Aurora 47

Nakatulog ba ako?

Napabangon ako sa kinahihigaan ko. Nakita ko na, ang taas na ng araw.

Saglit nga lang. Bakit ba ako nagmamadaling gumising. Graduate na nga pala ako.

Napangiti nalang ako sa kalokahan ko. Hanggang sa may pumukaw ng atensyon ko, may tray na nasa mesa. Mukhang may mga pagkain na nakalagay.

Nakakagutom naman.

Lumapit ako sa mesa na malapit lang sa kama ko. Kinuha ko ang tray tapos bumungad sa'kin ang isang set ng pagkain.

Napangiti ako kasi may drawing na smiley face yung pritong itlog. May isang baso ng gatas tapos mararamdaman mo, ang mainit pa ang garlic rice.

Kainan na!

Kinuha ko ang kutsara tapos tinusok ko ng tinidor ang hotdog. Kumagat ako sa hotdog tapos sumandok ng sinangag. Sabay ko silang nginuya sa bunganga ko. Ang sarap! Parang kailan lang ang huli kong kain ng ganitong breakfast.

Nasaan kaya si Tyler? May paganito pa talaga s'ya. Talagang sinasanay n'ya ako sa mga luto n'ya.

"Tyler!" Sumigaw ako

Umaasa akong nandito pa s'ya kaso wala akong nakuhang tugon. Bumalik ako sa pagkain, inenjoy ko lang ang oras na 'to. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana- nakikita ko ang asul na kalangitan tapos pumapasok ang sinag ng araw sa bintana ng kwarto ko.

Hindi ko na malayan na naubos ko na pala ang pagkain ko. Niligpit ko muna ang kinainan ko tapos dumiretso na ako sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan ko.

Habang nagsasabon ako ng pinggan ay nakita ko ang isang tasa. Naalala ko bigla si Calvin.

Siguro naman reachable na s'ya ngayon. Naging oa lang siguro ako kahapon at na paranoid sa mga nangyari.

Binilisan ko ang paghuhugas. Nang makatapos ako ay kinuha ko ang phone ko pero pagtingin ko. Walang kahit anong notification galing kay Calvin. Hindi pa n'ya siguro narireceive ang mga text at missed calls ko. Kaya dinial ko ulit ang number n'ya.

Walang kahit anong nagbago, hindi ko pa rin s'ya mareach. Nasaan na ba s'ya, nagaalala na ako ng sobra, baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Naalala ko sinabi n'ya na wag ako magalala pero, hindi ko makuhang magpakampante. Kaibigan ko s'ya kaya ganito ang initial reaction ko.

Sa tingin ko may mga ibig sabihin ang bawat salita na sinasabi sa'kin ni Calvin. Bakit ngayon ko lang napagtanto. Bakit hindi ko kaagad na pansin? Hindi ko tuloy maalis sa sarili ko na magsisi sa lahat. Kung maaga ko sanang na realiaze na mali ang lahat. Na dapat tumigil na ko sa kahibangan ko kay Yuel, edi sana hindi nawala si Calvin- ang pinakamamahal kong kaibigan. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na.. kahit hindi na s'ya maghintay, handa na akong magpaligaw sa kanya. Kaso wala na s'ya, wala akong ideya kung nasaan na ba s'ya. Hindi man lang s'ya nagbigay ng hint.

Ano kayang iniisip ni Calvin ngayon? Sana nasa mabuting kalagayan s'ya.

Naglakad muna ako sa loob ng bahay para maging pamilyar sa'kin ang bawat lugar dito. May nakita akong pinto, hinihila ako ng curiousity ko na pumunta at tingnan kung anong meron.

Lumapit ako sa nakita kong pinto. Walang kaba ko na binuksan ang pinto at napunta ako sa backyard ng bahay.

Meron pala pa-ganito dito? Ang tataas na ng damo. Naglakad pa ako ng konti hanggang sa napatigil ako-- may malalim na abandonadong swimming pool. Punong puno ng lumot at putik ang tiles ng pool. May deposito ng tubig sa bandang malalim at lumulutang ang nakakadiring berdeng lumot.

Akala ko ang perfect na ng lugar na ito. Pero may ganito pala sa likod ng isang magandang bahay. Hindi ko nalang pinansin ang nakita ko. Bumalik na ako sa loob tapos nagpunta ako sa sofa at naupo. Namahinga ako ng konti.

