Aurora 54

Isang matinis na tunog ang naririnig ko hanggang sa tuluyan kong inimulat ang mga mata ko. Umubo ako at kumuha ng malalim na paghinga.

Una kong nakita ang mukha ni Tyler at basang basa s'ya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong n'ya sa'kin

Lumingon ako sa paligid at ang daming tao na nakapaligid sa'min.

"A-ayos ka lang ba?" Naupo si Sandy sa tabi ko at kinamusta ako.

Shock pa rin ako sa nangyari. Nararamdaman ko ang katawan ko na nanlalamig dahil basang basa ako.

"Oo, okay lang ako."

Naramdaman ko na parang may nagangat sa'kin. Buhat ako ngayon ni Tyler. Hindi ko alam ang sasabihin ko kasi hanggang ngayon hindi ako makapagsalita ng ayos dahil sa nangyari.

Naglalakad si Tyler hanggang sa makarating kami sa kotse ni Doc Lee. Tumigil s'ya pagkatapos binaba n'ya ako. Kita ko ang panginginig ng buo n'yang katawan.

"A-ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?" Usisa ko

Hindi s'ya makatingin nang maayos sa'kin. Balisa at parang takot na takot.

"Kumalma ka Tyler. Tumingin ka sa'kin."

Hinawakan ko ang mukha ni Tyler ng dalawa kong kamay tapos tuluyan ko s'yang hinarap sa'kin.

"Tumingin ka sa'kin, please."

Nakita ko ang mga luha n'ya na pumapatak. Magkatitigan lang kami at hindi ko alam ang nangyayari sa kanya.

"Sorry." Sabi ni Tyler tapos niyakap n'ya ako ng sobrang higpit

Naririnig ko ang paghikbi n'ya ng malakas. Nararamdaman ko ang pagiyak at panginginig n'ya.

Sa hindi inaasahan na pangyayari habang tinatap ko ang likod n'ya ay nakaramdam ako ng mainit na likido na unti-unting bumabagsak sa mata ko

Umiiyak na rin pala ako.

"Sorry.." Paulit ulit na sinasabi ni Tyler

"Tumahan ka na."

"Wag mo kong iwan Rina. Natatakot ako."

"Oo hindi kita iiwan."

Kalaunan ay dumating na sila Sandy at Doc Lee. Nakaupo lang kami habang hawak ko ang kamay ni Tyler.

"Tara na." Tapos pumasok na si Doc Lee sa kotse

Nagkatinginan kami ni Sandy. Hindi n'ya alam kung bakit ako nakatingin sa kanya.

"Pwede bang sa likod na kami ni Tyler?"

"O sige."

Pumasok kami ni Tyler sa kotse habang magkatabi si Doc Lee at Sandy sa unahan.

Habang bumabyahe ay napansin ko na ang tagal ko na palang nakakapit kay Tyler. Hindi pa rin kasi kami bumibitiw sa isa't isa, ang init ng kamay n'ya. Naramdaman ko na bumagsak ang ulo ni Tyler sa balikat ko.

Nakatulog na pala s'ya.

"Ayos lang ba si Tyler?" Tanong ni Sandy

"Hindi ko rin alam."

"Nagaalala ako sa kanya kanina. Nung nakita ka naming nalulunod nakatayo lang si Tyler at balisa."

"Ano kayang nangyayari kay Tyler?"

"Mabuti nalang at nakuha ka n'ya kaagad sa ilalim."

"Bakit ka ba nalalag sa pool?" Tanong ni Doc Lee

Dapat ko pa bang sabihin sa kanila o wag nalang? Ayoko ko na magalala pa si Sandy sa'kin.

"Wala.. may nakita lang ako."

"Ano bang nakita mo?"

"Wala."

"Ang weird mo naman."

"Hayaan mo muna ako. Gusto ko ng umuwi."

"Okay sige. Malapit na tayo."

Naging tahimik ang byahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Ginising ko si Tyler tapos bumaba na kami.

"Ingat kayo sa byahe." Nakadungaw si Sandy sa bintana

"Kayo din, magpahinga kayo."

After namin magpaalam sa isa't isa ay umalis na sila Sandy. Nakatayo lang kaming dalawa ni Tyler.

"Ayos ka na ba?" Pinutol ko ang katahimikan sa pagitan namin dalawa

"Oo. Salamat."

"Ako nga ang dapat magpasalamat sayo."

"Tara na sa loob."

