Chapter 22

CHAPTER TWENTY-TWO

"SAAN NATIN hahanapin si Victor?" tanong ni Maris.

Pasado alas-diez na ng umaga. Katatapos lang namin mag-almusal at mag-ayos. And like what they promised, sasamahan na nila ako sa paghahanap kay Victor.

"Doon kaya ulit sa bahay nila?" si Karen ang sumagot. "I mean, baka pwedeng makapagtanong-tanong na rin tayo sa mga kapitbahay nila roon."

"I can't contact Julius," pagsingi naman ni Paolo na kanina pa abala sa cellphone niya.

"Hindi mo talaga 'yon mako-contact. He's busy with someone else, e," rinig kong bulong ni Karen. Pagtingin ko sa kanya, she just shrugged.

"Anong sabi mo Karen?" tanong naman ni Paolo.

"Ang sabi ko, 'wag na lang muna natin istorbohin 'yon. Baka kasi busy," palusot na tugon niya. "Kaya naman na natin 'to."

Nang sumang-ayon na ang lahat, sabay-sabay na kaming lumabas. Pero bago 'yon, muli muna akong nag-send ng text message sa kanya.

To: My Boyfriend
I love you, Victor. Sana magpakita ka na sa akin.

***

Pagpunta namin sa bahay nila, gano'n pa rin ang nadatnan namin. Naka-lock pa rin ang gate.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil kung anu-ano na naman ang naiisip ko. "Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?" tanong ko at napayuko na lang.

I was about to cry again when I heard Karen's voice. She's talking with someone.

"Alam niyo po ba kung nasaan ang mga nakatira rito?" tanong ni Karen sa isang babaeng nasa mid 40s na ata ang edad.

Agad akong napatayo at napalapit sa gawi nila. Sumunod na rin sila Maris at Paolo.

"Ah, si Maurine at 'yong pamangkin niya?" patanong na tugon no'ng babae.

"Opo, sila nga po," mabilis na sagot ko. "A-Alam niyo po ba kung nasaan sila at bakit naka-lock 'tong bahay?" kinakabahang tanong ko.

"Sa pagkakaalam ko, no'ng isang araw pa sila umalis at nagpuntang ibang bansa," aniya. "Doon sa magulang no'ng pamangkin ni Maurine."

"A-Ano p-po?" gulat na sabi ko; lubusang hindi makapaniwala sa mga narinig.

Naramdaman ko pang inalalayan ako ni Paolo dahil muntikan na akong matumba sa pagkabigla.

"Sigurado po ba kayo diyan?" pagkumpirma naman ni Maris.

"Oo. Kaibigan kasi ng kumare ko 'yong si Maurine tapos nabanggit niya sa akin ang bagay na 'yon," aniya. "Tapos nakita ko rin silang may mga bitbit na maleta at sumakay ng sasakyan no'ng isang araw."

What the . . .

"Maraming salamat po," sambit naman ni Karen bago tuluyang nagpaalam 'yong babae.

"Chie, I think he really left you for good," mahinang sambit ni Paolo na siyang naging sanhi upang maramdaman ko ang muling pagkadurog ng aking puso.

Hindi. Hindi pwede mangyari 'yon.

***

"Chie, don't do anything stupid na pagsisisihan mo sa huli," sambit ni Maris habang pinipigilan ako sa pag-alis.

"I won't do anything. Gusto ko lang mapag-isa," nahihirapang sabi ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ni Paolo sa akin.

"Then where are you going? Bakit ayaw mo pang umuwi?" tanong ni Karen.

"Hahanapin ko si Victor!" sabi ko at tuluyan nang tinanggal ang mga kamay ni Paolo sa balikat ko. Sinamaan ko na rin siya ng tingin upang hindi niya na ako hawakan ulit at pigilan. "Kailangan ko siyang hanapin."

"Paano mo hahanapin, e umalis na nga?!" inis nang sambit ni Maris. "Chie, hindi mo ba narinig 'yong sinabi nung babae kanina? Umalis na sila. Nagpunta na sa ibang bansa. Wala na sila rito sa Pilipinas."

"Hindi. Hindi ako naniniwala," sabi ko habang nailing. "Hindi ako iiwan ni Victor nang gano'n lang. Hindi siya aalis."

"Stop torturing yourself, Chie," Paolo uttered. "Hayaan mo munang samahan ka namin ngayon."

"Kaya ko ang sarili ko," I said with a conviction. "Salamat sa tulong niyo pero gusto kong hanapin si Victor nang mag-isa."

Hindi ko na hinintay ang mga sasabihin pa nila dahil dali-dali na akong tumakbo palayo. Pinigilan ko ang sariling lumingon nang tawagin nila ang pangalan ko.

Habang natakbo palayo, naramdaman kong nagsisimula na naman ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha.

Parang gago naman, oh. Wala na ba akong ibang gagawin kundi ang mayamaya na umiyak?

***

"W-What did you say? Nag-resign na siya?!" gulat kong tanong sa isa sa mga kasamahan namin sa store.

"Wait, you didn't know about that?" Halata rin ang pagkabigla niya sa nalaman.

Itong convenience store kung saan kami nagtatrabaho ang unang pumasok sa isipan ko. Umasa kasi akong may alam sila kung nasaan si Victor kahit papaano. Pero sa mga nalaman ko, lalo lang akong pinanghihinaan ng loob.

"Sa pagkakaalam ko, the week after his finals examination, nagpasa na siya ng resignation letter kay boss," dugtong pa niya. "Nagulat nga rin kami no'ng nalaman namin 'yon, e. We thought you're going to resign also. Hindi naman namin kasi alam kung ano ba 'yong problema."

I can't take this anymore. Hindi na kinakaya ng buong sistema ko ang aking mga nalalaman.

