Aurora 60

"Natutuwa ako sayo." Sabi ni Angeli tapos lumingon s'ya sa'kin.

Nakafocus si Angeli sa pagmamaneho. Nakangiti lang ako habang pinapanuod ang daan na tinatahak namin.

"Bakit?"

"Wala lang. Naisip mo ba na para kang si Juliet pero isang makabagong Juliet."

"Juliet?"

"Oo. Isang classic love story na kung saan may manliligaw s'ya."

"Parang ang layo naman."

"Kaya nga ikaw ang modernong Juliet dahil binago mo ang istorya na 'yon. Ikaw ang Juliet na maraming Romeo. Mga Romeos."

Hindi ko maiwasan na mapaisip kung compliment o may ibang laman ang sinasabi ni Angeli. Nagmukha naman akong malindi ng slight.

"Pero ang pagkakaalam ko na tragic ang ending ng classic lovestory na 'yon?"

Tiningnan ako ni Angeli na parang may pagtataka sa mukha.

"Angeli baka mabangga tayo."

Bumalik naman kaagad ang atensyon ni Angeli sa daan. Aaminin ko medyo kinabahan ako dahil ang tagal na tumitig sa'kin si Angeli.

"Ang sinasabi ko nga sayo ikaw ang makabagong Juliet kaya ikaw ang magbabago ng kwento na 'yon."

Napabuntong hinanga nalang ako. Hindi ko alam pero hindi ko iniisip ang sinasabi ni Angeli. Pinasok ko sa utak ko na isang fiction lang ang kwento na 'yon. Ginawa lang ng isang malikot na utak.

Habang tamihik kaming bumabyahe ay hindi ko maiwasan na isipin ang magaganap bukas sa birthday ko. Wala akong ideya kasi si Angeli ang nagplano ng lahat.

"Anong sinabi mo kay Tyler kanina?" Binasag ni Angeli ang katahimikan

"Ahh.. yun ba— " Napangiti nalang ako bigla, "Inimbitahan ko s'ya sa birthday ko bukas."

"Ahh.. may gusto akong sabihin sayo."

"Ano 'yon?"

"Total naman umamin na sayo si Tyler kaya hindi naman siguro 'to malaking bagay. Gusto ko lang sabihin sayo na ikaw ang sinulat ni Tyler."

Kumunot ang noo ko sa pagtataka

"Saan? Anong sinulat?"

"Naalala mo ba nung naglaro tayo sa Aurora? Yung isusulat mo kung sino ang nagugustuhan mong tao. Ikaw, ikaw ang sinulat ni Tyler kaya alam ko na. Matagal nang ikaw ang gusto ni Tyler."

Hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung matutuwa ba ako o wala lang. Hindi naman na nagmamatter sa'kin e, ang mahalaga ay yung nalaman ko na ang totoo.

Nakita ko ang kanto kung saan liliko kami para makapunta sa apartment. Pinihit ni Angeli ang manibela para lumiko ang sasakyan tapos dumiretso na ulit s'ya sa pagmamaneho.

"Iimbitahan mo rin ba si Yuel kung sakali?"

Biglang nagbago ang mood ko sa sinabi ni Angeli.

Dapat ko bang sabihan si Yuel? Maraming pwedeng mangyari kung sakali man. Ayokong masira ang lahat pero.. iniisip ko pa rin na kaibigan ko s'ya. Nakakasama ng loob na may isa akong hindi papupuntahin.

"Hindi ko alam pero siguro wag nalang."

"Bakit?"

"Kilala mo naman si Yuel baka mangulo lang s'ya."

"Sabagay may punto ka naman. Anyway magpahinga ka ha."

"Huh? B-bakit?" Tanong ko sa werdo n'yang sinabi

"Ang putla mo,  akala ko wala lang 'yan pero mukhang kailangan mo ng alamin baka kung ano na 'yan. Nahihilo ka pa ba?"

"Minsan."

"Pacheck up ka."

"S-sige."

Madalas ako na malula ng hindi ko alam kung ang dahilan. Minsan nakirot ang sintido ko, lalo na kapag kinukulang ako sa tulog at pahinga. Napapansin ko rin na namumutla ako pero pinapabayaan ko nalang.

