Aurora 57

Kahit na medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ay malinaw ko naman nakikita ang mukha ni Calvin. Nakasilip ako habang nakaside view s'ya.

Lumabas kami ng company ni Yuel. Dinala n'ya ako sa parking lot tapos binaba ako.

Inalalayan ako ni Calvin para makatayo ng maayos.

"Si Angeli?"

"Umalis na. Bakit ka ba umiiyak?"

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko.

"Namiss kita, sobra."

At sa muling pagkakataon ay niyapos ko si Calvin. Ngayon mas hinigpitan ko. Hindi n'ya alam kung gaano ko 'to gustong gawin.

"Wag ka ng umiyak. Nandito na ako. Sorry kung nawala ako ng matagal"

"Saan ka ba pumunta? Alam mo bang nagaalala na kami sayo?"

Pinunasan ni Calvin ang luha ko na patuloy na umaagos mula sa mga mata ko. Hindi ko magawang magalit man lang sa kanya. Mas nanaig ang pagkamiss ko sa taong 'to.

"Mahabang kwento pero sure ka bang okay ka na? Namumutla ka kanina."

"Ayos na ako. Wag ka nang magalala sa'kin."

"Sumama ka sa'kin, may pupuntahan tayo." Nginitian ako ni Calvin

Alam ko at naniniwala ako na magiging maayos na ang lahat ngayon.

May kinuha si Calvin na helmet, na nakasabit sa motor.

"Isuot mo 'to"

"Seryoso ka ba? Kailan ka pa natuto na magmotor?"

"Basta. Magtiwala ka nga lang sa'kin. Lagi mo nalang ako minamaliit e."

"Nagtatanong lang naman ako."

Ginulo ni Calvin ang buhok ko. Hindi ako nagreklamo dahil namiss ko na ginawa n'ya ito. Kahit na paulit ulit pa n'ya na gawin sa'kin ay hindi ako magrereklamo.

Sumampa si Calvin sa itim na motor. Sinuot ko ang helmet tapos kumapit ako sa balikat ni Calvin. Sumakay ako sa upuan na nasa likod n'ya. Kinuha ni Calvin ang helmet na kulay pula tapos sinuot n'ya 'to.

"Ready ka na?"

"Hindi!"

"Basta kumapit ka lang. Ako ang bahala sayo. Wag kang matakot, nandito na ako."

Kinuha ni Calvin ang kamay ko at inikot sa katawan n'ya. Nakayapos ako sa kanya ngayon. Aaminin ko na hindi ako komportable sa lagay ko ngayon. Niluwagan ko ang kapit ko para alisin ang kamay ko pero bigla akong napasubsob sa likod ni Calvin dahil ini-start n'ya ang motor. Makailang beses din na pinaharurot ni Calvin ang motor kaya nagingay ang makina, hanggang sa pinandar na n'ya ito ng tuluyan.

Wala akong nagawa kundi ang kumapit ng mahigpit. Nararamdaman ko ang hampas ng hangin sa mga katawan namin. Kinakabahan ako sa tulin ng pagpapatakbo. Para bang nakikipag-unahan ang bilis nang kabog ng dibdib ko sa tulin ng motor ni Calvin.

Ilang saglit pa ay tumabingi ang motor kaya mas nagdoble hinigpit ako ng kapit. Hindi ko sinasadya na makurot si Calvin sa tagalirin.

"Aray! Bakit?"

"Para kang sira, bagalan mo natatakot ako!"

"Ayoko nga, sabihin mo muna please master."

"Lahuy ewan ko sayo. Bagalan mo na!"

Napangiti naman ako ng sinunod ako ni Calvin, medyo binagalan n'ya ang pagpapaandar pagkatapos bigla kaming tumigil dahil nakared ang traffic light.

"Alam mo ba?"

"Ano?"

"Na.. namiss kita."

Hindi ko makuha na tumugon kay Calvin. Basta ang alam ko sa sarili ko na namiss ko rin s'ya. Gusto ko nalang talaga malaman kung bakit. May mga bagay na dapat linawin si Calvin sa'kin.

Muling umandar ng mabilis ang motor.

Hindi ko pinansin ang byahe namin kahit na sobrang tagal. Inenjoy ko ang bawat nakikita ng mata ko.

Mayamaya pa ay tumigil kami ni Calvin sa tapat ng isang pamilyar na lugar, ang Aurora's Cafe. Nalungkot ako bigla ng makita ang lugar. Wala na ang dating Cafe na pinagtatrabahuhan ko. Tama si Yuel na may bagong nakatayo na fast food chain.

Naupo ako tapos si Calvin ay umalis muna para bumili ng tubig at makakain. Pinagmamasdan ko mula dito ang dating Cafe habang nagrereminisce sa mga nangyari at mga pinagdaan ko sa Aurora.

