Chapter 40

CHAPTER FORTY

I WAS busy listening to Taylor Swift's Daylight when my cellphone suddenly vibrated. It was a text message from Karen, asking about the result.

I typed a reply.

Nakapila pa 'ko. Kinakabahan na nga ako, e.

As I hit the sent button, muli ko na namang naramdaman ang kaba. Ngayong araw kasi ang kuhaan ng grade slip; at ngayon ko rin malalaman, kung magiging regular student na ba ako ulit next academic year o hindi.

Kaninang 9 AM pa ko nakapila at mag-a-alas-onse na ng umaga, nandito pa rin ako. Sana pala mas inagahan ko pa ang pagpunta.

"Richie Enrile!"

Dali-dali akong napalingon sa tumawag sa aking buong pangalan. And when I saw Robi walking towards me, nagbuntonghininga na lang ako. Ano na namang problema ng isang 'to?

"How many times did I tell you that never called me in my full name?" inis na bungad ko nang tuluyan na siyang makalapit sa aking gawi. "Isa pang tawag sa akin, susuntukin na talaga kita."

He just laughed at my remark. "Bakit ba? Cute naman ng pangalan mo, ah."

"Cute my ass, Robi," I dryly uttered. "Ano pa lang ginagawa mo rito? Next week pa enrollment, ah."

"Napag-utusan lang ako."

"Ha? Anong napag-utusan?"

"Pagkatapos mo raw kumuha ng grade slip, diretso ka raw sa parking lot."

"Bakit? At sinong may sabi?"

"Sino pa ba? E 'di 'yong boyfriend mo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ko pa nga siya boyfriend!"

"Sus, do'n rin 'yon papunta, e. Pustahan pa," he said, grinning.

"Ewan ko sayo," I said, slightly shaking my head. "Nga pala, akala ko ba may lakad 'yon si Eliseo? Anong ginagawa niya rito?"

He shrugged. "Hindi ko alam. Napag-utusan nga lang ako," he answered. "Sige na, may gagawin pa ko. Enjoy sa date niyo."

Babatukan ko na sana siya dahil sa kanyang walang katapusang pang-aasar  pero dali-dali rin siyang tumakbo palayo sa akin.

"Bwisit ka," I mouthed.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, I took out my cellphone and typed a message to Eliseo.

Nasa parking lot ka raw?

Wala pang isang minuto, nag-reply na agad siya.

Yep! Will wait for you here.

May lakad tayo? Bakit hindi ako inform?

Surprise, Chie. Lol 😆

Baka matagalan ako. Ang haba talaga ng pila, e.

That's alright. Sanay naman akong maghintay sayo 😊

Pagkatapos non, natawa na lang ako at hindi na nag-reply. Umusad na rin kasi ang pila.

Hindi ko rin tuloy mapigilang hindi mapangiti. Mahigit isang buwan na kasi ang nakalilipas simula nang maging ayos kami ni Eliseo. Napag-usapan na rin naman ang mga bagay-bagay na dapat pag-usapan. We both decided to take our time; na 'wag kami masyadong magmadali. Basta ang sigurado sa ngayon, we're happy together.

"Next!"

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang paulit-ulit na pagsigaw ng 'next'. Sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod.

"Name and course?" tanong nung nasa front desk.

"Enrile, Richie. BSBA Major in Marketing Management," kinakabahang sagot ko naman. Habang hinahanap niya 'yong aking class card, tahimik naman akong nagdadasal na sana wala akong bagsak.

"Found it," aniya sabay ngiti sa aking direksyon. "Congrats, you passed all the subjects."

***

"Bakit hindi ka raw nagsi-seen sa GC?" tanong ni Eliseo sa akin sa kalagitnaan ng aming biyahe.

"Huwag ka ngang mag-phone! Mamaya mabangga tayo, e," suway ko sa kanya. "At mamaya na ko mag-o-online. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na naka-survive ako."

"You deserved it, Chie," he sincerely said.

I smiled at him. "Thank you." Muli kong tinitigan ang aking class card. Akala ko talaga hindi ako makakapasa. Akala ko hindi na ako makaka-gradute on time. Akala ko mapag-iiwanan na ako ng aking mga kaibigan. "Nga pala, Ely, saan ba tayo pupunta?"

"I want you to meet my parents," he casually replied.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. "Teka . . . Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya.

Mahina naman siyang natawa sabay sabing, "Gusto ka na kasi ma-meet ni Mom and I also want you to meet my Dad."

Napamura naman ako nang mahina. Seryoso ba siya? Bakit parang biglaan? Hindi man lang ako nakapaghanda!

"O, 'wag kang kabahan diyan. Mababait ang mga 'yon, they'll surely like you," he said in assurance.

