Chapter 3
CHAPTER THREE
WHEN MONDAY came, nagtalo pa ang dalawang bahagi ng utak ko kung papasok ba ko o hindi. Hindi ko kasi inaasahan na magkaka-hangover ako kahit na hindi naman ako gaanong uminom. Pero mabuti na lang at naisipan ko pa ring pumasok dahil good news agad ang bumungad sa akin: hindi papasok 'yong Prof namin sa first two subjects this day. May meeting daw kasi sa faculty nila. Kaya heto ako ngayon, nag-iisip kung saan tatambay ng halos limang oras. Mamaya pa kasing 2 PM ang next class ko.
I'm in the middle of thinking when someone called me. Paglingon ko, si Paolo pala.
"Wala ka ring klase?" He asked.
Agad naman akong napatango sabay sabing, "halos limang oras vacant ko. Ikaw?"
"3 hours lang," aniya. "'Yong iba kaya?"
"Hindi ko alam, e. Puntahan natin?"
Nang magkasundo kami na tignan kung wala rin bang klase 'yong iba naming kaibigan, sabay na kaming nagpatuloy sa paglalakad.
Kahit kasi pare-pareho kaming lima ng kurso na kinuha, hindi pa rin kami naging magkakaklase. No'ng 1st year lang kami naging magkaka-blockmates tapos pagdating ng 2nd year at nitong 3rd year, nagkahiwa-hiwalay na kami. Ayos lang naman 'yon kasi may iilang subjects pa rin naman na nagiging magkakaklase kami.
"I texted Julius, hindi raw siya pumasok," pagsasalita ni Paolo sa tabi ko.
"Hindi niya naman siguro papabayaan sarili niya lalo na 'tong pag-aaral niya dahil broken siya, 'no?" alangang tanong ko.
"Hindi rin ako sigurado," tugon niya. "Alam mo namang first heartbreak niya, e."
Una naming pinuntahan ang classroom ni Karen. Siya kasi ang pinakamalapit. Pagsilip namin, agad na nagsitilian ang mga babae. Paglingon ko kay Paolo, ngiting-ngiti na pala ito.
"Hi girls, nakita niyo ba si Karen Miranda?" pagtatanong ni Paolo habang hindi pa rin inaalis ang nakakaloko niyang ngiti.
Napa-iling na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to, oh.
Hinayaan ko na siyang makipag-usap sa mga kaklase ni Karen at sinilip ko na lang ang cellphone ko kung may text message ba galing kay Victor. Pero na-disappoint lang ako kasi wala.
"Baka tulog pa," pagkausap ko sa sarili. Mamaya pa kasing 10 AM ang klase nito.
"O, ba't ganyan ang mukha natin?" ani Paolo. "Nga pala, nag-away kayo ng boyfriend mo?" natatawa niyang tanong.
"Hindi, 'no," mabilis ko namang sagot. "O nasaan daw si Karen?" pag-iiba ko naman ng usapan.
"Kanina pa raw lumabas, e. Pero t-in-ext ko naman na siya kaya tara na," aniya.
"Teka saan? Saka si Maris? Hindi ba natin pupuntahan?" naguguluhang tanong ko.
"Kaya nga tara na kasi kanina pa tayo hinihintay non. Sige ka, maging dragona na naman 'yon kapag pinaghintay natin nang matagal," natatawa niyang sambit.
Natawa na rin ako sa sinabi niya. Pero ang totoo sa kanya lang naman nagiging dragona 'yong si Maris, e. Excemption kaya kami.
Sa may malapit na Family Mart kami dumiretso at totoo ngang naghihintay sa amin si Maris.
"Anong meron?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Hindi ko naman kasi makausap nang maayos 'tong si Paolo, e. "Bakit tayo nandito?"
"E 'di ba broken 'yong tropa natin at hindi pumasok? Malamang sa malamang, magkukulong lang 'yon sa dorm niya ngayon," aniya.
"Kaya naisipan nitong si boss na damayan natin tutal pare-pareho pala tayong mga walang klase," pagsingit ni Paolo sabay akbay kay Maris. Kaya ayon, nasiko tuloy siya nito.
"Sinabing 'wag mo kong aakbayan kapag nasa public place tayo e," asar na sambit nito.
Tinawanan lang ito ni Paolo sabay banat ng, "grabe ka naman, boss. Ikinakahiya mo na ba ako? Sa gwapo kong 'to?"
Napailing na lang ako dahil nagsimula na naman silang magbangayan dalawa. Ilang saglit lang, napansin ko naman ang patakbong paglapit ni Karen sa gawi namin.
"Sorry, may inasikaso pa ko sa library, e. Ano, tara na? Three hours lang vacant ko," aniya.
Dahil tatlong oras lang ang vacant time nilang tatlo, nagmadali na kami sa pagkuha ng mga chichirya at maiinom.
"Sana naman wala 'yong dormmate ni Julius doon. Ang arte pa naman non at ayaw sa mga bisita," pagsasalita ni Maris habang nakapila sa counter.