Pinark ni Angeli ang kotse n'ya tapos bumaba kami ng sasakyan.

"Hindi na kita masasamahan sa paguwi mo."

"Bakit?" Tanong ko

"Ihahanda ko ang venue ng birthday mo."

Nagok sign ako kay Angeli tapos tumalikod ako sa kanya. Nilisan ko s'ya at nagdire-direstso ako sa paglalakad. Nang makarating ako sa apartment ko ay kaaagad akong pumasok. Napatigil ako ng may narinig akong mga boses. May kausap si Sandy at parang pamilyar sa'kin ang boses nung kausap n'ya. Naglakad ako papunta sa pinangagalingan ng boses— mukhang nasa salas sila.

Hindi ako nagkamali sa hula ko. Si Calvin nga ang kausap ni Sandy. Napunta ang atensyon nilang dalawa ng makita ako na nakatayo.

Mabilis na tumayo si Calvin tapos lumapit sa'kin.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi kung na saan ka? Alam mo bang sobra ang pagaalala ko sayo!" Tumataas ang tono ng boses ni Calvin

Alam ko na magagalit si Calvin pero hinanda ko na ang sarili ko para dito.

"Sorry."

"Alam mo bang ilang gabi ako na hindi makatulog ng ayos dahil sa kakaisip sayo?! Nagaalala ako sayo! Kaibigan mo ba ako? Bakit hindi mo sa'kin sinabi!"

"Hindi ko gustong magalala ka."

"Bawat oras halos mabaliw ako sa kakaisip sayo! Kung hindi ko pa pinilit si Sandy, hindi ko mamalaman na nandito ka lang!"

Tumungo ako para hindi ko makita ang mukha ni Calvin na galit na galit sa'kin. Ayoko s'yang tingnan dahil alam kung may mali ako.

"Sorry Cal—"

Hindi ko inasahan na yayapusin ako ni Calvin. Sobrang higpit ng yakap n'ya na parang nawala ako ng ilang taon. Hindi ko s'ya masisi dahil alam ko na sobra ko s'yang pinagalala.

"Wag mo ulit gagawin 'yon. Baka sa susunod tuluyan na akong masiraan ng ulo."

Naririnig ko ang kabog ng dibdib ni Calvin. Sobrang bilis ng bawat pagtibok, ang sarap sa tenga.

Umalis sa pagyakap si Calvin tapos lumingon ako sa kanya. Hindi ako makangiti dahil sobra ang nararamdaman kong guilty sa ginawa ko. Kahit sinabi kong handa ako sa mangyayari ay hindi ko pa rin maiwasan na makonsensya.

"Salamat pa rin sa pagaalala mo ha."

"Ikaw pa ba? Alam mong malakas ka sa'kin."

Nginitian ko si Calvin tapos tumingkayad ako para guluhin ang buhok n'ya. Hindi na ako nakatanggi nang ginawa n'ya rin sa'kin ang ginagawa ko sa kanya ngayon.

Masaya kaming ginugulo ang ayos ng buhok namin.

Naupo ako sa upuan malapit sa'kin. Tumabi sa'kin si Sandy tapos si Calvin nasa tapat lang namin. Nakatitig s'ya sa'kin na para bang mawawala ako kapag kumurap s'ya.

Dinilaan ko si Calvin para mawala s'ya sa focus. Tiningnan n'ya ako sa mata ko tapos ngumisi. Nilagay ni Calvin ang kamay n'ya sa baba tapos nagpapogi sign.

Natawa ako dahil sa pagbu-beautiful eyes n'ya, ang cute lang ni Calvin habang gumagawa ng mga kalokohan.

"Tigilan n'yo nga 'yan! Ano kayo mga bata?" Biglang umeksena si Sandy

Tinganan namin si Sandy na dalawa pero ang sama ng expression ng mukha n'ya.

"CHARENGG!" Sigaw ni  Sandy

Nagtawanan kaming tatlo na parang wala ng bukas. Nagkwentuhan kami sa mga bagay na nangyari sa nakaraan, mga panahon na boss pa namin si Calvin, mga oras na nakatayo pa ang Aurora' Cafe.

