Aurora 41

Maaga akong pumasok sa University kasi magbabayad ako. Ito na ang huli kong pagbabayad, sa wakas! After nang sobrang habang panahon ko sa kolehiyo, this is it! The moment of truth!

Nakakapagtaka na wala akong kasabay? Ang totoo kasi n'yan. Palaging wala na si Sandy sa boarding house kapag gigising ako tapos si Sam hindi ko na rin makausap. Siguro dinadamdam pa n'ya ang lahat.

Malapit na ako sa admin office kaya binilisan ko pa lalo ang paglalakad ko. Hindi naman ako nabigo dahil pangatlo ako sa pila. Ang swerte ko naman ngayon araw. Parang pinagpapala ako, naaalis na ang kakambal kong kamalasan. Sana lang talaga, always na. Para hindi na ako masyadong mahirapan sa lahat.

"Anong pangalan mo?" Tanong mula sa loob.

Ang bilis natapos ng unang dalawa sa pila.

"Rina Garcia po!" Magalak kong tugon

"Wait lang ha.."

Naririnig ko lang ang pagtatype n'ya sa keyboard. Ilang beses ko rin narinig ang pagclick ng mouse.

"Magbabayad ka 'di ba?"

"Opo. Bakit may problema ba?"

"Wala naman. Pero sabi dito, fully paid ka na."

Ano? Ako fully paid? Parang nabingi yata ako.

"Ano ulit?"

"No need, wag ka na magbayad."

Hindi pala ako nabingi. Totoo ang narinig ko. Hindi ko maiwasan na mapaisip ng bakit? Paano? Kailan? At Saan? Hindi ko lang talaga maalala na nagbayad ako.

Tumabi na ako sa pila. Nakakaabala na kasi ako. Lumakad ako sa malapit na upuan at naupo.

Hindi lang talaga ako makapaniwala. Sinong gagawa non? Sobra ba talaga akong pinagpala ngayon? Unexpectable ang lahat e.

Isang vibration ang naramdaman ko kaya kinuha ko 'to sa maliit kong bag. Nakasilent nga pala 'to.

Si Yuel lang naman ang tumatawag.

"Kamusta araw mo?"

"Huh? A-ayos lang?"

Nawerduhan ako sa bungad ni Yuel. Hindi pa kasi nagsisimula ang araw. Umaga palang.

Hindi ko alam nakangiti na pala ako ngayong mga oras na 'to. Nakausap ko lang si Yuel.

"Hindi mo na kailangan maproblema ngayon."

"Bakit naman?"

"Ako ang nagbayad ng lahat ng kailangan mong bayaran."

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

Bakit naman n'ya gagawin 'yon?!

"Seryoso ka ba? Bakit mo ginawa 'yon? Kaya ko naman ang sarili ko!"

"Gusto lang kita tulungan, okay?"

"Nakakahiya pa rin. Wag kang magalala. Babayaran kita kaagad."

"Wag na. Maliit na bagay lang para sa'kin."

"Sayo maliit pero para sa'kin, hindi. Wag ka magalala ibabalik ko kaagad yung pera mo."

"Sige. Pumunta ka dito sa hospital."

Tama ba ang narinig ko? Pinapapunta n'ya ako sa hospital?

"P-pero.."

"Iniiwasan mo ba ako?"

Natahimik ako bigla. Parang nakaramdaman ako ng pagkamanhid sa katawan ko. Ilang segundo din akong nakatulala.

"H-hindi! Bakit naman kita iiwasan?"

"Tungkol ba 'to sa nangyari non?"

"Sorry."

Hindi ko na kayang ihandle pa. Hindi ko na kayang magpretend na wala lang ang lahat. Iniiwasan ko s'ya kasi pakiramdam ko naging masyado akong emosyonal. Hindi ko nakontrol ang nararamdaman ko. Nakakahiyang humarap kay Yuel, sobra.

