Chapter 19 (Part II)
CHAPTER NINETEEN
Part Two
DAY 3 (Saturday)
"Saan nga ba kasi tayo pupunta? Kanina pa ko nanghuhula rito, oh."
"May tiwala ka naman sa akin, 'di ba? Kaya kumalma ka na lang muna diyan. Malapit na rin tayo."
Nagbuntonghininga ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang mapansing sa may Bamboo Walk kami banda papunta, agad ko siyang pinigilan sa paglalakad.
"Love, 'di ba sabi kong ayaw ko muna maglakad-lakad ngayong araw?"
"Kaunting minuto lang naman ng paglalakad 'to Chie," aniya. "Saka worth it 'to promise. You will get the chance to see the stunning views of mangroves, and a panoramic view of Panglao Bay and nearby islands."
Sinamaan ko siya ng tingin dahil unti-unti na 'kong nakukumbinsi. Paano, no'ng araw na nilibot namin ang buong resort, hindi kami nagkaroon ng chance na malakaran 'tong famous Bamboo Walk ng North Zen Villas. Naka-exclusive kasi ito no'n dahil may ganap daw sa may dulong parte.
"Ang galing mo talaga mangumbinsi, 'no?" sabi ko sa kanya at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Kaso bago pa ako tuluyang makalakad sa tulay, dali-dali naman akong pinigilan ni Victor.
"You need to wear this first," aniya sabay pakita ng blind fold na galing sa bulsa niya. "Para hindi ma-spoil 'yong pinaka-surprise."
"Bakit kailangan ko pang mag-blind fold?" takang tanong ko.
"Para nga hindi ka ma-spoil sa mismong surprise. Para medyo exciting na rin."
"Paano kapag nadapa ako?"
"Love, hawak kita, okay? Saka hahayaan ko bang masaktan ka lalo na't nasa tabi mo lang ako?"
"Akin na nga 'yan," mabilis na sabi ko at kinuha 'yong hawak-hawak niyang blind fold. "Nagsisimula ka na namang maging don romantico, e. Sobrang quota na ako."
Ako na mismo nagsuot ng blind fold sa sarili. "Leche. Ang dilim," komento ko. "Alalayan mo ko, Victor, ah. Kapag ako talaga nadapa o natapilok, yari ka sa akin."
"Oo naman," sagot niya sabay hawak sa kamay ko.
We started to walk along to the bridge and for some reason, medyo kinakabahan ako. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-palpitate.
"Love, relax ka lang. Hindi naman kita ihuhulog sa dagat," bulong niya sa akin.
"Bwisit ka!" inis na sigaw ko sa kanya at mahina pa siyang hinampas. Pero ang loko, tinawanan lang ako.
"I don't know what you are up to but make sure na mag-e-enjoy talaga ako dahil kung hindi—"
"Okay, we're here," he cut me off when he stopped from walking. "Magbibilang ako ng tatlo tapos saka mo tatanggaling 'yang blind fold, ha?"
Tumango na lang ako para matapos na.
"In one, two—"
"Three," I quickly finished it at dali-daling tinanggal ang blind fold.
Halos manlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin. Nasa dulo na kami ng bridge at may naka-set up na table for two. Dahil 5 PM na rin, medyo padilim na rin ang kalangitan. Kaya ang nagsisilbing ilaw ngayon ay ang mga scented candles sa paligid. Napansin ko ring may mga nakakalat na rose petals sa sahig.
Sa 'di malamang dahilan, bigla na lang nangilid ang luha ko. "V-Victor," nahihirapan kong pagtawag sa kanya. "What is this about?"
"I want to date you, love," he said, smiling sweetly in my direction. Inalalayan niya pa kong makaupo bago siya maupo sa tapat ko. He then held my right hand. "Hindi man ako perpektong kasintahan para sayo at marami man akong pagkukulang, gusto ko pa ring iparamdam sayo kung gaano talaga kita kamahal."
"Hindi mo naman kailangan gawin ang gan'tong bagay, e."
"Alam ko naman," aniya. "Pero deserved mo 'to, Chie. Let's say that this is my way for thanking you because you accepted and loved me wholeheartedly despite of my imperfections. Always remember that I love you and no matter what happen, I will always love you."
Oh god. What did I do on my past life to get a man like him?
***
Right after our unforgettable date, dumiretso kami sa may dalampasigan para magpababa ng kinain.
"Love, pwede bang bitawan mo na kamay ko? Namamawis na, e," sabi ko at pilit na tinatanggal ito.
"Ayaw," mabilis niyang sabi. "Okay lang 'yan. Sanay naman na akong pasmado ka, e."
"Pero hindi okay sa akin! Nakakadiri kaya."
Hindi na siya nagsalita pa at muling itinuon ang atensyon sa paghampas ng tubig na nasasaksihan namin. Mayamaya lang, binasag niya na ang panandaliang katahimikan na bumalot sa amin.
"Love, kung bibigyan ka ng pagkakataong humiling ng isang beses tapos matutupad ito, anong hihilingin mo?" tanong niya pero nanatili sa karagatan ang kanyang atensyon.
"One wish lang?" balik na tanong ko at mabilis naman siyang tumango. "Um, kahit ano?"
"Yep, kahit anong gusto mong matupad," aniya.
"Siguro, to be with you forever," sagot ko na siyang nakapagpalingon sa kanya. "I mean, I know that there's no forever kasi lahat naman talaga tayo ay mamamatay. Pero sana magtagal pa tayo at hanggang sa huli, tayo pa rin."
