Aurora 55

Sobrang haba ng lamesa na pinagpapatungan ng mga pagkain. Iba't ibang klase ng putahe ang nakahain para sa'min.

Naupo ako sa upuan nakatabi si Tyler. Si Tita Lea naman ay nasa tapat namin. Namumula ang mga mata ni Tita dahil sa pagiyak kanina. Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko dahil nahihiya akong kumuha ng pagkain, hanggang sa napansin ako ni Tyler. Nilagyan n'ya ang plato ko ng mga pagkain. Nagpasalamat ako dahil sa ginawa n'ya.

Nakain na ako ng makita ko si Tita Lea na nakatingin lang sa'min dalawa ni Tyler. Hindi n'ya ginagalaw ang pagkain sa plato.

"Tita kain na po kayo."

"Naku wag mo akong isipin anak. Kumain lang kayong dalawa. Masarap ba ang manok?"

"Opo! Sobrang sarap," Tumango ako para mas maexpress ang gusto kong sabihin.

"Buti nagustuhan mo, ako ang nagluto n'yan para kay Tyler."

Nakita kong sumilip ng tingin si Tita kay Tyler na busy naman sa paghiwa ng karne sa plato.

"Nagustuhan mo ba Tyler?" Tanong ni Tita

Tumingin ako kay Tyler para tingnan ang magiging tugon n'ya kay Tita. Tumingin muna sa'kin si Tyler tapos nginitian ko s'ya.

"Opo masarap Ma."

Binalik ko ang tingin ko kay Tita. Nakita ko ang hanggang langit na ngiti n'ya. Hindi ko maipaliwag pero parang naluluha na naman si Tita.

"A-ayos ka lang po Tita Lea?"

"Oo. Natutuwa lang ako sa inyo."

"Bakit naman po?"

"Ang laki ng pinagbago ni Tyler. Alam ko dahil 'yon sayo, Rina."

"Ma, nakakahiya."

Napapangiti lang ako habang masayang nagkukwento si Tita Lea. Nakakatuwa na nakatulong pala ako ng hindi ko alam.

"Ayos lang 'yon 'di ba Rina?"

"Opo Tita."

Nagtawanan kami ni Tita Lea sa isa't isa. Hindi ko talaga inakala na ganito kabait si Tita na halos magkasing level ang turing n'ya sa'kin. Nung una naghehesitate akong makipagusap pero habang tumatagal ay nakikita ko ang tunay na ugali ni Tita.

"Hindi ba talaga makakarating si Papa?"

"Hindi, busy ang papa mo. Alam mo naman ang trabaho n'ya."

"Lagi naman s'yang wala. Death aniverssary ni Kaizer pero wala pa rin s'ya."

Nakita ko na medyo nagbago ang tono ng boses ni Tyler kaya hinawakan ko s'ya sa braso. Hinaplos ko ng konti para kumalma s'ya kahit na papaano.

"Tara na Rina." Niyaya ako bigla ni Tyler

"Huh? S-saan naman? Hindi pa tayo —"

Hinila ako bigla ni Tyler. Napatayo ako sa upuan tapos sapilitan akong sumunod sa kanya kasi mariin n'yang hawak ang wrist ko.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Samahan mo ako."

Umakyat kami sa mahabang hagdan. Dinala ako ni Tyler sa isang kwarto tapos nilock n'ya ito.

Binitiwan n'ya ako tapos naupo s'ya sa malaking kama.

"Bakit ka ba umalis? Tara nang bumalik."

"Wag na. Dito ka lang."

"E ano bang problema mo?"

"Wala akong problema. Ayoko lang na ganyan sila."

Lumapit at naupo ako sa tabi ni Tyler.

"Pwede mo akong sabihan ng mga problema mo." Hinawakan ko ang kamay ni Tyler

Wala akong magagawa kundi ito lang. Hindi ko alam kung papaano icomport si Tyler.

