Chapter 45

CHAPTER FORTY-FIVE

I THINK Sunday will be my favorite day in a week from now on.

Bukod kasi sa wala akong ni isang klase, wala rin akong pasok sa shop. Hindi na kasi nagbago ang araw ng rest day ko dahil sumakto pa rin naman ang aking schedule ngayong sem. Kaya nga ang himbing ng tulog ko kagabi at alas-onse na ako gumising ngayon.

Isa lang naman kasi ang plano ko sa araw na 'to: magkulong dito sa condo upang makapagpahinga naman ako nang lubusan. Nitong mga nakaraang araw kasi, halos wala na akong matinong pahinga dahil sa pag-aaral at pagtatrabaho ko.

"Mabuti naman at gising ka na."

I stopped from thinking when I heard Eliseo's voice. He stood in the doorway, looking at me weary.

"Kanina ka pa diyan?" I asked and he quickly nodded. "Did you just stare at me for the whole time?" I suspiciously added.

"Let's say that I'm kinda admiring your morning face," pang-aasar na tugon niya. "Baliw na baliw na talaga siguro ako sayo."

Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi at nag-unat na lang ng katawan. Mabilis ko ring niligpit ang parte ng pinaghigaan ko. Maayos na kasi 'yong kay Eliseo dahil mukhang kanina pa nga siya nagising.

"Stop staring at me, Ely," matabang na sambit ko nang hindi niya pa rin inaalis ang mga tingin sa akin. "Alam ko namang patay na patay ka sa akin pero huwag mo nang masyadong ipahalata."

"Sana nga gano'n ka rin, e. 'Yong sa akin ka rin patay na patay, hindi sa iba."

The last thing I said was meant as a joke and he was supposed to laugh on that. Kaya bakit bumanat din siya?!

"May niluto ka na bang almusal?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Meron na po, kamahalan, at kayo na lang ang hinihintay ng mga pagkain."

Dali-dali ko siyang nilapitan at nilamutak ang mukha. "Ang baho mo," sabi ko bago patakbong dumiretso sa may kusina.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasandok nang magsalita naman siya. "Simba tayo, Chie."

Mabilis ko siyang pinasadahan ng tingin at mukha naman siyang seryoso. I creased my forehead as I wondered about what he suddenly said.

"Ngayon?"

"Yep! Today's Sunday and it's been a while since I went to church with someone."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, saka ko lang na-realize na hindi na nga rin pala ako nakakapagsimba. Hindi ko na nga matandaan kung kailan 'yong huling beses, e.

"Balak ko pa namang magpahinga lang ngayon," I whispered.

Lumapit naman siya sa gawi ko at pinagkrus ang mga braso habang hinihintay ang aking magiging sagot.

I heaved a sigh. "Sa simbahan lang tayo pupunta, ah. Uuwi rin ako agad at gusto ko talagang magpahinga ngayong araw."

Mabilis niya naman akong tinanguan habang nakangiti nang wagas.

"Bakit ganyan ka makangiti?"

He shook his head, slightly laughing. "May tanong lang ako, Chie."

"Ano?" mabilis kong tugon habang pinagpatuloy na ang aking pagsasandok ng pagkain. "Ay, teka — siguraduhin mong matinong tanong 'yan, ha. Susuntukin kita kapag kalokohan lang 'yan."

"Ang brutal mo."

"You kinda deserved that though. Loko-loko ka kasi."

"Loko-lokong sayo lang nagseryoso," he retorted then winked. Nang mapansin niyang napahigpit ang pagkakahawak ko sa tinidor dahil sa ginawa niyang pagkindat, mabilis naman siyang natawa. "Ito naman, hindi mabiro."

"Ano nga 'yong itatanong mo?"

"Wala ka bang naaalala ngayong araw?"

"Ano bang mayroon ngayong araw?"

"I'm the one who asked you, Chie."

Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka sinimangutan. Mabilis ko ring inalala kung ano ba 'yong tinutukoy niya. September 12 ngayon. Based on my not-so good memory, wala namang special occasion ngayon.

"November 1 pa naman birthday mo, 'di ba?" kunot-noo kong tanong habang seryosong iniisip kung ano bang mayroon sa araw na 'to.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa tanong ko na para bang hindi makapaniwala. "Did you know when is my birthday?"