Lumipas ang oras. Nanahimik kami dahil naubos na ang kwento namin.

"Punta ka bukas Calvin."

"Saan?" Sabi n'ya habang nakangiti ng nakakaloko

"Sa birthday ko. Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto."

Tumayo si Calvin ng may biglang tumawag sa kanya sa cellphone. Lumayo s'ya sa'min tapos ilang minuto ang lumipas ay kaaagad din naman na bumalik.

"Aalis ka na Sir Calvin?"

Hanggang ngayon sanay pa rin si Sandy na tawagin si Calvin ng may Sir.

"Oo. May kailangan akong asikasuhin. Itext n'yo nalang ako kung saan ang venue."

Tumango ako tapos lumapit sa'kin si Calvin. Dumukwang s'ya sa harap ko tapos marahan na hinawi ang buhok sa noo ko. Naramdaman ko nalang ang malambot n'yang labi sa noo ko.

"Sige na, alis na talaga ako."

Natulala ako dahil sa ginawa ni Calvin. Hindi ko inaasahan na gagawin n'ya 'yon.

"Ano gulat ka no?" Pangaasar ni Sandy

"Baliw."

"Sweet naman ni Sir Calvin, kaya team Calvin ako e."

Anong team Calvin? Siraulo talaga 'to.

"Alam mo magpapahinga na ako kung wala kang matinong sasabihin."

"Napaka-kj mo naman. Sino ba ang nagugustuhan mo sa kanila? Si Sir Calvin? Si Tyler my loves? O baka naman si Yuel pa rin"

Sa oras na 'to bigla akong nawala sa lahat ng senses ko, parang nakulong ako sa isang kulungan na may tatlong susi. Bawat susi may mukha ng taong binanggit ni Sandy.

"Hindi mo naman kailangan magpakastress e. Basta piliin mo kung sino talaga ang totoo mong gusto. Pakiramdaman mo kung kanino ka mas sasaya. Kung sino ang laman ng puso mo. Tandaan mo na ang pipiliin mo ay kung sino ang nakikita mo na magiging future mo. Mahalaga na pagisipan mo ng mabuti."

"Bakit parang.. parang tama ka."

"Basta nandito lang ako para suportahan ka. Alam ko na may nagugustuhan ka na sa kanila. Hindi mo palang talaga marecognize dahil naguguluhan ka pa."

"Salamat sayo Sandy. Nagiging malinaw na ang lahat sa'kin."

"Mahal mo na ba s'ya?"

"Bukas ko sasabihin sa kanya. Sa mismong araw na birthday ko."

Matapos ng mahabang kwentuhan namin ni Sandy. Nagkaroon ako ng malaking realization.

Umuwi si Sandy para makapaghanda daw s'ya sa kaarawan ko bukas. Nahiga ako sa kama ko tapos pinikit ko ang mga mata ko.

****

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi akala ko magiging maganda ang tulog ko pero ginugulo ako ng isip ko.

Nasa building kami ngayon ng Emeralds— sa event room. Halos marami rin ang dumalo sa birthday ko. Pormal ang theme kaya naka-red dress ako ngayon. Hindi ako masyadong nagpaganda, sapat lang para maging presentable.

Dumating na si Sandy at Doc Lee— kahit na gustuhin ko man na makipagkwentuhan sa kanila e.. mas priority ko ang kaarawan ko. Marami pa akong hinihintay. Wala pa rin si Calvin na, natext ko na kanina pa. Niisang reply wala pa akong narireceive mula sa kanya. Si Tyler naman ganon din, wala pa rin akong nakukuhang sagot.

Nanlaki ang mga mata ko habang papalapit sa'kin ang isang tao. Nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino s'ya. Gusto ko sana na salubungin s'ya pero mas pinili ko nalang na hintayin s'ya dito.

"Kamusta? Namiss kita!" Niyapos ko si Ellise

"Heto maganda pa rin. Happy birthday sayo pinsan. Ang ganda mo ngayon infairness."

"Hindi naman. Mas maganda ka pa rin."

"Sus binola mo pa talaga ako."

