Rooftop Affair
NGAYON ang first day of class ko sa Arden Academy bilang isang transferee. Lahat ng estudyante ay obligadong pumunta sa covered court ng school para sa annoucement. Alam kong matatagalan pa ang pananatili sa loob ng covered court kung kaya napagdesisyunan kong hindi sumali. Papasok na lang ako sa designated classroom ko kapag tapos na sila. Napagdesisyunan kong tumambay muna sa rooftop para makapag-pahangin at para madali kong makita kung tapos na ang ceremony.
Mayroong apat na floor ang building kung saan ang classroom ko. Mabuti na lang nasa nasa third floor ang classroom ko kaya hindi nakakapagod ang pag-akyat ko. Naabutan kong nakabukas ng kaunti ang pinto ng rooftop. Marahil ay hindi naisara ng mabuti kung kaya ganito. Bubuksan ko na sana ng tuluyan ang pinto ng mapatigil ako. Parang luluwa ang mga mata ko sa sobrang gulat. Binitawan ko kaagad ang doorknob at dali-daling bumaba ng hagdanan.
Nakalimutan ko na magaling pala ako. Magaling ako sa pagiging dakilang tanga. Hindi ko inaasahan na matatalisod ako at nagpagulong-gulong sa hagdanan. Ang ganda pa ng posisyon ko dahil nakaharap yung mukha ko sa pader. Tumayo agad ako at minasahe ang nasaktan kong balakang. Habang abala ako sa pag-mura sa sarili ko, may narinig akong tunog mula sa kung nasaan man ako kanina bago ako mahulog.
Pinigilan ko ang sarili kong hindi mag-mukhang ewan. May isang tao na lumabas mula sa rooftop. Dahan-dahan itong bumaba habang ang puso ko ayaw magdahan-dahan sa pagtibok. Maya-maya ay nasa harap ko na ang lalaki. Maamo ang mukha nito at may nakakaakit na ngiti. Kaso distracted ang isip ko kaya hindi ko masyadong ma-appreciate ang kagwapuhan ng lalaki sa harap ko. Sana naman hindi ako mukhang ewan, nakakahiya naman kapag ganun!
"Hi miss, bago ka ba dito? I'm Liam Diaz from Class 4-A," nakangiting sabi nito.
"I-I'm Megan Alonzo, from Class 3-B. N-nice to meet you," alanganing pakilala ko.
"You should go back to your class," malumay na sabi ni Liam.
"Oo nga, hahaha! Sige, mauna na ako!"
Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo paibaba. Walang lingunan ng ako'y makarating sa aking classroom. Mabuti hindi pa dumadating ang adviser, lagot ako. Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang nakita ko kanina at sana hindi mag-krus ang mga landas namin. Nag-eenjoy akong magbasa ng mga ganun pero ayaw kong makakita ng live. Masyado pa akong bata para sa mga ganun! Napasubsob na lang ako sa desk ko at hindi binigyan pansin ng may naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
-----
HALOS isang buwan na ako sa bagong school na pinapasukan ko, ang Arden Academy. Isa akong third year student at isang normal na babae kagaya ng iba. Kaso hindi ako makapag-concentrate sa klase. Kung pwede lang sana akong mag-request ng bagong seating arrangement ay gagawin ko. Huli na ang para sa akin dahil kung saan man kami nakaupo, doon na kami until the rest of the school year. Hindi ko kase ka-close ang katabi ko. Iniiwasan ko ngang makipag-usap sa kanya kahit na may times na wala akong ballpen, hindi ako humiram sa kanya! Doon nga lang sa kaharap ko.
Kasalukuyang nagka-klase si Mr. Tan about life values. Ang subject kase sa first period ng hapon ay Values Education. Dahil ang subject na ito ang una na subject sa hapon, lagi akong inaantok. Matanda na si Mr. Tan, nasa fifty's na ang kanyang edad pero hanggang ngayon energetic parin siya habang nagtuturo. Hindi ako interesado sa kahit na anong sinasabi niya kung kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na matulog. Hindi pa man ako nanaginip ay naramdaman kong may tumusok sa tagiliran ko.
