Chapter 2

CHAPTER TWO

MAS LALONG napakunot ang aking noo nang sadyain nitong lalaking nasa harapan ko na harangan ang dadaanan ko.

Muli kong ikinalma ang sarili. Sa tagal-tagal ko nang napunta rito sa TPH, hindi pa ko nakikipag-away. Pero mukhang dahil sa lalaking 'to, baka ito ang unang beses na masusubukan ko ang mga pinag-aralan ko sa martial arts.

Lumipat ako sa kanan at gano'n din ang ginawa niya. Pagpunta kong muli sa kaliwa, walang sabi-sabing sumunod din siya.

"Ano bang problema mo?" hindi ko na napigilan na magsalita. Ang balak ko kasi sana ay 'wag siyang kausapin.

"I'm Eliseo, Ely for short," aniya sabay ngiti ng nakakaloko sa akin. Nilahad niya rin ang kanyang kanang kamay na siyang tinitigan ko lang.

"I don't have time for this. Padaanin mo na ko," seryoso kong sabi.

"No, I can't," mabilis na sagot niya. "Not until you gave your name to me."

"And why did I do that?" I asked.

"Because I said so," nakangiti niya pa ring sagot. "And because I'm hot and handsome?"

Mas lalong napataas ang kilay ko sa huli niyang sinabi. The nerve of this guy. Ang taas ng tingin sa sarili, ah.

Hindi ko siya pinansin at muling sinubukang makaalis pero kino-corner niya lang ako.

"Ano ba talagang kailangan mo?" iritado ng tanong ko.

"I just want to know your name—"

I cut him off. "Oh c'mon, don't fool around. Hindi ako tanga, okay? What do you really want?"

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero, ang mokong, mahinang tumawa.

"Okay, okay," natatawa pa rin niyang sambit. "I want to be your friend."

"I don't need one. Marami na kong kaibigan."

"Then boyfriend?"

Napanganga na lang ako sa kayabangan ng lalaking 'to. Saan niya kaya nakukuha ang kakapalan ng mukha?

"Why? Don't tell me you have a boyfriend?"

"What if I really do?"

He shrugged then gave me a playful smirk again. "Then I'm willing to be your other boyfriend."

This arrogant bastard . . .

"Mister—"

"Ely," he cut me off.

"I don't care about your name," mabilis na sagot na siyang mas lalo lang nagpangisi sa kanya. "Again, I don't have time for this. Next time, mamimili ka ng paglalaruan kasi I'm different from other gays out there. You don't know me so back off."

"Oh . . . so you're really a gay, ha?"

"And that concerned you because?"

"Nothing. You didn't confirm nor deny that you're gay—"

"Because I don't give a fuck," seryosong pagputol ko sa sinasabi niya.

"Woah," ang tanging reaksyon niya. Hindi talaga ako gano'n makipag-usap sa kahit na sino depende na lang kung bastos katulad niya. "That's why you got my attention. And you're right. You're different."

Hindi ko na siya pinansin at sinubukan ulit na tumakas.

"But please, just give me your name at papakawalan na kita. Just your name," aniya.

Para tumigil na siya, unti-unti akong lumapit sa gawi niya hanggang sa makarating ako banda sa tainga niya. Dahil mas matangkad siya sa akin, kinailangan ko pang tumingkayad. Mukha namang nagulat siya ikinilos ko pero nanatili lang siyang nakatayo. "I'm . . ."

"You're . . . ?"

Napangiti ako sa naisip. "No Name. When it comes to you, I don't have a name," pagkasabi ko non agad ko siyang sinipa sa binti. Napahawak naman siya doon kaya nakatakas din ako.

Pero hindi pa ko nakakalayo nang muli kong marinig ang boses niya. "Nice to meet you, No Name! See you around!"

May ilang napatingin sa gawi niya at gawi ko kaya dali-dali na kong bumalik sa table namin. Pagbalik ko, magkakasama na ulit sila.

"Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?" bungad sa akin ni Maris.

"Sa CR," maiksing sagot ko. Wala akong balak na ikwento ang mokong na 'yon sa kanila, 'no.

Pagtingin ko kay Julius, nakapikit na ito at kasalukuyang nakasandal sa upuan. Habang busy naman sa pagse-cellphone sina Karen at Paolo.

"Na-check mo na ba phone mo, Chie?" biglang tanong ni Maris.

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Tinadtad na ko ng text ni Victor," sagot niya. "Hindi ka ba nagpaalam sa kanya?"

Nanlaki naman ang mga mata ko pagkarinig ng pangalan ng boyfriend ko.

