Chapter 31
CHAPTER THIRTY-ONE
"YOU KNOW what, if staring can kill someone, baka kanina pa 'ko patay rito at paniguradong pinaglalalamayan na."
I didn't know what exactly happened. Basta natagpuan ko na lang ang sarili na kaharap siya rito sa dining table habang inaayos niya ang mga dala niyang pagkain.
"Buti alam mo," I murmured.
"Did you say something?"
I heaved a sigh. "Pwede mo na bang sagutin 'yong mga tanong ko?"
"Can we eat first?"
"Hindi ka pa ba kumakain?" He nodded. "Akala ko ba niluto 'yan ng mom mo para sa dinner niyo? Bakit hindi ka pa kumakain?"
"Kasi gusto kong kasabay ka," mabilis na sagot niya na parang simpleng bagay lang ang kanyang sinambit.
Teka — simple nga lang naman 'yon, ah?
"Okay, kapag ba sinabi ko sayo kung bakit talaga ako nandito, sasabayan mo na akong kumain?" nakakalokong tanong niya.
Hindi ako sumagot at nanatili lang akong seryosong nakatingin sa kanya.
"'Di ba't mag-isa ka lang dito?"
"Um . . . anong kinalaman non?"
"Naisip ko kasi na baka hindi ka marunong magluto ta's nagsa-suffer ka sa pagkain ng instant foods."
"Bakit mo naman naisip 'yon?"
"You remembered our encounter in grocery store before? Napansin ko kasing halos instant foods ang laman ng cart mo no'n."
That was months ago, ah. Ang tagal na non pero naaalala niya pa rin?
"But this whole idea was actually suggested by my mom. Gusto niya kasi talagang matikman mo 'yong kanyang specialty dish," pagsasalita niyang muli. "And to answer your question earlier, kinukwento kasi kita sa kanya kaya kilala ka niya. Since the day we've met, actually."
Halos manlaki na naman ang aking mga mata sa sinabi niyang 'yon. Wala talaga akong maintindihan!
"Bakit?"
"Ha? Anong bakit?"
"Bakit mo ko kinukwento?"
And when he suddenly flashed that smile, bigla na lang akong kinabahan. "You'll know soon, Chie."
Okay . . . why do I feel that I'll see him more often starting from this day?
"Oh, hindi ka pa ba kakain?" tanong niya nang maglagay na siya ng pagkain sa kanyang plato. "My mom's a good cook, Chie, so rest assured that it's taste good; not to mentioned that it was one of her specialty."
"Hindi naman kasi ako nagugutom," pagsisinungaling ko. "Kakakain ko lang kaya."
Pagkasabi ko non, walang anu-ano na lumingon siya sa may lababo. "Ano namang kinain mo? Saka kailan ka kumain?"
"Nagkita kami ng kaibigan ko kaya — teka, bakit nagpapaliwanag ako sayo?"
Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa.
Ang weird talaga ng lalaking 'to.
***
Nang matapos kaming kumain (oo, kumain na rin ako dahil masyado siyang mapilit at makulit kaya pinagbigyan ko na), akala ko uuwi na rin siya agad, hindi pa pala.
"Anong gagawin mo bukas, Chie?" he asked.
Nandito kami ngayon sa may sala. Kanina ko pa nga gustong matulog at maaga pa ang pasok ko sa shop kinabukasan pero hindi ko naman alam kung paano dahil nandito pa rin siya hanggang ngayon.
"May trabaho ako," I simply replied.
"Ah, 'yong sa Serendipitea!" he exclaimed while I creased my forehead out of curiousity. I was about to asked him why he knew about that when he suddenly said, "Paolo kinda mentioned that to me."
Mas lalo naman akong nagtaka. "Close ba kayo ni Paolo? I mean, hindi niya naman kasi nababanggit sa amin na may pinsan pala siya."
"Finally, nacu-curious ka na rin sa akin," nakangisi niyang sabi. "Gusto mo na ba akong mas makilala pa nang lubusan?"
I slightly rolled my eyes by his remarked. "Matutulog na ako at maaga pa pasok ko bukas," sabi ko sabay tayo. "I know that it's your place but if you'll go home, make sure that you lock the door, ah."
Hindi ko na rin hinantay pa ang sagot niya at dali-dali na akong naglakad papunta sa kwarto pero bago pa ako tuluyang pumasok, muli ko muna siyang nilingon. "Salamat pala sa libreng pa-dinner. Pasabi na rin sa mom mo na thank you."
He just smiled at me. And for some reason, na-stuck ang ngiting 'yon sa aking isipan hanggang sa pagtulog.
***
I woke up by the smell of . . . sinangag? Teka, sino namang magluluto ng sinangag dito?
Hindi na ako nag-abala pang maghilamos at mag-toothbrush; at dali-dali na kong lumabas ng kwarto. Pagpunta ko sa kusina, halos nagising ang buong diwa ko sa bumungad sa akin.