Then, an abrupt situation happen and I didn't see it coming. Napatili ako na nagpagising sa diwa ng mga naantok kong mga classmates. Maya-maya ay napuno ng tawanan ang buong classroom. Magaling akong mag-blend sa sitwasyon kung kaya tinawanan ko rin ang sarili ko. Alam kong mukha na akong ewan pero mas mabuti na ito kaysa na mapikon ko. Nasa kanan ko kase ang totoong salarin. Humanda talaga sa akin ang kolokoy na ito mamaya.
"Nagising ba kayo guys? Ha ha ha!" sabi ko ng pabiro.
Maya-maya ay humupa na ang tawanan at nagsimula ulit sa pag-discuss si Mr. Tan. Kung kanino, antok na antok ako. Ngayon, parang bula na nawala ang antok na nararadaman ko kanina. Napalitan ito ng inis habang tinitingnan ko ng masama ang seatmate kong bored na bored na nakatingin kay Mr. Tan. Alam kong siya ang tumusok sa tagiliran ko dahil sa kaliwa ko ay pader at bintana. Isang ngiti ang aking nasilayan sa kanya na mas lalong nagpagulo ng dugo ko.
Humanda ka sa akin, may araw ka rin!
-----
NAGSIGAWAN ang mga classmates ko ng tumunog ang bell. Hindi namin pinasin ang sermon ni Mrs. Jimenez habang lumalabas kami ng classroom. Laking tuwa ko dahil tapos na ang klase ko ngayong araw. Tiningnan ko ang aking wrist watch at 4:00 pm pa lang, maaaga pa para umuwi. Napangiti ako, may panahon pa ako para dumadaan sa paburito kong book store. Sana na-release na ang bagong libro ng idol kong author na si Olive Ferrer.
"Megan, may lakad ka ba? Pupunta kami ni Trixie sa bagong bukas na sundae store. Gusto mong sumama?" paanyaya ni Wendy, kaklase ko na naging ka-close ko rin.
"Sorry girls, may dadaanan kase ako. Bukas na lang, okay?"
"Sure basta sa susunod, treat mo kami ha?" sabi naman ni Trixie na may ngiti abot hanggang tenga. Palibhasa mahilig kase sa libre; guilty ako doon.
"Oo na, kitakits na lang tayo tomorrow," paalam ko sa dalawa.
Hindi muna ako lumabas ng school gates at nagtungo sa pinakamalapit na vendo machine. Bigla kase ako nakaramdam ng uhaw. Agad kong hinalukay ang bag ko. Nakaramdam ako ng inis ng hindi ko makita ang wallet ko. Saan ko ba nailagay iyon? Sa pagkakaalam ko, diretso kong nilagay ang wallet ko sa bag ko. Halos five minutes ko ng hinahanap ang wallet ko pero hindi ko parin nakikita. Ang malas ko naman, baka naiwan ko sa bahay?!
Napapitlag ako ng may nakita akong kamay na may hawak na bote ng juice. Tiningnan ko kung kanino galing iyon at halos mabuga ko ang laway ko dahil sa gulat. Nakangiti lang ito sa akin habang ako ay mukhang haggard. Sinenyas nitong kunin ko ang bottled juice at kinuha ko naman iyon. Nakatingin ang mga nagtataka kong mga mata sa kanya habang nakangiti parin ito. Mabuti uwian na kung kaya walang masyadong estudyante ang dumadaan. Ang oily na ng face ko pero patuloy parin akong pinagpapawisan.
"Hi Megan, long time no see," sabi nito na may kasamang million-dollor smile.
"Long time no see din, Liam," alanganing sabi ko.
"May pupuntahan ka ba?" sabi nito na ikinasingkit ng mata ko.
"Wala naman, ba't mo natanong? Iilibre mo ko no, ha ha ha!" sabi ko ng pabiro.
"Ang galing mong manghula Megan. Tayo na!"
Wala akong nagawa ng hilahin niya ako. Feeling ko kasing pula na ng kamatis ang mukha ko. First time ko kayang makahawak ng kamay ng isang poging lalaki. Hindi lang iyon, isa pang senior! Tahimik na lang ako sumunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa sikat na food court malapit sa school namin. Tahimik akong humiling na sana nilamon na lang ako ng lupa. Nasa isang table na medyo kalayuan sa unuupuan ko sina Wendy at Trixie.
