.

Nabatukan tuloy siya ni Maris nang wala sa oras. "Puro ka talaga kalokohan."

"I have to go," pagsingit ni Karen. "Magkita-kita na lang tayo sa Monday."

"Karen . . ." Julius muttered.

"Julius, 'wag ngayon. I'm dead tired. Let's catch up on Monday, okay? Mauna na ko," tuloy-tuloy na sabi niya.

"Wait, Karen. Paano ka uuwi?" nag-aalalang tanong ko naman.

"I already booked a grab a while ago. Parating na rin 'yon mayamaya," she replied. "Mag-ingat kayo, ha. Mag-chat na lang sa GC."

Sabay-sabay na kaming tumango tatlo habang nanatiling tahimik si Julius na parang may gustong sabihin. I wonder what happened inside after we exit at naging gano'n na lang ang pakikitungo ni Karen kay Julius.

"Umuwi na rin tayong apat," pagbasag ni Paolo sa panandaliang katahimikang namayani sa aming apat pag-alis ni Karen. "Sabay-sabay na tayo."

"Um, mauna na lang kayo," sagot ko. "Magpapasundo na lang ako kay Victor."

"Ay wow, sana all," natatawang komento ni Maris. "E 'di ikaw na talaga ang mayabong ang love life."

Natawa na lang ako sa huling sinabi niya. Kung alam niya lang . . .

"Sige na, mag-ingat ka, ah. Mag-chat ka kapag nakauwi ka na," ani Paolo. "Mauna na kami dahil kailangan na naming pagpahingain 'tong si Julius."

Tumango na lang ako bilang tugon.

"Chie, sorry ulit, ah," muling sambit ni Julius.

"Julius, stop saying sorry, okay? You should take a rest for now," I said, patting his back.

"Sige, Chie, bye! See you on Monday," huling sabi ni Maris.

Hinintay ko munang mawala silang lahat sa paningin ko bago ko muling itinuon ang pansin ko sa cellphone at pagtatadtad ng text messages kay Victor.

"John Victor Cordova, where the fuck are you? Why are you not picking up your phone?!" I whispered as I typed the message. "Wala ka bang balak magparamdam ngayong araw? Wala ka bang balak kumustahin ang boyfriend mo?"

I almost hit the sent button when I got distracted by the beep of a car that suddenly stop in my front.

"Need a lift again?"

What. The. Actual. Fuck.

Bakit ba ang hilig sumulpot ng lalaking 'to kung nasaan ako?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top