"Nag-text na rin sa akin," pagsingit ni Karen.

"Gago, brad, pati sa akin, nag-text na rin," pagkasabi non ni Paolo, dali-dali ko ng kinapa ang cellphone sa bulsa ko.

Pagtingin ko, nasampal ko na lang noo ko. "Dead batt na pala ako."

Hiniram ko muna ang cellphone ni Maris para matawagan si Victor. Lumabas na rin muna ako ng bar para magkarinigan kami kung saka-sakali.

Sa pangatlong ring niya sinagot ang tawag.

"Hello, Maris. Kasama niyo pa—"

"Love."

"Chie? Bakit hindi mo sinasagot mga tawag at texts ko? Kanina pa ko nag-aalala sayo. I even went to your apartment pero wala ka ro'n."

"Love, sorry na. Hindi ko naman kasi ini-expect na made-dead batt ako, e. Nagmamadali rin kasi ako kanina."

"Pero sana man lang nagsabi ka para hindi ako nag-aalala ng ganito."

"Nag-text ako, ah. Bago umalis."

"Wala akong na-receive na kahit anong text from you, Chie. Kaya nga sobra na lang ang pag-aalala ko dahil hindi ka nagre-reply."

Hindi ako nakasagot. Sigurado kasi ako na nakapag-text ako bago umalis. Saka hindi ko naman ugaling hindi magpaalam sa kanya.

I heard him sighed.

"Nasaan ka ba? Susunduin na kita. It's past twelve na rin, oh."

Pagkasabi ko kung nasaan ako, agad niya ng ibinaba 'yong tawag. Pumasok na agad ako sa loob at ibinalik 'yong phone ni Maris.

"Oh, anong nangyari? Galit?" bungad na tanong ni Maris. Napatango na lang ako bilang tugon.

"Ayan kasi, hindi nagpapaalam," pang-aasar ni Paolo. "Alam mo ng may jowa ka, e."

"Tumigil ka diyan Paolo, ah! Hindi ka nakakatulong," pagsasalita ni Maris. Muli siyang humarap sa akin. "Bakit kasi hindi ka nagpaalam?"

"Nagpaalam ako," mabilis na sagot ko. "Pero mukhang hindi ata na-send 'yong text kasi wala raw siyang na-receive."

"Hatid ka pa ba namin?" tanong naman ni Karen.

Agad akong napailing. "'Wag na. Kaya ko naman na. Pero kayo, ha. Umuwi na rin kayo at past twelve na rin pala. May pasok pa tayo bukas."

Agad na kong lumabas at tahimik na hinintay si Victor. Mayamaya lang, bumukas ang pintuan ng THP at napalingon naman ako roon. Na siyang pinagsisisihan ko na. Dahil 'yong mukha ng mokong kanina ang bumungad sa akin.

"Hi, No Name! Uuwi ka na?" masiglang tanong niya pero hindi pa rin nawawala 'yong ngisi niyang 'yon. Hindi ko siya sinagot at sinamaan lang ng tingin. "Gusto mo hatid na kita? Yenno, I can drive you home, may dala naman akong kotse."

Hindi ko ulit siya pinansin. Alam ko naman kasing mapapagod din siya sa pang-aasar sa akin. Pero nasaan na ba si Victor? Traffic ba?

I was about to call him nang ma-realize na dead batt nga pala ako. Bwisit naman, oh!

"C'mon, No Name, alam mo bang marami ang may gusto na makasakay sa sasakyan ko?"

"Exactly," hindi ko na naman napigilan ang sarili. "Marami pala ang may gusto so leave me alone."

"No Name—"

"Please . . . kung gusto mong makalakad pa nang maayos kinabukasan, tantanan mo na ako."

Magsasalita pa sana ito nang may umagaw na ng atensyon ko.

"Chie!" paglingon ko, kabababa lang ni Victor sa taxi.

Agad akong lumapit sa kanya. Napansin ko naman na seryoso siyang nakatingin doon sa lalaki. Hahatakin ko na sana siya papasok sa sasakyan nang marinig kong muling nagsalita 'yong mokong sa likuran namin.

"So you're the boyfriend?" aniya. "Hmm, not bad. Pero mas gwapo pa rin ako sayo."

"Who is he?" agad na tanong sa akin ni Victor.

"I don't know him," mabilis naman na tugon ko. "He's a crazy random stranger, I think. Huwag mo na lang pansinin. Tara na."