Lutang pa ang isip ko ng tumambad sa harap ko si Liam. Syempre suot na naman niya ang million-dollor smile. Sa gilid ng mata ko, nakita kong ang nanlalaking mga mata ni Wendy at ang nakangangang bibig ni Trixie. Kinuha ko ang cellphone ko at saka ako nag-text sa kanilang dalawa. Agad naman nilang dalawa binasa ang text ko at hindi na lumingon sa akin. For sure, marami tuloy akong ipapaliwanag sa kanilang dalawa bukas. Ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain na inorder ni Liam. Halos lumuwa ang mga mata ko sa inorder niya, ang dami kase! May nachos, fries, pizza, banna split at isang pitsel ng iced tea.
"Kain ka ng mabuti Megan. Namamayat ka kase," sabi nito na animoy para akong stick sa sobrang payat.
"Diet ako pero sige na nga, minsan lang ang cheat day," at saka ko inunang kainin ang pizza.
"Dahil kinain mo ang mga iyan, huwag mong ipagsasabi ang mga nakita mo sa may rooftop kanina. Kung hindi, babayarin mo ang inorder ko ng triple sa binayad ko. Okay?" sabi nito na ikinalamig ng katawan ko.
So it turns out na suhol pala ito sa nakita ko. Muntikan na kong mabilaukan, mabuti binigyan ako ni Liam ng iced tea. Tumango na lang ako sa sinabi niya. Halos five hundred pesos ang ginasto niya at kapag triple iyon, magiging one thousand five hundred! Hindi naman ako rich dahil seventy pesos lang ang baon ko sa isang araw. Ngumiti lang si Liam na parang wala lang habang ako parang nawalan ng gana. Pakiramdam ko kase nahulog ako sa bitag niya. Sino ba naman hindi mahuhuli kung pagkain ang bitag at libre pa?
Bigla sumagi sa isip ko ang nakita ko noon sa roofop. I was shocked at first, akala ko sa mga manga lang ako makakita ng ganun. I saw too guys making out on the rooftop on the first day of school. The one being kissed is my seatmate and the one who is kissing is Liam. What a small world after all. Dalawang slice ng pizza pa lang ang nakakain ko ng magpaalam ako kay Liam. Nawalan na kase ako ng gana tapos naalala ko pa kung paano sila nag french kiss ng seatmate ko.
Sumakay ako ng bus at bumaga sa bookstore kung saan suki ako. Hindi na ako nagtingin-tingin pa dahil hinanap ko kaagad ang bagong libro ni Olive Ferrer. Parang nagniningning ang aking mga mata ng makita ko ang Fated to You ni Olive Ferrer. Agad ko itong kinuha at binayaran. Pinigilan ko ang sarili ko na tumili ng makita ko na nabili ko na sa wakas ang libro ng favourite author ko. Hindi pa man nag-iinit yung libro sa kamay ko, mabilis itong nawala. Tiningnan ko ng masama ang humablot sa libro ko pero parang hindi niya ata nararamdaman ang masakit kong laser beam.
"Give that to me," matigas na sabi ko.
"4:30 at the rooftop, hihintayin kita," malamig na sabi nito at lumabas ng book store.
-----
LUMULUTANG ang aking isip habang nagkaklase si Mrs. Jimenez. Hindi na ako makapaghintay na tumunog ang bell. Ilang beses akong bumaling sa kanan ko pero parang wala lang sa kanya ang matatalim ko na tingin. Ibinalik ko na lang kay Mrs. Jimenez ang atensyon ko. Parang dininig ng langit ang aking hiling ng tumunog ng bell. Iunahan ko ang mga classmates ko sa paglabas at dumiretso sa fire exit. Hinihingal ako ng makarating ako sa roof top. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng maya-maya ay may taong lumabas sa pinto. Malamig ang tingin nito habang may hawak na paper bag, ang parehong paper bag na pabalot ng libro ko.
Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang paper bag sa kanya. Nakakalungkot na ako'y 5"3 lang habang ang nakakainis na lalaking ito'y 5"11. Alam kong mukha akong inano dahil sa laki ng agwat ng height ko sa kanya. Mas nainis ako ng itinaas niya ang paper bag. Doon ako sigurado na hindi ko talaga maabot iyon. Dahil sa inis, sinipa ko ng pagkalakas-lakas yung shin niya. Nabitawan niya ang paper bag at agad ko naman iyong nasalo. Bababa na sana ako ng hinarang niya ang pinto.
