Room 29

Room 29
Written by: Xenon

- - -

"Manong, Fancy Hotel po." Agad naman niyang pinaharurot ang taxi paalis ng park.

Mukhang kailangan na naman nila ako ngayon, tutal ako naman ang pinakasikat at magaling dito kaya wala na silang ibang  matatakbuhan kung hindi ako.

Buti nalang konti lang 'yong mga sasakyang bumabyahe ngayon at hindi masiyadong mahirap ang daloy ng trapiko, nakarating kaagad ako sa hotel.

May nakasabay akong mga pulis sa elevator patungo sa 16th floor,  kung saan natagpuan ang isang bangkay ng babae. Tiyak na makakasama ko sila sa gagawing pag-iimbestiga.

Nang makarating na kami sa 16th floor, paglabas ko ay unang umagaw sa 'king pansin ang mga yellow tape na nakasabit sa pintuan Police Line, Do not Cross, ng isang kwarto— ang room 29. Hindi nakaligtas sa 'king mga mata ang mga flash ng camera sa loob. Pati bangkay pinagpipyestahan?

Pinapasok nila agad ako dahil gaya ng sabi ko kanina, kilala na ako dito bilang isang makapangyarihan at malakas, hindi rin maiitatanggi ang katalinuhan ko. Ako kasi ang may hawak ng isang napakalaking kaso ngayon, ang Montevista Camp and Island Massacre, isang napakalaking massacre ng mga estudyanteng scouts.

Unang sasalubong sa 'kin pagpasok ko sa room 29 ang isang bangkay ng babaeng nakalupasay sa sahig, ang buong crime scene ay hindi nagalaw. Mukhang hinintay nila talaga ako.

"Detective Amanda Melgar." I accepted his handshake and faked my smile.

"Maaari na kayong lumabas SPO2 Gap Ortega." Pagbubugaw ko sa kanila habang busy ako sa pagsusuot ng gloves at face mask.

Lumabas naman agad silang mga pulis na kanina pa umaaligid sa 'kin, pinalabas ko sila upang hindi ako magulo at magambala, wala rin naman silang silbi dito. Sagabal lang sila.

Kailangan kong tapusin ang kaso na 'to at ma-expose ang identity ng killer sa loob ng 30 minutes.

I set my timer and started checking the crime scene.

Hindi ko muna sinuri ang bangkay ng babae, maliit lang naman ang kwarto kaya inuna ko na ang paligid niya. Nagkalat ang mga basag na bote, pinggan, at baso sa sahig, animo'y nagsilbi itong palamuting nakakasugat sa sahig. May nakuha akong mga impormasiyon.

Sunod kong sinuri ay ang banyo, nakabukas ang shower nito at nakabuyangyang ang pintuan. Nagkalat rin ang mga sabon, ilang kagamitan sa sahig, may natapon ring ilang laman ng shampoo.

Matapos doon ay binalikan ko ulit ang bangkay na si Sarah Denorfino. Hubo't hubad ang babae ay may maraming pasa sa katawan, malinaw na malinaw rin ang ilang traces ng lubid na nakabaon sa leeg, halatang mahigpit itong natali sa leeg dahil sa lalim nito. May ilang hibla ng buhok ang nakaipit sa bawat kuko niya, siguradong matutuklasan ko kaagad ang killer kapag ipapa-DNA test ito. At may ilang tuyong bahid ng dugo malapit sa pagkakababae niya.

Hindi malinis ang pagkakapatay ng babaeng 'to. Sobrang daming ebidensiyang iniwan ng killer.

I got an idea on how she is killed and who's the possible killer.

I checked my wristwatch— 19 minutes left.

Lumabas na ako kasama ang ngiting tagumpay, at nakasalubong ko si Detective Marco Salerma, ang katunggali kong detective na ngayo'y wala ng silbi.

"You're too late Marco, I knew who's the killer, at pwede ka ng umuwi." Pang-aasar ko sa kaniya.

Hindi siya natinag at pumasok sa room 29. Hindi ko na siya pinag-aksayahan pa ng oras at pumasok sa katabing kwarto.

"Any idea about the crime Detective Amanda?" may inabot siya sa 'kin na isang folder.

"I got a lot of ideas Gap."
Binuksan ko ito at binasa, tungkol pala ito sa mga alibis ng mga suspects.

Reynato Valdez, kasalukuyang boyfriend ni Sarah at tatlong taon na silang nagsasama, bumibili raw siya ng pagkain sa baba nang mangyari ang krimen. Witness niya ang saleslady ng tindahan.

Si Hektor Daguba, ang ex-boyfriend ni Sarah, kasalukuyang naka-checked in sa Fancy hotel sa room 1, wala raw siyang alam sa krimen.

Amy Denorfino, ang kapatid ni Sarah, matagal na raw silang may alitan at hindi na nagkikita pa. Bibisitahin na sana niya para humingi ng tawad at makipag-ayos pero hindi na niya naabutan itong buhay. Siya rin ang nag-report sa mga pulis ng krimen.

Isa isa ko silang tinignan at tinanong, may tanong pa silang hindi naitanong na napaka-importante. Naging mabuti naman ang resulta at isang bagay nalang ang kailangan ko.

Tiningnan ko ang kanilang sapatos at nakita ko nga ang hinahanap ko, siya nga ang killer.

1 minute and 43 seconds

"Ang killer ay si Hektor Daguba—"

"Hindi! Anong ako!" Napatayo siya at akmang susugurin ako pero napigilan naman agad siya ng ilang pulis na nakabantay.
"Hindi ko kayang patayin si Sarah!"

