Chapter 39 (Part I)

A/N: I know that It's been a while (wala pa naman atang one week, 'no? LOL) since I update this story (and put an "author's note" also) and I just want to say sorry for that. Naging busy lang ako IRL tapos may mga inaasikaso rin akong personal stuff.

Sa mga matiyagang naghihintay ng update dito (especially the silent readers hehe), maraming salamat! Kayo ang isa sa mga dahilan kaya nagkakaroon pa rin ako ng will na tapusin 'to agad like what I planned in the first place. Gano'n pa rin naman 'yong plano ko for this story: finish it before September ends (tapos there's a possibility na baka umabot 'to ng 60 chapters kasi marami-rami pa pala akong eksena na hindi nailalagay na kailangan mailagay para mas mapaganda pa ang flow ng kuwento at mabigyan ng justice ang lahat.)

Ayon, gusto ko lang ipaalam na hinati ko into two parts itong 39th chapter a.k.a Paolo's birthday celebration (naks, dalawang chapter talaga) a.k.a their first barkada out-of-town bonding with Axcel, Robi, & Eliseo kasi meydo mahaba at maraming mga . . . words (sorry, medyo exposed lang sa mga latest memes hahaha lmao.) Pero syempre mas maraming exposure ang dalawa (Chie and Ely hahaha) like duh, may tampuhan, e. Chour!

P.S. Will post the second-half right after I posted this one or tomorrow (if I haven't finish writing it) so stay tuned!

Thank you!

Enjoy reading!

***

CHAPTER THIRTY-NINE
Part One

I DIDN'T expect Eliseo can neglect me for real. I mean, oo at nagawa niya na nga sa akin 'yon dati pero ako naman mismo ang nagsabing layuan niya ako no'n. Pero ngayon . . . hindi talaga ako makapaniwala.

Halos hindi nga ako makatulog kagabi sa kaiisip na magkatabi lang kami pero hindi niya pa rin ako magawang kausapin. Ayaw ko namang ipilit ang sarili sa kanya dahil baka mas lalo lang siyang mainis sa kakulitan ko at hindi niya na talaga ako kausapin kahit kailan.

I sighed.

After my prof in Marketing 7 (Product Management) dismissed our class, I went out immediately. Pero bago pa 'ko tuluyang makalabas, naka-recieve na muna ako ng text message from Maris.

"Mamayang 5 PM, ha! Sa may park. Walang mang-i-indian. Yari ka kay Paolo," as I read her text in my mind.

Napailing na lang ako bago nag-compose ng reply.

To: Maris
Huwag ka ngang paranoid diyan 🙄😂

Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone at nagpatuloy na sa paglalakad. Dahil bakasyon na nga ng mga regular students, iilan na lang ang nagkakalat na estudyante rito sa school.

"Sana talaga maipasa ko ang finals examination," bulong ko nang ma-realize na 'yon na lang talaga ang tanging paraan para maging regular student ako ulit at on-time maka-graduate.

I mentally shouted when I also realized that I have so many problems to deal with right now.

I took out my cellphone again. "Sana sagutin niya . . . Sana sagutin niya . . ." kinakabahang bulong ko after I dialed his number.

"Chie?"

Napaayos ako ng tayo pagkarinig ng kanyang boses. "E-Ely?"

"Um, yeah? What's up? Bakit ka napatawag?"

I heaved a sigh. "Ang cold naman niyang makipag-usap," the side of my mind commented.

"At least, he answered your call even though you're expecting that he'll just ignore you," the other side uttered.

Muli lang akong nagbuntonghininga dahil sa pagtatalo ng dalawang bahagi ng aking isipan.

"C-Chie? Are you still there?"

"A-Ah, y-yeah . . . sorry. Hindi ko lang kasi inaasahan na sasagutin mo 'yong tawag."

"May problema ba?"

"W-Wala naman —"

"Then why did you call?"

Napapikit ako sa tanong niyang 'yon. Hindi rin ako agad nakasagot.

"If it's not an emergency, Chie, don't call me again like this, okay?" he said on the other line. "I'm busy so I need to hang up. Bye."