"Padaanin mo nga ako, seatmate," inis na sabi ko.
"One month na tayong magkakilala tapos hindi mo alam ang pangalan ko?" inis na sabi nito.
"Correction, kilala kita bilang seatmate. Kung makapagsalita ka parang naging close tayo sa loob ng isang buwan. FC mo rin no?" mataray na sabi ko. "At saka, ano ba ang kailangan mo?"
"First of all, my name is Ivan Chavez. Second, stay away from MY Liam. Third, mag-ayos ka parang hindi ka babae," sabi nito habang may nakikita akong disgust sa mga mata niya.
"Edi sayo na siya! Maghalikan kayo kung gusto niyo!"
I once again stump his feet. Nawala sa focus si Ivan kaya lumabas agad ako. Dali-dali akong bumaba na hindi ko napansin na may tao pala. Natatameme ako ng makilala ko kung sino ang nabangga ko. Nakita kong pinulot niya ang paper bag at kinuha ko naman ito. He still has that million-dollar smile that can stun anyone. Mukha na naman akong ewan sa harapan niya. Bumalik ako sa reyalidad ng may narinig akong kalabog mula sa itaas. It was Ivan and he was glaring at me.
"Hi Megan, ba't namumutla ka?" nag-aalalang sabi ni Liam.
"Nasobrahan lang ako sa polbo!" at saka ko siya nilagpasan.
Sigurado akong lagot ako kay Ivan bukas. Wait, why I'm so worried? Una sa lahat, hindi ko naman talaga alam ang name niya. Pangalawa, hindi kami close ni Liam. Pangatlo, maganda kaya ako sabi ng nanay at lola ko! Sayang, cute pa naman ang Ivan na iyon. Kaso cute rin ang type, cute na lalaki. Iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko at sumakay sa bus na nasa labas ng school gate.
-----
TATLONG buwan na ang lumipas simula noong insidente kay Ivan. Tatlong buwan narin kami hindi nagkikibuan. Nahahalata ng mga classmates namin na may namumuong tensyon sa aming dalawa pero walang nagtangkang makialam. Kahit si Wendy at Trixie ay tahimik lang. Mabuti hindi nila inungkat ang issue kaya naging panatag ang loob ko. Kaso may isa pang bagay ang nagpapainis sa akin. Walang iba kundi si Liam na simula noong nangyari sa hagdanan sa rooftop, lagi na lang sumusulpot.
"Hi Megan, sabay tayong umuwi," masiglang sabi ni Liam.
"We should talk, now," monotone na sabi ko.
I drag him in the most secluded place in the school, the Science Garden. Umupo kami sa swing bench at namayani bigla ang katahimikan. Malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi ako makahinga ng maayos. But I don't have a choice, I want to know everything. Nagmumukha kase akong tanga. I clear my throat before I face Liam but I was shock to know that his face is so close to mine.
"Liam, pwede ka bang lumayo?" I said in an awkward tone.
"Okay," at agad naman itong lumayo.
"Can I ask you something? I hope you won't be offended," mahinang sabi ko.
"Sure, ano ba 'yun?" sabi ni Liam with a smile on his face.
"What's you're relationship with Ivan?" I said directly.
"Physical relationship," he said without blinking or any falter. "Would also want to form that kind of relation ship with me that's why you bring me here?"
Aaminin kong nagulat ako sa biglang pag-iba ng personality ni Liam. He was a good boy in the surface but his true personality rose and reveal his true color. Panadalian lang ang gulat na iyon na ikinagulat naman ni Liam. Hindi man kami close ni Liam, I know that he was wearing a mask all the time. Ang hindi ko lang alam kung bakit niya ginawa iyon.
"You seem know from the start," he said coldly.
"Well then, my business in here are done. See you around,"
Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo. I feel strange or maybe that guy is strange. Kakaiba kase yung mga mata niya ng makumpirma niya alam ko sa simula kung sino ba talaga siya. Lalabas na sana ako ng gate ng hindi ko sinasadya na makabangga. Sa lahat ba naman ng taong mababangga ko, ang taong iniiwasan ko. Lalagpasan ko na sana siya ng hinawakan niya ang braso. I look at him, confusion written all over my face. I didn't expect that I would see concern on his face.
