Aurora 7


"Rina sa tingin mo bagay kaya sa'kin 'to?" tanong ni Sandy habang ipinapakita sakin ang mga dress sa online shopping

Kulay white na floral yung nakikita ko ngayon. Ayos naman s'ya kaso mas okay sana kung sakin nakasuot.

"Bagay kaya sakin 'yan?" tanong ko pa balik na may ngiti pa sa labi ko

Napakunot noo si Sandy sabay tumingin sa'kin mula ulo hanggang paa. "Teh? Saan ka nahugot ng kapal ng mukha?" sarkastiko n'yang sabi

"Hahaha," hagalpak ako sa kakatawa, "Syempre biro lang, kelan mo ba ako nakitang nagsuot nang ganyan?" dagdag ko pa

Napailing si Sandy sa narinig n'ya.

Teka nga pala. Para saan ba 'tong pagbili ni Sandy ng damit?

"Eh bakit ka ba bibili ng dress? Anong meron?" paguusisa ko pa

"Wag mong sabihin na 'di ka tutuloy sa invitation sayo?"

"Huh?"

"Rina ano ba? Kung tutuloy ka makikilala mo yung pinagbentahan sayo ng demonyo mong tita"

Alam ko naman yun kaso nga lang hindi pa rin maalis sa'kin yung takot. Hindi ko kilala yung taong makikita ko do'n. Kung mabait ba o baka kabaliktaran pa nga eh. Kapag iniisip ko ng iniisip tumatayo ang balahibo ko sa kaba.

"Kasi.. di ka ba natatakot? Malay mo masamang tao yun?" tanong ko sa kanya

"Well nand'yan naman si Sir Calvin 'di ba?"

"Si Calvin na naman ang aasahan ko? Tsk. Lagi nalang ako na-asa sa taong yun. Lagi nalang akong nakadepende sa kanya."

"Bakit hindi naman nagrereklamo si Calvin sayo. Kung tutuusin mo pa nga Rina, si Calvin ang nagkukusa. Ewan ko sayo..." sabi n'ya sabay putol sa sinasabi n'ya

Napakunot noo ako tapos may konting pagtataka. "Anong ewan ko ba sayo?" naguguluhan kong tanong

Iimik na sana si Sandy ng biglang dumating si Calvin at may dalang groceries.

Nga pala dito na muna ako kila Calvin na bahay nakituloy habang hindi pa ko nakakalipat. Nakakahiya pero mas nakakahiya kung sa kalsada ako matutulog. Ayos lang naman kay Calvin pero alam ko ang laking abala nito sa kanya. May isang linggo na ang lumipas ng ibigay sakin ni tita yung invitation. Curios lang talaga ako sa taong nagbigay sa'kin. Tsk, di ko talaga mapalagay ang sarili ko

"May sinasabi ka Sandy kay Rina?" tanong ni Calvin sabay tinarakan n'ya ng mata si Sandy sabay ibinaba n'ya ang mga dala n'yang groceries sa mesa sa tapat namin

Ang dami talaga. Halos mapuno 'ata yung buong eco bags.

Oo eco bags nga. Mga tatlong eco bag.

"Bakit ka pa nagabala? Tanong ko

Napakunot noo s'ya at mukhang nagtaka. "Huh? Akala ko ba bumili ako ng maraming pagkain? Kasi gutom na gutom ka daw?"

Anong daw? Hindi naman ako nagpapabili sa kanya ng gantong kadaming pagkain. Hindi ako patay gutom.

"Sige una na muna ako, mukhang tinatawag ako ni mother nature" Sabat ni Sandy sabay tayo mula sa pagkakaupo niya

Teka nga lang. Ako lang ba o may mali dito?

"Wait nga lang Sandy. Calvin hinding hindi kita pabibilhin ng ganyan karaming pagkain. Baka itong si Sandy" Sabay nguso ko pa kay Sandy

"Hahaha. 'No ka ba Rina, okay lang naman e. Wala din kasi kayong makakain hayaan mo na" Sabi pa ni Calvin

Umalis na ng tuluyan si Sandy para magcr daw kuno.