"Pero mas lalo kaming nagulat nang mag-resign din si Amanda the day after," dugtong pa niya na siyang mas lalong nagpagulo sa isipan ko.

When I heard that name, kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko.

No, he can't do that to me. Hindi niya ako lolokohin. Mali 'tong iniisip ko.

"Chie, o-okay ka lang ba?" she worriedly asked. "May problema ba kayo—"

Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at nagmamadali na akong lumabas. Pakiramdam ko kasi nasu-suffocate na naman ako.

"Why are you doing this to me, Victor?" nahihirapang bulong ko sa sarili. "Why are you fucking doing this to me?"

***

I don't know where am I.

Nagpalakad-lakad lang ako at hinayaan ko ang aking mga paa na dalhin ako sa kung saan. Hindi ko na nga alam kung anong hitsura ko ngayon, e. Pero sigurado akong hindi maganda lalo na't hindi na rin ako tumigil sa pag-iyak. Ewan ko rin ba kasi rito sa mga luha ko kung bakit ayaw nilang tumigil sa paglabas at pagdaloy sa aking pisngi.

"Victor, where are you?" nanginginig na bulong ko sa sarili.

Nang may makita akong bench sa isang gilid, naupo na lang ako. Sa 'di malamang dahilan, nakaramdam ako ng pagod.

I'm emotionally drained and mentally exhausted right now.

Masyadong maraming gumugulo sa isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin; unang iintindihin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman; kung ano ba ang nararapat na emosyon na ipapakita ko.

"You promised me, e . . ." I said in between sobs.

Kung kaninang naglalakad ako, hindi ko pinapansin ang mga taong nakakakita at pasimpleng pinagbubulungan ako. Wala naman kasi akong pakialam sa kanila. They're least of my concern right now.

I don't want to give a damn fuck on them because, first of all, they didn't know me personally.

"You made a promise, Victor. You . . . m-made . . . a promise to me," I continued. "Masyado mo naman akong binibigla. Wala kang pasabi na . . . wawasakin mo nang gan'to ang puso ko."

I looked up at the sky. If this is one of the normal days in my life, baka kanina ko pa na-a-appreciate ang kagandahan ng kalangitan. Pero hindi; hindi ito isang normal na araw ngayon dahil kasalukuyan akong nasasaktan na nagiging dahilan upang unti-unti akong mamanhid.

Marahan kong pinunasan ang bakas ng luha sa aking pisngi. I took my phone out of my pocket. Bumungad sa akin ang oras na 4:22 PM at sandamakmak na missed calls and unread messages from Karen, Maris, and Paolo. Alam kong nag-aalala sila pero mas nag-aalala ako ngayon sa aking sarili. Kahit anong isip ko kasi, hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. It wasn't sill clear in my mind why did he left me and broke my heart.

Papatayin ko na sana 'yong phone ko nang may maalala ako.

Dali-dali akong nagpunta sa list of contacts ko. Mabuti na lang pala at may number ako ng mga kaibigan ni Victor. Baka may alam sila at matulungan nila ako.

Sana.

***

"Oh, Chie, long time . . . no see? Wait, why are your eyes red? What happened?" sunod-sunod na sambit ni Sheland pagkaupo niya sa harapan ko.

Sa kanilang tatlo, si Sheland lang ang na-contact ko. Busy kasi ang line nila Jameson at Pablo. Dito sa may malapit na coffee shop sa university na pinag-aaralan nila ako nakipagkita. Sakto kasing nasa eskwelahan siya ngayon.

Huminga muna ako nang malalim bago nagsimulang magsalita. "May gusto lang kasi akong malaman," nahihirapang sambit ko.

"Tungkol saan naman?" kunot-noo niyang tanong.

"Kay Victor," I replied quickly. "A-Alam mo ba kung nasaan siya? May nakwento ba siya sayo? Sa inyo nitong mga nakaraang araw?"

Mas lalong kumunot ang noo niya pagkarinig ng sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko rin mapigipang hindi kabahan sa magiging sagot niya.

"May nangyari ba sa inyo Chie?" nag-aalalang tanong niya.

I nodded. "He broke up with me," sambit ko na siyang ikinagulat niya. Sinabi ko na rin ang ibang detalye dahil pakiramdam ko may alam siya at makakatulong ang mga bagay na 'yon.

"What?!" Was her only reaction after I told her everything what happened between me and Victor. "Hindi mo ba alam na hindi na siya pumapasok sa school?"

"Ha?" I creased my forehead. "W-What are you talking about?"

She heaved a sigh before she started to talk again. "It's been more than two weeks already since he dropped out. Nagulat nga kami sa ginawa niyang 'yon dahil ilang araw na lang at finals examination na," she explained. "Nalaman pa namin 'yon sa head ng aming department dahil wala naman siyang sinasabi sa amin. He's not attending our classes for days kaya nagtaka na kami. Hindi rin namin siya ma-contact that time. And when he learned that we knew about what he did, doon lang siya nakipagkita sa amin."

Napanganga lang ako sa mga sinabi niya. Sa sobrang dami kong nalaman ngayon, hindi ko na alam kung saan banda sa isipan ko ilalagay ang mga 'to.

"A-Ano raw ang kanyang dahilan bakit niya 'yon ginawa?" tanong ko.

"Personal reason daw, e," sagot niya. "Sabi pa niya sa amin, saka niya na raw sasabihin kapag maayos na ang lahat. Nagsabi rin siyang 'wag kang kakausapin dahil ayaw niyang madamay ka pa."

Napahawak na ako sa lamesa pagkatapos marinig 'yon. She also held my hand. Napansin niya atang nanginginig na ako.

"Chie, I didn't know what happened between the two of you but I hope you'll stay strong," she uttered.

What the fuck is going on with you, Victor?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top