"Huwag OA, Ely. Last month mo pa pinapaalala 'yang tungkol sa birthday mo," I answered, rolling my eyes.

"Tsk."

"Mayroon bang may birthday sa atin ngayon?" muli kong tanong. "Si Robi? Axcel?"

"Walang may birthday, Chie."

"E, anong mayroon ngayon?"

"You didn't remember?"

"Hindi bagay sayo magpa-yummy kaya sabihin mo na lang."

"I'm disappointed, Chie," he suddenly said. Bigla rin siyang napanguso at nagkunwaring malungkot. "Ako lang ata nakakaalala ng special occasion ngayon, e."

Mas lalo naman akong nag-concentrate dahil sa sinabi niya. Hindi ako magaling sa memorization pero pagdating sa mga special or important occasions, hindi ko ito basta-basta nakakalimutan.

"Pwede bang sabihin mo na lang sa akin?"

"Okay! But not now, Chie. Mamaya na lang," nakangisi niyang tugon. "Kumain ka na para makapagsimba na tayo. I'll take a shower first."

Tignan mo ang isang 'to. Para talagang sira.

***

"Niloloko mo lang ata ako, e," I told him as we went to the nearest mall after we attended the afternoon mass.

Kanina ko pa kasi siya pinipilit na sabihin sa akin kung ano bang mayroon ngayong araw pero puro na lang siya, "Mamaya na nga kasi, Chie. Kalma ka lang."

"I'm not," depensa niya. "Kapag nalaman mo na kung ano bang mayroon ngayon, baka magulat ka rin."

"Siguraduhin mo lang, ha. Dahil kung hindi, susuntukin na kita."

Inakbayan niya naman ako sabay tanong kung saan ko ba raw gustong kumain.

"How about Chinese restau?" he suggested. "Or Japanese cuisine kaya?"

"Parang gusto kong mag-pasta," sabi ko naman. "Pero mabigat kasi 'yon sa tiyan, e. Baka matae lang ako rito sa mall."

Tinawanan niya naman ako. "'Yon talaga iniisip mo, 'no?"

"Syempre! Mahirap kayang magpigil. Saka hindi ko pa nata-try tumae sa public places at wala akong balak."

"I love you, Chie, but our topic right now was a bit grossed."

I intently glared at him. "Ang arte mo."

"Anyway, final answer. Where do you want to eat?"

"I'm craving for some pasta talaga, e," I replied. "Anyway, libre mo ba 'to o KKB?"

"Kailan ba kita pinagbayad, Chie?"

"Yabang!"

"So saan nga?"

"Doon na lang sa Italian restaurant na nadaanan natin kanina sa second floor. 'Yong sa Rossini Ristorante Italiano."

At dahil nasa fourth floor kami, we took the escalator to go down on the second floor. Dumiretso kami agad doon sa restaurant.

"Sir, sorry but we're currently fully booked. Approximately ten minutes pa po," ani nung lalaking sumalubong sa amin bago pa kami tuluyang makapasok sa loob.

Tinignan naman ako ni Eliseo. "Ten minutes pa raw."

"Narinig ko."

He laughed. "I mean, are you willing to wait? O lipat na lang tayo sa iba?"

"Nandito na tayo, e. Saka ten minutes lang naman, okay na 'yon."

Muli niya namang kinausap 'yong lalaki. Habang nilibot ko naman ang paningin sa paligid ng mall at nang may makita akong malapit na CR, bigla kong naalala na kanina pa nga pala ako naiihi.

Kinalabit ko agad si Eliseo. "Dito ka lang, ha. Punta lang akong CR."

"Wait, wait, right now?"

"Hindi, Ely. Mamaya pa. Pipigilan ko 'tong ihi ko hanggang mamaya," I sarcastically answered. Hindi ko na rin hinintay pa ang sagot niya at mabilis na kong naglakad papunta roon sa CR.

Pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob, napahinto na ako agad dahil sa pagri-ring ng aking cellphone.

Maris calling...

"Ano na namang problema mo?" I asked as I answered her call.

"Akala ko ba magpapahinga ka ngayong araw? E, bakit magkasama na naman kayo ni Eliseo?"

"Ha?"

"We saw his IG story, Chie."

Nagulat naman ako nang marinig ang boses ni Paolo.

"IG story?"

"He posted a pic of you while kneeling."

"Boss babe, your words!"