"Hindi ko alam. Parang hindi ko kayang ikwento ang lahat."

"Bakit naman?"

"Ayoko ng balikan ang masamang alaala."

"Hindi kita pipilitin, basta tandaan mo nandito lang ako."

Tumingin sa'kin si Tyler tapos saglit ko s'yang nginitian.

"Salamat."

"Sige na, bumalik na tayo kay Tita."

"Mamaya na."

Sa oras na 'to ay naramdaman ko ang mainit na katawan ni Tyler. Niyapos n'ya ako at hindi ko 'to inaasahan.

Hindi na ako nagtanong kung bakit. Ayos lang sa'kin na yapusin n'ya ako ng matagal, as long as na maging okay na s'ya. Hindi ko s'ya paalisin hangga't maging magaan na ang pakiramdam n'ya. Alam ko na may pinagdadaanan si Tyler kaya willing ako na tulungan s'ya kahit na sa anong paraan.

Makalipas ang ilang segundo ay naramdaman ko ang paghikbi ni Tyler.

Umiiyak naman s'ya ngayon. Ang vulnerable ni Tyler. Wala akong maintindihan sa lahat ng mga pinagdadaanan n'ya pero nararamdaman ko s'ya, mula sa pinapakita n'ya.

"Ako ang pumatay kay Kaizer—"

Napatulala ako sa lumabas na rebelasyon sa bibig ni Tyler.

"Namatay s'ya ng dahil sa'kin. Alam kung sinisisi pa rin ako ni Papa dahil sa nagawa ko."

"Kumalma ka lang, Tyler."

Umalis si Tyler sa pagkakayapos sa'kin tapos nakita ko ang unti-unting pagagos ng luha mula sa mga mata n'ya.

"Ako ang dahilan ng lahat, na kaya ako nagkaganito dahil nilalamon ako ng konsensya ko. Nilayo ko ang sarii ko sa lahat dahil ayokong mapalapit sa kanila. Ayokong dumating ang panahon na sila naman ang mapahamak dahil sa'kin."

"Hindi mo naman kasalanan kung bakit ka magisa e. Wala kang dapat ipagalala na mapalapit sa iba. Wag kang matakot maiwan dahil... Dahil nandito ako. Hindi kita iiwan."

"Natatakot ako na baka mangyari ang nagawa ko noon, kay Kaizer. Ayokong pati ikaw mawala. Hindi ko na kakayanin."

Kinuha ko ang panyo sa shoulder bag ko.

Sa pagkakataon na ito ay hindi na sa pawis ang paggagamitan ng panyo ko.

Pinahiran ko ang pisngi ni Tyler habang pilit na ngumingiti sa kanya. Gusto ko pa rin maging positibo para kay Tyler, ayokong maging mahina dahil kailangan n'ya ako ngayon.

"Wag kang magalala hindi ako mawawala, okay?"

"Gusto kong malaman mo kung bakit nawala si Kaizer."

"Kung ayaw mong balikan wag mo nang pilitin ang sarili mo."

"Sigurado na ako dahil ikaw lang ang malapit sa'kin, na ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. Ikaw lang rin ang handang makinig sa'kin."

"Sige makikinig ako sayo."

"Naglalaro kami ni Kaizer ng gabi ng mangyari ang pinakamadilim na parte ng buhay ko. Nalaglag si Kaizer sa pool habang masaya kaming naglalaro, tiningnan ko lang s'ya noon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naririnig ko lang ang paghingi n'ya ng tulong pero naunahan ako ng kaba ko. Natatakot akong mamatay, kung alam ko lang sana na mamatay si Kaizer noon edi sana sumunod na ako sa kanya. Nang dahil sa pangyayari na 'yon nagkaroon ako ng trauma at phobia. Lumayo ako sa lahat— naging introvert ako para hindi ko na ulit maranasan ang maiwan ng mga taong mahalaga sa'kin. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Dumating ang pagkakataon na ikaw naman ang napahamak, hindi ko na kayang mawala ka, kaya nung narinig ko ang boses mo ay naalala ko si Kaizer. Nawala ang lahat ng takot ko. Alam kung pwede kang mawala kapag, kapag —" Tuluyan ng bumuhos ang luha ni Tyler.

