Aurora 49

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ni Yuel pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay napatigil ako. May boses akong naririnig. May kausap si Yuel.

"Aalis na ng bansa si Angeli?" Panigurado akong si Yuel ang nagsalita

Akala ko wala na s'yang koneksyon kay Angeli pero parang meron pa pala. Wala naman sa'kin kahit na narinig ko. Medyo na dissapoint lang ako kay Yuel.

Tuluyan na akong pumasok sa loob. Nakita ko si Yuel na hawak ang phone at nakatapat ito sa tenga n'ya.

Nakatingin s'ya sa'kin. Halata ang pagkagulat sa bigla kong pagpasok. Aakalain mo na nakakita s'ya ng multo.

"Bakit?" Tanong ko

Magpipretend akong walang narinig mula sa kanya. Hindi ko masasabing hindi ako naapektuhan sa narinig ko pero hindi ko nalang ginagawang big deal.

"Kanina ka pa ba d'yan."

Dahan dahan n'yang binaba ang phone n'ya.

"Oo." Pagaamin ko

Naglakad ako sa may mini table tapos kumuha ko ng orange.

"Gusto mo bang ipagtalop kita?"

Tumango lang s'ya tapos sinundan ako dito.

"Walang ibig sabihin ang narinig mo."

"Ano bang sinasabi mo? Wala lang naman sa'kin. Trabaho lang ang pinunta ko dito."

"Pasensya ka na ha. Talagang may nagsabi lang sa'kin."

"O heto na." Mabilis kong nabalatan ang orange

Inoffer ko ito sa kanya kaso sa mukha ko s'ya nakatingin.

"Ano bang problema mo? Ayos lang talaga ako. Wala lang 'yon."

Kinuha na n'ya ang orange sa kamay ko. Tumayo ako at nagpunta sa kama ni Yuel.

"Mukhang magiging yaya mo ako sa unang araw ko."

Iibahin ko nalang siguro ang topic kasi ayoko na rin pagusapan. Tama ng ganito ako magreact sa mga naririnig ko. Hindi ko kailangan maapektuhan.

"Salamat dito sa orange, saka sa pagaayos ng kama ko."

"Trabaho ko 'to kaya wag ka magalala."

"Tama na 'yan. Alam ko na pagod ka ngayon araw na 'to, kaya maaga kitang papauwiin. Magpahinga ka."

Ito yung gusto kong maririnig. Nauwian na, bigla tuloy akong sumaya.

Parang kailan lang sobra akong na apektuhan sa mga nangyayari kay Yuel at Angeli pero ngayon may na patunayan ako. Naging mas matatag ako kumpara sa dati.

"Sigurado ka ba? Wag ka sa'kin maawa, 'di ba sabi ko na parte ito ng trabaho."

"Oo pero trabaho ko rin na pangalagaan ka. Trabaho mo rin na sundin ako."

May punto si Yuel kaya no choice ako kundi ang sundin s'ya.

"Uwi na ako, bukas na ulit ako babalik."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Yuel. Dumiretso ako sa paglabas sa kwarto.

Uuwi nalang ako kasi medyo na kakapagod ang araw na 'to. Kailangan ko magpahinga ng matagal para sa magiging gera ko bukas. Hindi ko na madedetalye ang buo kong byahe, masyadong paulit ulit lang kasi. Ang mahalaga nasa gate na ako ng bahay.

Pumasok na ako tapos nahiga muna ako sa sofa. Medyo inuunat ko ang mga parte ng katawan ko. Need ko rin magstretching pa minsan minsan.

Isang tawag ang kumuha ng atensyon ko. Kinuha ko ang phone ko para i-check kung sino, si Ellise lang pala.

"Congratulations!"

"Bakit hindi video call?"

Hindi sa pagiging choosy sadyang namiss ko lang makita ang mukha ng pinsan ko.

"Hello! Nasa work ako. Nagnakaw lang ako ng oras dito."

"Teka lang 'di ba madaling araw d'yan. Nagtatrabaho ka pa rin?"

"Walang oras ang pagwowork ko dito. Binabayaran ako depende sa damit na nagagawa ko."

"Ahh. After n'yan magpahinga at matulog ka na."

Nagaalala tuloy ako kay Ellise baka nagpapakabusy s'ya para makalimot kay Lolo. Sana hindi n'ya pinababayaan ang sarili n'ya.