Nahigit ko naman ang aking hininga. Hindi ko alam kung ano ba ang aking dapat na maramdaman. Sa totoo lang, wala naman akong problema sa Mom niya. Kasi base sa mga kwento niya sa akin, mukha naman itong mabait. Ang problema ko talaga ngayon ay 'yong Dad niya. Hindi kasi masyadong nababanggit sa akin ni Eliseo ang tungkol sa tatay niya.

"Wait . . ." pagsasalita ko nang mapansin na pamilyar na ang daang tinatahak namin. "Saan ba talaga tayo pupunta, Ely? Bakit . . . Bakit parang papunta 'to sa sementeryo?" naguguluhang tanong ko.

I noticed it right away because this is the exact way going to the cemetery where my parents buried.

"Let's meet my Dad first, Chie," he answered, smiling at me.

"You mean . . ."

***

Hindi ko inaasahan ang bagay na 'yon. All along, akala ko kumpleto pa ang pamilya ni Eliseo. Hindi niya naman kasi nasabi sa akin na sumakabilang buhay na pala ang kanyang ama. Kaya laking gulat ko talaga nang bisitahin namin ang puntod nito. At dahil nandoon na rin kami kanina, binisita na rin naman ang mga magulang ko. I also introduced him to them. Hinayaan ko rin siyang kausapin ang mga ito saglit.

"You know what, Chie, if my Dad was still alive right now, he'll surely like you," pagpapatuloy niya sa kanyang kwento. "Mahilig kasi 'yon sa mga mababait dahil buong akala niya, puro bad influence ang mga kaibigan ko sa akin. Kaya nga sila Robi at Axcel lang ang naipakilala kong kaibigan sa kanya na nagustuhan niya talaga, e."

"E, bad influence din kaya ang dalawang 'yon," natatawang komento ko naman. "Sa totoo lang, pare-pareho naman kayong tatlo."

"Sira," natatawa niyang sambit. "Kahit naman mukhang bad influence ang dalawang 'yon, they're really good friends to me. Actually, I treated them as my brothers lalo na't nag-iisang anak lang naman ako."

"Alam ko. I was only kidding you," I uttered. "Sa sandaling nakasama ko ang dalawang 'yon, napansin ko talagang may times na mabait sila," seryosong sabi ko. "Mas lamang nga lang ang pagiging loko-loko," I added.

Kung anu-ano pang pinag-usapan namin habang na-stuck kami sa traffic papunta sa bahay nila. Matapos ko kasing makilala ang tatay niya, medyo nabawasan na ang kaba ko ngayong papunta naman kami sa kanila para i-meet 'yong mommy niya.

"Hey . . ." Nagulat ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Eliseo sa aking kaliwang kamay. "Ayos ka lang?"

"Sa daan ang tingin, Ely," suway ko na naman sa kanya. Iba kasi talaga ang trauma na naibigay sa akin ng nangyaring aksidente sa mga magulang ko. "And yep, ayos lang ako. Medyo kinakabahan lang."

Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko. "I told you, relax ka lang. Palagi naman kitang kinukwento kay Mom kaya medyo kilala ka na non.

"Kaya nga mas lalo lang nakakakaba, e," sagot ko naman.

"Ha? Bakit?" naguguluhan niyang tanong.

"Kasi baka mamaya kung anu-ano pala mga pinagsasabi mo tungkol sa akin," I jokingly replied. "Mamaya, sirang-sira na pala image ko sa mommy mo."

"You'll be surpise when you finally met her," he said instead. "Pakiramdam ko nga, nasobrahan 'yong mga papuring sinasabi ko sa kanya tungkol sayo, e. Halatang in love na in love ata ako."

"Ewan ko sayo," I mumbled and we both laughed after.

***

"Just call me Tita Elena, Chie," nakangiting sabi sa akin ng mommy ni Eliseo pagkatapos kong magmano at humalik sa kanyang pisngi.

"Grabe . . . kamukhang-kamukha niyo po pala si Ely," I commented, still in awed by how beautiful she is despite of her age. Ayon kasi kay Eliseo, 53 na ito. Pero sa nakikita ko ngayon, para lang siyang nasa mid 30's.

"Talaga?" hindi nito makapaniwalang tugon. "Bakit ang sabi naman nila, ang daddy niya ang kanyang kamukha at hindi ako?"

I quickly shook my head. "Hindi po 'yon totoo. Muntikan ko na nga pong mapagkamalang ampon si Ely pagkakita ko ng hitsura ni Mr. Sergio kanina, e. Hindi niya po kasi kamukha. Mas gwapo po ang daddy niya kaysa sa kanya."

