Aurora 37
"Nakita ko ang tattoo ni Angeli."
"Kaya ba binitiwan mo s'ya?"
"Ang sakit pa rin pala. Akala ko magiging maayos ang lahat. Akala ko lang pala."
"Bakit hindi mo bigyan ng oras si Angeli. Kailangan lang n'ya ng panahon para maghilom ang sakit."
Nakatungo lang si Yuel habang kinakausap ko. Tumigil na rin ang pagiyak n'ya dahil kumalma na s'ya.
"Masama ba akong tao? Bakit sobrang galit si Angeli?"
"Hindi ka masamang tao." Dahil sa dala ng emosyon at nararamdaman ko ay hinawakan ko ang kamay n'ya.
"Sabi ko na nga ba. Kaya n'ya ako iniiwasan dahil sa ako ang sinisisi n'ya sa lahat. Pero.. totoo naman s'ya. Ako ang pumatay kay Denver -"
"Shh.. wala kang kasalan-"
"Meron. May aaminin ako sayo. Wala na akong paki kung magalit ka rin sa'kin. Kung sisishin mo rin ako."
"Tara nang bumalik sa hospital."
"Alam mo bang ikaw ang dahilan ng pagpunta namin ni Denver sa park. Naalala mo ba na magkikita sana tayo."
Bakit hindi nalang n'ya kalimutan ang lahat? Bakit gusto pa rin n'ya sabihin sa'kin kahit alam ko na ang totoo.
Ang tanga ko naman siguro kung iisipin ko na hindi ako ang pupuntahan nila. Alam ko ang rason ng lahat, kaya dapat ako ang sisishin dito.
"Sorry Yuel. Ako ang dahilan kung bakit kayo pupunta sa park 'di ba? Kaya ako ang may kasalanan. Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Gusto kong malaman na rin ni Angeli ang lahat para hindi na s'ya magalit sayo."
Oo naiiyak na ako. Bumalik ang alala ng araw na 'yon. Ang sakit sa kalooban, kahit baliktarin ang mundo ay hindi na mababago ang lahat.
"Bakit mo gagawin 'yon?"
"Para sumaya ka na."
"Sumaya ako?"
Tinitigan ko si Yuel sa mga mata n'ya. Nakikita ko ang pamumula nito dahil sa pagiyak n'ya kanina.
Kung ito lang ang tanging paraan para gumaan ang nararamdaman nilang dalawa. Sige ako na.
"Importante s'ya sayo. Alam ko 'yun. Sino ba naman ako di ba? Wala lang naman ako."
"Wala ka namang dapat gawin e. Wala."
Bakit ganito ang nararamdaman ko. Gusto ko ng tumakbo at umalis. Ayoko munang humarap kay Yuel.
"Basta ipangako mo sa'kin na sasaya ka kapag ginawa ko 'to."
Yuel Saw pov
Nagiba bigla si Rina. Hindi ko malaman kung bakit s'ya umiiyak. Ang alam ko lang hawak n'ya ang kamay ko. Nararamdaman ko ang nanginginig ng kamay n'ya.
"Sa tingin mo ba mababago mo pa ang isip ni Angeli?"
May parte sa puso ko na nakakaramdam ako ng kakaiba para kay Rina, oo naawa ako sa kanya.
"Hindi. Hindi ko alam. Kaya nga susubukan ko e."
"Wag mo nalang gawin. Ayokong may gagawin ka para lang maging okay kami ni Angeli."
"Tutulungan lang ki-"
"Di ba sabi ko wag na."
"Pero -"
"Rina wag na nga sabi!" Tumaas ang tono ng boses ko
Bakit kasi kailangan n'ya iinvolve ang sarili n'ya. Bakit hindi nalang n'ya ako sundin.
"Sorry."
Hindi ko na pigilan ang pagalis ng kamay n'ya mula sa akin. Tumakbo s'ya bigla at tumigil ang pagtugtog ng violin sa buong paligid.
"Teka Rina!"
Inikot ko ang wheelchair ko para humarap sa kanya. Nakatalikod lang s'ya habang humihikbi
"Alam mo bang alam na ni Angeli na ikaw ang pupuntahan namin ni Denver non? Sinabi na sa kanya ni Calvin nung nasa Cafe s'ya. Kaya please tumahan ka na."
