Aurora 48

Maaga akong umalis sa bahay dahil magsisimula na ako sa bago kong trabaho, parang kailan lang na sa isang Cafe ako nagtatrabaho tapos ngayon sa isang malaking kompanya na. Nakakalungkot pa rin ang pagsarado ng Aurora pero kailangan na tanggapin.

"Dito na po tayo."

Nasa company na kasi ako ngayon.

S'ya ulit ang nagassist sa'kin, yung babae kahapon. Bale nagulat si Ate ng makita na ang aga ko.

"Makikita ko na ba s'ya?" Mahina kong tanong

"Ewan, hindi ko pa rin s'ya nakikita e."

Hindi ko maiwasan na magtanong.

"Ahh." Tugon ko

Nagpatuloy lang kami sa pagalalakad. Nagpunta kami sa isang building. Dito daw ang pugad ng mga matataas na tao ng kompanya.

Ang akala ko talaga magiging normal na tauhan lang ako dito. Bakit kaya secretary pa ang napili n'ya. Sino kaya s'ya?

Umakyat kami sa hagdan- medyo madaming pasikot-sikot at malilito ka kung hindi mo tatandaan ang mga pinasukan mo.

"Pumasok ka sa kwarto na yun." Tinuro n'ya ang dulo na pinto.

"Doon?" Paulit ko pa

"Oo."

"Sige, salamat po ulit."

Umalis na s'ya at naiwan nalang ako magisa. Naglakad ako ng dahan-dahan, ayokong magmadali kasi parang sasabog yung dibdib ko sa sobrang kaba. Tipong nasa isa akong horror movie.

Nasa harap ko na ang pintong salamin. Gusto ko sana sumilip bago pumasok kaso hindi s'ya transparent para makita ang nasa loob.

Kumatok ako ng tatlong beses, para malaman ko kung pwede na akong pumasok.

Napaatras ako ng biglang bumukas ang pinto.

Ikaw!

"Ang aga n'yo po yata Miss Rina."

Sumilip ako sa espasyo ng pinto at nakita ko si Yuel nakaupo sa wheelchair habang nilalaro ang ballpen sa kamay n'ya.

"Seryoso? S-si Yuel ba ang boss ko?"

Tumango s'ya sa'kin tapos binuksan n'ya ng sobrang laki ang pinto para makapasok ako.

Paano nangyari 'to? Ganito ba talaga kayaman si Yuel.

Pinasok ko ang sarili ko sa loob. Narinig ko nalang na sumara ang pinto.

"Kamusta?" Ngumiti sa'kin si Yuel

"Papaanong ikaw?"

"Marami akong paraan Rina. Hawak ko ang lahat sa kamay ko."

Lumapit ang tauhan ni Yuel sa kanya tapos tumayo lang s'ya sa gilid.

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Trip mo ba talaga ako. Hindi ka ba na papagod sa ginagawa mo? Bakit hindi nalang si Angeli ang pagaksayahan mo ng oras?"

Nilapag n'ya ang ballpen sa mesa.

"Iwan mo muna kami ni Rina." Utos ni Yuel

Kaagad naman sumunod ang tauhan ni Yuel. Lumabas s'ya at ngayon kami nalang dalawa dito.

"Hindi mo alam kung paano mo ako napapasaya ngayon."

"Sorry pero pwede bang tigilan mo muna ako."

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi sa ganon."

"Wala na ba akong puwang sa puso mo? Bakit ang bilis? Hindi pa nga tayo nagsisimula."

"Alam mo ba kung bakit kita pinuntahan sa hospital? Gusto kong sabihin sayo na, kalimutan mo na ako. Gusto kitang maging kaibigan pero paano 'yun mangyayari kung lagi mo akong kukulitin? Unti-unti na kitang kinakalimutan- yung nararamdaman ko sayo! Tulungan mo naman ako. Ayokong masaktan sa bandang huli. Gusto kong sumaya."

Pinaikot ni Yuel ang gulong ng wheelchair n'ya para makalapit sa'kin.

Nasa harap ko na s'ya ngayon. Hindi ko s'ya matingnan sa mga mata. Natatakot ako, ayoko na. Tama na.

"Paliligayahin kita, yung mga bagay na gusto mo kaya kong ibigay lahat sayo 'yun. Please stay with me. Di ba mahal mo pa naman ako. Alam ko may konti pa akong space sa puso mo. Hayaan mo na ibalik ko ulit 'yon. Magtiwala ka sa'kin."

Paano pa ba ako makakasigurado kay Yuel. Parang naubos na ang lahat. Ang tangi nalang n'yang pinanghahawakan sa'kin ay ang katiting na pagmamahal ko sa kanya. May dalawang rason kung bakit isinara ko na ang puso ko para kay Yuel. Ang una ay ayoko nang masaktan dahil alam ko sa sarili ko na sobra n'yang mahal si Angeli. Pangalawa ay ayoko ng maging makasarili. Ang tagal na naghintay ni Calvin para sa'kin- alam ko naman na matutunan ko s'yang mahalin.