"Kaya nagpapasalamat ako sayo ng sobra. Hindi mo alam pero ang laki ng nagawa mo para sa'kin."

"Salamat.. dahil sayo nagkaroon ako ng exemption, na-overcome ko ang lahat. Nang dahil sayo hindi ako natakot mapalapit sa iba."

Ngayon na narinig ko ang lahat ng kwento ni Tyler ay mas lalo akong bumilib sa kanya. Hindi ko inaasahan na may dahilan pala kung bakit s'ya ganon. Sa dami kong nalaman sa istorya ng buhay ni Tyler ay mas lalo akong napalapit sa kanya. Ang maging mabuti na kaibigan na iintindihin si Tyler ang magiging paraan ko para makabawi sa ginawa n'ya. Maliit na bagay ito kumpara sa pagligtas n'ya sa buhay ko.

Kumalma na ang lahat. Tumahimik ang paligid. Nakatitig lang kami sa kawalan ni Tyler. Nakaupo kaming dalawa sa kama.

Dahan dahan kong ibinababa ang ulo ko sa balikat n'ya.

Hindi ko alam kung bakit pero ito na siguro ang way ko para sabihin sa kanya na lagi akong nasa tabi n'ya. Hindi ko man maexpress ng literal sa kanya pero ipapadama ko nalang sa alam kong pamamaraan.

"May gusto akong ibigay sayo." Biglang umimik si Tyler

Inalis ko ang ulo ko tapos tiningnan ko s'ya

"Ano 'yon?"

Tumayo si Tyler tapos pumunta s'ya sa isang sideboard. Habang may kinukuha s'ya ay inikot ko ang mata ko sa kwarto.

Ang daming mga poster ng mga sinaunang musicians. May mga notes na nakapaskil sa pader. Mahahalata mo dito ang hilig ni Tyler. Hindi mo aakalain na may talento si Tyler sa musika, despite nang pagiging introvert n'ya ay hindi mo aasahan na may ganito s'yang talent na dapat shinishow case at pinaparinig sa maraming tao. Hindi ko sinasabi na sayang ang talento ni Tyler dahil mahiyain s'ya pero sobra akong natuwa at nagulat na may tinatago si Tyler na isang gift mula sa maykapal.

"Heto."

May inabot si Tyler na isang card. Tiningnan ko ito, hindi ko kinukuha sa kamay n'ya.

"Ano ba 'yan?"

"Basta kapag gusto mo pwede mong gamitin 'yan."

Kinuha ko ito sa kamay ni Tyler. Tiningnan ko kung ano ba ang nakalagay— mukhang isang invitation card.

"Salamat dito."

"May gusto akong gawin kapag pumunta ka sa araw na 'yan. Matagal ko na dapat ginawa 'to."

"Ano yun?"

"Basta."

Pumunta si Tyler sa pinto tapos binuksan n'ya ito. Napatigil s'ya ng biglang bumulaga sa harap n'ya si Tita Lea.

"Tyler anak!"

Niyakap kaagad ni Tita si Tyler ng sobrang mahigpit. Naririnig ko mula rito ang pagiyak ni Tita Lea. Hindi ko maiwasan na mangilid ang luha sa mga mata ko. Nakakatuwa lang na makita ang kaganapan na ito. Hindi ko alam na nakikinig pala si Tita sa'min.

"Tyler anak, sorry." Boses ng isang lalaki

Lumabas ang pangulo ng bansa, ang tatay ni Tyler tapos niyakap n'ya ang magina.