"Bakit nandito ka? Kala ko ba—"

"Shh.. birthday mo kaya gumawa ako ng free time. Dapat pasalamatan mo ako para don."

Nginitian ko si Ellise tapos sabay kaming naglakad. Hinatid ko s'ya sa table kung nasaan nakaupo sila Sandy.

"Hi pogi!" Bati ni Ellise kay Doc Lee

Nagkatinginan kami ni Sandy dahil sa ginawa ni Ellise. Kaagad naman nilapit ni Sandy ang upuan sa tabi ni Doc Lee. Inakabayan ni Doc si Sandy tapos nginitian n'ya si Ellise.

"Taken na 'yan si Doc Lee." Pagsisiwalat ko

"Ohh.. Doktor."

Nilapit ni Ellise ang labi n'ya sa tenga ko, "Asawa nga na aagaw. Magjowa palang sila kaya may chance pa ako." Bulong n'ya

"Tigilan mo nga Ellise. Kaibigan ko si Sandy."

Tumango nalang si Ellise sa akin tapos may inabot s'ya na maliit na kahon.

"Paltan mo na ang kwintas mo."

Napatingin ako sa suot kong kwintas.

Ito pa rin ang kwintas na bigay sa'kin ni Tyler. Naisipan ko na hawakan ang pendant ng kwintas.

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Ellise. Lumapit sa'kin si Angeli tapos may binulong. Napalingon ako matapos kong marinig ang sinabi n'ya.

Nagtinginan ang mga bisita ko sa pumasok, at hindi ko inaasahan na pupunta si Yuel dito. May dala s'yang bouquet ng pulang rosas

"Pipigilan ko sana s'ya pero huli na ang lahat nakapasok na si Yuel."

Tumigil si Yuel sa gitna ng mga tao habang iniikot ang mga mata n'ya— parang may hinahanap s'ya.

Nanlambot bigla ang tuhod ko ng makaramdam ako ng pagkahilo. Napakapit ako kay Angeli.

"A-ayos ka lang?"

Tumango ako kahit alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling lang ako.

Nakakasilaw na flash mula sa camera naman ang bumalot sa tao na bigla nalang pumasok.

Kagaya ni Yuel ay may hawak rin si Calvin na bulaklak, at mula sa kinatatayuan ko ay mapapansin ang puting kulay ng roses.


Dahil sa pagdating nila ay sila ang naging sentro ng atensyon ng mga tao dito.

"Pwede mo ba akong alalayan Angeli?"

Tumango s'ya sa'kin tapos nagsimula akong maglakad para makalapit sa kanilang dalawa. Nahawi ang mga tao mula sa dadaanan namin. Habang papalapit ako sa kanila ay hindi makaiwas na pagtinginan ako ng mga tao. Nang makarating kami ni Angeli sa harap ni Yuel at Calvin ay pinaalis ko na si Angeli.

Oo nahihilo ako pero kaya ko pa naman itong kontrolin. Gusto ko silang makita ng malapitan at kausapin.

"Rina happy birthday!" Pagbati ni Calvin

"Para sayo Rina." Inabot sa'kin ni Yuel ang bouquet ng bulaklak


H

indi ko ito kinuha mula kay Yuel. Nakita at naramdaman ko na nagkakainitan na naman silang dalawa.

"Tumigil na kayong dalawa pwede ba?"

Nagsimula ang bulungan ng mga tao sa paligid. Palakas ito ng palamakas hanggang sa pakiramdam ko ay pumapasok na ito sa pinakautak ko.

Napunta ang atensyon ng lahat ng pumasok si Tyler. Nakita ko na may bitbit din s'yang bouquet ng rosas. Hindi ako makapaniwala dahil levender ang kulay nito.

Lumapit si Tyler sa'min tatlo.

Tiningnan ko sila isa-isa kahit umiikot na ang paningin ko. Unti-unti na akong nawawalan nang kontrol sa sarili ko. Bigla nalang nawala ang lahat ng lakas ko at pakiramdam ko na lumulutang ako.

Unti-unti akong nawalan ng balanse.

Dahan dahan akong pumikit at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top