Napabangon ako ng biglang tumunog ang phone ko. May tumatawag, isang unknown number.

Baka si Calvin na 'to!

"Hello? Calvin!"

Sa sobrang excited ko ay hindi ko maiwasan na mabanggit ang pangalan ni Calvin

"Is this Rina Garcia?"

Teka ba't parang babae ang boses. Sino 'to? Nagexpect ako na si Calvin.

"S-sino po ito?" May pagtataka sa boses ko

"Tatanungin ko lang if makakapunta ka dito, for your interview."

Naalala ko yung manufacturing company na una kong pinagapplyan. Mukhang magkakatrabaho na ako.

"Opo! Makakarating po ako."

Kahit ang pangit ng mood ko ngayon ay biglang nagbago ng dahil sa isang tawag.

Mabilis akong kumilos at pumunta na kaagad sa kwarto ko. Aligaga akong naghanap ng gagamitin kong damit.

Kailangan pormal ang attire ko, kasi first impression last. Hindi pwedeng madenied ako sa unang pagaapplyan ko. Kailangan focus lang ako sa mga tanong. Kailangan ko makuha 'to.

Pinili ko nalang na magwhite polo shirt tapos tinuck in ko ito sa high waist na pants ko. Nagtali ako ng buhok- kagaya nung dati na maraming nakapansin. Hindi na ako nakapagliptint kasi wala ako. Kinuha ko ang medicine bag ko- meron ako lagi nito in case na emergency tulad nito. Kinuha ko ang petroleum jelly sa bag ko para maiwasan ko ang pagdadry ng labi ko. Hindi ko 'to laging ginagawa kasi may side effect. Kinuha ko ang sapatos ko na kulay puti para maging presentable ako lalo.

Lumabas ako ng kwarto at kinuha ang envolope ko na may mga document, kinuha ko na rin ang maliit kong shoulder bag.

Ready to go na.

Sinigurado kong sarado ang buong bahay. Alam ko na na si Tyler lang ang may access dito. Katulad kahapon, nagulat ako na nasa loob s'ya. May duplicate s'ya ng mga susi.

Nagbukas ako ng phone tapos nagbook ako ng taxi. Hindi rin kasi makakasok dito ang mga jeep kasi parang nasa isa akong subdivision. May extra pa naman akong pera para magtaxi.

Ilang minuto ang nakalipas natatanaw ko na ang taxi. Palapit na s'ya sa'kin, sinalubong ko na ang taxi para minus sa oras. Sumakay ako at sinabi kay Kuya ang location. Umalis na kami kagaad.

Wag kang kabahan Rina ha. Kaya mo 'to. Hindi na bago sayo ang magtrabaho. Sisiw lang 'to. Sana lang talaga matanggap ako, sayang naman ang effort ko.

Kanina pa kami sa lugar na 'to. Malayo na ang na tahak namin.

"Kuya matagal pa ba tayo?"

Hindi ko inasahan na medyo mabagal magpatakbo si Kuya, mukhang mali-late pa ako.

"Kuya sa tabi nalang po."

"Sige po ma'am. Saglit lang."

Nagdecide na akong pumara kasi walking distance na naman ang company mula dito.

After ko magbayad kay Kuya ay lumabas na ako. Naglakad at hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Mabilis akong naglakad hanggang sa makarating na ako sa company.

Ang laki talaga ng lugar na 'to.

Lumapit ako sa sekyu na nakabantay sa gate.

"Kuya for interview po."

"Sige, wait lang po."

Umalis si Kuyang guard tapos naghintay lang ako dito. Ilang saglit pa bumalik na s'ya. May hawak na maliit na bondpaper.

"Anong pangalan mo?"

"Rina Garcia po."

Iniscan n'ya ang mga nakasukat sa bondpaper.

"Papirma nalang ako sa tapat ng name mo. Pwede ka ng dumiretso sa HR." Paliwanag ni Kuya

Pagka-pirma ko, pumasok na ako ng tuluyan sa loob. May mahabang lakarin bago ka mapapunta sa mismong main office nila.

Pawisan na ako! Hindi na tuloy ako presentable. Ang haggard ko na.

Dinedma ko na ang itsura ko, pumasok ako sa office, napawow sa lamig ng aircon dahil sobrang lamig.

"Ate saan po dito yung HR department?"

Tinanong ko yung babaeng nakasalubong ko.

"Sa kanto na 'yan liliko ka pakanan, yung pangalawang kwarto ang HR department."