Ngayon isang alala nalang ang Cafe. Nawala na ng tuluyan ang isa sa mga paborito kong lugar. Sa tinagal ng panahon na nakatayo ang Aurora ay hindi ko inasahan na matitibag pa rin pala ito.

Ilang saglit pa ay dumating na si Calvin. Inabot n'ya sakin ang bote ng tubig at isang sandwich. Naupo si Calvin sa tabi ko tapos kumagat s'ya sa hawak n'yang pagkain.

"Sigurado ka bang okay ka na?" Namumutla ka pa rin e."

"Nalulula lang naman ako. Siguro kulang lang ako sa tulog. Wag mo na akong alalahanin."

"Alam mo natutuwa talaga ako sayo."

Sinilip ko si Calvin sa peripheral vision ko.

"Huh? Bakit naman?"

Bubuksan ko sana ang tubig ko pero wala akong sapat na lakas para buksan ang takip.

"Ako na."

Kinuha ni Calvin ang bote sa kamay ko at naramdaman ko ang mainit n'yang kamay na kumapit sa kamay ko. Binalik n'ya sa'kin ang tubig ko after n'ya na mabuksan ang bote. Kumagat ako sa sandwich tapos uminom ako ng konting tubig.

"Pa'no ko ba 'to sisimulan.."

Lumingon ako sa kanya at tumingin naman si Calvin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa ng sobrang tagal.

"Sorry." Napakunot ang noo si Calvin dahil sa narinig sa'kin

"Huh? Para saan naman?"

"Sabi mo sa'kin iwasan ko si Yuel pero hindi ko nagawa."

"Mahal mo pa ba s'ya?"

"Hindi na. Marami akong natutunan at nalaman."

"Mabuti naman pero wag kang magsosorry sa'kin dahil wala kang ginagawang mali. Sinunod mo lang ang gusto mo at walang mali don."

"Pero kung sinunod kita edi sana.."

"Alam mo ba kung saan ako nagpunta? Gusto mo bang malaman kung bakit ako nawala?"

Tumango ako kay Calvin.

Kung alam mo lang kung gaano ko iniisip kung ano ba ang dahilan mo, kung bakit bigla kang nawala.

"Nagpunta ako sa ibang bansa. Ginamit ko ang pera na pinagbentahan ko sa Aurora. Lumapit ako kay Angeli noon para tulungan ako palaguin ang pera na 'yon kasi gusto ko pagbumalik ako dito may ipagmamalaki na ako. Na may napatunayan ako. Lahat na ito ginawa ko para magkaroon ako ng laban kay Yuel. Inisip ko kasi wala akong gawa kay Yuel. Mayaman na s'ya tapos s'ya pa ang gusto mo. Dahil rin kay Yuel kaya ako yumaman."

"A-ano bang ginawa ni Yuel?"

"Isang linggo bago ang graduation mo noon. Pumunta si Yuel sa Cafe tapos nakipagusap s'ya sa'kin."

*****

"Anong ginagawa mo dito?"

Nakawheelchair si Yuel at halatang pinilit lang n'ya na makapunta sa Cafe ko.

"Let's do business." May ngiti sa labi n'ya nakakaloko.

Pumunta kami sa office ko tapos pinagusapan namin ang gusto n'yang pagusapan.

"Didirestuhin na kita.Gusto ko bilhin ang Cafe mo."

Masama ang timpla namin parehas at konti nalang mawawalan na ako ng kontrol sa sarili ko. Baka mandilim ang paningin ko at maupakan ko ang isang 'to.

"Kung heto lang ang paraan para mawala ka sa landas namin bakit hindi. Alam kong hindi mo ako tatanggihan. Alam kong pareho tayong baliw kay Rina."

"Baliw ka na talaga. Ano bang tingin mo sa kaibigan ko! Laruan!?" Napatayo ako sa kinauupuan ko at nanlalaki ang mga mata ko sa galit

"Magkano ba ang Cafe mo?"

"Ulul! Anong tingin mo sa'kin?"

"Sige kung ayaw mo naman wala akong magagawa."

Inikot ni Yuel ang wheelchair n'ya. Nagsimula na s'yang paandarin ito.

Sa totoo lang gusto ko ibaba ang pride ko para sa taong mahal ko. Nandito na rin naman ako kaya wala na akong takot. Lahat kaya ko ng isugal para kay Rina.

"Magkano ba!?" Tanong ko

Nakita ko ang pagtigil ni Yuel. Muli n'yang inikot ang wheelchair tapos humarap s'ya sa akin ngayon.

"Magkano ba ang presyo mo?"