"Pero nagawa mo na, hindi mo kayang tanggapin na hiniwalayan ka niya at ipinalit sa 'yo si Reynato. Gagahasain mo sana siya pero nagawa niyang manlaban, pero sa huli may nakuha kang isang lubid at sinakal mo siya hanggang mamatay, at nagawa mo na siyang magahasa." Taas noo kong paliwanag. "May mga sugat ka rin sa batok at braso gawa ng pagkalmot ni Sarah."

Hindi makapaniwala ang mga pulis at sina Reynato at Amy.

"Hindi ko magagawa 'yan! Nagkakamali ka!" Wala siyang nagawa dahil hinila na siya ng mga pulis palabas.

Mabubulok na siya sa kulungan.

Sayang wala si Marco dito sa paligid, gusto ko sanang ipakita sa kaniya kung gaano ako kagaling at katalino. Gusto kong ipakita na wala na talaga siyang silbi.

Matapos mabigyan ng pera ay agad akong umuwi, wala naman akong magagawa dito. Nakakasuka ang mga mukha nila at ayokong maabutan ng media. Nagpasalamat rin sina Reynato at Amy sa 'kin, hindi raw nila inakalang magagawa ni Hektor 'yon. Well, pati rin naman ako.

Pagdating ko ng bahay ay naligo ako at tumambay muna sa sala para manood ng telebisyon, gusto ko lang namang makita ang balita tungkol sa krimen kanina. Hindi nagtagal nakita ko naman ito, hinirang na ako bilang isang napakagaling at credible na detective. Ang sarap rin sa pakiramdam no?

Nagbasa muna ako ng magazine dahil wala naman akong kliyente ngayon, sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay ginambala ako ng isang doorbell.

Sino naman kaya 'tong bwisit na gumagambala sa 'king katahimikan?

Pagbukas ko ay bumulaga sa 'king harapan si Marco. Anong ginagawa niya dito?

"Detective Marco, napadaan ka? Dali pasok ka muna."

Pumasok naman siya at tahimik na nagmasid sa 'king buong bahay. First time sigurong makita ng magandang bahay, naiinggit rin siguro.

Napaupo ako at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Ang galing mo talaga."
Pagpupuri niya sa 'kin.

"Alam ko."

Tanggap niya na pala ang lahat, tanggap na niya na sa aming dalawa mas magaling ako at mautak.

"Kaya sumuko ka na."

Nang maibaba ko ang magazine, sinalubong ako ng baril na nakatutok sa 'kin, nakangiting Marco ang nakikita ko, 'yong parang panalo siya.

Hindi ako nakarinig ng pagkasa ng baril, malamang hindi puputok 'yan.

"Ako? Bakit naman ako susuko? Ikaw ang dapat sumuko Marco, pinagbabantaan mo na ko o papatayin mo ba ako dahil mas magaling ako sa 'yo at wala ka ng silbi sa dito? Gusto mo 'kong patayin para maibalik lahat sa 'yo?" Napangiti ako at seryosong napatingin sa kaniya. Hindi rin nawawala ang bakas ng saya sa mukha niya.

"Huwag mong baliktarin ang sitwasiyon Amanda." Mahigpit niyang hinawakan ang baril gamit ang dalawang kamay, mas lalong inilapit niya ito sa mukha ko pero hindi ako natinag.
"Pinatay mo si Sarah na kaibigan mo noon."

Mukhang may nababaliw na tao dito, ang sama ng bagsak niya mula sa pinakamataas na nakamit, pati utak naapektuhan.

"Pinatay mo siya sa loob ng hotel nang maputol mo ang lahat ng linya ng kuryente. Sinet-up mo ang crime scene para ibintang ang lahat kay Hektor, ang mga buhok na naka-ipit sa pagitan ng nga kuko ni Sarah ay nakuha mo sa baber shop nang magpagupit siya, ang mga kalmot sa batok at braso niya ay totoong gawa ng girlfriend niya nang mag-away sila nito. Ikaw rin ang may gawa kung bakit sila nag-away."

Nagsimulang manginig at humihingal siya, tanda na galit na galit ito.

"Mas lalong tumibay ang ebidensiyang laban sa kaniya dahil sa pekeng rape na hinanda mo, gumamit ka ng isang bote ng soda at binasag ito pagkatapos, nakakuha ako ng sample at nai-test ito agad, positive na may vaginal fluids ito!" Ngayon ay galit na galit na siya talaga, tumataas na kasi ang boses nito at umaalingawngaw sa buong bahay.
"Planado ang lahat para maibunton ito kay Hektor, nilagyan mo ng bubog ang sapatos niya para maipakitang nanloob talaga siya sa kwarto ni Sarah. Ang lahat ng 'yon ay ginawa mo para mas sumikat at maging tanyag na detective."

"May ebidensiya ka ba?"

Nabaling ang kaniyang paningin sa 'king sapatos na nasa tabi.

"Nasa sapatos mo an—"

Hindi niya nakatapos nang bigla kong sipain ang pinaka-iingat-ingatang parte ng katawan. Bumagsak siya sa sahig na namimilipit sa sakit at hawak hawak ang gitna.

"Magaling ka sana kaso bobo naman." Pinulot ko ang baril at ikinasa ito. "Ito ay pagkasa Marco kung hindi mo alam."

Itinutok ko ito sa kaniya, ngayon ay naging baliktad na ang sitwasiyon, takot na takot siya at hindi inaasahang mangyayari ito. Matagal ko na itong pinaplano, at ngayon na ang tamang panahon.

"Nagawa ko ngang ibunton lahat ng nagawa ko sa iba, sa iyo pa kaya?"

At umalingawngaw ang putok ng baril.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top