"Salamat sa concern but anyways, anong plano mo ngayon d'yan? Bakit ayaw mo nalang sumunod sa'kin dito sa states. Dito ka nalang. Ako ang magiging backer mo."

Sa totoo lang mas gusto ko sa states, pero hindi ko kayang iwanan ang bansa ko. Mas gugustuhin ko ang tahanan ko kesa sa makipagsapalaran sa hindi ako alam na lugar.

"Ayos na ako dito. May matinong trabaho na ako."

"Saan naman? Malaki ba ang pasahod sayo dyan?"

"Oo syempre, doble pa ng sinasahod mo d'yan."

Narinig ko ang paghalakhak ni Ellise sa kabilang linya.

Napatanong ako sa sarili ko na, baliw na ba 'to? Anong problema sa sinabi ko. Parang hindi ko maalala na nagjoke ako.

"Saan ba 'yan?"

"Kay Yuel, hindi mo siguro kilala."

"Yuel Saw? Yung mayaman na may ari ng pinakamalaking construction company at may housing company sa bansa?!"

Ako naman ang natawa ng very light kay Ellise, iba rin ang bilis ng bibig n'ya.

"Anong nangyayari sayo?"

"Anong trabaho mo?"

"Secretary n'ya ako."

"Weh seryoso? Paano nangyari 'yon?"

"Magkakilala kami ni Yuel. S'ya ang nakaaksidente sa'kin noon."

"Alam mo bang sobrang yaman n'ya, napakaswerte mo naman."

Sana nga swerte ako para hindi na ako nagtatrabaho. Sana kasing yaman ako ni Yuel para wala na akong problema.

"Naku! Bye na muna. Nakita ako ng boss ko. Bye!" Biglang namatay ang linya.

Magisa na naman ako dito. Ang boring din pala tumira sa isang malaking bahay tapos magisa ka lang. Wala akong maisip na gagawin. Wala akong makausap.

Tumayo ako tapos naglakad papunta sa kusina. Iinom muna ako ng tubig. Napatigil ako ng may mapansin ako sa dinning table. May mga nakahahin na pagkain.

Siguro napadaan na naman si Tyler dito. S'ya lang naman ang kayang gumawa nito. Nasasanay na talaga ako na ipinagluluto n'ya.

Kumuha muna ako ng tubig tapos lumapit ako sa mesa para tingnan ang masasarap na pagkain.

Naglalaway ako sa lahat ng mga nakahain. Kumuha ako ang kutsara tapos sumandok ako sa sabaw na nasa isang mangkok.

"Shet!" Napamura ako dahil napaso ang labi ko.

Mainit pa pala. Sobrang excited ko kasi kaya ngayon na karma tuloy ako.

Sumandok ulit ako ng sabaw pero hinipan ko muna s'ya bago ko tuluyang isubo.

Ang sarap naman. Nawala bigla yung sakit ng pagkapaso ko.

Habang abala ako sa pagtikim ng mga pagkain ay napalingon ako.

May tao na lumabas mula sa cr.

"Tyler?"

Nakatingin si Tyler sa'kin habang pinupunasan ng towel ang buhok n'ya. Umuusok ang nakahubad n'yang katawan. Mula sa dibdib pababa ng abs ay tumutulo at dumadaloy ang mga butil ng tubig. Nakita ko rin ang v-line sa t'yan ni Tyler, nakatapis s'ya ng tuwalya.

"Justcolored!"

Alam kong huli na para umiwas ng tingin pero umiwas pa rin ako. Ayoko naman na mahuli n'ya ako sa akto. Pakiramdam ko uminit ang buo kong mukha tapos umakyat papunta sa tenga ko. Nakakahiya talaga.

Nakita n'ya akong may hawak na kutsara.

"Kumakain ka na pala."

"Aalis na ako."

"Wag ka nang umalis, magbibihis na ako."

Naririnig ko nalang ang footsteps n'ya, naglalakad na s'ya palayo.

Nakahiga ako ng maluwag dahil wala na si Tyler. Hindi ko inasahan na makikita ko s'ya dito lalo na ang makita s'yang naked. Hindi na tuloy ako makafocus sa pagkain ko.

Naupo na ako at pinilit kong wag na isipin ang nakita ko.

Narinig ko ulit ang footstep ni Tyler.

"Bakit ka ba nakahubad?" Nakita ko s'ya na walang damit pero nakaurban short.

Nakatop less si Tyler at may towel na nakasabit sa leeg n'ya.

