Chapter 41

CHAPTER FORTY-ONE

I SERIOUSLY concentrated by what Eliseo and I doing. Bigla kasi akong naging competetive nang dahil sa mga kalokohan niya.

"I'm familiar with the melody, e," seryosong sambit ko. "Hindi ko lang matandaan 'yong title."

"Bakit naman kasi puro tagalog 'tong playlist na pinili mo?" reklamo naman niya habang seryosong pinapakinggan 'yong kanta.

Rest day ko kasi ngayon sa trabaho at imbes na gumala, nagdesisyon na lang akong mag-stay dito sa condo at magpahinga. Kaso itong napakagaling na si Eliseo, hindi naman ako tinantanan sa pagyayayang kumain sa labas. E, dahil tinatamad nga ako, hindi talaga ako pumayag.

Kaya naisipan niya na lang na magpa-deliver kami. Pero muli na naman siguro siyang sinapiaan ng kung ano at may naisip na namang kalokohan; na kung sino raw ang may pinakamaraming mahuhulaang kanta sa random playlist na nakuha namin sa Spotify ang siyang magbabayad ng pagkain.

Tapos hindi ko naman alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako sa kalokohan niyang 'yon.

"It's because the food is coming from Bon Chon, Chie!" sigaw ng isang bahagi nang aking isipan. Oh, right! Matagal-tagal na rin pala kasi nung huli akong nakakain ng pagkain sa Bon Chon at nag-crave agad ako kaya, ayon, napapayag na lang ako sa kalokohan niya nang wala sa oras.

That's why I end up being competitive. Nagtitipid kasi ako! Lalo na't next week na ang start of enrollment.

"Banda ba kumanta nito?" he wondered. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

"Ugh, suko na 'ko! Next song na," aniya sabay sabunot sa sariling buhok.

"Fuck! Next song na nga," pagsukong sambit ko sabay tingin ng cellphone.

"Anong title?" tanong naman niya.

"Pwede Ba by Lola Amour," sagot ko. "Ngayon ko lang pala 'yon napakinggan."

"Oh! I was right that it's band's song."

I press the shuffle play button then flipped the cellphone right away and put it back at the center table.

Inayos ko rin ang earphone na nakakabit sa aking kabilang tainga.

My god don’t look at your phone
No one’s gonna call you
Quit checking your volume (crush)
I don’t care if I'm forever alone
I’m not falling for you
'Cause this baby is loveproof (culture)

"Ayon, English!" Eliseo exclaimed.

"Oh, shit, shit, shit. I knew this song," I excitedly uttered. "It's Conan Gray's Crush Culture!"

Nagmamadali ko namang tinignan kung tama ang aking sagot at ngiting-ngiti ako nang tama nga. "Crush culture makes me wanna spill my guts out. I know what you’re doing, tryna get me to pursue ya; Crush culture makes me wanna spill my guts out. Spill my guts out, spill my guts out," pagsabay ko sa chorus ng kanta.

"Tsk. Kabisado mo naman ata 'yong mga kanta sa playlist, e," aniya.

"Hoy! Huwag kang mapagbintang diyan, ah. Ang daya nito por que't natatalo na," natatawa kong komento. "Eight - Five na ang score, ha."

"Okay. Ako naman magpe-play ng next song."

"E 'di, ikaw. Akala naman nito dinadaya ko siya."

He just laughed at me then press the shuffle play button. "Naninigurado —"

"Fix You by Coldplay," I cut him off as I heard Chris Martin's voice.

"What the fuck?" gulat na reaksyon niya.

I stuck my tongue out. "That's one of my favorite song, e."

"Ang daya!"

"Hoy, anong madaya roon? Kasalanan ko bang alam ko agad 'yong kanta?!"

Napatigil kami sa pagtatalo nang may biglang nag-doorbell. I threw him a questioning look when he suddenly stood up. "Did you order already?" I asked.

"Hindi pa," tugon niya naman. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.

Pagbukas niya ng pinto, 'yong mga kaibigan namin ang bumungad sa amin.

I creased my forehead. "O, anong ginagawa niyo rito?"

