Chapter 10

CHAPTER TEN

SABADO NGAYON at imbes na maghanda para sa pagba-bonding namin ng boyfriend ko, tamad na tamad akong nakahilata sa kama habang tutok na tutok pa rin sa screen ng cellphone—hinihintay ang pagsagot niya sa sandamakmak na text messages at missed calls ko.

Tanghali na ko nagising dahil na rin mga nangyari kaninang madaling araw. Ayaw ko muna itong lubusang intindihin dahil may problema rin akong kinakaharap kaya pilit ko muna itong 'wag sumagi sa isip.

"Kaunti na lang talaga at pupuntahan na kita sa inyo," bulong ko sa sarili. I wasn't mad at all. Pagod na pagod na ako para magalit pa sa kanya. I just . . . I just want to see him. I badly need him right now.

I heaved a sigh. Nang mapadako ang tingin ko sa wall clock dito sa kwarto, muli na naman akong napabuntonghininga. It's already quarter to five and I realized that I wasn't eating anything since I woke up earlier.

Dahil wala namang ibang tao rito sa apartment, 'di na ako nag-abala pang mag-ayos. I didn't bother to brush my teeth or wash my face. Nangibabaw ang gutom na nararamdaman ko para alalahanin pa ang mga bagay na 'yon.

Pagpunta ko sa kusina at pagbukas ng mini fridge, mahina akong napamura sabay bulong ng, "Hindi pa pala ako nakakapag-grocery."

Ilang segundo ko ring tinitigan ang fridge kong walang ibang laman kundi mga bote at pitsel na may lamang tubig.

"I wasn't in the mood for this kind of joke," I said as I closed the fridge. "Gusto ko lang naman kumain pero bakit pati 'yon pinagkakait pa sa akin?" I frustratingly added.

Tinatamad akong mag-grocery pero ayaw ko rin namang magpa-deliver na naman sa fast food. Sobrang unhealthy at baka 'yon pa ang maging cause ng pagkakaroon ko ng problema sa kalusugan.

I was about to send a message on our group chat para magpasama na mag-grocery nang maalala kong baka pagod din sila.

"I guess, I need to be independent again," huli kong sabi sa sarili bago bumalik sa kwarto upang maligo at mag-ayos.

***

Masyado ata akong nagtagal sa CR at bandang alas-siete y media na ako nakaalis sa apartment para mamili ng food supplies. At kung mamalasin ka nga naman, sarado pa ang pinakamalapit na grocery store. Wala tuloy akong choice kundi sa may SM Supermarket na dumiretso.

Pagkuha ko ng push cart, sa may parte ng canned goods agad ako dumiretso. This is my first time not having a to-buy list for my food supplies. Sa sobrang lutang ko, hindi ko na naisip na ilista ang mga dapat kong bilhin.

"Bahala na nga," I whispered as I put some of corned beefs, sardines, and canned tuna in my cart. Pagkatapos pumunta ako sa parte kung saan naka-display ang mga instant noodles at kumuha ako ng iba't ibang flavor ng pancit canton at yakisoba. Kumuha rin ako ng iilang cup noodles na bulalo, batchoy, at sotanghon flavor.

After that, I went straight to the vegetables and fruits section. Mas malapit kasi ito kaysa sa snack section. Mamaya na lang ako mamimili ng mga chichirya.

Pagpunta ko roon, una kong dinampot ang mga paborito kong prutas: apple, grapes, mango, and orange. Bibili rin sana ako ng watermelon pero naisip ko na wala nang paglalagyan kaya next time na lang.

I'm in the middle of thinking if I'll buy the bittersweet gourd or not when a familiar voice spoke in the near of my left ear. "You are everywhere, hun."

Nagpintig ang tainga ko at nang makita ko na naman ang hitsura niya, halos mapaikot na lang ako ng mga mata. Wala pang twelve hours na sinabi kong gusto ko na siyang maglaho sa buhay ko but here he is, standing in front of me, smirking like an idiot.

"Hi," he said and awkwardly waving his right hand.

As I stared at him, unti-unti ko nang pinaplano sa isipan kung sa paanong paraan ko siya papatayin. He's annoying. Since we met, wala na siyang ibang ginawa kundi bwisitin ang araw ko sa tuwing sumusulpot siya.