Hindi ko maipaliwanag ang lahat. Basta gusto ko lang s'ya pigilan. Ayoko na nakikitang umiiyak si Rina. May kung ano na nagsasabi sa'kin na dapat kong gawin 'to.
"Kahit tanungin mo pa si Calvin. Alam n'ya 'yon."
Dahan-dahan n'ya akong hinarap. Hindi pa rin tumitigil ang pagiyak n'ya.
"Tumahan ka na. Wag kang magsayang ng luha. Naiintindihan naman kita na gusto mong tumulong. Nagpapasalamat ako para don."
"Sige na, aalis na ako."
"Saglit!"
Nagtama ang mga mata namin at bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Isang kakaibang pakiramdam na kanina ko pa hindi maipaliwanag.
"Magiingat ka."
Doon na s'ya tuluyang umalis at bumalik ako sa lamesa na punong puno ng pagkain.
Nasayang lang ang lahat. Wala man lang akong nagawa para magstay si Angeli. Hindi ko man lang napatagal ang paguusap namin. Akala ko masaya ang mga magaganap pero kabaliktaran lang.
Sa sobrang galit at inis ay pinagbuntunan ko nang galit ang mga bagay na nasa table.
Kumalat ang lahat at nabasag ang dapat na mabasag. Wala na akong magawa kundi ang magwala. Dito ko lang mailalabas ang lahat.
Rina Garcia pov
Okay lang 'yan Rina. Kumalma ka lang. Hindi mo naman kasalanan ang lahat e. Di ba sabi sayo ni Yuel alam na ni Angeli. Kaya tumahan ka na.
"Miss saan po tayo?"
Pwede mo ba akong dalhin sa lugar na hindi ko alam? Gusto kong lumayo. Ayokong muna umuwi at maisip ang lahat.
"Sa Aurora's Cafe po."
Naramdaman ko ang pagandar ng taxi. Tinahak ko ang byahe na sobrang tahimik.
Tumahan na ako kasi napagod na ako umiyak. Parang sobra na yata kung dadamdamin ko pa 'to. Sa totoo lang hindi ko talaga alam na aabot ako sa ganon. Iniisip ko lang talaga si Yuel, gusto ko s'yang sumaya.
Bakit parang hindi na yata traffic?
Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras. Nagulat ako nang makita kong pasado 9 na.
Takte! Paano na si Calvin? Inaasahan pa man din n'ya ako. Baka wala na 'yon sa Cafe, nakakainis. Magagalit 'yun panigurado. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung pupunta pa ba ako.
Naging mabilis ang pagbyahe ko kasi gabi na. Wala ng masyadong sasakyan.
Kaagad akong bumababa sa taxi nang makarating na ako sa Aurora.
Akala ko nakalock na ang entrance ng Cafe kaso ng itulak ko ito ay bukas pa pala.
Bakit hindi sinarado 'to ni Calvin? Di ba s'ya nagiingat? Alam naman n'ya ang panahon ngayon. Ang daming masasamang loob. Buti nalang at dumating ako.
Nilock ko ang Cafe mula sa loob tapos lumingon-lingon ako sa paligid. Nakabukas ang nightlight pero wala si Calvin. Naalala ko bigla na baka nasa office s'ya. Hindi na ako nagaksaya pa ng oras at kaagad na akong pumunta.
"Calvin!" Kumatok muna ako para sigurado
Pinakiramdaman ko kung sasagot ba s'ya pero naghihintay lang ako sa wala. Ang paghinga ko lang ang naririnig ko sa katahimikan ng paligid. Sinubukan kong hawakan ang doorknob at pinihit ko ito. Nagtaka ako kasi biglang bumukas.
Unti-unti kong tinulak ang pinto. At ipinasok ang sarili ko.
Tumatama ang liwanag ng kandila sa buong paligid. Nakakalat ang mga petals ng rosas sa sahig at may nagliliwanag na mga kandila sa gitna ng mesa. Nakahanda ang lahat maliban sa isa- si Calvin. Nakahiga na s'ya sa sofa at mahimbing na natutulog. Humakbang ako para lapitan ang mesa. May dalawang bote ng wine na nakababad sa bucket, tubig na ang nakabalot dito imbes na yelo.