Naglakad na kami ng sabay papunta sa bahay. Nang makapasok na kami ay naupo muna si Tyler sa sofa. Tumigil ako dahil nagaalala pa rin ako sa kanya.

"Hindi ka pa ba magpapalit ng damit? Basa ka pa."

"Mamaya na."

"Baka kasi magkasakit ka."

"Sige na magpalit ka na."

Wala akong nagawa kun'di ang sundin nalang si Tyler. Naglakad ako paalis pero nagaalala talaga ako sa kanya.

Alam ko na okay na s'ya pero bakit hindi ako mapakali.

Pumasok ako sa kwarto ko tapos dumiretso kaagad ako sa drawer ko. Kumuha ako ng towel at nakita ko ang isa ko pang-extra na towel. Kinuha ko ito tapos lumabas ako ng kwarto ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakaupo pa rin si Tyler na nakatingin sa kawalan.

"Tyler." Tawag ko sa kanya

Dahan dahan s'yang lumingon sa'kin. Inoffer ko ang hawak kong towel sa kanya.

"Magpunas ka muna. Nagaalala ako sayo baka kasi magkasakit ka."

Tumayo si Tyler tapos lumapit sa'kin. Kinuha n'ya sa kamay ko ang towel at binuka ito para lumaki. Marahan n'ya itong inikot sa akin tapos pinatong n'ya ito sa magkabila kong balikat.

"Sige na magpalit ka na." Tapos kinuha n'ya ang towel na nasa isa kong kamay

Nakaramdam ako ng kakaiba habang nakatingin s'ya sa'kin.

Ngumiti s'ya sa'kin kaya biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"May sakit ka ba?" Tanong ni Tyler

Nilagay ni Tyler ang kamay n'ya sa noo ko. Pinakiramdaman n'ya 'to.

"Wala naman akong sakit."

"Bakit namumula ka?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya kaya napaatras ako ng konti. Binitiwan na ni Tyler ang noo ko.

"S-sige aalis na ako. Magpalit ka na ha."

Mabilis akong tumalikod sa kanya at kaagad na dumiretso sa kwarto ko. Ang bilis ng pangyayari at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Kumalma ka Rina, si Tyler lang naman 'yon. Mabuti s'yang kaibigan kaya ganito. Wag mong haluan ng kung ano. Sobrang mabait lang s'ya at niligtas n'ya ako sa pool. Hindi pa siguro sapat ang salamat lang. Ano kaya ang gagawin ko para makabawi kahit na papaano.

Naglakad ako papunta sa may walking closet tapos hinubad ko ang suot kong dress. Binalot ko ang towel sa katawan ko tapos kumuha ako ng t-shirt na puti tapos panjamas. Nagbihis ako tapos nilagay ko sa ulo ko ang towel. Nagpunta ako sa harap ng salamin tapos tinitigan ko ang sarili ko.

Muntik na akong mamatay kanina pero bakit parang wala lang sa'kin. Bakit mas inintindi ko ang nangyayari kay Tyler kumpara sa'kin. Bakit iba ang mga way ng mga paguusap namin? May kakaiba akong nararamdaman kay Tyler. Naguguluhan ako, sobra.

Bago ako malunod ay nasaksihan ko kung pano hinilakan ni Yuel si Angeli, naramdaman kong hindi na pala ako na aapektuhan kay Yuel. Nawala na ang Yuel na minahal ko dati. Wala na s'ya sa puso ko. Sigurado na ako sa bagay na 'to.

Kinuha ko ang bond paper na nakalagay sa table ko. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang ballpen ko. Naupo ako sa upuan tapos nagsimula akong magsulat.

Ito na ang tamang oras para umalis na ako. Tama si Tyler, kailangan ko 'tong gawin.

After ko magsulat ay tinupi ko 'to at kumuha ako ng sobre at nilagay ang sulat sa loob. Sinulatan ko ang labas ng sobre ng Resignation Letter. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos ko ang sulat.

Kailangan ko nalang ito ibigay sa kanya.

Tumayo ako tapos nahiga na ako sa kama. May saya ako sa labi habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Naalala ko si Calvin at Tyler, ang mga totoong nagmamalasakit sa'kin. Naalala ko ang mga alaala na nakasama ko sila, lalo na si Calvin. Hinding hindi ko rin makakalimutan ang ginawa ni Tyler— utang ko ang buhay ko sa kanya.

Pipikit na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko, may isang text message. Kinuha ko ito sa gilid ko tapos binukasan ang message ni Tyler.

Pwede ka ba bukas? May pupuntahan tayo. Sana makasama ka.

