Aurora 4

Nakaupo ako sa sofa habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang blower na hawak ko. Kakaligo ko lang rin simula nung naaksidente ako kaya iba na pakiramdam ko ngayon, fresh at ang gaan gaan ng katawan ko. Inalis ko na ang mga benda sa katawan ko kasi pagaling na rin naman. Pagtayo at paglalakad nalang ang hindi ko magawa ng ayos.

"Rina apple juice gusto mo?" Alok na tanong ni Calvin

Lumingon ako sa direksyon ni Calvin na ngayon ay nasa kusina ng bahay niya.

Oo nasa bahay na 'ko ni Calvin at hinatid ako dito ni meshie Sandy ko pero mukhang galit na galit pa nga eh. Ewan ko ba 'don kanina pa siyang tanong ng tanong sa paulit ulit na tanong.

"Meshie naman kasi! P-pwede ba kasi yun?"

Napairap na ako sa paulit ulit na tanong, "Oo pwede yun. Ano ka ba? No choice na kasi." Paliwanag ko

"No meshie! Hinding hindi pwede! Wow ha! Of all the people naman ikaw pa! Ang daming nagmamahal at sumusuporta kay Denver tapos sayo lang? Sayong never sinamba ang kagwapuhan niya?" Pangiinsulto na niya saakin

Kung pagtripan ko kaya ang kakulitan nitong si Sandy. Kanina pa rin kasi ako nagpapaliwanag sa kanya pero hindi pa rin niya matanggap ang sagot ko, pagtitripan kita ngayon.

"Pero alam mo meshie, nung kasama ko siya. Alam mo yun parang sinasamba ko na kagwapuhan niya." Insulto ko kay Sandy

Sinamaan niya ako ng tingin tapos nagsalubong na kilay niya habang titig na titig saakin.

"No stop!" Naiirita niyang tugon sa pangaasar ko

"Asar talo!" Tugon ko tapos nagwala siya sa kinauupuan niya at sa harapan ko na para bang bata

Sarap asarin nito pagtungkol kay Denver at sa mga idol niya. Ang isip bata talaga ni meshie.

"Hindi ko lang matanggap no! Ang unfair lang kasi" sinipa ni Sandy ang pillow papunta sa'kin pero hindi ako tinamaan

"Inggit? Wala lang kasi yun. Ginagawa mong big deal kasi." Sabay tuloy ko sa pagbu-blow ko ng buhok ko

Biglang lumabas sa kusina si Calvin na nakasimangot ang mukha. Ano ba problema nang dalawang 'to saakin. Inaano ko ba sila?

"Apple juice mo." Padabog ni Calvin na ipinatong sa mini-table sa gitna namin ang baso ng juice

Naupo si Calvin sa tabi ni Sandy habang hindi pa rin naaalis ang poker face ni Sandy. Silang dalawa ay nakatingin sa'kin ng masama kaya naman itinigil ko ang pagbu-blower sa buhok ko, pinatong ko sa mini-table ang blower katabi ng baso ng juice at tapos kinuha ko ang juice at uminom ng konti

"Oh my... Calvin, ang sarap ng apple juice, lasang lasa na sobrang fresh na fresh ito. Salamat at pinagsqueeze mo pa 'ko ng apple." Pagiba ko sa usapan

"Rina hindi 'yan fresh. Tinimpla ko lang 'yan. Powdered." Sagot ni Calvin, in his serious tone. Ang creepy.

Nakakatakot kasi sila, kinakabahan na 'ko dito sa dalawang ito. Parang hindi nila ako papalabasin ng buhay dito at papatayin nila ako sa sindak.

"Ano ba Calvin at Sandy. Inistress n'yo mga sarili ninyo sa walang kakwenta kwentang bagay. Well infact walang big deal doon." Pageexplain ko

"Sayo wala pero saamin, big deal! Big deal meshie!" Medyo tumaas na ang boses ni meshie

"Oa na meshie eh. Ang simple lang naman kasi. Paniwalaan n'yo ko." Sabi ko

Napabuntong hininga si Sandy sabay kagat sa lower lip niya, nagiisip siya siguro. Napalingon ako kay Calvin pero ang mukha ni Calvin ang hindi nababago.

"Sige mesh ---" Naputol ang sasabihin ni Sandy ng lapitan ako ni Calvin at tumabi saakin

Napalunok laway nalang ako habang kabang kaba sa tingin ni Calvin, "Problema mo?!" Natatakot kong tanong

"Wala." Matipid pero seryosong sagot ni Calvin

"Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong ko

"Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi ko kayang tanggapin ang sinasabi mo, nihindi ko kayang paniwalaan ang katotohan kasi mas binubulag ako ng pagkapraning ko." Seryoso niyang sagot

Natahimik kaming tatlo, natameme kami sa sinabi ni Calvin. Para kasing naging sobrang seryoso niya na never ko pa nakita.

