Aurora 40
"Welcome po sa Aurora's Cafe!" Bati ko sa kakapasok palang na customer
"One hot coffee with cream tapos isang egg tart."
"Wait nalang po tayo sa pagserve."
Tumango ang lalaki at umalis na. Kaagad akong nagpunta sa coffee machine at ginawa ang hot coffee ni kuya.
Bale ako lang ang nakashift ngayon. Wala pa si Tyler tapos si Calvin nasa bangko at may inaasikaso. Maaga rin kasi kaming nawalan ng klase kaya pumunta na ako dito. Sayang din kasi kung tatambay lang ako sa university. Pera na 'to no.
After ko maprepare ang ang order. Pinatong ko ito sa tray tapos pinuntahan ang customer. Senerve ko sa kanya ang kape at tart.
"Have a nice day sir!" Nagpinta ako ng ngiti sa mukha ko
Bumalik na ako sa pwesto ko. Nagaabang nalang ulit ako ng susunod na customer.
Ang boring sa totoo lang. Kada isang oras saka lang may dadating na bagong customer. Minsan may isa, dalawa o tatlo. Maswerte na kung maka-sampu kami sa isang araw. Mahina kasi ngayon.
Matawagan kaya si Sandy? Mangangamusta ako.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko. Dinial ko ang number n'ya hanggang sa napatigil ako sa huling numero.
Nakita ko si Tyler na nasa labas at nagpapark ng bisikleta n'ya.
Bakit ba ako nakatulala sa kanya?
Pumasok s'ya sa Cafe at pawisan. Napaalis ako ng tingin nang muntik na s'yang lumingon sa'kin. Suot n'ya ang binigay kong facemask kahapon.
"Si Calvin?" Boses ni Tyler
"Wala. Nasa bangko, may inaasikaso."
Yung boses n'ya ay nagpapaalala sa'kin sa lalaking 'yon. Ang itsura n'ya. Siyang s'ya 'yon. Hindi man umamin sa'kin si Tyler kahapon pero malakas ang kutob ko.
"Naiilang ka ba?"
"Hindi ah."
Hindi kasi ako makatingin sa kanya dahil hindi ako komportable. Hindi dahil sa nahihiya ako kun'di pakiramdam ko hindi s'ya naging honest sa'kin. Alam ko masamang magbintang pero..
"Bilisan mo tulungan mo ako dito."
Kunware kong nililikot ang ballpen na ginagamit ko dito pagmay kailangang isave na info.
"O bakit hindi ka pa umaalis?"
"May ibibigay ako sayo."
Ano naman kaya 'yon? Medyo napapadalas ang mga pamimigay ni Tyler.
May inabot s'ya sa'kin na styrofoam. Lagayan s'ya ng pagkain.
"Ano 'yan?"
Hindi ko kinukuha bagkos tinitingnan ko lang
"Tikman mo."
"Wag na! Ayos lang. Busog pa ako."
Tinanggal na ni Tyler ang facemask n'ya at mas naemphasize ang mukha n'ya.
"Deserve mo matikman."
"Bakit?"
"Pinaghirapan mo 'yan."
Ang gulo lang, kung bakit kasi hindi nalang n'ya ako i-straight to the point? Wala naman sigurong mawawala.
"Seryoso?"
Base sa mukha ni Tyler, mukhang ito yung thai ingredients na binili namin
"Oo."
"Akala ko ba kailangan mo 'to sa culinary?"
"Ginawa ko 'yan para sayo."
"P-para sa'kin? —" Muntik na n'ya akong mahuli nang panakaw ko s'yang sinilip, "Salamat at sorry kung na sungitan kita."
Nginitian nalang n'ya ako tapos pumasok na sa staff room. Magaapron na s'ya panigurado.