Pahamak talaga kahit kelan si Sandy. Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'to. Tsk. Kahiya tuloy kay Calvin pabahay na nga ako pakain pa. Tinalo ko pa ang alagaing baboy

"Sige Calvin salamat." Nginitian ko s'ya

Napakamot si Calvin sa batok n'ya sabay ngiting ngiti, "S-sige na.. una na'ko" Pagpapaalam n'ya tapos lumabas na ulit ng bahay

Nakita kong naiwan ni Sandy ang cellphone nya kaya kinuha ko muna at nakita ko yung wallpaper n'ya, si Denver lang naman na nakablack americano. Ang linis ni Denver dito tingnan at ang gwapo.

Oo hindi ko naman maipagkakaila na gwapo s'ya kaso nga lang may bagay na gumugulo sakin. 'Di ko alam pero parang meron talaga.

May biglang nagdoorbell, kaya tumayo muna ako.

Oo nga pala, di n'yo naitatanong nakakatayo na'ko.

Pinagbuksan ko ang tao sa pinto ng hindi man lang s'ya tiningnan sa screen ng camera. May security 'tong bahay ni Calvin.

Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na dadating s'ya.

"Denver." Bigkas ko sa pangalan n'ya

Nginitian n'ya lang ako, "O? Para kang nakakita ng gwapong multo? Haha." Natatawa pa n'yang sabi

Hindi ko naman inaasahan na dadalaw s'ya.

Nakangiti lang s'ya habang nakatingin sa'kin. Ako naman gulat pa din.

Anong ginagawa n'ya dito? May kailangan pa ba s'ya saakin?

"Bakit ka bumisita?" Tanong ko ng may ngiti sa labi

"Di ba ako welcome? Sige aalis na ako." Pagpapaalam ni Denver tapos akmang aalis na s'ya

Hinawakan ko si Denver sa braso para pigilan sa pagalis, "Wag. Welcome ka naman kasi."

Nginitian ako ni Denver ng nakakaloko sabay tingin sa kapit ko sa braso niya. Sa sobrang gulat ko ay kaagad kong inalis ang kamay ko at pinapasok ko na s'ya sa loob.

"Ganda pala ng bahay ng boyfriend mo." Sabay lingon sa paligid ng bahay

Ano? Tama ba ang narinig ko? Boyfriend ko? S-sino? Si Calvin. What the.

"Boyfriend? Si Calvin? Hindi ko s'ya boyfriend. Mabuting kaibigan ko lang s'ya na lagi akong tinutulungan," Sagot ko

"Talaga ba?"

"Oo."

Di pa man nakakaupo si Denver sa sofa ay biglang lumabas kung saan si Sandy.

"Uwhaah!" Nakakarinding irit ni Sandy ng makita si Denver

Napalingon kaming dalawa ni Denver dahil sa gulat.

"Kumalma ka Sandy, yung lalamunan mo, yung puso mo, kalma lang." Tawang tawa si Denver

Nagkatingin kami ni Denver sabay nginitian n'ya ko.

"Ang OA mo naman Sandy," Sabi ko

"Sorry Denver."

"Sus normal na sa'kin ang gan'to, yung pinagkakaguluhan ng fans ko."

Natawa ako sa sinabi ni Denver, parang sobrang gwapo naman n'ya. Ang yabang.

"Bakit ka nga pala napabisita?" Tanong ko

Umupo si Denver sa sofa, "Humingi ako ng day off sa manager ko para makasama ka.." Putol na sabi ni Denver

Magkatabi kaming umupo ni Sandy sa katabing sofa.

Nakita kong napairap si Sandy sa narinig n'ya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko pa

Nginitian n'ya muna si Sandy sabay sabing, "Hindi lang pala ako ang gusto kang makasama. Si Yuel, gusto ka rin n'yang makasama."

"Si Yuel? Bakit daw?" Tanong ko

"Ewan ko lang, ipinatatanong n'ya kung libre ka raw ngayon," Sabay tingin ulit sa paligid ng bahay

Anong isasagot ko? Ang bastos naman siguro kung hindi ako pupunta. Nageffort pa si Denver para pumunta dito.