---
Pinupunasan ko ang luha ko. Pansin kong ang tagal ko rin palang umiyak. Nakakahiya sa katabi ko, kay Denver. Ang feeling close ko. Si Denver pa talaga ang napagsabihan ko ng mga kadramahan ko sa buhay ko.

"Sensya wala akong baon na tissue," Mahinang bigkas ni Denver

"Okay lang sanay na akong kamay at damit ko ang ipunas ko dito sa luha ko." Napangiti ako tapos napalingon sa kanya

Nagkatinginan kami at masasabi ko na mapagkakatiwalaan s'ya. Dahil nakikita ko iyon sa mga mata niya.

"Ang dami kong drama. Ihatid mo na nga ako," Pagyayaya ko

Napabuntong hininga si Denver sabay napatapik sa Manebela ng kotse niya. Nilingon niya ang labas saka tumingin muli saakin.

"Gabing gabi na pala.. Saan ba kita ihahatid?" Pagtatanong ni Denver

Teka saan nga ba? Leshe?! Oo nga saan ako tutuloy. Wala na akong tita na lalapitan o uuwian tapos si Calvin maalala ko lang na nagwalk out kanina at mukhang galit na galit. Si Sandy naman nagboboarding house lang bawal siyang magpatuloy ng iba do'n.

Napangiti ako kay Denver. Nagsalubong ang kilay ni Denver dahil sa pagtataka sa pagngiti ko.

"O?! B-bakit?" Naguguluhan niyang tanong

"Alam mo kasi Denver.. Nakakahiya man na sabihin sayo p-pero wala na pala akong uuwian."

Napakamot si Denver sa batok niya na parang natatawa sa sinabi ko, "Seryoso ako no. Wala na talaga," sabi ko

"Kalungkot naman. Gusto mo ba dito ka nalang muna sa kotse ko matulog?" Tanong ni Denver

Lumingon lingon ako sa paligid ng kotse niya.

Seryoso? Kotse mo tutulugan ko? Naku, ayoko nakakahiya.

"Pero kasi... wag na. Ayokong matulog dito. Pero kung ayos lang sayo pwede ko nalang ako ihanap ng malapit na hotel. Doon lang siguro ako tutuloy pansamantala," Pakiusap ko

"Five star hotel? Gusto mo. Marami akong alam," Sarkastiko niyang sabi

Nagbibiro pa ito o minamaliit niya ako. Sobra siya ah.

"Ano ka ba? W-wala naman akong pera dito para sa isang five star hotel. Wag mo ko itulad sayo. Mayaman." Kinapa ko yung sarili ko para hanapin ang wallet ko.

Nga pala! Wala akong kahit na anong gamit ngayon. Ito lang suot kong puting damit.

Natatawa si Denver habang tinitingnan ang ginagawa kong pagkapkap sa sarili ko.

"Sus ililibre nalang kita." Pagaalok niya saakin

"Naku wag na. Kahit sa isang mumurahing hotel nalang, atsaka wag mo na akong ilibre," Pagtangi ko sa alok niya

"Okay lang naman basta ikaw. Alam mo wag ka ng mahiya sa'kin. Ngayon pa ba? Ngayong nakapaglabas ka na saakin ng mga problema mo. Kaibigan mo na ako ngayon." Napailing nalang ako sa sobrang kakulitan niya

"Sige na Denver pero hindi mo libre. Babayaran kita pagnagkapera na ako. Ayos na ba yun sayo?"

"Amm.. sige ba. Basta sana mabayaran mo."

"Oo sige na, babayaran kita"

Inistart ni Denver ang kotse niya tapos pinaandar ito. Nakatitig lang siya sa daan naming tinatahak at samantalang ako ito titig na titig sa nakaside view n'yang mukha at hindi ko na maalis ang ngiti ko. Nakakatuwa na ang isang sikat na tulad niya ay may paki sa tulad kong isang simpleng babae.

Madilim ang daan at yung buwan lang sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa paligid. Isang nakakagulantang na tunog ang kumawala sa kotse ni Denver hanggang sa napilitan si Denver na itigil muna ang kotse niya kasi mukhang ito talaga ang may problema.

"Ano yun!?" Gulat kong tanong

"Ewan ko, siguro yung gulong," sagot ni Denver

"Tsk."

"Dito ka lang Rina. Iche-check ko lang kung sira talaga"

Lumabas si Denver at sinilip ko naman siya sa side mirror. Tinitingan niya ang gulong ng kotse niya at bigla siyang napakamot sa ulo.

"Shit!" Sigaw ni Denver sabay nagpakawala ng malakas na sipa sa gulong na nasira

Napapikit ako sa pagsipa niya, sobrang nakakagulat rin kasi ang ginawa ni Denver. Bumalik siya mula sa driver seat.