"Basta pumunta ka dito mamaya kapag wala ka ng klase. Aasahan kita."

"Susubukan ko."

"Sususbukan mo lang? Sige na." Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Yuel

Wala akong nagawa kundi patayin ang tawag.

Nalungkot ako kasi parang may mali akong ginawa pero alam kong wala. Pinagiisipan ko pa rin kung tutuloy ba ako o wag nalang.

Naglakad muna ako para magmuni sa paligid. Maaga pa naman para sa una kong klase.

Dinala ako ng paa ko sa pwesto na pamilyar sa'kin. Ang dalawang puno ng akasya. Naupo ako kung saan kami naupo ni Sam. Magisa lang ako habang tahimik na nakatulala. Naririnig ko ang paghuni ng mga ibon- mukhang naglalaro sila sa sanga ng matayog na punong akasya. Ang sarap sa tenga ng kaluskos ng dahon na nagtatama sa isa't isa. May konting ingay ng mga estudyante- mamimiss ko ang university na 'to, sobra. Ang dami memories na nabuo. Masasaya at malulungkot.

"Musta?"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Heto nakatangla lang." Nginitian ko si Sam, mukhang maayos na s'ya ngayon.

Kahit wala ngayon si Sandy. Hindi ko pa rin naiisip na magisa ako. Nandito naman si Sam.

"Nakakamiss no?"

Naupo si Sam sa tabi ko

"Sobra. Anong plano mo?" Tanong ni Sam

"Hindi ko pa alam. Pero isa lang sigurado ako. Kailangan ko kaagad magtrabaho. Mahirap ang buhay. Maraming magiging problema once na magkatrabaho ka na."

Tinap ako ni Sam sa likod ko.

"Mabuti ka pa. Ako kasi hindi pa alam. Ang dami kong negative na narinig sa pamilya ko pero naisip ko na.."

"Na ano?"

"Na tama ka. Hindi ko kailangan maging laging best. Na basta gawin ko lang ang gusto ko."

Nagtinginan kaming dalawa at ngumiti sa isa't isa.

"Welcome."

Ilang minuto ang lumipas. Nagka-ayaan kaming dalawa na umalis na. Naglakad kami at pumunta sa magiging room namin.

Tulad ng dati nagiwan nalang ng mga workload ang mga prof namin. Gusto nila medyo magchill nalang kami. Halos last month nalang namin. Natapos lang ang buong klase ng walang kahirap-hirap. Magsasabay sana kami ni Sam na maglunch kaso may gagawin s'ya kaya pinauna nalang n'ya ako. Si Kyle ang napili kong samahan.

"Ano kakain natin?" Tanong ni Kyle

"Ikaw ba? Parang natatakam ako sa kwek-kwek."

Naglalakad kami sa pathway habang nakasilong dahil sa init ng araw.

Ang init grabe! Feel ko basa na kili-kili ko. Lahat ng likido sa katawan ko naglalabasan na. Ganito talaga kapag summer.

"Parang gusto ko ng malamig na malamig na coke."

"Ayos 'yun ah."

"Ako magiice cream nalang."

"Ice cream o coke?" Tanong ni Kyle sa sarili n'ya

"Cokefloat bes. Haha"

Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa may nakasalubong kaming grupo ng mga estudyante.

If I'm not mistaken, culinary students sila- pansin naman sa maputi at malinis nilang apron.

May naalala tuloy ako.

Napairap ako kay Kyle ng sikuhin n'ya ako ng walang dahilan.

"Aray! Bakit ba?"

Tumingin ako sa tinuturo ng mga mata n'ya. Napatigil kami kasi mas madami ang kasalubong namin.

"Si Tyler." Mahinang sabi ni Kyle

Dumaan sa harap namin ang mga culinary studs at nasa pinakalikod si Tyler. Hinabol ko lang s'ya ng tingin. Hanggang sa pumunta na sila sa building nila.

"Tara na?"

Nakatulala pa rin pala ako.