"Wait —" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil pinutol niya na nga agad ang tawag.

Ouch.

***

"Hindi mo pa rin ba ma-contact 'yang pinsan mo?" rinig kong tanong ni Maris kay Paolo.

It's already 6:23 PM and Eliseo's still not showing up himself. Alas-cinco ang call time pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

"Sasama pa ba 'yon o ano? Sayang kasi sa oras," ani Karen.

"We talked earlier, sasama raw siya," sagot naman ni Axcel. "Baka may inaasikaso lang. Hindi ko rin siya ma-contact, e."

"Kalma lang, guys. Hindi na lang natin until seven o'clock," pagsingit ni Robi.

I heaved a sigh before I went inside to the van. Nag-compose na rin ako ng text message sa kanya: Ely, saan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay, e. Okay ka lang ba?

And after I hit the sent button, nakarinig na lang ako ng ingay sa labas. Nang maibaba ko ang bintana ng sasakyan, agad kong nasilayan si Eliseo na kinukuyog na nila.

Napangiti naman ako kahit papaano. Akala ko hindi na siya sasama, e.

"O, tara na! At kanina pa sira ang itinerary natin," Paolo uttered then walked toward the van.

Eight-seater 'tong van na gagamitin naming sasakyan papunta roon sa beach resort sa Pampanga. Si Paolo at Julius ang nasa harapan dahil sila ang magpapalitan sa pagda-drive; habang nasa sunod na upuan naman kaming tatlo nila Maris at Karen; tapos nasa likuran namin sila Eliseo, Robi at Axcel.

"Uy!" Napatingin ako sa gilid nang kalabitin ako ni Karen. "Did you guys talk?" she whispered.

"Ha?"

"Kayo ni Eliseo. Nakapag-usap na ba kayo?"

Marahan akong napailing bilang tugon.

"Um, Robi!" Karen suddenly called him. "Pwedeng palit muna kayo ng upuan ni Chie? May sasabihin lang ako sayo."

"Sa akin?" naguguluhang tanong naman ni Robi.

Pagtingin ko kay Karen, pinanlakihan niya ito ng mga mata. Napailing na lang ako sa kalokohan niya.

"Karen, 'wag na —" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla na lang pumayag si Robi at dali-daling bumaba. Tapos tinulak din ako ni Karen palabas.

"Wait, wait, wait. What's happening guys?" ani Maris. "Bakit nagpapalitan ng upuan? Hoy — pansinin niyo ako!"

After that little chaos we made, kumalma na rin ang lahat.

Bale ang bagong sitting arrangement namin ay: si Paolo ang nasa driver's seat habang katabi naman nito si Maris; nasa pangalawang upuan sina Julius, Karen, at Axcel; tapos pinagitnaan naman ako ni Robi at Eliseo.

We stayed silent for almost five minutes before Paolo started the engine and shouted, "Let's enjoy this trip, guys!"

Dahil si Maris na ang katabi ni Paolo sa harapan, siya ang nag-decide ng ipapatugtog na kanta. Mabuti na lang medyo parehas kami ng taste pagdating sa music kaya walang problema.

Sapat na sa 'kin ang ganito
Ang pagmasdan ka sa malayo
Kapag kinausap
Walang masagot
Hininga'y lagot

"He haven't talk to you 'til now, 'no?" bulong sa akin ni Robi. I just stared at him and heaved a sigh afterwards. "This is your chance. Kausapin mo na."

"Saka na. He's still mad at me," I replied.

"Ako nga, Chie, tapatin mo. Lalaki sa lalaki," aniya na siyang ikinatawa ko naman. Siraulo talaga, e. "Ano ba talagang pinag-awayan niyo? Kasi kinausap ko rin siya — namin ni Axcel — pero ayaw naman magsalita."

I simply stared at him by my peripheral vision. Kasalukuyan siyang nakatingin sa labas at nanatiling tahimik.

Muli kong binalingan si Robi. "Complicated, e," I just answered instead. Pakiramdam ko kasi walang magandang maidudulot kung malalaman pa nila kung ano ba talaga nangyari sa amin.