"Tiwala? Paano ako makakasigurado sayo. Matagal na akong nasasaktan, ayoko ng doblehin o triplehin pa ang mararamdam kong sakit kapag hinayaan ko na naman ang puso ko sayo."

"Please Rina.."

Kinuha n'ya ang kamay ko.

Pinipilit kong tanggalin.

Pero sobrang lakas n'ya.

Nakita kong hinalikan n'ya ang kamay ko tapos pinatong ang noo n'ya.

"Tama na Yuel, please.. tulungan mo naman akong kalimutan ka."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Naaawa ako para sa kanya.

"Wag mong gawin sa'kin 'to Rina. Ikaw nalang ang meron ako. Hindi kita kayang pakawalan."

Lumigon sa'kin si Yuel. Makikita ang luha sa mga mata n'ya.

"- Ikaw lang ang nandyan para sa'kin nung kailangan ko ng taong dadamayan ako. Alam kong matagal akong nagpakatanga kay Angeli pero this time, please believe me. I don't wanna lose you, not anymore."

Nanginginig ang buo kong katawan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong mali na inentertain ko ang nararamdaman ko.

Yung maliit na pursyento na pagmamahal ko kay Yuel biglang nadadagdagan.

"Sorry pero.." Nilagay ko ang kabilang kamay ko sa ulo n'ya, hinaplos ko ito ng marahan.

"Alam ko na nagkamali ako. Alam kong mahihirapan ka na mahalin ako, pero sana mabigayan mo ako ng second chance. Gusto ko patunayan na deserving ako para sayo."

Hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.

Nakatayo sa harap ko si Yuel.

Pinilit n'ya ang sarili n'yang tumindig.

Nakangiti s'ya sa'kin habang may namumuong luha sa mga mata.

"I love you, Rina."

Tinaas n'ya ang dalawa n'yang kamay tapos marahan n'ya itong dinikit sa magkabila kong pisngi.

Pinahiran ni Yuel ang mga luha ko.

"Hinding hindi na ulit kita papaiyakin. Promise."

Bumaba ang ulo ni Yuel.

Naramdaman ko ang malambot n'yang labi sa noo ko. Binigyan n'ya ako ng halik.

Matapos ang ilang saglit ay niyapos n'ya ako ng sobrang higpit.

Nanginginig ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kung gagawin ko ba.

Pero.

Sorry.

Niyapos ko pabalik si Yuel. Nakapatong ang mukha ko sa dibdib n'ya. Naririnig ko ang pagtibok ng puso n'ya. Pabilis ito nang pabilis.

Hindi ko akalain na mangyayari pa ito matapos ang lahat.

Nabigo ko na naman ulit ang sarili ko.

"Wag ka ng umiyak." Sabi ni Yuel

Umalis na s'ya sa pagkakayakap sa'kin.

Naupo s'ya muli sa wheelchair ng dahan-dahan.

"Hindi kita pipilitin. Ayos lang sa'kin kahit kailan ka maging ready. Ayoko na mapressre ka, baka hindi ko na alam ang gagawin kapag nawala ka pa ulit."

"Naiintindihan kita pero hindi ko alam kung maibabalik ko pa yung dati. Ayoko ng magkamali."

Tumango si Yuel, "Basta masaya na akong nandito ka."

"Pumunta ako dito para sa trabaho."

"Alam ko kaya magiging professional tayo. Ako ang boss mo at ikaw ang secretary ko."

Ang sarap sa pakiramdam na nagkasundo kami sa isang bagay. Natuldukan na ang matagal na hindi pagkakaintindihan. Nakikita ko na may patutunguhan ito.

Ang panahon at oras nalang ang hahayaan ko magdesisyon sa nararamdaman ko.

Mas papairalin ko kung ano ang dapat. Si Yuel boss ko lang, walang labis at walang kulang. Trabaho lang at walang personal na nararamdaman. Hangga't maaari ay hindi ko iinvolve ang sarili kong feelings.

Nagpunta si Yuel sa table tapos may kinuha s'ya.

"Ito ang kontrata mo." Inabot n'ya sa'kin ang isang folder.

Kinuha ko ito tapos binuksan.

Maraming nakasulat, kung babasahin ko pa 'to ay baka abutin ako ng ilang araw.

"Kung 'di ka pa sigurado ayos lang na wag mo muna pirmahan. Basahin mo muna."

"Sige."

"Pero kung gusto mo na pwede ka nang magsimula magtrabaho ngayon." Paliwanag ni Yuel

Nakatingin lang sa'kin si Yuel.