"OMG, Chie!" Maris gasped. "Naka-istorbo ba kami sa inyo?" she asked then stared at what we're wearing.

Napatingin din tuloy ako. I'm wearing an oversized shirt and a boxer shorts. Habang si Eliseo, as usual, he's only wearing his boxer shorts. Doon daw kasi siya kumportable kapag nasa bahay lang at dahil nasanay naman na ako, pinabayaan ko na lang. Immune na ata ako sa abs niya.

"Bakit ganyan ka makatingin — ay, puta!" I reacted as I realized what she's trying to imply. "Ang dumi talaga ng isip mo!" komento ko. "Hoy, Paolo! 'Yong girlfriend mo, o. Ang halay!"

At ang loko, tinawanan lang ako. Nakisabay na rin sina Karen, Julius, Axcel, at Robi sa pagtawa. Pati 'tong katabi ko, natawa na rin.

Ugh! Bakit ba ako nasama sa mga 'to?!

"Pero bakit nga kayo nandito? May lakad ba tayo?" tanong naman ni Eliseo.

"Wala naman," Robi answered. "Malapit na rin kasi 'yong pasukan kaya naisip namin na dapat sinusulit na natin ang bawat araw bago tayo maging busy ulit."

"Pass muna ako," pagsingit ko. "Gusto ko lang muna magpahinga rito, e."

"Ano ba 'yan," ani Karen. "Hindi na tayo nakukumpleto. 'Yong Pampanga trip na ang last."

"Ako rin. Next time na lang, guys," Eliseo said.

"Ayon. Gustong mag-solo," komento naman ni Maris.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Puro talaga kalokohan, e.

"Imbitado dapat kami sa kasal, ha!" pahabol na pang-aasar pa niya bago sila tuluyang umalis.

Napailing na lang ako at napaikot ng mga mata. "O, bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko kay Eliseo na kasalukuyang nakatingin sa akin ng nakakaloko.

Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit banda sa aking tainga. "Will you marry me?" bulong niya.

"Gago!" agad na sabi ko sabay sipa sa kanyang binti.

***

"Chie, sama ka?"

I quickly looked at Eliseo's direction. Kagagaling lang niya sa kusina dahil siya na ang nagprisintang maglapit ng pinagkainan namin.

"Saan?" I asked.

"Sa park," he answered. "Maglalakad-lakad lang."

"Katatapos lang natin kumain, 'di ba?" naguguluhang tanong ko. "Masama kaya 'yon! Saka anong trip mo?"

"Ang boring kasi rito sa condo, e."

"Sino ba kasing may sabing mag-stay ka rito? Sana kasi sumama ka na lang kila Maris."

"Hindi ka rin sumama, e."

"O, anong connect? Hawak ko ba mga paa mo?"

"Gusto nga kasi kitang makasama."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Tigil-tigilan mo 'ko sa mga ganyang banat, Eliseo, ha. Hindi nakakatuwa."

"Pero napapangiti ka," pang-aasar niya. "Aminin mo na kasing in love ka na rin sa akin, Chie."

"Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo!" At bago pa niya ako asarin ulit tungkol sa napag-usapan namin no'n sa Pampanga, tumayo na ako. "Magbibihis lang ako," nagmamadali kong sabi at dumiretso na sa kwarto.

Paano, tuwing dini-deny ko na nagkakagusto na rin ako sa kanya, panay naman siya paalala ng mga pinagsasabi ko no'ng nag-usap kami tungkol doon.

Ang galing din mam-blackmail, e.

***

"Imbes na nagpapahinga ako, e!" reklamo ko sa kanya nang literal na naglakad-lakad talaga kami sa may park malapit sa condo.

"Huwag ka ngang tamad, Chie," aniya. "Ang sarap kaya maglakad-lakad."

"Kaya pala palagi kang nakakotse," sarkastikong komento ko.

Natawa naman siya. "Alangan naman kasing lakarin ko mula condo hanggang school."

Sa totoo lang, miss ko na rin naman maglakad-lakad tulad nito. Hindi ko lang talaga trip ngayon at mas gugustuhin ko pang magpahinga.

Kung bakit ba kasi pinaglihi 'tong kasama ko sa kakulitan, e. Pati tuloy ako nadadamay.