"S-sige, G ako."

"Kung ganon antayin nalang kita sa labas," Sabi ni Denver sabay tayo at lumabas na ng bahay

Nagkatinginan kami ni Sandy ng saglit. Pareho 'ata kami ng iniisip.

"Kasama ba 'ko?" Tanong ni Sandy

"Ewan ko, gusto mo ba?"

Nagisip muna s'ya ng saglit, "Sige na Rina, ikaw nalang."

"Luh? Bakit ako lang?"

"Si Yuel naman kasi ang nag-aya sayo, not my Denver my loves kaya push mo na."

Tumayo na ako atsaka pumunta sa kwarto ko at humanap ng maisusuot.

Unknown's POV

"Handa na ba ang lahat?" Tanong n'ya saakin

"Opo. Handang handa na."

"Di na talaga ako makapagantay sa event na yun."

"Lahat naman po tayo ay hindi na makapagantay sa gabing yun," Sabay ngiti n'ya saakin

"Oo makikita ko na s'ya ng personal. Nakikita ko na si Rina."

**

Rina Garcia's POV

"Bakit nasa office tayo ni Yuel?" Tanong ko kay Denver na upung upo sa upuan ng may-ari ng company na 'to.

"Sabi kasi ni Yuel dito nalang tayo maghintay sa kanya, maraming inaasikaso si Yuel. S'ya na kasi ang president nitong napakalaking company," Paliwanag ni Denver

Sobrang yaman ni Yuel kung tutuusin kaya n'yang bilhin ang lahat ng gustuhin n'ya. Kainggit sa kabilang banda

"Gusto mo ba ng juice? Ikukuha kita?" Tanong ni Denver

"Wag na ayos lang naman."

Tumayo pa rin s'ya at lumapit sakin. Nagulat ako sa paglapit ni Denver, sobrang lapit n'ya talaga.

Nararamdaman ko ang init na kumakawala sa buo kung pisnge. Bakit ganito? Di ako makagalaw

Lumapit ang mukha n'ya sa mukha ko tapos bahagya n'yang ilalapit ang labi n'ya sa pinge ko

"Mukhang uhaw na uhaw ka," Ramdam ko yung init ng hangin mula sa bibig n'ya

Napalunok laway ako, "H-hindi talaga, a-ayos lang tal --" Naputol ang sasabihin ko ng bigla

"Ang ganda mo ngayon"

This time natulak ko s'ya at nagulat ako sa nagawa ko

"Sorry," Paghingi ko ng pasensya kay Denver na napahakbang patalikod sa pagtulak ko

"Babae nga naman.." Rinig kong bulong n'ya

"Anong sinabi mo?" Tanong ko

"Wala, wala. Sige ikukuha na kita ng maiinom."

Lumabas na si Denver ng office pero titig na titig pa rin ako sa kanya.

Anong ibig sabihin n'ya sa babae nga naman? Tama naman ang rinig ko. Yun talaga ang sinabi n'ya parang may iba akong pakiramdam pero ayokong isipin.

Biglang may kumuha ng atensyon ko, may biglang tumunog sa table ni Yuel. Lumapit ako para tingnan at nakakita ako ng cellphone at mukhang hindi kay Yuel 'yon. Kinuha ko para icheck kung sinong tumatawag, ayokong maging pakialamera pero curios lang ako.

Angeli is calling..

'Yan yung tumatawag sa cellphone, teka nga lang parang kilala ko 'to. Cellphone ito ni Denver ah? Bakit lagi s'yang tinatawagan ni Angeli

Nabitiwan ko ang cellphone ni Denver ng may biglang pumasok sa office.

"Miss Rina right?" She asked

"Opo," I answered

"Sumama po kayo sa'kin."

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong

"Sabi ni Sir Yuel na sumama daw po kayo."