"Sensya na Rina nasira kasi yung kotse ko. Pumutok ang gulong," Paghingi ni Denver ng pasensya

"Wala bang extra na gulong?" Tanong ko

"Meron pero hindi ako marunong magayos ng gulong"

"No ba 'yan, so dito tayo tutulog?" Tanong ko

Lumingon lingon siya sa paligid tapos muling humarap saakin. Nagbuntong hininga at iniintay ko ang isasagot niya

"No, hindi sobrang dilim dito baka may masamang loob pa ang gumalaw saatin. Hahanap tayo ng malapit na hotel." Sabay kuha ni Denver sa susi ng kotse at nagpunta siya sa pwesto ko at binuksan ang pinto

Inabot niya ang kamay niya saakin.

"Anong gagawin mo? Bububatin mo ba ako?" Tanong ko

"No. Basta," sagot n'ya

Nagkahawakan kami ng kamay at yung mga mata namin ay nagkatinginan rin. Sobrang titig lang ako sa kanya.

Gwapo din pala siya. Hindi ko kaagad na pansin. Ang ganda ng mga mata niya.

"Heto ang cellphone ko, try to trace kung saan ang location natin," Utos niya

"Hindi ka ba marunong?" Tanong ko

Napayapos ako sa sarili ko ng lumakas ang simoy ng hangin ng paligid.

Ang lamig.

"Hindi. Kadalasan yung personal assistant ko o kaya yung manager ko ang gumagawa ng sched ko tapos sila na rin naghahatid saakin sa lugar na mga shoots ko. Pagalam ko lang ang lugar ako na mismo ang nagpupunta," Sagot ni Denver

Iba talaga pagmayaman o kaya sikat. Nakakainggit pero hindi yung kasikatan niya kundi yung hindi niya kailangang magtrabaho para sa kakarampot na pera. Kung yumaman lang ako hindi na sana ako naibenta ng tita ko.

"Sige ititrace ko gamit ang google map"

Binuksan ko ang data ng cellphone niya pero walang signal kaya hindi ko magamit.

"Ano? Alam mo na?" Tanong ni Denver

"Walang signal"

"Anla paano na tayo neto?"

Kinabahan na tuloy talaga ako ngayon. Sa totoo lang ayokong matulog sa kotse niya at dito pa lugar na sobrang creepy.

"So d-dito na talaga tayo?" Nauutal kong tanong

"Sige ganito nalang." Tumalikod si Denver sabay, "Piggy back ride ka na saakin." Pinagmasdan ko muna ang likod niya sabay niyapos ko likod niya at ginawa ang sinabi niya, bumaba ako sa kanya

Naamoy ko na tuloy ang buhok ni Denver at ang lapit lapit na rin ng mukha ko sa mukha n'ya

"Kapit lang ha"

"Sige"

Naglakad si Denver at makailang minuto lang ang paglalakad namin ay napansin ko na pagod na si Denver dahil sa bigat ko

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong niya ng bigla kong hinawakan ang noo at pisnge niya

"Pawisan ka na kasi e," sagot ko

"S-salamat"

" 'No ka ba, ako ang dapat ang nagpapasalamat sayo." Sabay ngitian ko siya

Napalingon siya saakin at sobrang lapit na ng labi niya saakin at sobra akong nagulat kaya napalingon ako sa kabilang direksyon.

"B-bakit?" Nagtatakang tanong ni Denver

"W-wala nakakailang ka kasi, este yung paglapit ng mukha mo," sagot ko

Ilang saglit pa ay nakakita na si Denver ng isang building. Napangiti nalang ako dahil sa tuwa. Salamat at may paglilipasan na rin kami ng gabi.

"T-teka motel 'to ah!" Gulat kong bigkas

"No choice na kasi Rina. Pagod na rin ako." Hihiningal na si Denver

Magiinarte pa ba ako? Pagod na rin si Denver at nakakaawa naman s'ya kung gugustuhin ko pa sa isang hotel.

"Sige dito nalang"

---

Lumabas si Calvin ng bahay kasi may tawag siyang dapat na sagutin naiwan kami ni Sandy dito sa salas .

"Kaloka 'tong mga fans ni Denver tinawag ka ba namang pathetic wheelchair girl. Pero alam mo meshie, ang dami dami kong tawa dito." Hinarap sa'kin ni Sandy ang cellphone niya at ipinakita sa'kin ang picture ko.

"Leshe naman, ako ba 'yan? Puro sugat talaga ako"

"Gusto mo ba marinig ang sabi ng mga nitiezens? Ito sabi nung isa, sino ba siya? 'Di ba siya yung kawawang babae na nasagasaan ni Yuel? Kaloka ang higad niya, ang landi. Tapos ito pa, mukhang tanga lang si ate o! Ang landi mo, kurutin kita sa singit eh!"

"Sandy na kakatuwa ka no? Kaibigan ba talaga kita?" Tanong ko

Umiling si Sandy, "Nope simula nung nagsama kayo ni Denver sa motel at may nangyari pa yata"

"Sarap mong sampalin sabing walang nangyari. Dahil lang doon hindi mo na ako kaibigan?"

"Sorry meshie hindi na pero joke lang, syempre meshie pa rin kita kaya okay lang"

"Alam mo ikukwento ko na nga sayo ng hindi mo na ako pinagdududahan."

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top