"A-ay! Sorry."

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pumasok na sa Canteen. Pumunta kami sa stall ng mga street foods tapos bumili kami ng coke at ice cream. Umupo kami sa may bakanteng upuan.

"Kinukuha ako ng tito ko sa boutique n'ya. Kaya may work na ako pansamantala pagkagraduate ko."

"Sana all. Ako kasi wala pa."

"Maghanap ka na kaya."

"Oa mo naman. Saka na paggraduate natin. Nagpaparttime naman ako sa Aurora's Cafe."

Sinubo ko ang babad sa sauce na kwek-kwek.

"Alam mo bang ikaw ang hot topic sa community group ng University natin."

Dinurog kong maigi ang pagkain sa bibig ko.

"Huh? Sorry outdated na kasi ako. Bakit?"

"Seryoso 'di mo alam?"

"Malamang."

"May nagleak na picture n'yo ni Tyler na magkasabay kayo sa isang bike."

Pati ba naman 'yon napansin ng mga mata nila? Issue talaga.

"Hayaan mo na. Alam ko naman ang totoo. Wala lang talaga silang mapansin kundi kami."

"Ano ba ang totoo? Ano bang realscore sa inyong dalawa?"

It took me a seconds para makapagisip.

"Wala. Mabuting magkaibigan lang kami."

"Weh? Pero alam mo, ikaw lang daw ang una n'yang ginanyan. Special ka talaga."

Tinutok ko kay Kyle ang matulis na stick na hawak ko.

"Loko, special child siguro. Hindi kami bagay ni Tyler."

"Okay.." Nagbigay pa si Kyle ng ngiting nakakaloko

Matapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumiretso na ako sa labas ng University. Kailangan ko ng magtrabaho.

Kumaway ako ng jeep. Naalala ko si Yuel. Tumigil na sa tapat ko ang sasakyan pero hindi ako kumikibo. Ang tagal naman umalis nito. Sorry kuyang driver.

Naubo ako ng humarurot ang jeep. Sumabog lang naman sakin ang maitim at mabahong usok ng jeep. Kabastos naman!

Nagbukas ako ng phone. Maggagrab nalang ako para diretso na ako sa hospital. Inuna ko na si Yuel kasi bibisita lang ako. After ko nalang bumisita saka ako magtatrabaho.

Hinintay ko saglit ang grab taxi. Nang dumating na ay kaagad akong sumakay. Ang init sa labas. Naramdaman ko ang konting lamig sa loob.

"Saan tayo ma'am?"

"Sa Lee Medical Hospital po."

Nagsimula nang magmaneho si kuya. Nakatulala lang ako sa labas ng bintana.

Nakakamiss si Yuel. Hindi ko matago ang saya ko.

Calvin Gonzales pov
Naggawa ako ng cupcake. Ito yung nagustuhan ni Rina ng sobra. Gusto ko nang ilagay ito sa menu. T'yak bebenta 'to.

"Paorder!"

Nasa baking station kasi ako. Wala pa rin sila Rina kaya ako muna ang nakatoka sa lahat. Ang hassle! Hectic pa ang sched ng mga parttimer ko.

Naiisip ko na maghire ng bagong tauhan. Naisip ko rin na paano kaya kung makatapos na si Rina. Hindi ko na s'ya makikita. Hindi na s'ya magtatrabaho dito. Paano kaya ako nito? Lalo na ngayon na alam kong may pagasa ako.

"Paorder!" Paulit ulit na sigaw

"Sandali!" Sagot ko

Tinigil ko muna ang pagsasalin ng mixture sa parchment paper. Uunahin ko muna ang customer.

Paglabas ko ng baking station ay dumiretso na ko sa kaha.

"Hoy! Ikaw pala yan!"

"Haha. Akala ko hindi mo na ako matatandaan!"