Binuksan ko ang styrofoam at bumungad ang makulay at mala-kahel na sabaw na kulay nito. Kumawala ang matapang at mabango nitong amoy. Ang sarap langhapin— amoy palang alam mo ng masarap. Bigla akong nakaramdam ng pagkatakam. Pakiramdam ko naglalaway na ako.
Sumilip ako sa kanan at kaliwa baka kasi mahuli ako. Bawal 'tong ginawa ko. I mean pwede pala 'to kung hindi ka mahuhuli. Inextend ko ang mga braso ko para maabot sa kabilang banda ang kutsara. Nakuha ko naman ito at hinalo ko ang nakakatakam na pagkain, para mas maramdaman ko ang lasa.
Heto na!
Sumandok ako ng isang kutsara at tinikman.
"Hmm.." Narinig ko ang sarili kong reaksyon
Lasang lasa talaga ang herbs at spices— nagcocomplement s'ya sa hipon. Napangiti ako sa sarap. Ultimong katas ng sabaw na naiwan sa labi ko ay nilalasap ko.
Nakita ko dumaan si Tyler sa harap ko. Inayos n'ya ang table sa tapat.
"Tyler! Sobrang sarap, salamat dito."
Tiningnan lang n'ya ako 'gaya ng dati tapos bumalik na ulit ang focus n'ya sa ginagawa. Bumalik ako sa paglantak sa pagkain.
May biglang tumunog— ang chime sa pinto. Mukhang may iistorbo sa pagkain ko.
Lumingon ako sa pumasok. Nakita ko si Calvin na may bitbit na mga supot. Parang naggrocery muna bago bumalik.
"Andito ka na pala." Bigkas ni Calvin nang makita si Tyler
Dumiretso s'ya sa'kin. Pinatong n'ya ang mga supot sa espasyo na nasa tabi ko.
Bakit parang ang dami? Para saan kaya ang mga ito?
Nakatingin si Calvin sa'kin. Napagpapacute na naman s'ya, parang sira. Natatawa ako sa itsura n'ya.
"Baliw. Haha!"
"Baliw sayo.."
Iba rin 'tong si Calvin. Tumaas yata ang confidence n'ya sa sarili. Good for him.
Inirapan ko s'ya dahil naiirita ako
"Ano nga pala ang mga 'to?"
"Mga sangkap sa cupcake. Gusto ko kapag nangailangan ka ulit, nakaready ako. Magpapaimpress ako sayo."
Hindi ko na talaga naiwasan ang mapatawa habang tinitingnan ang expression ng mukha ni Calvin. Hindi ako naiinis dahil normal na sa'kin 'to. S'ya ang totoong Calvin na nakilala ko. Makulit pero mabait.
"Naimpress ka ba?"
"Iisipin ko muna.."
"Ano?"
"Hindi!"
Pero kidding a side, lagi n'ya akong naiimpress. Kahit anong gawin ni Calvin napapabilib ako.
Biglang ngumanga si Calvin sa harap ko.
"Problema mo?"
Nakita ko na tinuro n'ya ang pagkain sa styrofoam.
"Gusto mo?"
Tumango s'ya.
Sumandok ako at sinubuan si Calvin.
"Hmm.." Ngiti ang una n'yang naging komento
"Sarap no? Si Tyler ang gumawa." Lumingon si Calvin sa direksyon ni Tyler
"Tyler!" Tawag ni Calvin
Napatingin si Tyler sa'min nang may pagtataka
"Sarap nito! Solid!"
Alam kong hindi nakatingin si Tyler kay Calvin dahil magkaeye to eye kami ngayon. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya tapos nagthumbs up ako.
"Pwede ka na magasawa!" Dagdag pa ni Calvin
May naalala tuloy ako kahapon kay Tyler. Nung tinanong ko s'ya kung may girlfriend na s'ya.
"Girlfriend na muna. Asawa ka kaagad e." Pagsingit ko
"Hahaha. Malay mo 'di ba? Ang sarap magluto e."