"Bakit, nakaluhod naman talaga si Chie roon, ah?"

"Pero ayusin mo naman 'yong construction ng sentence. Mamaya anong nakaluhod isipin ni Chie, e."

"Hoy, kayong dalawa diyan! Ano bang pinagsasabi niyo?" pagsingit ko sa pagtatalo nila sa kabilang linya.

"Nag-post kasi 'yong pinsan ko, Chie, ng picture mo habang nakaluhod ka sa simbahan an hour ago sa IG story niya."

"Talaga? How could he manage to do that?" mahina kong tanong sa sarili. "So 'yon lang ang tinawag niyo sa akin?" dugtong na tanong ko naman.

"Ewan ko ba rito kay boss babe, Chie. Masyadong invested sa inyong dalawa ni Lee."

"Nawawalan ka na kasi ng time sa amin! Lagi na lang kayo ni Eliseo ang magkasama."

"Because we live in one roof, Maris. Roommates, remember? Saka 'wag ka ngang OA na para bang hindi tayo araw-araw na nagkikita."

"He has a point, boss babe."

"So sinong girlfriend mo rito, Paolo?"

Nang magsimula na naman silang magtalo na parang ewan, natawa na lang ako. "O siya, sa inyo ako didiretso mamaya. I love you both. Bye!" Then I ended the call.

Dahil sa pag-uusap naming 'yon, umatras na tuloy 'yong ihi ko. Kaya imbes na dumiretso sa CR, naglakad na lang ako pabalik sa restaurant.

Nasa loob na si Eliseo kaya pumasok na lang ako sa loob.

"You ordered already," I uttered as I sat on the chair in front of him.

"Ang tagal mo, e. And I know you're hungry already."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Thank you," I said as I began to eat.

***

"Today's marked our first anniversary, Chie," Eliseo suddenly uttered after we finished eating all the foods he ordered.

"First anniversary?" naguguluhang tanong ko habag nakakunot ang noo.

He nodded, smiling. "Ngayong araw 'yong eksaktong araw na nagkakilala tayo."

"'Yong hinarang mo ako sa bar?"

"Yeah . . ." he said then awkwardly laughed. "At hindi ko 'yon pinagsisisihan. Kasi kung hindi kita kinulit no'n, baka hindi natin kasama ang isa't isa ngayon."

"Isang taon na pala 'yon," hindi ko makapaniwalang sambit. "Tapos naaalala mo pa?"

"More on inalala, Chie."

"Ha?"

"Hindi ko lang naman 'yon naalala. Inalala ko talaga. Because it's special for me," he sincerely said. "Everything's about you is special for me."

Hindi ko na pinigilan ang sarili at napangiti na nang tuluyan. "Ang cheesy mo na naman."

Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Teka may mas ichi-cheesy pa ako," aniya at may kinuhang kung ano sa bulsa niya. At literal na nanlaki ang aking mga mata pagkakita ng isang rectangular box na inilapag niya sa table. "Hindi naman pwede na wala akong regalo sa first anniversary natin, 'di ba?"

"Ipu-push mo talaga 'yang first anniversary natin, 'no?" natatawa kong tanong at mabilis naman siyang tumango.

"Here," he said then took out the necklace out of its box. "I'm the one who chose that pendant."

Nang iabot niya sa akin 'yong kwintas, hindi ko mapigilang hindi mamangha sa disenyo nito. Half-sun, half-moon.

"What's the meaning of this?"

"There's a legend about the sun and the moon," panimula niya. "A legend tells that the sun and the moon were in love but that their love was impossible; Because when the moon rose, the sun was setting. Then God would have created the eclipse to show that no love is impossible. Like ours, Chie."

"Wow . . ."

***

Sa sobrang kilig na naramdaman ko kanina, hindi na ako nakapagpigil at dumiretso na talaga ako sa CR para umihi.

Pagkatapos, bumalik din ako agad pero wala naman na siya sa table namin. And when I asked the waiter, he said that Eliseo already went out; at nagbilin na lang daw ito na sa labas niya na lang ako hihintayin.

"Sige po, thank you."

Akala ko paghahanapin niya na naman ako pero nakita ko siya agad paglabas. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa aking gawi at parang may kausap.

Tatawagin ko na sana siya nang makita naman ang mukha nung kausap niya at halos ma-istatwa ako sa kinatatayuan dahil doon.

"Amanda?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top