Napagdesisyunan ko na wag muna pumirma. Titingnan ko muna ang magiging takbo ng trabaho ko. Gusto ko muna pagaralan para wala akong pagsisihan sa huli.

"Sige magsisismula na ako ngayon, Mr. Saw."

Inoffer ko ang kamay ko.

"Nice." Nginitian n'ya ako tapos nagshakehands kami

Isang bagong yugto ito para sa'min. Kung ipupursue ako ni Yuel, kailangan n'yang magback at zero dahil hindi na magiging madali sa kanya ang lahat. Hindi tulad ng dati.

"Pwede bang samahan mo ako sa hospital?"

"Sige Mr. Saw."

Natawa s'ya pero hindi n'ya pinapahalata sa'kin.

Anong nakakatawa sa pagiging pormal?

"Pwede ba, Yuel nalang?"

"Boss ko kayo. Hindi ba parang wala naman akong galang kung Yuel lang ang itatawag ko sayo."

"Di ba ako ang boss mo. Yuel ang una kong gusto mong gawin. Wag mo akong tatawagin ng pormal."

Wala akong magagawa beside s'ya ang amo ko kaya susundin ko s'ya.

"Tara na, Mr- Yuel!"

Napakamot si Yuel sa sintido n'ya pero nakangiti. Pumunta ako sa likod n'ya para tulungan s'ya sa wheelchair

Mabigat s'ya ng konti pero ayos lang.

"Hayaan mo sa mga susunod na linggo pwede na akong makalakad. Kaya konting tiis nalang."

"Sige Yuel."

Sumunod sa'min ang tauhan ni Yuel. Nakaalalay lang ako kay Yuel hanggang sa umabot kami sa kotse. Tinulungan ko s'yang umupo sa kotse tapos doon ako puwesto sa tabi ng driver.

Nasa backseat lang si Yuel. Gumagawa ako ng paraan para magkaroon kami ng distansya.

Naging tahimik lang ang buong byahe. Sinilip ko si Yuel sa salamin sa taas- nakapikit lang s'ya at may nakapalsak na airpods sa tenga.

"Salamat sayo kasi nagbalik ang sigla ni Mr. Saw." Biglang nagsalita ang driver na katabi ko

"Wag n'yo po akong pasalamatan, trabaho ko po ito."

"Alam ko na trabaho mo lang ito. Kaya natatakot ako na kapag dumating ang panahon na kailangan mo ng umalis ay bumalik si Mr. Saw sa dati."

Nararamdaman ko ang pinaghuhugutan ni Kuya.


"Naging tauhan n'ya ako simula nung manahin n'ya ang buong kumpanya ng daddy n'ya. Nakita ko s'yang naging matagumpay sa buhay n'ya. Nandito ako kapag lagi s'yang naiinis at nagagalit. Hindi ko maalala na naging masaya s'ya. Hanggang sa dumating ka." Saglit ako na tiningnan ni Kuya pero kaagad din na bumalik ang atensyon n'ya sa pagmamaneho

Naalala ko ang gabi na kasama ko si Kuya at si Tyler. Nasa ilalim kami ng maliwanag na buwan at mga makikinang na bituin. Para sa ibang tao ang hiniling ko noon sa shooting star- Sana maging masaya si Yuel.

Hindi ko pinagsisisihan ang hiniling ko noon. Ngayon na narinig ko ang side ni Kuya. Mas lalo akong nalinawan. Deserve ni Yuel ang hiniling ko. Natutuwa ako dahil kahit sa hiling na 'yun ay hindi ako naging makasarili.

"Ano po bang pangalan n'yo?"

"Lucio," Isang ngiti ang nakita kong puminta sa mga labi ni Kuya

Naalala ko bigla si Lolo, magkatukayo sila. Napakagaling talaga ng tadhana.

"Alam n'yo po bang kapangalan n'yo ang Lolo ko?"

"Magkatukayo kami?"

"Kilala n'yo po ang namatay na presidente natin ngayon?"

"Apo ka ba n'ya."

"Opo."

Naramdaman ko ang pagikot ng kotse. Nasa parking lot na pala kami ng hospital.

"Sige, magiging apo na rin kita." Tapos tinap ako ni Kuya Lucio sa balikat ko

Bumaba ako tapos kinuha ko ang wheelchair. Ginising naman ni Kuya Lucio si Yuel. Inalalayan ni Kuya si Yuel para makaupo ng ayos sa wheel chair.

"Hintayin mo nalang ulit text ko." Sabi ni Yuel kay Kuya Lucio bago ito pumasok sa kotse

Nagkatinginan kami ni Kuya Lucio at nagngitian sa isa't isa. Nagwave ako sa kanya para magpaalam.

Nagpatuloy kami ni Yuel sa pagtahak papunta sa kwarto n'ya. Sumakay kami ng elevator para mas mapabilis.