Kahit hindi ko pa naienjoy ang pagkain na bigay ni Tyler ay inabot ko na 'to kay Calvin. Sa tingin ko kasi nagustuhan n'ya talaga kaya magpaparaya ako.
"Bakit? Ayaw mo na ba?"
"Sayo nalang, mukhang nasarapan ka."
"Sigurado ka ba?"
"Oo, sure na su—"
Umalingawngaw ang tunog ng isang phone. At sa tingin ko sakin. Nakita kong sinisilip ni Calvin ang phone ko kaya kaagad ko 'tong kinuha.
Hinarap ko ang mukha ko sa screen. Si Yuel pala ang natawag kaya nilapag ko patalikod ang phone.
"Bakit ayaw mo sagutin?"
Patuloy pa rin sa pagtunog ang phone ko.
"Wala 'yan. Hayaan mo na."
"Hindi ba importante?"
"Ewan. Basta."
"Sige, una na ako. Nasa office lang ako."
Naglakad na papalayo si Calvin. Nakahinga ako ng maluwag ng biglang tumigil ang pagriring. Kinuha ko ang phone para i-silent mode kaso biglang ulit itong tumunog.
Si Yuel na naman. Hindi sa ayaw ko s'yang kausap o tumawag pero medyo naiilang ako. Nahihiya ako dahil sa nangyari nung isang araw. Kapag palagi nasagi ang nangyari sa utak ko, parang gusto ko nalang magpakain sa lupa.
Para hindi na ako makulitan ay tinurn off ko na ang phone ko tapos binalik sa bulsa ko.
Nakita kong papalapit si Tyler.
"Binasa mo ba?"
"Ang alin?"
"Yung libro."
Kung nabasa ko ba, aaminin mo na sa'kin na ikaw 'yun? Hindi ko lang talaga maisip na sobrang liit ng mundo.
Nakatitig lang si Tyler sa'kin. Seryoso ang expression ng mukha. Ang tipikal n'yang itsura.
"May sasabihin ka pa ba?" Napakamot ako sa batok kasi kanina pa s'ya sa pwesto n'ya.
"Iniisip mo pa rin ba?"
Napakunot noo ako. Ayoko na isipin ang tinutukoy ni Tyler.
"Hayaan mo nalang— baka hindi lang talaga ikaw, na baka nagkakamali lang ako."
"Bakit ba gusto mong malaman?"
"Wala lang."
Lumingon lingon ako para kunwari busy.
"May pupuntahan ka ba mamaya?"
"Uh?"
"Tara kumain sa labas."
Nagbitaw na naman s'ya ng salita na hindi pa ako pumapayag o sumasang-ayon. Mamaya nito masanay na s'ya. Ayokong mangyari 'yon.
"Hindi ko kasi alam.. hindi pala ako pwede!" Binigyan ko s'ya ng pilit na ngiti
Tumango s'ya tapos umayos ng tindig.
"Pagusapan natin."
"Huh? A-ang alin?"
"Basta— kung sasama ka mamaya."
Aba't?! Mukhang nautakan na naman ako ni Tyler. Hilig n'ya 'tong gawin sa'kin. Nakakainis lang minsan.
Sa totoo lang gusto ko rin malaman kung ano ang gusto n'yang sabihin. Wala lang naman sa'kin kung malaman ko ang totoo pero syempre 'di ba? Nafeed na yung curiousity ko kung sakali. Simula kasi talaga kahapon mula paguwi ko galing sa mall. Iyon at iyon lang ang iniisip ko.
Damn! Hindi na tuloy ako makapaghintay. Kung pwede lang magout na tapos diretso na sa kainan edi sana tapos na.
Lumipas ang oras. Ang dami naming inasikaso dito. Dinagsa kami kanina ng mga estudyante na suki namin dahil kay Tyler. Lagi sila nandito nakatambay. Halos wala naman ino-order ang karamihan sa kanila. Basta makasilay lang kay Tyler ay mabubuo na araw nila.