Sa oras na ito ay naramdaman ko ang pagmamahal ng isang pamilya. Hindi ko maiwasan mapaiyak dahil hindi ko na maitago ang saya para kay Tyler. Sa wakas nagkaroon na sila ng pagkakaintindihan. Naisip ko bigla ang pamilya ko, naalala ko si Mama at Papa, namiss ko sila bigla habang pinapanuod ang tagpo na 'to.

"Hindi ko gustong isipin mo na kasalanan mo ang lahat. Pasensya ka na anak kung pinaramdam ko sayo 'yun. Ayoko na mawala ka, ikaw na lang ang natitira kong anak. Sobrang sakit nang mawala si Kaizer noon, akala ko hindi na ako sasaya. Nagbago ang lahat ng mawala na rin ang kuya mo. Sobra ang sakit dahil namatay si Denver kaya sorry anak, sana mapatawad mo na ako."

"Sorry Pa."

"Patawarin mo na rin ang sarili mo anak. Wala kang kasalanan."

Matapos nilang makapagusap ay lumapit sa'kin si Tyler tapos hinila n'ya ako ng marahan. Lumapit kami kay Tita at sa presidente.

"Pa si Rina po."

Nginitian ako ng pangulo tapos nagoffer s'ya ng kamay. Kinuha ko ito sabay nagshakehands kami.

"Girlfriend mo?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng pangulo.

"Magkaibigan lang sila." Paglilinaw ni Tita Lea

Napangiti nalang ako dahil sa pagaakala ng Presidente

Lumabas kami sa kwarto tapos bumaba kami sa may salas. Naupo sila sa sofa, magkatabi si Tita Lea at ang Presidente. Nakatayo lang kami ni Tyler

"Uuwi ka na ba talaga Rina?"

"Opo, pasensya na po."

"Tyler anak, ingatan mo si Rina ha." Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Tita Lea pero mukhang seryoso naman ang mukha n'ya.

Tumango lang si Tyler tapos nagbless ako kay President, as respect ko para sa kanya.

"Ayos ka na ba Rina?"

"Ayos naman po ako."

"Ang ibig ko sabihin sa Lolo mo. Alam kong masakit ang nangyari, condolence sayo."

"Ayos lang naman po ako. Saka maayos naman pong nakapagpaalam sa'kin si Lolo kaya mas naging madali po para sa'kin."

"Ikaw pala ang apo ng yumaong presidente."

"Opo, tita."

"Condolence anak."

"Magiingat kayo ha." Pahuling sabi ng tatay ni Tyler

Naglakad na kami ni Tyler tapos palabas na sana kami nang tumigil kami dahil sa isang tawag.

"Rina saglit lang!"

Lumingon kaming dalawa tapos nakita ko si Tita na may dalang bulaklak. Isang bouquet na pamilyar sa'kin

"Para saan po 'to Tita?"

"Para sayo 'yan. Gusto kong magpasalamat sayo. Naging mabuti kang kaibigan sa anak ko."

"Lavender na roses?"

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"

"Nagustuhan ko po, sobra. May naalala lang po ako."

"Nakatanggap ka na ba ng ganyan?"

"Sa totoo lang po. Opo, pero hindi ko alam kung sino ang nagbigay sa'kin."

Nakita ko na ngumiti si Tita Lea habang nakatingin kay Tyler. Tinap n'ya ang braso ni Tyler na parang may gustong sabihin. Hindi ko nalang pinsansin.

"Ge na, magiingat kayo ha. Bumalik ka dito."

"Sige po."

Naglakad kami ni Tyler habang yapos ko ang bouquet ng bulaklak. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko. Naalala ko ang taong nagbigay sa'kin ng bouquet ng roses. Nagkataon na lavender din ang binigay ni Tita Lea.

Sinubukan ko na amuyin ang mga rose pero may kakaiba— hindi ako nagtaka pero umasa ako sa isang bagay. Nagexpect ako na magiging kaamoy nito ang mga rose na natanggap ko dati.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top