Chapter 24
CHAPTER TWENTY-FOUR
I LITERALLY searched for him everywhere just to find where he really is.
Hindi ko pa rin kasi talaga pinaniniwalaan na nagpunta si Victor sa ibang bansa. I have this feeling that he's still here in the Philippines; that he's just near. I can still feel his presence. Pero matapos puntahan ang mga lugar na posibleng kinaroroonan niya, unti-unti na kong nakukumbinsi na baka . . . baka nga wala na talaga siya rito at tuluyan na siyang lumayo sa akin.
"Thank you, Sheland. Kapag may balita na kayo, just text me, okay? Sige, sige. Thank you ulit," I said then ended the call.
Humingi na rin kasi ako ng tulong sa mga kaibigan ni Victor; na kapag na-contact na nila siya, 'wag akong kalimutang sabihan. Pero mukhang malabo rin ang bagay na 'yon dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila 'to ma-contact. It looked like Victor was really hiding himself. Not only to me, but to everyone also; na kahit sa trabaho, wala ring maka-contact sa kanya.
Speaking of work, I remembered again when my co-worker mentioned about Amanda at ang pagre-resign din nito. Ayaw kong isipin na may kinalaman siya sa mga nangyayari pero gano'n kasi ang lumalabas sa sitwasyon ngayon. Lalo na't sa mga ikinilos nito no'ng mga nakaraang araw bago mangyari ang lahat.
But I coudn't still in touch with her. Dahil nasa policy namin ang pagbabawal ng pagbibigay ng personal information, nahirapan akong alamin kung saan ba nakatira ang babaeng 'yon. Kahit ang iba naming katrabaho, wala ring kaalam-alam. Even her contact number, no one knows what is it.
Kaya mas lalo lang talaga akong nafu-frustrate.
"Kapag nalaman-laman ko lang talaga na may kinalaman ka, Amanda, sa mga nangyayari sa akin — sa amin ni Victor ngayon, baka tuluyan ko nang kalimutan na babae ka at mapatulan na kita nang wala sa oras," bulong ko bago nagbuntonghininga.
Paupo na sana ako nang may marinig naman akong sunod-sunod na katok mula sa pinto.
"Baka sila na naman," bulong ko bago tumayo. Ilang araw ko na rin kasi talaga silang tinataguan.
"Chie, si ate Mel mo 'to. Buksan mo ang pinto."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni ate Mel. Akala ko sila Maris na naman—
Napatigil ako sa pag-iisip dahil pagbukas ko ng pinto, hindi lang si ate Mel ang bumungad sa akin.
"Hanggang kailan mo kami pagtataguan, Chie?" malumanay na tanong ni Karen. "Why are you avoiding us?"
"Chie, you need us right now. Kaya sana naman 'wag mo kong iwasan at hayaan mong tulungan ka namin sa problema mo," sabi pa ni Maris.
Magsasalita pa lang sana ako nang sumingit naman si ate Mel sa usapan. "Maiwan ko muna kayo," aniya bago ako tinanguan at nagkalakad palayo.
After a minute long of silence, I heaved a sigh. Napayuko rin ako sabay sabing, "I'm sorry."
"Masyado mo kaming pinag-alala!" sambit ni Maris sabay yakap sa akin nang mahigpit.
"Pwede bang sa loob na tayo magyakapan?" pagsingit ni Paolo sabay pasok sa loob at hindi na hinintay ang sagot ko.
Nakita ko namang sabay na napailing sila Karen at Julius bago sumunod sa loob habang huli naman kaming pumasok ni Maris.
"Wow, Chie! Hindi mo naman kami sinabihan na tambakan na pala ng basura 'tong sala mo," ani Paolo ng nakangiwi.
Pagtingin ko sa tinutukoy niya, napangiwi rin ako. Hindi ko pa pala nalilinis ang mga kalat sa sala. Magmula sa mga bote ng alak hanggang sa mga balat ng chichirya at kung anu-ano pang kalat nitong mga nakaraang gabi sa tuwing nag-iinom ako. Hindi na kasi ako nag-aabala pang maglinis lalo na't magkakalat din naman ako.
"What a reason, Chie! Sabihin mo lang, tinatamad ka at wala ka nang gana sa buhay mo," bulong ng maliit na tinig sa aking isipan.