Lumapit ako sa babae tapos sabay kaming lumabas ng office. Naglalakad na kami ng maalala ko si Denver

"Teka lang po, may kasama ako. Si Denver," Sabi ko

"Miss Rina sabi nga po pala ni Yuel na kayo lang po ang isama," Sabay ngiti pa n'ya

Bakit ako lang? Anong problema kung kasama si Denver?

Nagpatuloy pa rin ako sa paglakad kahit alam kong mali 'yon nahindi isinama si Denver. Pano kung hanapin n'ya ako? Baka magalit s'ya sa'kin? Anong gagawin ko? Dapat kasi..

Nakita ko si Yuel na nakatayo sa labas ng isang pinto. Nakangiti lang s'ya. Ang nakakadala yung ngiti n'ya at isabay pa ang maganda n'yang mga mata. Napakagwapo rin ni Yuel.

Lumapit ako at umalis na yung kasama ko kanina. Nakangiti lang sa'kin si Yuel.

"Bakit may problema ba?" Tanong ko sabay tiningnan ko ang suot ko

"No. Nothing, masaya lang ako."

Napakunot noo nalang ako sa narinig ko, "B-bakit naman?" Nagtataka kung tanong

"Thanks at ayos ka na." Matipid na sagot ni Yuel

Nginitian ko s'ya, "Hindi, salamat sayo. Ang bait bait mo, alam mo kung sa iba 'yon? Hindi na nila ako tutulungan," Pagmamalaki ko

Napabuntong hininga s'ya, "Swerte lang talaga ako."

"Bakit?"

"Napakabait mo."

At bigla akong napangiti sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit pero 'pagsi Yuel ang nagsabi para saakin ibang iba.

"Tara." Pagyaya ni Yuel saakin

Ngumiti ako tapos sabay kaming naglakad at pumasok sa loob ng kwarto.

Napangiti ako sa nakikita ko ngayon. Ang ganda, isang garden.

"Wow," Bulong ko sa sarili ko

Nakatingin saakin si Yuel ng mapatingin ako sa kanya, "Ang ganda naman dito."

"Oo." Matipid n'yang tugon

"Galing may garden sa isang malaking company," Namamangha ko pang sabi

"Gustong gusto ko kasi ang mga halaman at kalikasan." Sagot ni Yuel

Manghang mangha lang ako habang tinitingnan ang buong paligid. Kita mo dito yung makukulay na bulaklak, yung green na mga dahon, ang daming klaseng bulaklak. Hindi ko sobrang gusto ang bulaklak pero nung pinakita sakin ito ni Yuel hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Sumama ka." Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinala ako

Di ako pumalag sa kapit ni Yuel na sobrang higpit. Kita ko naman kasi ang ngiti niya sa mukha n'ya at parang ngiti na hindi mo mababayaran.

Tumigil kami sa isang sofa, may makukulay 'tong unan at nagulat ako ng may biglang lumabas sa likod na pusa.

Shemay! P-pusa! Takot ako d'yan e! Ilapit mo ng lahat saakin wag lang 'yan, na trauma na'ko sa pusa kase.

Kumapit ako ng mahigpit sa kamay ni Yuel, oo hindi pa kami nagbibitaw sa isa't isa

"B-bakit?" Tanong ni Yuel

"Hindi ba sila nangangagat?"

Umiling lang si Yuel sakin.

Bumitaw si Yuel sa kapit n'ya saakin tapos kinuha n'ya yung isa sa mga pusa. Bale may dalawang pusa, yung isa puti na may itim at yung isa puti na may orange na batik. Kinuha ni Yuel yung puti na may itim

"Rina, heto si Silky." Pagpapakilala ni Yuel saakin

Inaabot n'ya saakin si Silky pero yung mga kalamnan ko ay nanginginig sa takot. Ayoko!

"Ayoko Yuel."

"Try mo lang," Pagpipilit ni Yuel

"Baka kagatin ako"

"Hindi ka kakagatin ni Silky, I promise."

Ngumiti na naman s'ya kaya susubukan ko. Ewan ko pero iba ang ngiti ni Yuel kay Denver

Pikit mata kong kinuha si Silky kay Yuel at hindi ko mapigilang manginig at for the first time narinig ko ang tawa ni Yuel

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top