Sa katagalan ko na dumating ay parang na konsensya ako sa sa ginawa ni Calvin. Pinapamukha nitong mga nakikita ko kung gaano ko dapat pinapahalagan ang mga bagay na pinaghihirapan ng iba. Ang tanga tanga ko kasi pinaghintay ko s'ya. Sorry Calvin, nagbitiw ako ng salita sayo pero binigo lang kita.
Sinilip ko si Calvin mula sa kinatatayuan ko. Kita ko ang pagod n'ya. Nageffort talaga s'ya para rito. Napangiti ako dahil naappreciate ko ang nagawa n'ya.
Lumapit ako sa kanya. Napansin ko na nakayakap si Calvin sa sarili n'ya. Nilalamig siguro.
Kinuha ko ang jacket na nakapatong sa sadalan ng sofa at dahan dahan kong binalot sa nilalamig na katawan ni Calvin.
"Salamat.." Bumulong ako
Oo hindi n'ya ako narinig pero masasabi kong sincere naman ako. Sobrang grateful ako having him with my life. 'Yan ang paulit ulit kong sasabihin sa sarili ko. Hindi ako mapapagod na sabihin 'yon dahil sobrang deserving ni Calvin.
Nilagay ko ang kamay ko sa ulo n'ya. Marahan kong ginulo ang buhok ni Calvin. Nginitian ko s'ya.
"Magpahinga ka. Alam kong pagod na pagod ka." Mahina lang baka kasi magising ko pa s'ya
Biglang gumalaw si Calvin kaya inalis ko kaagad ang kamay ko.
Magigising ko pa 'ata s'ya. Napakaclumsy mo talaga Rina. Hindi ka na marunong magingat.
Hahayaan ko nalang si Calvin na makapagpahinga. Need n'ya 'to at mukhang kailangan ko na rin siguro magpahinga. Napakatiring day para sa'min ng Valentines.
Uuwi na ako para makapagpahinga.
Napansin kong pamulat mulat na ang mga mata ni Calvin. Hindi na ako nakaalis kasi nahuli n'ya ako sa akto.
"Kanina ka pa ba?"
"Ah.. kasi.. hindi! Kararating ko lang."
"Pasensya ka na nakatulog ako."
"Sige na matulog ka na. Uuwi na rin ako."
Hinawakan ako ni Calvin sa balikat. Hinila n'ya ako at napaupo ako sa sofa.
"Mamaya na."
"Gabi na kasi."
"Di ba pumayag ka na sumama sa'kin? Tapos uuwian mo lang ako."
"Kasi -"
"Umiyak ka ba?"
Namumugto pa ba ang mata ko? Napakalinaw naman ng mata n'ya para mapansin pa.
"H-hindi ah! Nakutkot ko lang. Makati kasi."
"Talaga?"
"Oo."
Kinuha ni Calvin ang phone sa bulsa n'ya at parang may tinignan s'ya.
"9: 45 palang kaya hindi pa tapos ang valentines day."
"Bakit umeffort ka pa ng ganito?"
Tumayo si Calvin. Wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Hinabol ko lang s'ya ng tingin. Pumunta s'ya sa mesa at umupo.
"Tara!"
Hindi man 'to kasing engrande ng naging date nila Angeli at Yuel pero sa ngitian palang ni Calvin ay mararamdaman mo ang saya. Na-pinaglaanan talaga n'ya ng oras ang bagay na 'to. Hindi s'ya kasing yaman ni Yuel pero kaya 'yang ibigay ang lahat ng kaya n'ya. Kaya hindi ko mapigilan na bumilib ng sobra kay Calvin.
Tumayo at lumapit ako kay Calvin. Umupo ako sa katapat na silya.
"Sorry kung ito lang ang na kayanan ko."
"Ano ka ba? Ayos lang naman. Ang romantic kaya! Pwede ka na magjowa."
Pagbibiro lang ang kaya kong gawin. Ayokong lumalala ang magiging usapan namin. Ayokong humantong sa masasaktan ko na naman s'ya.
"Talaga? Pwedeng pwede na ba? Sana nagustuhan mo."