"Tara na?" Pagyaya ni Tyler
Nasa staff room kami. Nagaayos ng mga gamit para makauwi na.
"Tara!" Pagyaya ko
Hindi na ako nakapagpaalam kay Calvin kasi alam na n'ya na oras na namin para umuwi. Lumabas na kami sa Aurora tapos lumihis ng paglalakad si Tyler. Kukunin n'ya siguro ang bisikleta n'ya. Tumigil ako para hintayin s'ya dito.
Naalala ko bigla ang phone ko. Nakapatay nga pala.
"Kayo po ba si Miss Rina?"
May lumapit sa'kin na lalaki. Nakapormal na kasuotan. Mukhang nagtatrabaho sa mga opisina— base sa tindig, salita at sa pananamit. Hindi ako judgemental, nagkataon lang na 'yon ang nakikita ko.
Dapat ko bang sagutin o iignore s'ya? Sabi nila wag ako makikipagusap sa hindi ko kilala. Pero malay mo naman may kailangan lang talaga.
"Opo. Ako nga po."
Naramdaman ko nalang na nasa tabi na si Tyler, akay ang bisikleta.
"Tauhan ako ni Mr.Saw."
Pagkasabi pa lang n'ya ng apelyido ni Yuel bigla akong sumaya kaso kailangan ko pigilan. Iiwasan ko munang mapangiti sa mga naririnig ko.
"Si Yuel? Bakit nya po ako hinahanap?"
"Nagaalala na s'ya sayo. Nung una hindi daw kayo sumasagot sa tawag hanggang sa na out of coverage na kayo." Paliwanag n'ya
Gusto ko tumawa dahil mali ang akala n'ya. Tumatalon ang puso ko dahil nagaalala rin pala si Yuel, nakakatouch lang.
"Kamusta na po s'ya?" Hindi ko maiwasan na maitanong
Akala ko mapipigilan ko na ang sarili ko na wag magtanong. Hindi ko akalain na sa isang kamusta lang ni Yuel nabura ang lahat. Hindi ko na maramdaman ang pagod sa trabaho pati ang hiya ko sa kanya.
"Hindi ko po pwedeng sabihin. Gusto n'ya kayong makausap ng personal."
May hinugot s'ya sa loob ng maliit n'yang bulsa, isang phone. Kinalikot n'ya ito hanggang sa inabot sa'kin.
"A-ano po ito?"
Pagkatingin ko nakita kong nasa linya na si Yuel.
'Wag mo s'yang kausapin. Mahiya kay Yuel!', sabi ng evil side ko
'Di ba gustong gusto mo 'to? Go for it!' pangongonsensya ng good side ko
Kinuha ko ang phone at tinapat sa tenga ko.
"H-hello?" Naiilang ako magumpisa ng conversation
Naririnig ko lang ang paghinga ni Yuel sa kabilang linya.
"Kamusta?"
Wait puso ko, kumalma ka.
"A-ayos lang." Nauutal ako
Hindi ko kayang makipagusap. Naglalaban ang sarili ko at katawan. Hindi sila magkasundo sa kung anong dapat kung gawin o sabihin.
"Bakit hindi mo ako kinakausap. Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Galit ka pa rin ba?"
"H-hindi naman."
Napalingon ako kay Tyler na kasalukuyang nakatingala. Anong meron sa taas?
"May nagawa ba —" patuloy lang nagsasalita si Yuel pero nawala ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na sinasabi n'ya.
Ang buo kong atensyon ay punta sa sinisilayan ni Tyler.
Nakatingin na rin ako sa kalangitan. Madilim pero nagliliwanag ang buwan. Sumasabay sa liwanag ng malaking buwan ang mga makikinang na bituin.
Isang shooting star ang biglang lumitaw. Namangha ako, isang pambihirang pangyayari.
Sabi nila kapag nakakita ka nito. Lahat ng hihilingin mo matutupad. Kaya habang hindi pa lumilipas ang oras ay pumikit ako at humiling ako sa isip ko.
