Chapter 7

CHAPTER SEVEN

"I THINK I didn't make it," mahinang sambit ko habang inaalala ang exam kanina. "Halos wala akong nasagot sa Marketing 2!"

"Ako rin," pagdamay sa akin ni Paolo. "Wala sa ni-review ko 'yong lumabas sa exam sa Marketing 2. Feeling ko na-scam ako!"

Ngayon ang huling araw ng midterms exam at katatapos lang namin magsagot sa huling subject which is Marketing 2 (Professional Salesmanship). At heto nga, kabado ako sa magiging resulta dahil nga halos wala talaga akong masagot kanina. Pakiramdam ko nga puro hula lang ang nasagot ko roon, e.

"Ako naman sa Economics 2," pagsingit ni Maris. "Wala naman kasing tinuturo si Mrs. Marasigan doon, e."

"Madali lang naman 'yong Eco, ah," ani Julius. "'Di ba, Karen?"

Napatango-tango naman si Karen bilang pag-sang-ayon kay Julius.

"E, wala naman kasing mahirap sa inyong dalawa," komento ni Maris sabay irap.

Natawa na lang tuloy kaming apat. Sa aming lima kasi, si Julius at Karen talaga ang nag-e-excel pagdating sa acads. Dean's lister kaya 'yong dalawang 'yan since freshman. Kaya hindi na nakakapagtaka kung magiging candidate sila for latin honors sa darating na graduation next academic year.

"Babawi na lang talaga ako sa finals," nakangusong sambit ni Maris. "So ano? TPH na?" dugtong pa nito.

"Arat!" sagot ni Paolo.

"Sige lang," natatawang tugon naman ni Karen.

"G lang din ako," habol naman ni Julius. "Ikaw, Chie?" tanong nito sa akin.

"Huwag ka nang malungkot diyan," ani Paolo sabay akbay sa akin. Napansin niya ata na nakasimangot ako. "Bumawi ka na lang din sa finals."

Mas lalo tuloy akong napasimangot sa sinabi niya. 'Yong usapan kasi namin ni Victor ang unang pumasok sa isip ko kanina. Kapag bumagsak talaga ako roon . . . wala na, finish na.

"Ano, g ka ba o g?" tanong ni Maris.

"G! Kailangan kong iinom 'tong sama ng loob ko ngayon," natatawa kong sabi na siyang sinabayan din nila.

Pagkatapos kong sabihin 'yon, sabay-sabay na kaming naglakad palabas ng university at dumiretso sa may waiting shed para maghintay ng masasakyan.

Habang naghihintay, nilabas ko muna ang phone ko at nag-compose ng text message kay Victor. Alam niya naman na ang tungkol sa nakagawian naming 'to pero syempre kailangan ko pa ring magsabi para di siya mag-alala.

Love, tapos na exam namin. Papunta na kami sa TPH. Ikaw, kumusta exam?

After I clicked the sent button, binalik ko na ulit sa bulsa ang cellphone ko.

Ilang saglit lang, paghinto ng isang jeep sa harap namin, sumakay na kami agad. Napangisi pa kami dahil tatlo lang ang laman ng jeep. Ibig sabihin, malaya kaming makakapagkwentuhan nang hindi nagbubulungan. Sa may bandang dulo, malapit sa driver, kami pumwesto.

"Hoy, Julius, 'wag ka ngang mag-one, two, three diyan," seryosong sambit ni Paolo. Napatingin agad 'yong driver sa rearview mirror nito at tinapunan kami ng tingin.

"Oo nga. Maawa ka naman kay manong. Magbayad ka, uy!" pagsakay pa ni Maris sa kalokohan ni Paolo.

Nanlalaki ang mga mata ni Julius na nakatingin sa dalawa. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. Nagsimula na naman sila sa kalokohan nila.

"Bakit ako?" gulat na tanong ni Julius. "Kahit si Karen 'yong may balak mag-one, two, three kasi wala na siyang pera," nakangisi pa nitong dugtong.

Halos matawa na kaming lahat nang tignan ni Karen si Julius ng sobrang sama. "Huwag niyo kong dinadamay diyan, ah. Si Chie kaya talaga ang may plano ng gano'n."

Tuluyan na silang natawa lahat habang napanganga naman ako sa gulat. Magsasalita pa lang sana ako para depensahan ang sarili nang sumingit naman sa usapan namin 'yong driver.

"Mga kabataan nga talaga ngayon, oh. Kayo nga, kung wala kayong pambayad, 'wag na lang kayong mang-abala sa susunod."

Doon kami natahimik lahat. Pinanlakihan ko tuloy silang lahat ng mata bago inabot ang bayad naming lima sabay sabing, "Ito na po ang bayad namin. Nagbibiruan lang po kami. Pasensya na po."