"Oo naman!" Nagpinta ako ng ngiti
Kinuha ni Calvin ang wine na nasa bucket. Tumutulo pa ang tubig na dumadaloy sa makinis nitong bote. Kinuha n'ya ang wine glass na nasa tabi ng plato ko. Nilagyan n'ya ito hanggang sa makakalahati. Ginawa n'ya rin ito sa wine glass n'ya.
"Date ba 'to?" Hindi ko maiwasan na maitanong
"Ano ba sa tingin mo? Ikaw at ako. Ako at ikaw lang ang nandito. Kaya kung sa tingin mo date 'to, oo."
Tinaas n'ya ang takip ng mga pagkain. Bumungad sa'kin ang samut-saring putahe.
Hindi ko maiwasan na matakam. Napapalunok laway ako sa amoy.
"Mukhang masasarap to."
"Oo ako ang nagluto e."
"Hindi ako sure sayo! Haha."
Nagtawanan kami sa isa't isa tapos nagsimula kaming lantakan ang mga niluto ni Calvin.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Yuel. Hindi ako pinapatahimik ng sinabi n'ya.
"Bakit may problema ba sa pagkain? H-hindi mo nagustuhan?"
Bumalik ako bigla sa sarili ko. Nagpause kasi ako saglit sa ginagawa ko.
"May gusto akong itanong."
"Hmm.. ano 'yun?"
"Sinabi mo ba kay Angeli na ako ang pupuntahan ni Yuel nung araw na maaksidente sila?"
Alam kong off ako sa ganap ngayon. Pero kailangan itanong 'to. Simple lang ang gusto ko. Ang katotohanan.
"Bakit bigla ka napunta sa tanong na 'yan?"
"Gusto ko lang malaman. Para madisclose ko na ang gumugulo sa isip ko."
"Oo, sinabi ko kay Angeli bago pa man n'ya tawagan si Denver non para sabihin ang kondisyon ni Yuel. Sinabi kong makikipagkita si Yuel sayo. At nagulat ako na magkasama pala sila." Paliwanag n'ya sa'kin.
Hindi ko naman pala dapat isipin 'yon. Tama si Yuel, hindi ko kailangang gawin 'yon. Ngayon naging malinaw na ang lahat.
"Kumain ka na. Wag mo na isipin ang mga bagay na lumipas na."
"Salamat."
"Para saan?"
"Dito sa simpleng dinner."
"Wala yun."
"Hindi ko akalain na may ganito kang paandar."
"Ako naman ang may gustong itatanong sayo."
Kinuha ko ang wine at humigop ng konti dito.
Hindi ko talaga gusto ang pakiramdam kapag may tanong si Calvin. May kakaiba lagi akong nararamdaman. Pakiramdam ko lagi akong naka-hotseat.
"Nung araw na tinanong kita na kung mahihintay mo ba ako. Na kung kailan ako magiging ready. Seryoso ka ba don? Alam mo kasi Rina 'yun ang pinanghahawakan ko. 'Yun lang ang assurance ko na may chance ako d'yan-" May tinuro si Calvin, "- Sa puso mo."
Pinilit kong hindi s'ya tingnan ng diretso. Umiiwas ako na makita ang mga reaksyon sa mukha n'ya.
"Calvin magagalit ka ba kung malaman mong nagsinungaling ako sayo?"
"Hindi.."
Sa oras na 'to ay napatingin ako sa mata n'ya. Nakatingin lang din s'ya sa'kin at nakangiti.
Mukha man s'yang nasisiraan ng ulo pero hindi.
"Never naman akong magagalit sayo e. Hinding hindi ako magagalit sayo. Kaya kung may dapat kang sabihin sa'kin. Sabihin mo na. Wag kang magalala dahil hindi ako magtatanim ng galit sayo. Hindi ako masasaktan. Ganon kita kamahal Rina."
Lalong naging mahirap ang lahat sa'kin. Hindi dahil sa nalaman ko kundi may kakaiba akong naramdaman sa bawat salitang lumabas sa bibig ni Calvin.
"Nagsinungaling ako sayo. Sinabi kong hihintayin kita kahit na alam ko sa sarili kong hindi ako sigurado. Sorry."