Isa pa, hindi ako sigurado kung alam na ba nila Robi at Axcel na may gusto sa akin ang kaibigan nila. I don't even know if they both know about Eliseo's sexuality. Kaya para walang gulo at iwas komplikasyon na rin, hindi ko na lang sasabihin sa kanila.

"Kahit gaano pa 'yan ka-complicated, ayusin niyo na dapat 'yan," ani Robi. "I know him, Chie. Hangga't kaya ka niyang tiisin, hindi ka talaga niya papansinin. So better make a move if you want to save the both of you from what bad might happen in the future."

I stared at him again. Bakit ba kasi umabot pa tayo sa gan'to, Ely?

Hindi ko yata tanggap ang buhay
Kung sa'n 'di ko mahawakan ang iyong kamay
Handa akong harapin ka, walang katiyakan
Kahit na takot sa maaaring kasagutan

Napapikit na lang ako. Pero wala pang limang segundo, naramdaman kong pilit akong sinisiksik ni Robi sa gawi ni Eliseo. Agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata. "Tumigil ka nga," I mouted.

"Just talk to him now," he answered back.

Paglingon ko kay Eliseo, seryoso na siyang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo.

I was about to call his name when he suddenly move a little away from me then closed his eyes. Naglagay na rin siya ng eye mask.

Napakagat na lang ako sa ibabang parte ng aking labi.

I'm starting to get annoyed to him. Hindi na nakakatuwa ang pag-iwas na ginagawa niya. Hindi na talaga . . .

***

After the six-hour trip (na dapat ay apat na oras lang pero dahil sa napakarami naming stop over, naging anim na oras na), nakarating na rin kami sa isang ancestral house na tutuluyan namin dito sa beach resort nila Paolo.

"Time check: 1:13 AM," Paolo uttered. "Pahinga na muna tayo at mamaya na lang ulit. Saka na rin natin ayusin 'yong mga gamit. Wala namang mangingialam niyan sa sala."

"So may room assignment na ba?" Karen asked. "Pwede magkakasama na lang kami nila Chie at Maris?"

"Nope," mabilis na tugon ni Paolo. "Dahil apat naman ang kwarto rito, by twos tayo."

"Kami na ni Paolo ang magkasama," ani Julius. "Tapos kayo na lang ni Maris, Karen, sa isang kwarto," dagdag pa niya.

"Okay. Tapos si Axcel at Robi; and si Eliseo at Chie. Perfect!" na-e-excite na sambit ni Maris.

"Pwede, pwede," nakangising pagsang-ayon naman ni Robi.

"Palit na lang tayo, Robs. Si Axcel na lang kasama ko sa kwarto," biglang pagsingit ni Eliseo sa usapan. "Sige, una na 'ko. Night, guys." Then he started to walk upstairs.

Sabay-sabay naman nila akong tinitigan nang tuluyan ng makapasok si Eliseo sa kwarto niya. I stared back before I glance at the direction he headed.

"Chie . . ."

"I need to talk him," inis na sabi ko. Sumosobra na talaga siya! "Kung ayaw niya kong kausapin, pwes, ako, gusto ko!" huli kong sabi bago naglakad papunta sa kwartong pinasukan niya.

"Chie, sandli lang!"

"Wait, Chie!"

Sabay-sabay nilang sabi pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa pag-akyat. Pagkarating ko sa tapat ng pintuan, agad ko itong binuksan. Mabuti na lang hindi niya naisipang isara ang pinto kaya madali lang akong nakapasok. Pero agad din akong napahinto nang makitang nakahubad na naman siya at tanging boxer shorts na lang ang kanyang suot-suot. Likuran niya ang nakaharap sa gawi ko kaya hindi niya ako napansin agad.

Bakit ba lagi ko na lang natiyempo-tiyempuhan na wala siyang suot pang-itaas?!