Napangiti naman ako habang binabasa ang message n'ya. Nagreply ako ng sige. Ito na rin siguro ang magiging bawi ko kay Tyler. Kinuha ko ang extra kong unan tapos niyapos ko 'to. Unti-unti kong sinara ang mga mata ko.

****

Nagising ako sa dahil sa katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

"Bakit? Pwede bang magextend pa ng 5 mins?" Sabi ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko

"Bumangon ka na, naghanda ako ng umagahan."

Tyler?

Napabalikwas ako sa kama tapos tumayo at tumingin sa salamin kung ayos ba ang itsura ko. Nakita kong sabog ang buhok kaya kinuha ko ang suklay tapos saglit akong nagayos ng buhok. Chineck ko rin ang gilid ng mga mata ko baka may morning glory pa ako.

Okay G!

Lumapit ako sa pinto tapos pinagbuksan ang pinto. Nakapanjamas rin si Tyler pero una akong napatingin sa maganda n'yang ngiti.

Ang ganda ng bungad ng umaga ko. Nakangiti si Tyler sa'kin.

Nauna maglakad si Tyler tapos sumunod lang ako sa kanya. Nagpunta kami sa lamesa na kung saan nakaprepare ang mga pagkain, halata na mainit init pa.

"Upo ka na." Sabi n'ya kaya sumunod ako

"Saan ka pupunta?"

"Gusto mo ba ng kape? O gatas?"

"Kape." Sabay ngiti ko

Pumunta si Tyler sa coffee machine tapos nakatitig lang ako sa kanya — sa ginagawa n'ya. Ang sarap lang n'ya titigan habang busy. Hindi ko namalayan na pabalik na s'ya kaya na huli n'ya akong nakatingin sa kanya.

"May problema ba?"

Pinatong n'ya sa tabi ng pinggan ko ang kape

Umiling ako tapos nagsign of the cross. Sinimulan kong lantakan ang tocino.

"Mukhang maganda ang gising mo."

"Huh? A-ako? Hindi naman."

"Nakatulog ka ba ng maayos?"

"Oo sobra."

"Mabuti."

Natahimik ang paligid at tanging ingay lang nagbabanggaang kutsara at pinggan ang maririnig. Hindi ko pa rin maiwasan na panakaw na silipin si Tyler.

Ewan ko ba, parang trip ko lang.

"Pagkatapos natin aalis na tayo."

Bigla akong na huli ni Tyler na nakatingin sa kanya kaya kumunot ang noo n'ya. Kinuha ko ang hotdog at sinubo ng mabilis para kunware walang nangyari.

"Dahan dahan lang."

Tumingin ako kay Tyler ng puno at lumulubo ang pisngi. Ngumuya muna ako tapos inubos ko muna ang laman ng bunganga ko bago ulit ako magsalita.

"Tapos na ako. Saan ba tayo pupunta?"

"Sa parents ko."

"Bakit?"

Teka lang bakit parang kinabahan ako nung sinabi n'yang pupunta kami sa magulang n'ya. Hindi ako makapaniwala na makakaharap ko ang presidente ng bansa at ang nanay n'ya? Sino bang hindi kakabahan kapag bigatin ang mga makakaharap mo.

"Basta."

"O sige na nga."

Tumayo na si Tyler sa upuan tapos niligpit na n'ya ang mga pinagkainan namin. Tutulungan ko sana s'ya kaso ayaw n'ya. Hindi na ako nangulit baka kasi makabasag na naman ako. Pumunta nalang ako sa cr at naligo. After kong maligo kaagad akong nagbihis ng damit. Nahirapan akong mamili ng susuotin pero napagdesisyunan ko na maging simple lang.

Bago ako lumabas ng kwarto ay nagring ang phone ko kaya chineck ko muna kung sino. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang pangalan ni Yuel. Napagdesisyunan ko nalang na i-airplane mode ang phone ko para hindi na n'ya ako maabala o kaya makulit. Kilala ko si Yuel hindi n'ya ako titigilan. Kinuha ko ang shoulder bag ko tapos nilagay ang phone ko.

Lumabas ako ng kwarto ko tapos nakita ko na nakaupo si Tyler sa sofa kaya lumapit ako. Tumayo naman kaagad s'ya ng makita ako. Magkasabay kaming lumabas ng bahay tapos may binook na pala si Tyler na taxi kaya sumakay nalang kami pagkalabas namin.