"Are you done murdering me in your head?" he asked. Hindi pa rin mawala-wala ang nakakalokong ngisi sa labi niya.

Ugh! Ang sarap niya talagang hambalusin!

"Not yet," I replied. "Are you sure you're not stalking me? Kasi kung oo, siguro naman aware ka na pwede kitang ipapulis, 'di ba?"

"I told you, I'm too hot and handsome to be just your stalker," he playfully said. "Admirer is the right term, hun."

I clenched my jaw. Sa buong buhay ko, ngayon lang talaga ako na-badtrip nang gan'to. At dahil mas lalong ayaw kong ma-stress, I chose to ignored his presence.

Bumalik ako sa ginagawa. Agad kong inilagay ang iilang patatas at petchay sa cart pagkatapos dali-dali na itong itinulak papunta sa may snack section. I quickly grabbed my favorites: Piattos (sour cream flavor), Farmer Premium Potato Chips (sour cream & french onion flavor), D'Patata (barbeque flavor), and Pic-A (barbeque flavor).

"Bakit nagmamadali ka? May lakad ka pa ba?" tanong niya habang sinusundan ako. Ngayon ko lang napansin na may tulak-tulak din siyang cart na halos iba't ibang klase ng tinapay ang nakalagay.

"Mind your own business," walang gana kong tugon. "And please, stop talking to me," I added without giving him any glance.

Pagdating ko sa may beverages section, kumuha lang ako ng dalawang litrong fresh milk. I also added one tray of medium white eggs nang makita ko ito malapit sa may mga karne.

Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likuran ko. Mabuti naman at tumigil na rin siya sa pagsasalita. Kahit sa paraan man lang na 'yon ay matantanan niya ako. Hindi ko talaga gusto ang manakit ng kapwa pero kung siya rin naman ang masasaktan, baka hindi na ako magdalawang-isip pa sa susunod.

After I put the whole chicken and two kilos each of pork and beef, I rechecked the foods in my cart. Baka kasi may nakalimutan pa ako.

"Chie, I'm really wondering why you are so annoyed to me? Did I do something wrong?"

I stopped in the middle of rechecking after I heard what he said.

Talaga ba namang itatanong niya pa sa akin ang bagay na 'yan? E, presensya niya pa lang ay sapat ng dahilan para mabwisit ako sa kanya.

"I didn't know you can't keep your promises, Ely," I said instead. Nakita ko kung paano napakunot ang noo niya dahil doon. "As far as I remember, you promised me that you will do everything I want after I agreed to drive me home."

"But I can't do that—"

"I know," I cut him off. "You're a jerk after all. Of course breaking your own promises wasn't big deal to you."

"Chie naman . . ."

I shook my head before pushing my cart towards to the counter. Sana pala ipinagpabukas ko na lang 'tong paggo-grocery. E 'di, hindi pa nasira ang araw ko nang dahil sa lalaking 'yon.

Pinakiramdaman ko kung sumusunod pa rin ba siya at nakahinga ako nang maluwag dahil paglingon ko, palayo na siya sa gawi ko. Mabuti naman . . .

Mahaba-haba ang pila sa bawat counter kaya wala akong choice kundi ang maghintay. Dalawang customer pa ang mauuna sa akin kaya kinuha ko na lang muna ang cellphone sa bulsa.

Wala pa ring paramdam si Victor sa akin hanggang ngayon. At sa mga oras na 'to, naghahalo na ang kaba at pangamba sa loob-loob ko.

"Bakit ba kasi wala akong contact number ng mga kaibigan niya?" bulong ko sa sarili at pumunta sa Facebook.

Hindi pala-online si Victor. Facebook account nga lang ang mayroon siya tapos hindi pa nagagamit.

Active 5 days ago.

I heaved a sigh before typing a message to him. Baka kasi bigla na lang siyang mag-online, at least mababasa niya ang message ko.

After I clicked the sent button, saktong turn ko na para magbayad sa counter.

"Two thousand, six-hundred forty-five and fifty centavos, Sir," the cashier said with a sweet smile flashed on her face.

Halos mapangiwi ako nang mapansing para itong nagpapa-cute sa akin. Awkward na lang akong napangiti at kinuha na ang wallet sa bulsa ko nang—

"Fuck," I murmured upon realizing that my wallet is missing.

"Sir?"