"Baka hindi mo kayanin?"

"Parang sa tono mo minamaliit mo ako?"

"Haha. Bakit nasisindak ka na ba?"

"Sige, sampung beses sa halaga ng presyo mo, sapat na ba 'yon?"

Nginisian ako ni Yuel. Napayukom ang kamao ko sa inis sa kanya. Nagagalit din ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Nilunok ko ang pride ko.

****

Bakit mo naman ginawa 'yon? Hindi mo kailangan magsakripisyo para sa'kin."

"Kung hindi ko gagawin 'yon hindi ko matutunan na paunladin ang sarili ko. Naginvest ako kay Angeli at lumaki lalo ang pera ko. Kayang kaya ko ng tapatan si Yuel kahit sa anong paraan. Sigurado na ako na posible ko na s'ya na matalo. Lalo na ngayon, na wala ka ng nararamdaman para sa kanya."

"Kung hindi mo sana ibinenta ang Cafe edi sana napangalagaan mo pa rin ang negosyo ng pamilya mo."

"Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko. Siguro na late lang ako ng konti pero atleast nandito pa rin ako, para sayo. Naniniwala kasi ako na lahat ng bagay na ginagawa natin ay may mga kapalit at kabayaran. Pinagisipan ko ang lahat at tingnan mo. Naging successful na ako. Sa totoo lang ayokong magmadali pero siguro naman handa na akong na itanong 'to sayo."

Iniwas ko ang tingin ko kay Calvin. Nakaramdam ako ng kakaiba sa gusto n'yang itanong.

Nahihiya akong humarap sa kanya.

"Rina pwede na ba kitang ligawan?"

Dahan dahan akong tumingin sa mga mata ni Calvin. Nakita ko ang kagustuhan n'yang malaman ang sagot ko

"Alam mo kasi Calvin.."

"Oo at hindi lang Rina. Siguro naman malaki na ang pagasa ko d'yan sa puso mo."

"Kas -"

May biglang tumawag sa pangalan ni Calvin kaya napalingon ako at nakita ko si Sandy na nakapangnurse attire pa.

"Sir Calvin!!" Sobrang lakas ng sigaw ni Sandy

Tumayo kaming dalawa ni Calvin tapos niyapos ni Sandy ang matagal na hindi nakitang kaibigan. Napangiti kami ni Calvin ng magkatinginan kami.

Pagkaalis ni Sandy sa yakap ay tinitigan n'ya si Calvin.

"Ang pogi mo ngayon. Nagpakulay ka ba ng buhok?"

"Matagal na akong pogi."

"Che!" Umirap si Sandy dahil sa pagbibiro ni Calvin.

Napuno ng halakhakan ang pagkikita namin tatlo. Ang saya kasi nagkareunion kami sa hindi inaasahan pagkakataon. Kahit wala na ang Aurora ay mananatili pa rin ang pagiging solid ng pagkakaibigan at ang mga pinagsamahan namin.

"May girlfriend ka na ba?"

"A-ako?"

"Oo ikaw, wag mo sabihin na hinihintay mo pa rin si Rina?"

Tiningnan ko ng masama si Sandy na may pagbabanta. Pinatong ni Calvin ang braso n'ya sa balikat ko. Inakbayan n'ya ako na parang katulad dati. Masasabi ko na talaga na s'ya ang dati kong nakilala na Calvin, na sobrang kulit.

"Oo naman, hinihintay ko nalang si Rina, ngayon magiging girlfriend ko na s'ya."

"Woot woot!"

"Loko." Sabi ko tapos tinanggal ko ang braso ni Calvin sa balikat ko

"E ikaw ba? May nanliligaw naman sayo?"

"Ako? Hetong ganda na 'to? Oo naman! May boyfriend na ako, anong akala mo sa'kin Sir Calvin. Mahinang nilalang."

"Weh? May nagkamali sayo?"

"Siraulo ka talaga! Hintayin mo lang s'ya."

"Ilang taon ako maghihintay?" Pangaasar pa ni Calvin

"Ginayuma lang n'ya si Doc. Haha." Panggagatong ko pa kay Calvin

Napakagat labi si Sandy tapos inirapan kaming dalawa.

Lumingon ako sa parating na tao. Habang papalapit s'ya sa'min ay nakikilala ko s'ya.

"Si Doc Lee ba 'yun, Sandy?"

Tumingin s'ya sa tinuro ko tapos biglang nagtatakbo papalapit si Sandy kay Doc Lee.

Lumapit silang dalawa sa'min habang nakalingkis si Sandy sa braso ni Doc Lee, parang ahas lang ang peg? Kung makakapit parang aagawin si Doc Henry?

"Calvin tol!"