"Chie? What are you doing here?" gulat na tanong niya nang makita niya na ako. "'Di ba sabi ko —"

"Let's talk," I cut him off. Sa mga mata niya lang ako nakatingin dahil hindi ako makapag-focus kung bababa pa ang tingin ko mula roon.

"Chie, I'm tired," he coldy uttered. "Can we talk tomorrow or later?"

"No," I quickly answered. "Every time I tried talking to you, you were always tired, Ely. At hindi ako aalis ngayon hangga't hindi tayo nakakapag-usap."

"Pero pagod nga ko sa biyahe —"

"Stop that bullshit, Eliseo!" inis na sigaw ko. "Paanong pagod, e buong biyahe ka ngang natulog para lang hindi ako makausap, 'di ba?"

Hindi siya nakapagsalita at nanatili lang siyang nakatitig sa akin.

"Ano bang problema? Bakit kailangan mong umiwas? Bakit ayaw mo akong kausapin? Ano ba nangyayari sa atin?" sunod-sunod na tanong ko.

He kept silent. At base sa aking kalkulasyon, mukhang wala talaga siyang balak na magsalita.

"Alam mo, Ely, ang labo mo, e," I disappointedly said. "Sabi mo, nandito ka lang para sa akin and you won't leave by my side. You're such a liar," huli kong sabi bago siya tinalikuran at tuluyang lumabas.

Naabutan ko pa silang lahat paglabas ko at dali-dali silang umayos ng tayo, nagpanggap na parang hindi nakikinig sa naging usapan namin (na ako lang naman ang nagsalita.)

"Ang gago ng kaibigan niyo," sabi ko kay Robi at Axcel bago dumiretso sa kabilang kwarto.

***

Because of what happened, I can't sleep that's why I decided to stay at the veranda for a while.

"Wanna drink?"

Napatingin ako sa nagsalita at agad kumunot ang aking noo. "What are you doing here?" tanong ko kay Axcel. "Akala ko ba, ikaw ang gustong kasama non?"

"But it wasn't a mutual decision, Chie," he said then shrugged. Inabot niya rin sa akin ang isang beer na kanyang hawak-hawak.

"Tulog na silang lahat?" I asked.

"Hindi rin siya makatulog," he answered instead.

I glared at him. "Wala akong pakialam sa kanya. Hindi naman siya tinatanong ko."

"Bakit, sino bang tinutukoy mo? Wala naman akong binanggit na pangalan, ah," mapang-asar niyang sambit.

"Magkaibigan nga talaga kayo," iling-iling na sabi ko. "Parehong gago, e."

Hindi ko na lang pinansin ang mapang-asar niyang pagtawa at tinuon na lang ang atensyon sa pag-inom at sa view ng dagat mula sa aking pwesto.

Mayamaya lang, bigla na naman siyang nagsalita na siyang nakakuha ng atensyon ko. "I heard about your ex."

Gusto ko sanang magsalita pero hinayaan ko muna siya. I want to hear what he's going to say about . . . my ex.

"Do you still love him?" he suddenly asked. "It's answerable by yes or no, Chie."

"Bakit ba 'yan lagi ang tinatanong niyo sa akin?"

"Kasi importanteng malaman namin 'yong sagot para walang masaktan sa huli."

"Paano kung hindi ko naman alam ang sagot sa tanong na 'yon?"

"Your wrong, Chie," he uttered. "Down deep in your heart, you know the answer. Hindi mo lang matanggap ang sagot na 'yon that's why you're being in denial."

"Hindi ko na siya mahal, okay?"

"But you miss him?" Hindi agad ako nakasagot. "Chie, you still miss your ex?"

"Does it matter?" I asked instead.

"Yes, it does," seryoso niyang sagot sa akin. "Saying 'I miss you' means the same with 'I love you' because logically speaking, missing someone will probably not exist without love."

What the fuck did he just say?!

Kailan pa siya naging expert sa love?

"That's why fix your feelings first, Chie," muli niya na namang sambit. "Kasi kapag si Eliseo ang nagmahal, binibigay niya talaga lahat. At bilang kaibigan niya, sa tingin ko naman deserving din siya sa gano'ng klaseng pagmamahal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top