Bigla namang napakunot ang noo ni Tita Elena. "You already met my husband?" Dahan-dahan naman akong napatango bilang tugon. "Paano? Kailan?"

I looked at Eliseo and asked for his help.

"Ah, mom, I forgot to tell you na sinama ko pala si Chie sa pagbisita kay Dad kanina."

"Why didn't you tell me?"

Nagulat naman ako bigla. Teka . . . hindi ba pwedeng bisitahin ang puntod ng kanyang yumaong asawa?

"Biglaan lang naman kasi 'yon, Mom. I just want him to meet Dad."

"Kahit na. Sana sinabihan mo pa rin ako," aniya sabay baling sa akin. Kinabahan naman ako nang magtama ang aming mga mata. "E 'di kumpleto sana tayong bumisita sa papa mo," dugtong niya na siyang mas lalong ikinagulat ko.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Akala ko magagalit siya o ano, e.

"Don't worry, Mom, we can always visit Dad naman anytime you want," ani Eliseo.

"Pero mas maganda kung kasama rin si Chie," nakangiti niya namang sambit sabay kindat sa gawi ko. "Para naman makwento ko kay Sergio kung gaano niya napapasaya ang unico hijo namin."

"Mom!"

Dahil sa sinabing 'yon ni Tita Elena, hindi ko na maitago ang ngiting kanina pa gustong kumawala sa aking mga labi.

"What?"

"Binubuking mo naman ako kay Chie, e."

"Bakit, hindi niya ba alam kung gaano ka patay na patay sa kanya?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya na 'yon kay Eliseo. "You didn't know, Chie?" bigla namang tanong niya sa akin.

"P-Po?"

"You know, my son —" Hindi na natapos ni Tita Elena ang gusto niyang sabihin dahil bigla na lang siyang dahan-dahang tinulak ni Eliseo papalayo sa akin.

Natawa at napailing na lang ako sa munting pagtatalo nilang dalawa. Pero hindi ko rin maiwasang hindi malungkot. I suddenly missed my parents. I hope they're still here. Siguro, mas masaya ako kung sakaling buhay pa rin sila hanggang ngayon.

***

Dahil sa kakulitan ni Tita Elena, doon na kami kumain ni Eliseo ng dinner sa kanila. It's my first time to visit their house, kaya dapat lang daw na matikman ko ang mga luto niya. Manghang-mangha nga ako habang nagluluto siya kanina, e. Kahit na kasi may mga taga-luto talaga sila, siya pa rin talaga ang nagluto ng dinner namin.

"I told you, my mom likes you," pagsasalita ni Eliseo. "Parang mas ikaw pa nga ata ang anak niya kaysa sa akin kanina, e."

Nandito na kami ngayon sa condo at kasalukuyan kaming nasa sala dahil hindi pa naman kami inaantok dalawa.

"Ang unexpexted nga ng mga nangyari kanina, e," I told him. "Hindi ko inaasahan na gano'n pala kakulit si Tita. May ideya na ako kung saan ka nagmana."

He chuckled. "Kaya magpasalamat ka dapat sa kakulitan ko."

"At bakit naman?"

"Kasi kung hindi dahil sa kakulitan ko, wala tayo ngayon dito. Wala ka sa tabi ko, wala ako sa tabi mo. Baka nga hanggang ngayon, inis na inis ka pa rin sa akin, e," he explained. "That's why I'm thankful that I inherit that characteristic from my mom," he added then winked at my direction.

I shook my head out of amusement. Kahit kailan talaga ang daming nasasabi ng lalaking 'to. Parang hindi nauubusan ng banat, e.

"Thank you," nakangiting sambit ko. "Thank you because you didn't get tired annoying or bothering me."

"Grabe ka naman sa annoying at bothering!" he reacted.

"Seryoso kasi!" suway ko sa kanya. "Salamat kasi hindi ka napagod at nandito ka pa rin sa tabi ko."

When he showed that smile to me again, I automatically made a curve on my lips. At some point, nakakahawa rin kasi ang ngiting 'yon ni Eliseo. Actually, it made me smile more.

"Pero wala naman ako sa tabi mo ngayon," pagbasag niya sa panandaliang katahimikang bumalot sa amin. "Nasa tapat mo ako, Chie."

I seriously glared at him. "Gago ka talagang pilosopo ka!" inis na sabi ko sabay bato ng throw pillow na nahawakan ko.

Hindi pa ko nakuntento at pinagbabato na sa kanyang gawi ang lahat ng unan na malapit sa akin. Patuloy pa rin kasi siya sa kanyang pagtawa na parang tanga.

"Ang gago mo talagang bwisit ka!" I hissed.

"Mahal ka naman ng gagong 'to," he retorted. And that made me stop.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top