"Uy pare ikaw pala 'yan!"

Nagshakehands silang dalawa with matching umpugan ng balikat.

Nagulat kami kasi hindi namin inaasahan ang nasaksihan namin- kita sa mga mata nila na magkakilala sila.

"Musta ka?" Tanong ni Calvin

"Loko ka, sarado na pala ang Cafe mo. Binalikan kita nung isang araw pero iba na pala ang nakatayo."

"Mahabang istorya pare."

"Kakatapos lang ng shift ko, inom tayo."

Mukhang na-op kami bigla ni Sandy.

"Hindi ako pwede ngayon, may kasama ako." Tapos tiningnan ako ni Calvin

"Si Rina?"

"Magkakilala kayo?!"

"Oo naman." Sagot ni Doc Lee

"Ang liit ng mundo." Wika ni Calvin

Nagtinginan si Calvin at Doc Lee ng nakakaloko na para bang may pinaplano silang masama.

Lumayo sila sa'min dalawa. Naguusap sila ng sobrang hina habang natingin sila sa'min ni Sandy

"Loko talaga si Sir Calvin baka kung ano ano ang sinasabi n'ya. Baka siniraan n'ya ako."

Mahina lang din kami naguusap para hindi naman maging unfair sa'min mga babae.

"Mamaya baka hiwalayan ka na ni Doc."

"Wag naman sana kung hindi sasabutunan ko talaga si Sir Calvin."

Ilang saglit pa ay bumalik na sila sa pwesto namin. Nagsabi si Doc Lee nauuwi na daw sila ni Sandy kaya pinauna na namin sila.

Kaming dalawa nalang ulit ang nandito ni Calvin.

"Tara na umuwi." Pagyaya ko

"Ngayon na?"

"Oo."

"Pero-, sige na isuot mo na helmet mo."

Nginitian ko nalang si Calvin tapos sumakay s'ya sa motor. Sinuot ko muna ang helmet ko bago ko tuluyan inangat ang sarili ko para makaupo sa upuan sa likod ni Calvin. Ini-start n'ya ang motor tapos umalis na kami.

Mabilis na nagpatakbo si Calvin kumpara kanina.

"Saan ka ba natuloy?".

"Sa bahay ng tita ni Tyler."

"Tyler? Nandon ka pa rin?!"

"Oo!"

Para kaming nagsisigawan, hindi namin naririnig ang isa't isa dahil sa ingay ng paligid namin.

"Kumapit ka ha! Baka malalag ka."

Hinigpitan ko ang kapit ko. Takot din naman akong malaglag.

Mabilis kaming nakarating sa bahay. Pumarada si Calvin labas ng gate. Pinatay ni Calvin ang makina ng motor tapos bumaba na kaming dalawa. Hinubad namin ang mga helmet namin tapos inabot ko kay Calvin ang helmet ko.

Nakita ko si Tyler na papalapit sa'min.

Lumabas si Tyler ng gate at lumapit sa'kin.

"Musta Tyler?" Nginitian ni Calvin si Tyler pero seryoso lang ang mukha nito.

Nagtitigan lang sila sa isa't isa at parang may mali.

Nabalot ng katahimikan at awarkwardness ang buong paligid.

"Kailan ka pa bumalik?" Seryoso na tanong ni Tyler

"Kahapon lang pero ngayon lang kami nagkita ni Rina."

"Tara na Rina." Hinawakan ako ni Tyler sa wrist

"Saglit lang!" Pagpigil ni Calvin sa'kin.

Hawak nila ako sa magkabilang parte. Sa kanan si Tyler at si Calvin sa kaliwa. Nagmukha akong laruan na pinagaagawan nila.

"Bitiwan mo si Rina." Pagiinsist ni Tyler

Hinila ako ni Tyler pero hindi pumayag si Calvin kaya hinila n'ya ako pabalik.

Hindi ba nila alam na nasasaktan na ako sa ginagawa nila!

"Sino ka ba para sundin ko? Sayo ba si Rina?" Nanlilisik ang mga mata ni Calvin

"TAMA NA!" Umalingawngaw ang sigaw ko kaya binitiwan ako ni Calvin pero si Tyler nakakapit pa rin sa palad ko.

"Tumigil na kayo! Ano ba kayo mga bata? Ano bang problema mo Tyler?!" Sapilitan kong tinaggal ang kamay n'ya

"Di ba magkaibigan kayo! Tayo?! Bakit may ganito!" Dagdag ko pa

Hindi sila natitinag. Patuloy parin ang titigan nila na parang may kuryente sa pagitan. Parehas na mainit ang dalawa sa isa't isa kaya kailangan ko na gumawa ng paraan.

Hindi ko dapat hayaan na magaway sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top