"Sabi mo magbibihis ka na."

"Tayo lang naman dito. Saka mainit."

Sinamaan ko s'ya ng tiningin. Hindi ko siguro kayang tumagal habang nakaganito si Tyler. Hindi sa nagiinarte ako, sadyang hindi lang ako komportable makita ang katawan ni Tyler.

"Naiilang ka ba?" Tanong n'ya

Naupo na si Tyler sa katapat kong upuan. Kumuha s'ya ng pinggan tapos nilagyan n'ya ng kanin.

Bakit ba ako napapatingin sa katawan n'ya. Hindi naman ako attracted, sadyang nakakadistract lang.

"Oo naiilang ako, sana magbihis ka na."

"Sige mamaya pagkatapos."

Wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan nalang s'ya. Kumain ako kahit na magkaharap kami.

After naming kumain ay tumayo kaagad si Tyler. Isa-isa n'yang niligpit ang mga kinainan.

"Ako na dito! Sige na magbihis ka na."

"Sigurado ka ba? Kaya ko na 'to."

"Wag na makulit."

Nagaagawan kami sa baso.

Ayaw ko kasing ibigay sa kanya. Nahiya naman ako na si Tyler na s'ya na nga nagluto tapos s'ya pa rin ang maghuhugas ng kinainan.

"Ako na." Pagpupulit ko hanggang sa nadulas sa kamay ko ang baso

Bumagsak ito sa sahig at nabasag. Ang daming nagkalat na piraso ng matitilos at matatalas na bubog.

Naupo ako para simutin ang mga piraso ng basag na salamin.

"Tsk." Nahiwa ako sa hintuturo ko

Napaupo si Tyler kaya magkaharapan na kami tapos kaagad n'yang kinuha ang daliri ko, pinisil n'ya ito nang marahan.

Medyo masakit pero mukhang alam naman ni Tyler ang ginagawa n'ya. Hindi ko lang maiwasan na masaktan dahil sa pagpisil n'ya.

"Ano ka ba, maliit lang naman 'to."

Kinuha ni Tyler ang towel n'ya na nakapatong sa balikat n'ya tapos pinunasan n'ya ang dugo sa daliri ko. Maliit lang sugat pero sobra ang pagaalala n'ya.

"Sugat pa rin 'yan."

Tumayo na kami ng masigurado ni Tyler na wala ng pagdurugo ang sugat ko.

"Magpahinga ka na." Ang tanging nasabi ni Tyler.

Umalis na ako kahit alam kung kailangan n'ya ng tulong ko. Ayoko na maging makulit, baka pagalitan na ako ni Tyler.

Pumunta ako sa sofa tapos naupo.

Tumagal ng halos kalahating oras si Tyler. Ang dami n'ya siguro ginawa. Ako ni-isa wala man lang.

Bumalik si Tyler na may suot ng damit.

"Saan ka galing?" Usisa ni Tyler

"Sa trabaho ko."

"Lagi kang magiingat."

Kahit hindi mo sabihin matic na 'yon.

"Nagpaalam ako kay Tita." Sabi n Tyler

"Anong sinabi mo sa Tita mo?"

"Dito ako tutuloy pansamantala."

Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon. Gusto kong matuwa dahil kasama ko si Tyler dito sa bahay, malaking tulong at hindi ako maboboring kapag kasama ko na s'ya. Pero sa kabilang banda naisip ko kung ano nalang ang iisipin ng ibang tao. Ayokong maging laman ng kwentuhan. Ang sama kasi sa part ko na ako ang babae tapos magkasama kami sa iisang bubong.

Pero,

Bakit ko ba iisipin ang sasabihin nila? Alam ko naman ang totoo sa'min ni Tyler at 'yun ang mahalaga.

Naalala ko ang nakita ko sa backyard kaya naisipan ko itanong.

"Alam mo ba na may abandunadong pool dito?"

Natahimik bigla si Tyler.

Nakita ko na pinikit n'ya ang mga mata n'ya. Napansin mo rin na lumalim ang paghinga n'ya.

"A-ayos ka lang ba, Tyler? May problema ba?"

Lalapitan ko na sana s'ya nang mapatigil ako. Minulat ni Tyler ang mata n'ya na para bang walang nangyari. Tiningnan n'ya ako na parang normal lang ang lahat.

Tumayo si Tyler at walang paaalam na umalis.

Anong nangyari sa kanya? May nasabi ba akong mali?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top