Likuran ni Eliseo. He just wore a boxer shorts and an apron. Walang kahit na anong suot na pang-itaas kaya kitang-kita ko ang pagfe-flex ng muscles niya sa likod at 'yong biceps niya . . .
Ano bang ginagawa niya rito? Kanina pa ba siya o . . . hindi siya umuwi at dito natulog?
"Oh, Chie! Gising ka na pala. Good morning," he greeted.
Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang boses niya. "W-What are y-you doing here?"
"Um, I'm cooking some breakfast for—"
"Did you sleep here?" I cut him off. And when he nodded, my eyes widened out of shocked. "Bakit hindi ka nagsabi? Saan ka natulog? Don't tell me, sa may couch? E, hindi ka naman kasya roon! Ely naman—"
Napatigil ako nang ma-realize ang mga lumalabas sa bibig ko at nang mapansing ngiting-ngiti na parang ewan sa gawi ko si Eliseo.
"I mean—"
"Are you . . . concern to me, Chie?" pagputol niya sa sasabihin ko. Hindi pa rin mawala-wala ang mga ngiti sa kanyang labi.
"I need to go to work," mabilis na lang na sabi ko at dali-daling pumasok ulit sa kwarto.
Pagpasok, agad akong napasandal sa may pintuan sabay hawak sa dibdib. "Ano bang nangyayari sa akin?"
***
Sa sandaling nakasama ko si Eliseo, muntikan ko nang makalimutan kung gaano pala siya kakulit no'ng una kaming magkakilala.
"Doon na nga lang ako kakain ng almusal," sabi ko dahil pinilit niya talaga akong tikman ang niluto niya; at kahit nate-tempt na ako, todo pa rin talaga ang pagpigil ko sa hindi malamang dahilan.
"Chie, you know that skipping your breakfast is bad for your health, right? Kaya kainin mo na 'yan. Masarap naman 'yan kahit papaano," pamimilit niya talaga.
"Pero male-late na nga ako sa trabaho," I reasoned out.
"It's only 7:50 AM, Chie, at mamaya pang 9 o'clock ang pasok mo," aniya.
"Alam mo, ang creepy mo talaga," seryosong sabi ko. "Pati ba naman sched ko sa shop alam mo?"
"I asked Paolo about that, sorry," he said but he wasn't looked sorry at all.
"Humanda ka talaga, Paolo, sa akin kapag nagkita tayo," bulong ko.
"Chie, just eat that. Promise, kapag natikman mo na 'yang luto ko, hahanap-hanapin mo na 'yan lagi," aniya.
"Yabang," komento ko na siyang ikinatawa niya lang.
At dahil mukhang hindi niya talaga ako titigilan hanggang sa hindi ko tinitikman ang luto niya, sumuko na lang ako at isa-isang naglagay ng pagkain sa plato.
Simpleng breakfast lang naman ang inihanda niya: fried rice, tocino, scrambled egg, hotdogs, bacon, and brewed coffee.
"'Di ba, ang sarap ko?" Agad kong naibuga ang kinain ko sa tanong niyang 'yon. "I mean, ang sarap kong magluto. Hindi pa kasi ako tapos, Chie."
Sinamaan ko siya ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain; at ang loko, tinawanan na naman ako.
"It's your day off tomorrow, right?" tanong niya sa kalagitaan ng pagkain ko. Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya dahil alam ko namang alam niya na ang bagay na 'yon. "May gagawin ka ba bukas?"
"Mag-a-advance reading ako," simpleng sagot ko.
"Advance reading? For what?"
"Stop acting as if you didn't know that my class will start next, next week, Ely."
"Ha? Papasok ka na ulit? Talaga?"
"Hindi mo alam?" tanong ko at nang mabilis siyang tumango, natampal ko na lang ang aking noo. "E 'di 'wag mo na lang pansinin 'yong sinabi ko."
"Teka, doon ka rin ba nag-aaral kung saan pumapasok si Paolo?"
"If you really didn't know about that, 'wag mo na lang alamin."
"Silly me," he uttered. "Pwede ko naman pala itanong na lang kay Paolo ang tungkol sa bagay na 'yan."
Dahil sa sinabi niyang 'yon, I mentally take down note that when I saw them together, pag-uuntugin ko talaga silang dalawa.
"E, ikaw? Ano pa lang ginagawa mo sa buhay? Nag-aaral ka ba o nagtatrabaho? Bakit parang wala ka namang ginagawa?" sunod-sunod kong tanong; at nang muli na naman niya akong ngisian ng nakakaloko, agad akong nagsalita. "I'm not interested on you, ah. Nagtataka lang talaga ako. Pero pwede mo namang hindi sagutin kung ayaw mo."
"Bakit, Chie, hindi ka pa rin ba handa na papasukin ako sa buhay mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top