Ang tahimik lang ng paligid namin. Nakakahiya kung ako ang magsisimula ng conversation namin. Kaya sumilip nalang ako sa labas ng bintana ng taxi para malibang man lang.

"Salamat nga pala."

Nagulat ako nang nagsalita si Tyler. Humarap ako sa kanya.

"Para saan?"

"Para sa sa towel."

"Wala 'yon. Maliit na bagay."

"Saka salamat ulit dahil hindi mo ako pinabayaan. Ikaw ang kailangan icomfort pero inuna mo pa rin ako."

Nginitian ko s'ya tapos tinap ko ang braso n'ya. Nagokay sign ako para maging ayos na para sa'min dalawa.

Kahit na ganito lagi ang routine namin ay nasasanay na ako at habang tumatagal ay lalo akong napapalapit kay Tyler.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nandito na kami sa labas ng bahay nila Tyler. Hindi pa ako nakakababa pero natatanaw ko na ang ganda at laki ng bahay nila. Namamangha ako kasi sobrang ganda lang talaga.

Tumugil ang taxi tapos bumaba kami ni Tyler. Nagpunta kami sa gate at may dalawang guard sa gate.

"Good morning Sir Tyler."

"Nandyan na ba si Daddy?"

"Wala pa po. Hindi pa dumadating."

Nagkatinginan kami ni Tyler tapos binuksan nung guard ang gate. Pumasok kami sa loob at tumambad sa'kin ang fountain sa gitna ng makukulay na halama't bulaklak, nakakarelax ang nanggagaling na tunog mula sa bumabagsak na tubig sa magandang disenyo na fountain. Lumingon lingon ako sa paligid habang nakasunod kay Tyler na nauuna maglakad.

Napatigil akong ng biglang nagstop si Tyler sa paglalakad.

"Anak! Sa wakas nakauwi ka na. I miss you," Niyapos ng isang babae si Tyler

Lumapit kay Tyler ang isang babae— pamilyar s'ya sa'kin dahil nakita ko na s'ya dati sa morgue nung mamatay si Denver. Kita ang pagkamiss n'ya kay Tyler.

"Ayos ka lang ba?"  Tumango lang si Tyler

Nakita kong tiningnan ako ng nanay ni Tyler, nginitian ko s'ya.

"Ma, si Rina nga pala. Kaibigan ko."

"Hi po."

Lumapit ako tapos nakipagbeso ako sa nanay ni Tyler. Naramdaman ko naman na ang magaan na pagwelcome n'ya sa'kin. Hindi makahawak ang nanay ni Tyler dahil may suot s'ya na gloves

"Hi Rina, parang nakita na kita somewhere."

"Opo, ako po yung nasa morgue."

Hindi ko na dinetalye dahil ang sama kung iopen ko pa.

"Ahh.. oo ikaw nga 'yon. Magkaibigan pala kayo ni Tyler."

"Opo —"

"Tita Lea nalang ang itawag mo sa'kin. Wag kang mahiya."

Napatango nalang ako dahil sa kabaitan ni Tita Lea. Hindi na ako magtataka kung saan nagmana si Tyler ng kabaitan.

"Sorry ha, 'di ko inexpect na mapapaaga ang pagdalaw n'yo dito. Hindi pa ako tapos magdecorate ng bulaklak."

Sinilip ko ang lamesa kung saan nakalagay ang mga iba't ibang klase ng bulaklak.

"Nagpaflower arrangement po pala kayo."

"Oo, naging hobby ko na 'to. May Flower Shop din ako, pero anyways tara na sa loob. Nakaready na ang pagkain."

Nauna si Tita Lea na maglakad pero ako nakatingin lang sa lamesa na puno ng mga bulaklak. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga rose.

"Tara na." Pagyaya ni Tyler

Hinihintay pala n'ya ako kaya kaagad akong sumunod. Pagpasok namin sa mismong loob ay makikita ang naglalakihang mga paintings, pero may isa na pupukaw ng atensyon na bago ka pumasok ay ito ang unang sa salubong, isang malaking frame na nakita ko na dati— doon sa bahay na tinutuluyan ko ngayon.

"Ma, may gagawin lang ako sa kwarto ko."

"Sige."

Umalis si Tyler at naiwan kami ni Tita dito.

Nakatingin lang ako sa paligid kasi ang ganda lang ng interior ng bahay.

"Ikaw ba ang kasama ni Tyler sa bahay?" Napalingon ako ng magtanong si Tita

"Opo."

Nakita ko nalang ang maaliwalas na ngiti ni Tita sa'kin.

"Ang saya ko sobra."