Umusod ng konti si Calvin. Sapat lang para mahawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.
"Naiintindihan naman kita. Ayoko ipilit ang sarili ko sayo. Ang hirap lang kasi na ang nakikita mo lang sa'kin ay ang mga nagawa kong maganda. Gusto ko makita mo 'ko bilang si Calvin. Wag mo isipin na masasaktan mo ako. Sundin mo lang ang puso mo. Kung ano man ang maging desisyon mo. Magiging masaya ako don."
Ipinatong ko ang kabila kong kamay sa kamay n'ya. Binigyan ko ng ngiti si Calvin para maging positibo kami pareho.
"Napakabait mo talaga, sobra. Napakaswerte ko sayo."
"Nakakainis!"
Galit ba s'ya sa sinabi ko? Bakit nagiba bigla ang timpla n'ya?
"B-bakit?"
"Nakakainlove ka talaga, tsk. Lakas tama talaga ako sayo!" Nilagay ni Calvin ang kamay n'ya sa ulo ko at ginulo ang ayos ng buhok ko.
Sa inis ko ay nawala kami parehas sa momentum ng pinaguusapan namin at nagkulitan kami.
Ilang saglit pa ay tumigil na kami.
"Pero seryoso Calvin, kung tatanungin mo ulit ako ngayon kung mahihintay pa kita para makuha ang loob ko. Oo ang isasagot ko. Hindi ka naman mahirap mahalin. Lahat na sayo na."
"Talaga? Hihintayin mo 'ko para ligawan ka?"
"Oo pero sana bilisan mo."
"Huh? B-bakit naman?"
"Wala!"
Sabihin na nating parang may mali sa desisyon ko. Maling binigyan ko ng chance si Calvin lalo't may nararamdaman na ako kay Yuel. Kung iisipin ko lang talaga ang nararamdam ko kay Yuel ay talong talo ako kasi never naman n'ya ako mapapansin dahil may iba s'yang gusto. Kung bibigyan ko ng chance si Calvin para matutuhan ko s'yang mahalin ay hindi naman magiging mahirap siguro 'yon kasi kilala ko na s'ya.
Oo hindi ko naisip na baka masira ang matagal naming pagkakaibigan. Pero bakit wala naman nabago nung araw na umamin s'ya sa'kin. Siguro naman maibabalik namin yun, kahit na anong mangyari. Solid na kami 'ika ko nga.
"Saglit lang Rina."
Napataas kilay ako dahil sa curiousity ng sinasabi n'ya.
"Pumikit ka."
"Huh? B-bakit?"
"Basta!"
Ginawa ko ang gusto n'ya at pumikit ako. Nakaramdam ako ng paghawak sa mata ko. Tinakpan n'ya ito.
"A-ano ba 'to?"
Nakakakabang katahimikan ang nabubuo. Walang kahit anong ingay ang maririnig.
Bumaba ang kamay ni Calvin sa may baba ko. Marahan n'ya itong hinawakan.
Teka ano bang nangyayari?
Iminulat ko ang mata ko at nagulat ako.
"Surprise!"
Isang bouquet ng pink roses ang bumungad sa'kin.
"Sira ka talaga!"
Kinabahan kasi talaga ako. Nakakatakot kasi ang katahimikan.
Kinuha ko ang bouquet at ngintian si Calvin para magpasalamat.
"Dati nung mga bata tayo gumamela lang ang kaya ko. Hindi mo na maaalala yun kasi may nagbibigay na sayo ng roses ngayon. Dapat magalit ako sayo e! Dahil nakalimutan mo na 'yon. Sabi mo hindi ka pa nakakatanggap ng bulaklak sa ibang tao."
"Naalala ko naman 'yon. Kaso ang akala ko wala lang. Napinagtitripan mo lang ako."
"Alam mo wag na natin balikan. Happy Valentines day."
"Ikaw naman ang nagopen sa'tin non pero.. salamat dito"
Binigyan ko ng confirmation si Calvin na hihintayin ko s'ya na maging handa. Nagdesisyon ako dahil alam kong deserve n'ya 'yon.
Naniniwala akong lahat pwedeng magbago kahit na ang nararamdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top