Sa muli kong pagmulat ng mata ay dahan dahan akong napalingon sa pwesto ni Tyler. Nakaside view s'ya mula sa'kin. Kitang kita sa liwanag ng buwan ang napakamaamong mukha. Nakapikit s'ya at mukhang humihiling din.
Habang pinapanuod ko s'ya ay naalala ko si Yuel.
"Rina? Nandyan ka pa ba?"
Unti-unting bumukas ang mga mata ni Tyler.
Lumingon s'ya sa'kin.
Magkatitigan kami. Mata sa mata. Isang bagay ang hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam pero meron.
"Ayos ka lang ba?" Boses ni Tyler ang nagpabalik sa sarili ko
Napakurap ako at natauhan.
Hindi ko sinasadyang mababaan ng tawag si Yuel.
Sorry Yuel, sorry!
Binalik ko na ang phone sa lalaki. Kanina pa kasi s'yang nakatayo.
"Tara na po?" Nagulat ako sa tanong n'ya
"Saan?"
"Pinapasundo po kayo ni Mr. Saw."
Muli akong tumingin kay Tyler. Naalala ko na may lakad kami. Ayoko naman na iwan nalang basta si Tyler pero pinapapunta ako ni Yuel. Sa oras na 'to naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko.
"Hindi na po. May lakad kami."
"Sige, una na ako." Umalis na yung lalaki at naiwan kaming dalawa ni Tyler
Nakatingin lang si Tyler na may pagtataka sa mukha.
"B-bakit? May dumi ba?"
"Bakit hindi ka sumama?"
"Hindi na. Meron tayong lakad. Nahiya naman ako sayo."
Akmang itataas ni Tyler ang kamay patungo sa tenga n'ya nang bigla ko 'tong pigilan.
"Bakit ka ba gumaganyan?" Napapangiti ako sa ginawa ko
Nagpipigil si Tyler ngumiti. Hanggang sa naramdaman ko na nakalapat na ang daliri n'ya sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
"Baliw!" Tinapik ko ito at napabitaw s'ya
Naglakad na ako at hindi ko s'ya hinintay. Dirediretso lang. Wag mo s'yang tingnan. Wag na wag kang maaawa. Wag ka makonsensya.
Pero ang loko nakasakay na sa bisikleta. Nakasabay lang s'ya sa paglalakad ko.
Hindi ko maiwasan na silipin s'ya.
"Sakay ka na."
"Ayoko."
"Bakit?"
"Basta. Teka nga lang—"
Tumigil ako at nagpreno si Tyler ng bisikleta.
"Saan ba tayo kakain?"
"Sumakay ka na dito." Tinap n'ya ang uupuan ko
Napairap ako dahil sa wala akong choice.
"Sige na nga!" Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan na isinakay ang sarili ko.
Nagpidal na s'ya. Hindi ko na nagawang magtanong kung saan kami pupunta basta s'ya na ang bahala.
"Ihahatid na kita sa inyo."
"Bakit? Ayaw mo na bang kumain?"
"Gabi na. Saka nalang."
Naramdaman ko ang paghawak ni Tyler sa kamay ko. Pinilit n'ya akong kumapit sa kanya ng mahigpit.
"Baka malaglag ka."
Ang bait naman. Nagaalala rin naman s'ya sa'kin.
"So dinaya mo lang ako? Akala ko pa naman— hayst.." Napabuntong hininga nalang ako.
"Sige. Aaminin ko na. Ako 'yun."
"Sabi ko na nga ba!"
Napangiti ako dahil sa mismong bibig ni Tyler lumabas ang totoo. Nabunutan ako ng isang tinik. Napapangiti ako dahil sa pagiging honest n'ya sa'kin.
Mabilis na nagpi-pidal si Tyler.
Sabay naming dinadama ang lamig nang hampas ng hangin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top