"Megan, can we talk?" Ivan said with a pleading voice.
Parang may halong hiptonismo ang kanyang mga salita na napatango lang ako. Nilibre ako ni Ivan ng pamasahe at pumunta kami sa isang hindi inaasahang lugar. Isang play ground malapit sa subdivision na tinitirhan ko. Doon kami umupo sa may swing. May posibilidad kayang taga-rito din si Ivan? Pero imposible, lumipat man ako ng school ay hindi naman ako lumipat ng bahay. Hindi rin pamilyar ang mukha niya kahit na mabilis kong matatandaan ang lahat ng poging lalaki na nakikita ko. Wait, I should not think about it. Imsoble yung iniisip ko!
"Wala ka bang natatandaan? We used to play here when we're kids," he said full of melancholy.
"Magkakilala ba tayo?" I said in confussion.
"Let me show you something,"
Kinuha niya ang kanyang Samsung S8 edge at saka may pinakitang picture. Napakunot ang noo ko ng makilala ko kung sino ang nasa picture. It was a boy, about six or seven years old. Napalit-palit ang tingin ko kay Ivan at sa bata na naa maganda niyang phone. The boy is chubby while Ivan has a good body. A lightning hit me but not literally. Nanlaki ang mga mata kong tiningnan si Ivan.
"That's me ten years ago and we're playmates. I can't believe I would see you again," he said with a smile.
"OMG! Pangarap ko rin magkaroon ng beki friend! I never thought my childhood palymate before would be you," I excitedly exclaimed.
"I'm not gay and I'm not interested in Liam. We didn't even kiss. Sinabi ko lang sa'yo na akin siya para lumayo ka sa kanya. Hindi ako yung kahalikan niya, baka napagkamalan mo lang na ako," he said with a sharp gaze.
"Eh? Sino naman yun? Pero sabi ni Liam meron daw kayong physical relationship!"
"What? No way! Ikaw kaya ang type ko-"
Natigilan si Ivan sa kanyang sinabi habang ako naman parang nababaliw. Hindi ako bingi at walang diperensya yung tenga ko. Malinaw na narinig ko ang bawat salita ni Ivan. Namula ang tenga ni Ivan at tumalikod sa akin. Binalot ng katahimikan ang buong paligid, walang sinuman ang nagsalita. But I decided to break the silence.
"I should head home, late na kase," sabi ko ng hindi parin nakatingin kay Ivan.
"Yeah, see you tomorrow,"
Nagpumilit si Ivan na ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako. Daig ko pa ang tumatakbo sa marathon sa bilis kong tumakbo. Dumiretso agad ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Humiga ako sa kama ko at tiningnan ang kisame na may butiki malapit sa ilaw. Napabuntong hininga ako, hindi ko kase inaasahan yung nangyari kanina. Nang maalala ko yung huling sinabi ni Ivan, pakiramdam ko ay namula ulit ako.
-----
WALANG pasok ngayon dahil Sabado, syempre wala talaga. Napagdesisyunan kong pumunta sa mall para magpalamig. Ang saya sana ng paggala ko ng may isang kabuteng sumulpot sa harap ko. I pretend I didn't see him, kaso makulit talaga. Hindi rin lumusot yung nagpunta ako sa CR dahil naghihintay siya sa labas. I sigh out of frustration, mukhang wala talaga akong takas sa kanya. Hinarap ko siya na walang kaano-anong amor.
"What do you want, Liam?" I said in a monotone voice.
"Care for some coffee? My treat," he said with his usual smile who could light up the whole world.
"Drop the act Liam, I'm immune to that. Hindi ko alam kung bakit mo sinisiraan si Ivan in your own clever way sa akin. Hindi nga tayo close," I said straightforwardly.
"This place is not appropriate to talk that. Let's have coffee first," he said brushing off my words.
Nagkape kaming dalawa ni Liam sa Starbucks, rich kid kase. Nag-order ako ng iced caramel machiatto habang sa kanya ay latte. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan si Liam. He change his expression very fast like it was natural to him. I started to became wary of him on our last conversation. Kaya nga tumakbo agad ako dahil may naramdaman akong iba sa kanya. Something creep me out on that day.
"Stay away from Ivan," Liam said coldly.