Wala na tuloy nagsalita sa amin buong biyahe. Nang pagmasdan ko naman silang apat, pigil na pigil silang matawa. Itinuon ko na lang tuloy ang pansin ko sa labas dahil natatawa na rin ako sa mga hitsura nila.

***

"That was epic," ani Maris pagbaba namin ng jeep.

"Masyadong seryoso sa buhay si manong," komento pa ni Julius.

"Kaya siguro hindi na tinubuan ng buhok kasi ang sungit," dugtong pa ni Paolo.

Napailing na lang tuloy kami ni Karen. Sa aming lima talaga, kaming dalawa lang ni Karen ang matino.

"Teka, magwawalwal ba tayo ngayon? O chill lang?" pahabol na tanong ni Paolo bago kami tuluyang pumasok sa THP.

"Walwal syempre! Stressed kaya tayong lahat sa exam," natatawang tugon ni Maris. "Except sa dalawa diyan syempre," dugtong pa nito at tiningnan nang nakakaasar sila Julius at Karen.

Dumiretso na muna kami sa second floor para kumain. Isa pa 'to sa mga nakagawian na namin. Hindi kasi kami sanay na walang laman ang sikmura kapag magwawalwal.

Halos abutin kami ng dalawang oras bago matapos kumain. Bumaba na kami agad at dumiretso sa usual spot namin banda sa may dulo.

"Anong iinumin natin? Hard na ba agad?" tanong ni Julius habang tinitignan ang menu.

"Mag-smirnoff na muna tayo," suhestiyon naman ni Karen na siyang sinang-ayunan namin lahat.

"Ako na pipili sa pulutan," sabi ko naman sabay agaw ng menu.

"O sige, ikaw na rin magbayad, ah," ani Paolo.

"Lah. Wala akong pera, gago," natatawa kong sabi.

"Naku, Chie. Tama si Paolo, ikaw naman ngayon ang taya sa pulutan," pagsang-ayon ni Julius.

"Ay bet ko 'yan! Less gastos ako today," ngiting sambit ni Maris.

"Ay wow, pagkaisahan ba naman ako?" natatawa kong tugon.

Nagkibit-balikat lang silang tatlo habang bumulong naman sa akin si Karen. "Hati na lang tayo basta 'wag mong kakalimutan 'yong sizzling sisig, ah."

Tatlong bucket ng smirnoff ang in-order namin at iilang pulutan. Mayamaya na raw kami magha-hard drinks at chill lang muna dapat.

As usual, kung saan-saan na naman napunta ang kwentuhan. Halos tungkol sa school ang topic namin — mula sa mga pamatay at panira ng buhay na subjects, mga terror na prof, mga nakakabwisit na blockmates, mga crush namin sa iba't ibang department, at iilang mga kumakalat na isyu na wala naman talaga kaming paki.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin, naisipan kong silipin ang cellphone kung may reply na ba si Victor. Nang i-check ko kasi kanina, wala pa.

"Ano na naman bang nangyayari? Bakit wala pa rin siyang reply?" bulong ko sa sarili.

I was about to text him again when Karen whispered something in my ears. "Baka may ginagawa lang. Kalma ka nga lang diyan."

I heaved a sigh. Quarter to nine na kasi pero wala pa rin siyang paramdam hanggang ngayon. Wala naman kaming pasok sa trabaho dahil automatic na kapag major exam (midterms and finals) week namin, naka-leave kaming dalawa para makapag-focus sa pag-aaral.

"Don't think too much, Chie. Magte-text din 'yan mayamaya," Karen said and patted my shoulder.

Ibinalik ko na lang ang cellphone sa bulsa at muling nakisali sa usapan nila. VuQo Premium Vodka na ang iniinom namin kaya medyo tinatamaan na ako. Nakakaramdam na nga ako ng hilo, e.

"That's not still a reason. It's just her fucking excuse to hurt you!" Napalingon ako kay Maris na mukhang lasing na. Paano, nag-e-english na, e. "She's an evil witch."

"I still lover her tho," pagsasalita naman ni Julius.

"But she didn't love you anymore," she retorted. "Actually, there's a huge posibility that she didn't love you at all."

"Boss, hinay-hinay lang," pagpapakalma naman ni Paolo na nasa tabi nito.

"Anong pinag-uusapan nila?" bulong ko kay Karen na kasalukuyang nakapikit. Sa aming lima, mukhang si Julius at Maris pa lang ang tinatamaan.

"Coreen," she simply replied.

Muling bumalik ang atensyon ko sa tatlo.

"Hoy, Julius! Inuman lang, walang iyakan!" pang-aasar na sabi ni Paolo.

"Alam mo, Julius, dapat mag-move on ka na lang," mahina kong sambit at inabot ang balikat niya para tapikin ito.

"Move on? Tangina naman, Chie! Anong move on? May ideya ka ba sa nararamdaman ko ngayon?" tugon niya na siyang ikinagulat ko.