"O sige na, ligpitin niyo na lang 'yan," pag-utos ni Maris kila Julius at Paolo. "Kumusta ka naman? Ilang araw ka na naming gustong makita," pagbaling naman nito sa akin.
Tutulungan ko na sana 'yong dalawa sa pagliligpit dahil nakakahiya pero pinigilan naman nila ako at pinaupo na lang.
"Sorry ulit at pinagtataguan ko kayo," I started. "Gusto ko lang talagang mapag-isa at ayaw kong madamay pa kayo sa nangyayari sa akin—"
"Chie naman," Karen cut me off. "We're your friends. You're always here for us. And we're willing to do the same to you especially now that you need us the most."
Hindi ako nakapagsalita at napayuko na lang sa kahihiyan. Hindi ko na rin alam ang sasabihin. Ito rin ang dahilan kaya ayaw ko silang makita, e. Because they'll surely prepare a reality slap for me.
"Don't do that again, Chie, ha," Julius uttered as he sat down beside us. "'Wag na 'wag mo na ulit kami pagtataguan kasi lalo lang kaming mag-aalala sayo."
I said sorry one last time before they change the topic. Tungkol sa nalalapit na Pasko ang napili nilang pag-usapan. Tahimik lang akong nakikinig dahil hindi ko maiwasang lumipad ang isipan sa kung saan.
"Ikaw, Chie? Saan ka ba magse-celebrate ngayon?" Paolo asked.
Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Nakita ko ring pasimple na siniko ni Maris si Paolo at pinandilatan ng mata.
"If you want, Chie, you can drop by to our house. Nasabihan ko na rin naman sila mama," Karen said.
"Sa amin din," Maris added. "Kung gusto mo, sa amin ka muna sa Pasko at Bagong Taon."
"Guys, thank you," I sincerely replied. "But I'm fine here. Nandito naman sila ate Mel kaya 'wag na kayo mag-alala."
"Sure ka?" tanong ni Paolo at mabilis naman akong tumango bilang tugon.
Masyado ko na silang naaabala para makigulo pa sa celebration nila with their family. Isa pa, gusto ko talagang mapag-isa at may problema pa kong kinakaharap.
"How are you?" I looked at Julius after he asked me that question.
I creased my forehead before answering him. "Okay nga lang—"
"We're talking about your heart," Maris cut me off. "How's your feeling?"
I sighed. "To be honest, my heart's still not okay right now. Masakit pa rin, e. Sobrang sakit."
Tumingin pa ako sa itaas matapos sabihin 'yon upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang dumaloy sa aking magkabilang pisngi.
"Until now, I can't believe that it's all happening to me — Itong pakikipaghiwalay ni Victor sa akin, hindi niya pagpaparamdam, paglayo, at itong pagwasak sa puso ko. I didn't expect those things," nahihirapan ko pang sambit.
"Victor doesn't deserve you Chie," Paolo said. "Kapag makikita ko talaga 'yang gago na 'yan, baka ano pa ang magawa ko."
"Can we just not judge him right away?" pagsingit naman ni Maris. "I mean, we didn't know the whole story. At least hear his side first, 'di ba?"
"Maris, he broke our friend's heart. Ano pang kailangan nating marinig mula sa kanya?" Paolo asked. "Saka hindi nga nagpapakita ang gago, e. Biglang nawala. So how will we hear his fucking side you were talking about?"
"Kayong dalawa, manahimik nga kayo," pagsingit naman ni Julius. "'Wag niyo na ngang pagtalunan ang bagay na 'yan. Hindi siya ang concern natin ngayon, okay? Si Chie dapat ang inaalala natin."
"But Maris has a point," Karen uttered, looking at Julius' direction. "Wala tayo sa posisyon para husgahan si Victor. Let's not talk about him and just focus on Chie."
If this is a different situation, paniguradong tuwang-tuwa ako dahil nandiyan ang mga kaibigan ko para sa akin. Supporting and caring me until my last breathe. Pero hindi ko magawang ma-appreciate 'yon ngayon for some reason. Maybe because we're talking about Victor, my borfriend and the love of my life.
"Teka, maiba tayo. Naalala ko lang kasi bigla," ani Maris. Napatingin naman kaming lahat sa gawi niya. "How about Victor's friends? 'Di ba you mentioned before na nakilala mo na sila? Baka may alam sila tungkol sa mga nangyayari."
"I already talked to them," I replied.