"The one I should stay away from is you Liam,"
"Are you sure about him? I'm worried about you, Megan. That's why I made you think me and Ivan have a relationship so that you stay away from him,"
"Thanks for the coffee,"
Aalis na sana ako ng hinawakan ni Liam ang braso ko. Binitiwan niya rin ako sa huli at umalis ng Starbucks. Uuwi na sana ako ng may natanggap akong text kay Ivan. Nagpalitan na kami ng number noong isang araw kung kaya na-text niya ako. Sabi dito ay magkita kami sa may playground. Kinilig naman ako kung kaya nagtungo ako doon. Mabuti na lang hindi traffic kaya nakarating ako kaagad.
Nang pumunta ako doon, wala naman tao. Naramdaman kong may tumakip sa ilong at bibig ko at ako'y nawalan ng malay. Natakot ako ng ako'y magising na nakagapos ang mga kamay at paa ko. Madilim ang paligid at medyo nahihilo pa ako. Biglang lumiwanag ang paligid at nagulat ako sa nakita ko. I'm in a room and the walls are full pictures of me. Most of it when I was still at my previous school. Nagulat ako ng makita kong may mga picture akong naka-underwear at yung iba ay wala akong saplot dahil ako'y nagbibihis o naliligo.
Bumukas ang pinto at nagulat ako sa taong pumasok. All of peole, it was Ivan! He may have a sweet smile on his face but I could feel an evil aura around him. Dinaganan niya ako, mabuti na lang nasa kama ako kundi sasakit ang likod ko. I could see lust in his eyes as he eyes on my body. Hindi ko maiwasang matakot dahil hindi ko inaakala na mangyayari sa akin ito. Tumulo ang aking mga luha. Hinalikan ni Ivan ang mga butil ng luha ko na nasa aking pisngi at sa leeg ko.
"Don't be afraid, my Megan," he said with gentleness.
"Y-you... stalked me?" I said in fear.
"I'm very happy to finally found you. You're mine Megan, forever until we die,"
Pinunit niya ang aking blouse at hinalikan ang aking leeg hanggang sa aking dibdib. Sumigaw ako pero parang walang nakakarinig sa akin. Tahimik akong nagdadasal na sana may magligtas sa akin. Bumukas ang pinto at lulan nito si ... Liam? Napatigil si Ivan at inatake si Liam. Habang nagsusuntukan sila, sinubukan kong tanggalin ang tali sa kamay ko. Habang busy ako, namalayan ko na lang na may saksak si Liam sa kanyang tagiliran. Tuluyan na sanang sasaksakin ni Ivan si Liam ng pumasok ang mga pulis at pinosasan siya nito. Bumagsak si Liam, hindi ko tuloy napigilan na tawagin ang pangalan niya.
"Liam!"
-----
KASALUKUYAN akong nasa ospital, may dala-dalang prutas at ilang pagkain. Kumatok muna ako bago ako tuluyang pumasok. Ipinatong ko ang basket ng prutas sa katabing mesa. Pinatay ni Liam ang TV at ibinaling ang kanyang tingin sa akin. Nakangiti ito kahit na alam kong masakit ang sugat niya.
"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"I'm fine but if you kiss me, I might be healed quickly," pabirong sabi nito.
"Baliw!"
Mayroong obession si Ivan sa akin, matagal na. Hindi ko inaasahan na ire-rape niya ako at kinidnap pa. May trauma parin ako sa nangyari kaya hindi muna ako pumasok. Kasalukuyan namang nagpapagaling si Liam na all this time ay pinoprotektahan ako. Magpinsan silang dalawa ni Ivan sa motherside. Alam niyang grabe ang obsession sa akin ni Ivan. Dahil sa paglipat ko sa parehong school ni Ivan, umisip agad ng paraan si Liam para lumayo ako kay Ivan. Mabuti na lang hindi malala ang natamo niya.
"Megan, would you go out with me? I know its sudden but I hope you consider it," seryosong sabi ni Liam.
"I might consider it then,"
Liam pull me closer to him and gave me a light kiss. Hindi ko iyon inasahan kung kaya binatukan ko siya. Tinawanan niya lang ang malakas kong batok. Kalaunan ay tumawa rin ako. I never expected that my life would be a roller coaster. This is not what I expected for a love story. But I didn't, this is quiet a good start for a strong love.
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top