"Wait lang, Miss, ah," natatarantang sabi ko at kinapa na ang lahat ng bulsa sa suot kong pantalon.

Saan napunta 'yong wallet ko?!

"Sir . . ."

"Miss, pwede bang—"

"Sorry, Sir, na-punch na po lahat," she cut me off raising her left eyebrow. Ang kaninang matamis niyang ngiti ay napalitan ng isang seryosong ekspresyon.

"I think I lost my wallet," wala sa sarili kong sabi.

"Naku, Sir, alam ko na ang mga modus na ganyan. Hindi porket gwapo kayo ay may karapatan na kayong manloko—"

"Modus? What are you talking about?" I cut her off.

"Sir, 'wag mo kong ma-English, English dahil hindi rin uubra sa akin 'yan."

Halos mapanganga na ko sa sinabi niya. Sa tingin niya ba ginusto kong mawala ang wallet ko?!

"Let me call my friend," I said in a desperate tone. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad kong tinawagan si Maris pero voicemail ang bumungad sa akin. Gano'n din ang kay Karen. Sunod ko namang tinawagan si Paolo pero panay lang ang pag-ring sa kabilang linya.

"Shit naman . . . bakit ngayon pa kayo hindi ma-contact?" kinakabahang bulong ko habang dina-dial ang number ni Julius.

Out of reach.

"Sir, gaano pa po ba katagal 'yan? Nakaka-istorbo na po tayo sa ibang costumers, oh."

Bakit naman gan'to ang nangyayari sa araw ko? Bakit sobra akong minamalas?

"Sir, kung hindi niyo mababayaran ang mga ito, mas mabuti nang manager ko ang makausap—"

"Let me pay for this one, Miss."

Hindi natuloy nung cashier ang sinasabi niya nang biglang may mag-abot sa kanya ng credit card.

"E-Excuse me, S-Sir?"

"What are you doing, Ely?"

Halos sabay naming sabi nung cashier.

Hindi niya ko pinansin at muling itinuon ang pansin doon sa cashier. "Akala ko ba nakaka-istorbo na 'tong kasama ko? E, bakit nakatunganga ka pa diyan?"

After he said that, mukhang natauhan ito at dali-daling s-in-wipe ang card na binigay ni Ely.

Hindi ako makapagsalita kaya tinitigan ko na lang siya. Hindi ba talaga siya titigil?

***

"I don't know why did you do that but thank you," I said.

Nandito kami ngayon sa labas ng grocery store para maghintay ng masasakyan ko. Actually, kanina ko pa gustong-gusto na mag-book ng grab pero hindi ko magawa dahil nandito pa rin siya. I mean, he pay for my grocery. At ang bastos kung iiwan ko na lang siya rito bigla. Kaya I decided na hintayin siyang umalis. Isa pa, as far as I know, may naman dala siyang kotse, e.

"Don't worry, babayaran din kita agad pag-uwi. Just give me your bank account details—"

"You don't need to," he cut me off. Sa halos ilang minuto naming pagsasama, ngayon na lang ulit siya nagsalita . . . which I found weird. "Treat ko na 'yan sayo."

"I'm not comfortable receiving treats from a stranger."

Bigla siyang napatingin sa gawi ko. Hindi ko alam pero ibang-iba ang ekspresyong pinapakita niya sa mga oras na 'to.

"Don't worry, that's my treat for bothering you the whole time," he said in a serious tone. "And like what I promised, hindi na rin ako magpapakita sayo."

Wala naman akong iniinom pero nasamid ako sa sinabi niyang 'yon. Did I hear it right? Hindi na raw siya magpapakita sa akin? Mabuti naman!

"T-That's good," nahihirapan kong sabi habang pigil-pigil na hindi mapangiti.

I'm about to ask him kung ano pa rin ang ginagawa niya rito nang may humintong sasakyan sa harapan namin. "I already booked you grab."

Halos mapanganga ako sa sinabi niya.

"Ingat," huling sabi niya bago ako tinalikuran at naglakad papunta sa may parking lot.

Na-istatwa ako sa kinatatayuan ko at kung hindi pa ko bubusinahan nung grab driver, hindi pa ko mababalik sa wisyo.

Ipapasok ko na sana ang mga pinamili ko nang may bigla namang tumawag sa pangalan ko.

"Victor?!" hindi ko makapaniwalang tanong pagkakita sa boyfriend ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top