"Talaga? O ano raw sabi? Alam ba nila kung nasaan si Victor?" sunod-sunod naman na tanong ni Karen.
Huminga muna ako nang malalim bago ipinaliwanag sa kanila 'yong mga nalaman ko rin. 'Yong tungkol sa hindi na pagpasok ni Victor sa eskwelahan, pag-drop niya sa kanyang mga subjects, at hindi pagpaparamdam sa kanila. I told them everything.
"May kailangan pa kayong malaman," dugtong ko pa. "Nag-resign na rin pala siya sa store before nung finals week."
Hindi maipinta ang mukha nilang apat matapos marinig ang mga sinabi ko. Lahat sila gulat na gulat sa mga nalaman. Same reaction as I first heard those things also.
"Fuck. I didn't know what to say," Maris blurted out. "So there's something really going on here."
"E, 'yong Amanda na katrabaho niyo rin na lumalandi sa kanya, wala ba siyang kinalaman sa mga nangyayari?" tanong naman ni Paolo.
"That's a different story," I answered.
"What do you mean, Chie?" Karen asked, creasing her forehead.
"Nag-resign din siya matapos mag-resign ni Victor. Sabi ng mga katrabaho namin, magkasunod lang daw sila," nahihirapan kong sabi.
"What the fuck?" Maris exclaimed. "Hindi talaga tumigil ang babae na 'yon?!"
"So, confirmed that Victor cheated on you with Amanda?" marahan namang tanong ni Julius.
"Nope," I quickly replied. "Until now, hindi ko pa rin kasi alam kung saan hahanapin ang Amanda na 'yon. Wala rin akong contact number niya at hindi ko naman mahingi ang address niya sa boss naman kasi bawal."
"E 'di, may posibilidad nga na may kinalaman siya sa lahat," pagsasalita naman ni Paolo. "Kasi imposible na coincidence lang ang lahat. Lalo na't una pa lang ay may pagnanasa na talaga ang babae na 'yon kay Victor."
"I don't know," I uttered, completely shaking my head. "I don't know what to believe now. Ang hirap kasing mag-assume tapos hindi naman pala talaga gano'n. Yes, I hate Amanda because she's trying to get my boyfriend from me pero . . . oh god! Hindi ko na talaga alam."
And by that, I cried. Again.
Naramdaman ko na lang ang mabilisang pagyakap ni Maris at Karen sa akin na naging dahilan lang para mas lalo pa akong maiyak.
Wala na ba talaga akong ibang gagawin simula ngayon kundi ang umiyak nang umiyak?
"You know what, we need to get drunk tonight!" Maris said after she hugged me. "Iinom na lang natin ngayon 'yang mga problema mo."
"Gosh, Maris! Maawa ka naman diyan sa atay mo. Inom na naman? Seriously?!" napangiwing sambit ni Karen.
"I agree with her, boss. Hindi naman laging alak ang solusyon. Time out na muna tayo diyan, pwede?" ani Paolo.
"Mga KJ!" sigaw ni Maris sabay irap. "Kung ayaw niyong dalawa, e 'di wag! Kaming tatlo na lang nila Julius."
"Um, I'm sorry, Maris, pero bawal ako ngayon, e," pagsingit naman ni Julius.
"Bakit, may lakad ka na naman?" tanong ni Maris nang nakataas ang kaliwang kilay.
Julius nodded. "Actually, I have something to tell you. Hindi ko lang alam kung appropriate bang sabihin ko 'to ngayon."
Nagpunas muna ako ng luha bago diretsang napatingin sa gawi ni Julius.
"Okay, what is that? Bakit parang nakakakaba?" ani Maris.
"Magiging tatay ka na ba, pre?" natatawang tanong naman ni Paolo sabay akbay kay Julius.
When he heaved a sigh, medyo nakaramdam din ako ng kaba sa susunod niyang sasabihin.
"Gago, hindi!" aniya. "Pero may kinalaman ito kay Coreen."
Sabay-sabay na nag-iba ang mga reaksyon namin pagkarinig ng pangalang 'yon. Agad din akong napatingin sa gawi ni Karen na diretso at seryoso lang ang tingin kay Julius.
Nang walang nagsalita sa aming apat, nagpatuloy na si Julius sa kanyang sasabihin. "We're back together."
"Oh," na lang ang nasabi ko pagkarinig ng sinabi niyang 'yon.
That was . . . unexpected.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top