"Ang tahimik mo naman." Bigla s'yang nagsalita

"Huh? Ako? Hindi ah, wala lang talagang topic."

"May gusto ako sayong itanong pero wag nalang."

Parang sira, may itatanong pero biglang binawi. Nacurious tuloy ako ng konti.

"Ano ba 'yun?"

"Kamusta kayo ni Calvin?"

"Paanong kamusta?"

"May relasyon na ba kayo?"

Natahimik ako, parang hindi tama na pagusapan namin ang taong wala dito. Hindi ko makuha ang point n'ya na gusto pa n'yang malaman.

"Seryoso ba s'ya sayo?"

"Wag nalang natin s'ya pagusapan."

"Gusto ko lang malaman."

"Trabaho lang at -"

"Ngayon lang Rina, pwede sagutin mo ang tanong ko."

Biglang nagbukas ang elevator. May mga nurse na pumasok.

Tinignan ko kung anong floor na. Hindi pa kami dito.

"Alam n'yo ba yung balita don kay Doc Lee?" Nagtsi-tsismisan ang mga nurse

Akala siguro nila na sila lang ang tao dito. Nakakainis dahil nakakagalit ang ginagawa nila, parang wala silang sariling buhay. Boring siguro ang mga buhay ng mga 'to kasi buhay ng iba ang pinagkukwentuhan.

"Hala ka oo, nakakainis! Parang pinopormahan na nga n'ya."

"Sabi pa nagdadate na sila."

"Seryoso? Napakaswerte naman ng babaeng yun. Ang galing mamili."

"Baka ginayuma n'ya si Doc Lee. Hahaha!"

Nagtawanan sila na parang sila lang ang tao dito.

Bumukas na ang elevator.

"Excuse me po."

Mabuti nalang talaga ay nakalabas na kami. Nakakarindi na ako sa bunganga nila. Sarap palsakan ng benda.

Tinatahak namin ni Yuel ang hallway papunta sa kwarto n'ya.

"Wala ka ba talagang balak na sagutin?"

"Ang kulit mo naman, Mr-"

"Tsk."

"Nililigawan ako ni Calvin, okay?"

Napatigil ako sa paglalakad ng pigilan ni Yuel ang dalawang gulong ng wheelchair.

"Nililigawan ka n'ya pero nasaan na s'ya ngayon?"

Papaanong - tama ba ako ng narinig kay Yuel?

"Paano mo nalaman na.."

"Wala nang hula lang ako."

Bumitiw ako sa handle ng wheelchair. Pinabayaan ko si Yuel na dumiretso sa kwarto n'ya.

Nakatayo lang ako habang may iniisip.

Hanggang sa may nakita akong tao na kilala ko.

"Sandy!" Tawag ko habang kumakaway

Tumingin naman s'ya sa'kin. May kasama s'yang lalaki. Nakadamit pangnurse na si Sandy.

Lumapit sila sa'kin dalawa. Si Doc Lee pala ang kasama n'ya

"Dito ka ba nagtatrabaho?"

"Oo , at dito rin ako nagojt."

Hindi ako makafocus kay Sandy, nakatingin kasi ako sa kasama n'ya.

"Bakit magkasama kayo ni Doc Lee?"

Nagtinginan silang dalawa, ang lagkit ng mga nangyayari.

Napapangiti ako sa itsura ni Sandy- mukha ng isang inlababo.

"Talande ka!" Sinundot ko ang tagiliran ni Sandy

Naalala ko ang pinagbubulungan nung mga nurse kanina. Si Sandy pala 'yon.

"Kayo na ba?" Tinanong ko ng ditetso si Doc Lee.

Inakbayan ni Doc Lee si Sandy, "Sa tingin mo ano?"

"Wow, congrats sa inyo."

"Haha thanks." Tuwang tuwa pa ang lukaret

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ni Sandy

"Si Yuel ba? Binisita mo ulit?" Dagdag na tanong ni Doc Lee

Nilakihan ako ng tingin ni Sandy. Lagot ako nito.

"Kasi ang totoo n'yan. Hindi ko lang basta dinalaw si Yuel. Secretary n'ya ako."

"WTF! Seriously!"

"Oo, sinet up n'ya ako. Si Yuel din pala ang isa sa stockholder ng manufacturing na pinagapplyan ko."

"Magingat ka ha." Banta ni Sandy

"Mabait ang kapatid ko."

Kapatid? Magkapatid sino?

'Doctor Henry Lee please proceed to the ER immediately', Umalingawngaw ang pagpage sa pangalan ni Doc Lee

"Gotta go, may emergency."

"Sige."

Akala ko maiiwan si Sandy pero sumunod ang walanghiya sa jowa n'ya.

Hindi ko tuloy na tanong sa kanya kung totoo ba ang narinig at iniisip ko. Hayaan ko na nga lang. May ibang time pa naman para makipagdaldalan sa kanila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top