Muli ko namang tinignan kung may text message na si Victor. But for the second time, na-disappoint na naman ako.
Dapat sa mga oras na 'to, gising na 'yon at naghahanda sa pagpasok. At dapat, may reply na 'yon sa good morning message ko.
***
"Nag-cutting pa talaga kayo para sa akin, ha," pagsasalita ni Julius matapos namin pumwesto sa sala nila. "Ang sweet niyo talaga."
"Ang kapal din ng mukha mo, brad," komento naman ni Paolo.
Agad namang siniko ni Maris ang tagiliran nito saka sinamaan ng tingin. Bumaling naman siya agad kay Julius. "Hindi nga kami nag-cutting. Nagkataon lang na pare-pareho ang vacant time namin ngayong araw."
"May meeting daw kasi 'yong mga Prof sa college natin kaya halos wala talagang klase sa mga oras na 'to," dugtong pa ni Karen.
Sa mga sumunod na minuto, tahimik ko lang silang pinanood na magkwentuhan. Lalo na si Julius. Ramdam ko kasing peke 'yong mga tawa at ngiti niya. Hindi man lang kasi ito umabot sa mga mata niya. Halata ring kagagaling lang nito sa pag-iyak dahil sa pamumugto ng kanyang mga mata. Sa buong kwentuhan, walang nagbanggit tungkol kay Coreen at sa recent break-up nila ni Julius. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba o sinadya na rin nila.
Sa aming lima, si Julius pa lang ang nabo-brokenhearted. At makikita ko sa mga mata niya na sobra talaga siyang naapektuhan.
Ano kayang nararamdaman niya? Sobrang sakit pa rin kaya hanggang ngayon? Ano bang klaseng sakit 'yon?
***
Mabilis na lumipas ang araw. Pagkabalik namin sa school, pumasok na agad kami sa kanya-kanya naming mga klase. Pagkatapos non, hindi na kami nagkita. Iba-iba kasi ang oras ng uwian namin sa araw-araw. Sa GC na lang kami nagkakausap.
Nang matapos ang last class ko, dumiretso na agad ako sa bahay para makapagpahinga. Kailangan ko pa kasing pumasok sa part-time job ko kung saan kasama ko si Victor.
Speaking of him . . .
I checked my phone again if he finally text me. At agad na napakunot ang noo ko nang wala pa rin hanggang ngayon.
Naubusan ba siya ng load?
Isa sa napag-usapan namin ang pagtatadtad ng text messages sa bawat isa. Hindi kasi kami fan ng gano'ng way of communication lalo na kung hindi naman importante. Mas gusto pa naming mag-usap through phone call or video call.
I immediately composed a text message to him: Love, where are you? Busy ka ba? Bakit 'di ka nagte-text?
After I clicked the sent button, I let out a sigh.
Ang unusual kasi ng ganap na ito ni Victor. Ni minsan hindi niya nakalimutang mag-text sa akin. O kung nawalan man siya ng load, sa mga SNS accounts niya ko kakausapin. Pero kahit doon, wala siyang paramdam.
Did something bad happen to him?
***
When the clock strike at six, dali-dali na kong lumabas ng apartment. 7 PM to 11 PM kasi ang oras ng pasok namin ni Victor doon sa convenience store. Isang sakay lang naman ng jeep para makarating doon at kadalasan namang walang traffic.
Dahil wala pa ring response si Victor, hindi ko na maiwasang hindi mag-alala. Kanina pa rin ang panay na pag-check ko sa cellphone.
For pete's sake, I'm sick worried right now! Kung anu-ano na ang naiisip ko. Hindi ko naman magawang magtanong sa mga kaibigan at kaklase niya dahil hindi ko personal na mga kakilala.
Paghinto ng jeep sa kanto ng Zircon Street, bumaba na ako. Mula kasi rito ay kaunting lakad na lang at nasa convenience store na ako.
"Oh, Kuya Jerry, ngayon pa lang po kayo aalis?" gulat na tanong ko nang makasalubong ko si Kuya Jerry, 'yong katrabaho namin na mauuna ang shift sa amin.
Pagdating kasi ng gan'tong oras, kami na lang ni Victor ang naiiwan sa store. 24/7 ang convenience store namin kaya maya't maya ang palitan ng mga trabahador. Nagkataon lang na kaming dalawa ang nasa night shift.
"Oo, e. Kararating lang kasi nila Victor," tugon niya.
Napakunot ang aking noo pagkarinig non. Did I hear it right? Did he use the pronoun "nila"? Meaning, one or more, right? So . . .
Magtatanong pa sana ako pero nagpaalam naman na agad si Kuya Jerry. Kaya nagmadali na lang ako sa paglalakad papunta sa store.
May iilan ng taong nakaupo sa mga upuan sa labas pagdating ko.
Mula sa labas, kitang-kita ko ang likuran ni Victor na nakaharap sa counter na para bang may kinakausap. Sa unti-unti kong paglapit saka ko nakita nang mabuti 'yong hitsura ng kausap niya.
Kaya naman pala hindi makapag-text, busy sa pakikipag-usap . . . sa babae.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top