Nagulat ako sa bumisita sa'kin. Isang kaibigan. Matagal na kami nung huling nagkita. 3 years na yata. Nung pumunta kasi ako sa hospital hindi ko s'ya nahagilap.

"Musta?"

Nginitian ko s'ya tapos nagkapit kamay kami at nagbanggaan ng braso. Batian ng mga kalalakihan.

"Ikaw ba?"

"Heto busy pa rin sa business ko."

"Pansin ko nga. Malakas na ba kitaan natin?" Pagbibiro pa n'ya

"Medyo may problema lang nitong nakaraan pero ayos naman. Ikaw ba? Kamusta na? Sikat na sikat hospital mo."

"Swenerte lang."

"Ibang iba ka na. Bigtime!"

"Sensya na tol. Gusto ko man magtagal at makipagkwentuhan sayo kaso lang kailangan ko na agad umalis."

"Ahh.. ganon ba? Ang busy mo ng tao."

"Oo. Pumunta rin ako dito para bumili ng kape. Dalawang black coffee tapos dalawang slice ng egg pie."

Alam kong busy na tao si Henry ngayon. Kaya naiintindihan ko. Saka may nexttime pa. Magiinuman nalang siguro kami sa susunod kung may free time kami parehas.

"Sige saglit lang at gagawin ko."

"Sige."

Nagmadali akong tumakbo sa coffee machine at ginawa ang kape n'ya. Habang naghihintay ako, kumuha muna ako ng slice ng egg pie at binalot ito sa plastic. Hinanda ko rin ang paper bag at sinilid ang dalawang slice. Hindi nagtagal nagawa na ang kape kaya sinalin ko 'to sa disposable cup.

Bumalik ako kay Henry para ibigay ang order n'ya.

"May girlfriend ka na ba? Dalawa na 'tong binili mo."

Napatawa s'ya.

"Wala pa pero may pinopormahan ako ngayon. Para sa kanya 'tong isa. Nagpapaimpress ako."

Inabot ko ang supot sa kanya. Tinanggap naman n'ya kaagad.

"Naks, goodluck sayo pre!"

"E ikaw ba? Napasagot mo na ba?"

Lagi kong nakikwento dati si Rina sa kanya. Nagkakilala kami dati dahil naging pasyente n'ya ako. Nagkadengue ako nung mga panahon na 'yon.

"Hindi pa."

"Aysus! Ang hina mo naman pre. Childhood friend mo pa man din."

"Gagu. Ayoko lang mapressure s'ya."

"Natotorpe talaga ang tropa ko. Kung hindi ngayon? Baka never mo na makuha puso n'ya. Masyado kang stereotype. Mauunahan ka ng iba, sige ka."

Alam mo yung masakit? Tumama lahat ng narinig ko kay Henry. Parang gusto kong maglaho, kinakain ako ng hiya.

"Hindi ako torpe. Mahalaga lang talaga si Rina sa'kin. Saka kailangan kong lumaban. Bigatin ang kalaban ko."

Rina Garcia pov

Nasa harap ako ngayon ng pinto ng kwarto ni Yuel. Kinakabahan pa rin talaga ako. Bakit ganito?

Kalma lang Rina. Si Yuel lang ang bibisitahin mo.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pinasok ko ang sarili ko tapos sinara ko ulit ang pinto.

"Andyan ka na pala."

Sa hindi inaasahan nakarahap si Yuel sa pinto habang nakasakay sa wheelchair.

"Nagpunta lang ako dito para iabot ang bayad ko sayo. Salamat sa tulong mo pero hindi ko kayang tanggapin."

Hinalungkat ko ang dala kong bag at hinanap ang sobre ng pera ko. Nang makita ko, lumapit ako kay Yuel.

"Seryoso ka ba? Babayaran mo 'ko?"

Nakakaasar ang ngiti ni Yuel pero wala lang sa'kin. I find it, cute.

"Seryoso ako. Kaya tanggapin mo na." Inoffer ko ang pera

Nakaharap sa kanya ang pera.