"Babe, you're hurting my feeling. Bakit hindi mo na ko kilala ngayon? Parang kanina lang . . ." napatingin na ko sa gawi niya dahil sa mga kabaliwang pinagsasabi niya.

"Babe?" pag-uulit ni Victor.

"Ops, I'm sorry. Chie pala," muli na namang pagsingit nung lalaki.

The fuck! How did he know my name?!

"Ano ba talagang problema mo? I don't even know you kaya bakit ka nanggugulo? What's your deal, ha?!" hindi ko na talaga napigilan ang sarili.

Knowing my boyfriend, tiyak na kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Isa ang pagiging seloso niya sa madalas naming pag-awayan noon. Pero nagbago naman na siya. Ayon nga lang, mukhang mababalik na naman dahil sa mokong na 'to na mukhang walang magawa sa buhay.

"Chie, chill lang. Gusto ko lang naman makipagkilala sa boyfriend mo," he said, grinning. And he even stressed out the word boyfriend.

"Alam mo, fuck you!" huling sabi ko at tuluyan ng hinila si Victor papasok sa loob ng sasakyan.

***

Dahil madaling-araw na rin, naging mabilis lang ang biyahe namin papunta sa apartment ko.

"Chie . . ."

"Victor, kung aawayin mo lang ako tungkol doon sa lalaking hindi ko naman talaga kilala, pwede bang ipagpabukas na lang natin?"

"I believed on you, Chie."

"Really?"

"Yeah . . ."

Napayakap na ko sa kanya. It's really a good thing na mas matangkad siya sa akin dahil nakakasandal ako sa dibdib niya nang walang kahirap-hirap.

"Sorry ulit at hindi ako nakapagpaalam sayo. Tapos na-dead batt pa ko. Nag-alala ka pa tuloy."

"Huwag mo nang isipin 'yon, okay? Basta sa susunod, 'wag na 'wag mo nang kakalimutan na magpaalam kasi alam mo namang sobra akong nag-aalala when it comes to you. I don't wanna lose you, Chie."

Hindi ako nakapagsalita at nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Ano bang nagawa kong kabutihan no'ng past life ko at may isang Victor ngayon sa tabi ko? Gosh . . . I don't want to lose him too.

"Sige na at pumasok ka na sa loob. Maaga pa mga pasok natin bukas," bulong niya sa akin.

"Five minutes," I said.

"Chie . . ."

"Hindi ba pwedeng dito ka na lang matulog?" nakangusong tanong ko.

"Hahanapin ako ni Auntie at saka may pasok bukas," tugon niya. "Don't worry at tuloy na ang pag-o-overnight ko next Sat."

"Gusto pa kitang kayakap, e."

"Richie Enrile . . ."

Agad akong napabitaw pagkabanggit niya ng buong pangalan ko. "Oo na po, John Victor Cordova, papasok na ko at matutulog," nakasimangot kong sabi at binaggit din ang buo niyang pangalan

"Ikaw talaga," aniya at muli akong hinila papalapit sa kanya.

"Kunwari pang ayaw ng yakap ko," mahinang bulong ko na siyang tinawanan niya.

Pagkatapos ng yakapan session, ginulo niya naman ang buhok ko. Napangiti naman ako dahil alam ko na ang susunod non.

"Good . . ." aniya sabay halik sa noo ko. "Night . . ." sa ilong ko naman. At huli sa labi ko sabay sabing, "love".

Nagtagal ng ilang segundo ang halikan namin bago ko ito pinutol. "Good night din. Sige na, kanina pa naghihintay si Manong driver, oh."

Napansin ko kasi na medyo masama na ang tingin ni Manong driver sa amin. Mahihirapan na kasing makahanap ng masasakyan 'tong si Victor kaya pinahintay niya na lang si Manong.

"Sige, see you tomorrow night," huli niyang sabi bago pumasok sa loob ng sasakyan.

Pumasok na rin ako sa loob pagka-alis nung taxi. Mabuti na lang talaga at hindi masyadong istrikto 'tong landlady namin pagdating sa oras. Ni wala ngang curfew kaming mga tenant dito, e.

Pagpasok ko sa kwarto, agad kong chinarge ang phone ko. Pagpunta ko sa message box, tatlo ang bumungad sa akin: 1) ang unsent message ko kay Victor dahil naubusan na pala ako ng load. 2) ang tadtad niyang text messages. At 3) ang isang text message from unknown number.

'Yong message from unknown number na ang binuksan ko dahil may idea naman na ko sa tadtad na text messages ni Victor sa akin.

From: Unknown Number
Hi, Chie! Hope you went home safe. Night 😉

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top