When he didn't smile and just stared at me seriously, I creased my forehead. "Why, love? Ayaw mo ba ng hiling ko?"
"Oo," he quickly replied.
"Bakit ayaw mo ba akong makasama habambuhay?"
"Of course I want to."
"Oh, 'yon naman pala, e. So, what's the matter?"
"Because you're just wasting your wish, love. Kahit hindi mo naman hilingin 'yan, I'm willing to be with you forever. And I'll make sure that we're the end game in our own story."
Napangiti ako pero agad ko rin 'tong binawi. Masyado na talaga siyang quota. Nag-uumapaw na ang kilig na pinaramdam niya sa akin. Hindi ko na kinakaya, e.
"Medyo cringe-y na kapag nagiging cheesy ka," pagbibiro ko.
"So nagki-cringe ka?"
"Hindi. Kinikilig kaya ako."
"Ewan ko sayo."
Natawa ako nang lagyan niya ng buhangin ang hita ko. "E, ikaw, anong hihilingin mo?" tanong ko rin sa kanya.
Hindi siya nakasagot agad at tiningnan niya lang ako ng diretso sa mga mata.
"Love? Victor, uy!"
"I wish for your happiness, Chie."
"Ha?"
"As long as you're happy, I'll be happy too. You're happiness is my top priority now, love."
***
DAY 4 (Sunday)
Before we went home, we decided to visit the famous Panglao Church first.
"Mami-miss ko talaga 'tong Bohol! Pakiramdam ko sobra na akong na-attach," sabi ko paglabas namin ng simbahan.
Katatapos lang ng afternoon mass at ilang oras na lang din flight na namin pabalik sa Manila.
"Mami-miss ka rin daw ng mga tarsier dito love," bulong sa akin ni Victor.
"Don't ruin my mood, Victor. Baka sipain ulit kita diyan katulad kagabi," inis na sabi ko nang maalala na naman ang ginawa niyang pamimilit sa aking maligo sa napakalamig na dagat kagabi.
"Ito naman, ang sungit. May dalaw ka ba ulit?"
"Gusto mo dalawin ka ng kamao ko?"
Tinawan niya lang ulit ako sabay bulong ng, "Sungit."
"Diretso airport na ba tayo ngayon?" tanong ko sa kanya habang naghihintay kami ng masasakyan.
"Yep. Bakit, may gusto ka pang puntahan?"
"Hindi, magpapa-load lang ako. Hindi ko pa kasi nare-reply-an sila Maris since Thursday, baka nagtampo na 'yong mga 'yon."
"Okay. Samahan kita?"
"Hindi. Kahit ako na lang. May nakita naman akong loading station doon banda kanina."
"Sige, ingat ka."
Tumango na lang ako at dumiretso na roon sa may loading station. Actually, pinigilan ko talaga ang sarili na 'wag gumamit ng cellphone sa buong trip namin na 'to ni Victor. Gano'n din naman siya. Kaya nga na-enjoy talaga namin ang stay namin dito sa Bohol, e. Kaso 'yon nga lang, ngayong pauwi na kami saka ko naalala ang pagtatadtad ng messages ng mga kaibigan ko sa akin.
'Yong huling message ko kasi sa kanila ay nung nagsabi akong pupunta kaming Bohol ni Victor. After that, wala na.
"Hi, miss," sabi ko. "Pa-load nga ng one-hundred pesos sa globe."
"Yes, sir?"
I creased my forehead by the tone of her voice. Ngiting-ngiti pa siya pero mukhang hindi sa gawi ko. Parang tumatagos at banda sa may likuran ko. Out of curiousity, napalingon din ako at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Eliseo?"
Mukhang nagulat din siya nang makita niya ako dahil nanlaki rin ang mga mata niya.
What is he doing here?
Pero mas nagulat ako nang agad ding bumalik sa pagiging seryoso ang hitsura niya at dali-dali akong tinalikuran saka naglakad palayo.
Hindi niya na naman ako pinansin.
Shit. Bakit parang affected ako?
***
"Love, sigurado ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Victor. "Bakit parang kanina ka pa tahimik? Himala nga at buong biyahe kang natulog, e."
We arrived at my apartment five minutes ago. Nandito pa rin kami ngayon sa labas dahil hindi na rin niya ako masasamahan sa loob. Kailangan niya na rin kasi umuwi, e.
And about what he said, kanina pa talaga ako tahimik. It happened after my encounter with that Eliseo guy. Hindi ko rin kasi maintindihan 'tong sarili ko, e. I'm the one who pushed him away pero parang may kung ano sa loob ko na nagsasabing hindi ko dapat ginawa 'yon kaya every time I saw him since then, I felt uncomfortable. Lalo na't ang lakas mantrip ng tadhana dahil madalas ko pa rin siya makita. Hindi ko nga lang alam kung aksidente ba 'yon o hindi.
"I'm . . . okay," I lied then smiled at him. "Baka napagod lang ako sa biyahe, love."
"Gano'n ba? Then you should take a rest," aniya. "Umakyat ka na at magpahinga."
"Ikaw din, mag-ingat ka, ha. Diretso uwi na."
"Yes, love," he said then kissed me. "Kung magre-review ka mamaya, 'wag masyadong magpuyat, ah?"
"Ay, oo nga! Ikaw rin, ah. Good luck sa exam bukas."
"Sige na, akyat ka na."
"See you after finals, love," sabi ko at binigyan siya ng isang mabilisang yakap. "I love you."
"I love you too," he replied. "And goodbye, Chie."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top