"Sige, salamat po."

Naghiwalay na kami kaya naglakad na ako sa tinuro n'ya na direksyon.

Sa may pangalawang room daw. Nadaanan ko na ang una, at siguro itong pinto na nasa harap ko ang HR.

Binuksan ko ang kwarto.

Bumungad sa'kin ang mga nakatingin na tao. Nakakuha siguro ako ng atensyon nila.

"Miss, for interview?"

Tumango ako

"Sa katapat na room."

Shet, nakakahiya. Parang nagmukha akong tanga. Manlulumo nalang talaga ako sa sobrang kahihiyan.

"Ay! Sorry po." Mabilis akong umexit tapos tumingin ako sa katapat. Meron pa ngang isang room.

Mabilis akong nagtungo sa totoong room, pagbukas ko.

"For interview ka ba?"

"Opo."

"Sige upo ka na dyan."

Sinunod ko yung babae na mukhang taga-assist.

May tatlo akong kasabayan na applicant. Nakaupo din sila pero mas mauuna silang maiinterview.

"Hi." Bati ko sa babaeng katabi ko kasi nakatingin s'ya sa'kin

"Hello."

Need ko maging friendly, kasi essential ito sa mga bagong papasok sa company. Kung di ako magiging friendly, hindi ako tatagal dito.

"First job mo ba?" Tinanong n'ya

"Oo, pero nagpaparttime ako dati."

"Ahhh, good luck sayo. Ako nakailang try na pero ang ilap ng swerte sa'kin.

"Hayaan mo, malay mo ito na 'di ba?"

"Sana nga."

Tinawag na yung dalawang lalaki na nauna sa'min. Pumasok sila sa room kung saan- gigisahin kami.

Nakakaba pala talaga kapag malapit na ang turn mo. Ang lakas makabeauty pageant.

Ilang minuto pa ang nakalipas. Papalapit na sa'min si Kamatayan- yung nagaassist.

"Tara na."

Tumayo kaming dalawa tapos sabay na pumasok sa kwarto.

May tatlong lalaki na nakaharap sa mga iinterviewhin

Na kapag practice na kami ng ganito kaya may ilang ideya na ako.

"Maupo na kayo." Utos nung nasa gitna

This it! This it!

"Wait lang po." Biglang umenterrupt yung bagong pasok na babae.

Lumapit s'ya sa may tao- yung nasa kanan na bahagi. May binulong si Ate, hindi ko nalang inintidi kasi mas kailangan ko magfocus sa interview.

Umalis na si Ate na naginterupt sa magaganap na interview. Nakatingin silang tatlo sa'kin.

"Tanggap ka na Miss Rina."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nagkatinginan kami ng sabay nang katabi ko.

"Seryoso po ba kayo? H-hindi n'yo na po ba muna ako iinterview."

"Sorry Miss Maye, hindi ka na tanggap."

"Sige po." Mabilis na lumabas yung katabi ko kanina.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Sa paanong paraan? Napakaimposible naman. Wala pa nga akong ginagawa.

"Hindi kami pwedeng magsalita kung sino ang naging backer mo."

"Pwede ka ng magstart bukas. Magiging secretary ka n'ya. Itetext ka namin bukas kung paano ang magiging sistema."

Secretary? Papaano? Ang gulo, nagapply ako dito para maging HR pero bakit ako magiging secretary?

Tumango ako tapos nagtayuan na sila at umalis.

"Tara na." Sabi ni Ate

Sinamahan ako nung nagassist sa'min palabas

"Ate pwede magtanong?"

"Ano yun?" Nakangiti naman s'ya kaya mukhang approachable

"Kilala mo ba?"

"Basta ba wag kang maingay ha."

Minsan nakakatulong din ang pagiging makapal ang mukha. Nakakaroon ka ng lakas loob para maging feeling close.

"Sige."

"Ang alam ko lang na sobrang taas ng posistion n'ya. S'ya ang stockholder na pinakamataas dito sa company na 'to." Pagbubulgar n'ya

"So sino nga s'ya?"

"Wala akong ideya, confidential."

"Ahh, ganon ba? Sige salamat."

"Sige, ingat ka." Iniwan n'ya ako at bumalik na sa loob

Siguro aantayin ko nalang na magbukas. Para hindi na ako naku-curious ng ganito. Hindi lang talaga ako mapakapaniwala, baka kilala ko s'ya o kaya kilala n'ya ako. Hindi kasi malabong tama ako sa iniisip ko.

Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko namalayan na malapit pala ako sa gate. Dumiretso ako palabas tapos nagjeep na ako- highway lang naman itong labas ng company. Inabot ako ng isang oras at kalahati sa byahe ko kasi sobrang traffic.

"Para po!" Sigaw ko sa manong driver

Bumaba ako pagkatigil ng jeep. Naglakad ako papasok sa village kung nasaan ako tumutuloy.

Habang naglalakad may biglang tumawag sa pangalan ko.

Si Sandy.

"Kamusta?"

"Ang hirap hanapin ng bahay na tinutuluyan mo. Tinanong ko pa kay Tyler kung saan ang location." Pagrereklamo ni Sandy

"Namiss kitang lokaret ka!"

"Saan ka pumunta at mukhang ayos na ayos ka?"

"May interview ako."

Nakita kong nagsmirk si Sandy

"B-bakit? Hoy wala pa!"

Alam ko na ang tumatakbo sa utak n'ya. Hindi ako maloloko ng mga tinginan n'ya.

"Dapat manlilibre ka sa unang sahod mo!"

"Oo na. Tara sa loob, for sure magugustuhan mo ang bahay." Pagmamalaki ko

Nagkayayaan kaming dalawa. Sinama ko si Sandy sa bahay. Naupo muna s'ya sa sofa tapos ako nagpunta sa kusina para magtimpla ng juice- para may mainom kami habang naguusap.

After ko maprepare ang juice ay bumalik ako sa salas. Pinatong ko sa mini table sa gitna ng sofa, ang juice namin.

Naupo ako sa tapat ni Sandy. Kinuha n'ya ang juice para uminom.

"Grabe pala talaga dito? Sana all."

"Hindi nga rin ako makapaniwala. Sabi ko kay Tyler, wag nalang dito. Pero nahiya naman ako sa kanya kung tatanggihan ko s'ya."

"Pwede ba ako dito magboard?'

"Hindi ko pa alam, itanong mo kay Tyler."

Napairap si Sandy sa sinabi ko.

"Wag nalang. Hindi ako pinapansin ng pogi na 'yon, buti ka pa. Lahat nalang sila, ikaw ang nakikita. Ano bang sikreto mo?" Pagbibiro n'ya

Umiling ako tapos inabot ko ang juice ko. Hindi ko muna ito ininom, hawak ko lang habang pinapakiramdaman ang lamig ng baso.

"Maiba tayo. Kaya pala ako na ligaw dito dahil nakita ko nagmissed call ka sa'kin. May sasabihin ka ba?"

Biglang bumalik ang lahat sa utak ko- lahat nang naganap kahapon.

"May balita ka ba kay Calvin?" Nagiba ang ihip ng hangin

Kanina masaya lang kami, ngayon na naopen ulit ang topic bigla akong nalungkot.

"Bakit may nangyari ba kay Sir Calvin?"

Nagbuntong hininga ako.

"Maghapon ko na s'yang tinatawagan pero wala akong nakukuhang response. Nagaalala na ako sa kanya."

"Baka naman nagbabakasyon lang s'ya o kaya may ginawa lang. May business trips."

"Hindi, imposible. Bakit nung pumunta ako kahapon sa Cafe, may nakalagay na notice."

"Notice?"

"Na permanently closed na ang Aurora."

Nakita ko sa reaksyon sa mukha ni Sandy. Nagulat s'ya sa narinig n'ya.

Nakatingin lang s'ya sa'kin.

"Sabihin mong hindi totoo 'yan."

"Sarado na ang Cafe tapos wala pa si Calvin. Ano ang gusto mo isipin ko?"

Kinuha ni Sandy ang phone n'ya. Sa palagay ko tatawagan n'ya si Calvin.

"Tsk! Ano bang problema ni Sir Calvin?!"

"Hindi ko rin alam. Nagiging weird s'ya bago tayo maggraduation."

"Hindi ko s'ya matawagan."

Lumapit si Sandy sa'kin.

"Siguro may ginawa lang s'ya. Wag ka nang magalala sa kanya. Kilala mo naman si Sir Calvin e."

Kailangan ko maniwala sa isang bagay- na ayos lang si Calvin.

Wala akong rason para magalala. Tama si Sandy na maniwala akong nasa mabuting kalagayan lang si Calvin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top