"B-bakit po?"

"Ikaw lang ang unang dinala na kaibigan dito ni Tyler. Naiiyak ako sorry."

Lumapit ako kay Tita para icomfort sana s'ya.

"Finally nagkaroon na rin s'ya ng kaibigan, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na nandito ka Rina. Sobra pa sa sobra."

"Mawalang galang na po pero pwede po ba akong magtanong?"

"Ano 'yun anak?"

Nabigla naman ako sa anak pero hindi ko nalang papansin, sadyang ganito lang siguro si Tita.

"Bakit po ba walang kaibigan si Tyler?"

"Mahabang istorya pero nakikita mo ba?" Tapos tinuro ni Tita Lea ang malaking frame sa harap namin, "Si Tyler nalang ang natitira kong anak. Kaya mahal na mahal ko s'ya. Pinapabayaan namin si Tyler sa lahat ng mga gusto n'ya dahil s'ya nalang ang natitira sa'min ng asawa ko. Wala na si Denver at hindi ko na talaga kakayanin kung pati s'ya mawawala. Hindi kami naghihigpit kay Tyler dahil kilala namin s'ya."

"Kaya po pala kahit na anak si Tyler ng presidente ay parang malaya n'yang nagagawa ang gusto n'ya kasi maluwag kayo sa kanya."

"Oo, baka ikamatay ko kung pati s'ya ay mawawala. Nawalan na ako ng dalawang anak."

Dalawang anak? Ibig sabihin ba nito? Tatlo ang anak ni Tita?

Napalingon ulit ako sa malaking frame. Tingnan kong mabuti ang isang bata na katabi ng batang Tyler— nanlaki ang mga mata ko ng pansin ko ang pendant ng kwintas ng bata. Binalik ko ang tingin ko sa kwintas na suot ko. Hinawakan ko ang pendant at pinagkumpara ko.

"B-binigay ba n'ya sayo ang kwintas na 'yan?"

Tumingin ako kay Tita Lea na lumuluha ng sobra.

"Opo, kanino po ba 'to?"

"Maupo muna tayo. Ikukwento ko sayo ang lahat."

Naglakad kami ng konti tapos naupo kami ni Tita Lea sa isang mahabang sofa. Magkatabi kaming dalawa.

Nilapit ni Tita ang kamay n'ya sa'kin tapos hinawakan n'ya ang pendant ng kwintas na suot ko.

"Kay Kaizer ang kwintas na 'to. Kakambal s'ya ni Tyler."

****

"Mama!" Tinatawag ako ni Kaizer.

Nakaupo kami ni Tyler sa isang upuan. Hawak ni Kaizer ang saxophone at kita ang ngiti n'ya. Kung tutuosin mas malaki pa kay Kaizer ang saxophone pero gustong gusto n'ya ito kaya wala kaming magagawa kundi suportahan lang s'ya.

"Sige na Kaizer, tugtugan mo kami ng kapatid mo ng saxophone."

"Opo!"

Hinipan ni Kaizer ang saxophone at lumabas ang matinis na tunog sa metal na instrumento. Kumalat ang nakakarelax na tugtog ng saxo sa buong paligid.

Pumapalakpak si Tyler habang pinapanuod ang kakambal n'ya.

"Ma! Ang galing ni Kaizer!"

Nakangiti lang ako hanggang matapos ang pagtugtog ni Kaizer.

"Ayos ba mama?"

"Oo naman."

"Turuan mo ako Kaizer!" Ngiting ngiti si Tyler sa kakambal n'ya

"Sige Tyler lapit ka dito."

Magkatabi sila habang nanunuod ako sa malayo.

Lumipas ang panahon at naturuan ni Kaizer si Tyler. Binigay ni Kaizer ang kwintas kay Tyler dahil mahal na mahal n'ya ang kakambal n'ya. Pinangarap nilang maging performer o musikero. Bata palang gusto na nilang magkaroon ng sariling orchestra. Gustong gusto nilang kambal ang musika.

****

Nakikinig lang ako kay Tita Lea at mababakas sa mukha n'ya ang lungkot sa pagkukwento.

"Nasaan na po si Kaizer?"

"Ma, kain na po tayo." Biglang nagsalita at lumapit sa'min si Tyler

Napunta ang atensyon ni Tita kay Tyler. Tumayo kaming dalawa tapos sumunod kami kay Tyler.

May gusto pa akong malaman, hindi ako makuntento sa kinuwento ni Tita. May bagay na kulang na gusto kong malaman.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top