"Uy, may cotton candy!" Nagulat ako nang biglang pasigaw na nagsalita si Eliseo sa aking tabi. "Tara, Chie," aniya sabay hila sa akin palapit doon sa nagtitinda ng cotton candy sa tabi.

"Kumakain ka pala niyan?" gulat na tanong ko habang nakapila kami. Hindi ko maiwasang mamangha dahil mukha talagang siyang excited na ewan parang bata.

"Oo naman," mabilis na sagot niya. "High school pa ata nung huling kain ko niyan. Wala na kasi akong nakikitang nagtitinda, e."

"Ilan po, mga sir?" tanong nung matandang nagtitinda ng cotton candy sa amin nang kami na ang sunod na bibili.

"Ikaw, gusto mo ba . . ." ani Eliseo nang balingan niya ako. Sasagot pa lang sana ako nang dali-dali naman siyang magsalita ulit. ". . . ako?"

Hindi ko na lang pinansin ang kakornihan niya at sinagot na lang si manong ng, "Isa lang po."

Agad naman nag-react si Eliseo sa tabi ko. "Bakit isa lang?"

"Hindi naman ako kumakain niyan."

He exaggeratedly looked at me after I said that. "For real?!"

"Ang OA mo," komento ko sabay siko sa kanya. "Manong isa lang po," pag-uulit ko sa nagtitinda. "O, bayaran mo na."

"Oh shit," aniya. "Wala pala akong dalang barya."

Mas lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin. "Eliseo naman . . ." hindi ko makapaniwalang sabi. "Hindi ko dala coin purse ko."

"Manong, may pangsukli po ba kayo sa limang-daan?" tanong niya sa matanda sabay labas ng five-hundred peso bill mula sa kanyang wallet.

"Ay, naku, sir. Wala po, e," tugon naman ng matanda.

Magsa-suggest na sana akong magpapalit na muna siya ng barya nang bigla namang may lumapit sa aming tatlong babaeng mukhang nasa high school pa base sa suot-suot nilang uniform.

"Kuya, pwede pong magpa-picture?" tanong nung isa kay Eliseo. "Kanina pa po kasi namin kayo tinitingnan ng kaibigan mo at ang pogi niyo po pareho," dagdag pa niya sabay tawa nang mahina.

Eliseo suddenly looked at me. "Bahala ka diyan," I mouthed.

At lalayo na sana ako sa kanila nang bigla rin akong lapitan nung isa nilang kasama. "Kuya, sa inyo rin po. Kahit isang picture lang. Mukha po kasi kayong mga artista, e."

"Ay," naiilang na pag-react ko sabay kamot sa likurang parte ng ulo. Pagtingin ko sa gawi nung mokong, tinawanan niya lang ako. "S-Sige, okay lang naman."

"Wait lang," pagsingit naman ni Eliseo. "Kapag pumayag kaming magpa-picture, lilibre niyo kami ng cotton candy?" aniya sabay turo sa tinda ni manong.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Ano bang naiisip niya? Nakakahiya!

"'Yon lang po ba? Sige po! Sige po!" halos sabay-sabay nilang sabi.

"Okay, deal!" ani Eliseo.

After that three-minute long of picture taking, nagpasalamat naman sila agad; at gano'n din kami. Pero bago pa sila tuluyang umalis, may tinanong pa ang isa sa kanila. "May mga girlfriend po ba kayo?"

"Wala, e," mabilis na sagot ni Eliseo.

"Hala! Pwede po bang mag-apply?" tanong naman nung isa.

"Hindi pwede, e. May magagalit," patuloy na pagsagot ni Eliseo.

Hinayaan ko na lang siya na makipag-usap sa kanila. Ako na talaga ang nahihiya para sa kanya. Kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi niya, e.

"Ay, may nililigawan na pala si kuya," sabi naman nung isa. "Ang swerte naman ni ate girl."

"But it wasn't a girl," he interrupted. "Ito 'yong magagalit, o," he added, holding my left hand out of the sudden then intertwined it using his right hand.

Gusto ko na lang talaga magpakain sa lupa sa mga oras na 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top