"Julius, watch your words! Si Chie kausap mo, hindi ibang tao," suway ni Karen.

"Ow . . . sorry, sorry," aniya sabay hilamos ng mukha.

"He's probably drunk," komento naman ni Maris.

"Coming from you, boss?" natatawang pagsingit ni Paolo.

"Shut up!"

"Itong mga kaibigan natin, ang lalakas magyayang magwalwal, 'di naman kaya," rinig kong bulong ni Karen habang pailing-iling.

I was about to say something when Julius excused himself. Pupunta lang daw siyang CR. At dahil mukhang lasing na nga siya, inilalayan na siya ni Paolo.

Kaming tatlo na lang ang naiwan. Si Maris, kasalukuyang nakikipag-usap sa hawak nitong shot glass habang nakayuko. Busy naman si Karen sa pagkain ng pang-apat na platong sizzling sisig niya.

"Natahimik ka, may problema ba?" tanong ni Karen.

"Juluis was right. Hindi ko na dapat sinabi 'yon. E, wala nga naman akong alam sa bagay na 'yon in the first place."

"Huwag mo nang intindihin 'yon. He's drunk and he didn't know what he's saying."

"But still—"

"Pero kung trip mo, makipaghiwalay ka kay Victor para may ideya ka na kung paano mag-move on."

"Sira!"

Napainom na lang ako at napapapak ng corn bits sa sinabi ni Karen.

"Uy, Maris! Ayos ka lang ba? Kumusta ang pakikipag-heart to heart talk diyan sa shot glass?" natatawang tanong ko sa kanya.

She glared at me and I laughed. And when she raised her middle finger, sabay na kami ni Karen na natawa. Hindi mababa ang tolerance ni Maris pagdating sa alak pero dahil kanina pa siya sunod-sunod na umiimom, tinamaan na tuloy siya.

"I want to dance!" she shouted. At bago pa namin siya mapigilan ni Karen, dali-dali na siyang nakipagsiksikan sa dance floor.

"Okay lang ba na iwan na muna kita rito? She needs a guidance," sabi ko kay Karen at natatawa lang siyang tumango bilang tugon.

Dumiretso na ako sa tinakbuhan ni Maris. Pasado alas-doce na rin pala kaya ang crowded na ng dance floor. Sa sobrang dami ng tao ngayon, hirap akong hanapin si Maris lalo na't hindi naman siya katangkaran. Nakatingkayad na ako para lang mahanap siya.

And when I finally found her, bigla naman akong may narinig na mga nabasag na bote. Paglingon ko sa pinanggalingan ng tunog, halos manlaki ang mga mata ko nang makita kong nakikipagsuntukan si Julius sa isang lalaki. Pinipigilan na siya ni Paolo pero hindi ito nagpapaawat.

Hindi ugali ni Julius ang makipag-away basta-basta kaya naman nakakapagtaka na may kasuntukan ito sa mga oras na 'to.

And when I saw a familiar face na tumutulong din sa pag-awat sa nangyayaring gulo, napagtanto ko na kung anong dahilan ni Julius.

"You fucking asshole! I will kill you!" mariing sigaw ni Julius habang patuloy sa pagpapaulan ng suntok.

"Julius, ano ba! I said stop it already!" sigaw din ni Coreen. "Baka masira mo ang mukha ni Michael!"

"Juluis, pare, tama na!" hirap na pagpigil ni Paolo sa kanang braso nito.

Paglapit ko, mas lalo lang lumaki ang gulo dahil sa biglaang sumuntok kay Paolo.

"Shit! Paolo! Julius!" sigaw ko at tuluyan nang lumapit sa gawi nila.

I'm not good at fighting pero kahit papaano naman alam ko kung paano ipagtanggol ang sarili. I learned to defend myself since I was in high school. At never ko pang nagamit ito sa tanang buhay ko. Well, maybe tonight is the perfect time to used it.

May akmang susuntok din sana sa akin nang agad ko itong naiwasan. Sinipa ko agad ang sikmura niya dahilan para mapaupo siya. Mabuti na lang at hindi rin nabubugbog 'yong dalawa. Patuloy lang din sila sa pakikipagsuntukan.

Habang patagal nang patagal, halos nasa amin na ang atensyon ng lahat. Nakapabilog na sila sa amin. Napansin ko ring may iilan na kumukuha ng video.

Oh, shit. Mukhang mava-viral pa kami nito, ah.

"Fuck!" sigaw ko nang maramdaman ko ang kamao nang kasuntukan ko na tumama sa panga ko.

Gaganti na sana ako at susuntok na rin nang may bigla namang sumulpot sa harap ko at siya ang sumuntok dito.

Pagharap sa akin nung lalaking biglang sumulpot, halos manlaki na naman ang mga mata ko.

"Ano na namang ginagawa mo rito?!"

"Saving your ass, I guess?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top