"Hindi ko 'yan kukunin pero gusto ko itapon mo sa basurahan."

Nabingi lang ba ako? O sa kanya talaga galing?

"I-itatapon ko?"

"Hmm.. oo."

Parang bigla akong nakaramdam ng inis. Nainsulto lang naman ako sa narinig ko.

"Hindi mo kaya? Better keep it."

Lalo akong nanliit sa pagngiti n'ya sa'kin.

"Ganyan ka ba talaga Yuel? Pinapunta mo ba talaga ako dito para gawin 'to?"

"Hindi mo ba kaya?"

Anong nangyayari kay Yuel nagiba s'ya. Nagbago s'ya. Hindi ko na s'ya makilala.

Nagulat ako ng kinuha n'ya ang sobre sa kamay ko.

Nangingilid na ang mga luha ko. Ayoko maulit na makita n'ya na umiiyak ako. Ayokong maging mahina sa paningin ni Yuel.

Nakatulala lang ako habang unti-unting ginugusot ang pera ko. Wala akong magawa. Bigla akong nanlambot. Nawala ang saya. Buong akala ko ang swerte ko ngayong araw. Kanina ang saya ko lang.

Ang hirap maging masaya. Ang hirap dahil ang kaligayahan ay hindi pangmatagalan. Mas nagkakamarka sa buhay mo ang mga malulungkot at masasakit mong nakaraan. Masasabi kong isa 'to sa malaking peklat na paulit ulit kong maaalala.

"Tama na!" Sinigawan ko si Yuel

Nawala ako sa kontrol dahil sa mga nakikita ko.

"Bakit ka ba umiiyak ha! Tigilan mo nga 'yan!"

Gusto kong pigilan. Gusto kong maging matapang kaso masyado akong mahina.

"Ikaw ba 'yan?! Hindi ikaw 'yan Yuel! Ano bang problema mo? Alam mo bang pinaghirapan ko ang pera na 'yan!"

"Kaya kitang bigyan ng mas malaking pera. Hindi mo ko kailangang bigyan! Kaya kitang bil -"

"Oo kaya mo bilhin ang lahat. Pero ako? Hindi!"

Umiiyak na naman ako. Ayoko nang umiyak, napapagod na ako.

"Sorry Rina."

"Yuel hindi na kita kilala. Ano bang nangyayari sayo?"

"Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Aalis na ako."

Tumalikod na ako at humakbang palayo.

"Saglit lang Rina, please."

Napatigil ako dahil sa hindi alam na dahilan.

"Alam mo bang ayoko na nakikita kang umiiyak? Na hinahanap kita. Nagaalala ako sayo. Gusto kong lagi mo akong binibisita. Simula nung gabing umiyak ka sa harap ko. Hindi ko na maipaliwanag ang nangyayari sa'kin. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko."

Hindi ko napigilan na harapin si Yuel.

"Rina sagutin mo nga ako. May nararamdaman ka ba sa'kin?"

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Yuel. Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha. Pero malinaw na malinaw ang narinig ko, ang tanong ni Yuel.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong n'ya

"Ano ba kung malaman mo. Walang mababago."

"Dahil ba kay Angeli?"

"Hindi. Ako ang may problema dito! Ako nalang ang magaadjust para sayo."

"Hindi kita maintindihan."

"Hinding hindi mo ako maiintindihan kasi ako lang 'to."

Nagpaandar si Yuel ng wheelchair at lumapit sa'kin.

Habang lumalapit s'ya ay hindi ko maiwasan na umiyak ng sobra. Naghahalo ang lahat ng sakit.

"Mabuti pa naiwasan nalang kita."

"Sorry."

"Aalis na ako."

Tuluyan ko ng nilisan ang kwarto ni Yuel. Punong puno ako ng pagsisisi sa nangyari. Hinayaan ko na naman ang sarili ko na lamunin ang nararamdaman ko para kay Yuel.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top