Aurora 34

"Mabuti maaga kayo, medyo na hihirapan na ako sa pagaasikaso magisa dito."

Nakatayo si Calvin sa harap ng kaha at kinakausap kami habang may inaasikasong customer.

Lumingon ako sa paligid at iilan lang naman ang customer ng Cafe. Pumasok na si Tyler sa Staff room at mukhang magtatrabaho na s'ya.

"Kamusta benta natin?"

"Huh?"

"Pwede ba akong bumalik dito?" Nakangiti at may konti paawa sa mukha ko

Natawa s'ya sa sinabi ko at sa ginagawa ko.

"Oo naman! Magsisimula ka na ba ngayon?"

"Pwede na ba?"

"Syempre."

Aalis na sana ako kaso natigilan ako ng may iabot sa'kin si Calvin.

"Welcome back sa Aurora. Magapron ka na agad, may ipapatikim ako sayo."

Nasa kamay ko ngayon ang name tag ko at hindi ko maipaliwanag ang saya ko, hanggang sa muli.

Kinabit ko ito sa damit ko at iniwan ko muna ang cupcake ko sa may tabi ni Calvin tapos pumasok na ko sa staff room at nakaready na si Tyler.

"Sabay na tayo."

Masasabi kong nagiba na talaga ang awra n'ya, parang masaya lang s'ya.

Habang nagsusuot ako ng apron ay may biglang pumasok sa utak ko.

"Maiba tayo Tyler, bakit hindi mo pa naiisipan na umalis ng Aurora? Mayaman ka naman tapos anak ka ng presidente ng bansa."

"Masaya ako dito." Maliit pero may meaning para sa'kin

"Ang sa'kin lang naman ay hindi ba nagtataka ang mga magulang mo? Di ba syempre anak nila nagtatra-" Hindi na tuloy ang sasabihin ko kasi bigla s'yang lumabas ng kwarto

May mali ba akong nasabi? Sa tingin ko naman wala? E bakit bigla nagkaganon 'yon? Ang weird.

Hindi na ako nagaksaya ng oras at lumabas na ako tapos dumiretso na ako kay Calvin para makipagshift.

"Ako na dito." Tinapik ko sa likod si Calvin

"Sige pero heto nga pala."

"Cupcake?"

"Oo! Gusto ko matikman mo 'to. Sabihin mo kung masarap ba s'ya para maidagdag ko sa menu." Napatingin ako kay Tyler na kasalukuyan na nakatingin sa'min.

Nagiba ang itsura n'ya at para bang biglang nagbago, ano ba nangyari sa kanya? Bipolar ba s'ya? O moody?

Nakatitig lang s'ya sa'min ni Calvin.

"Sige titikman ko na." Kinuha ko ang kutsarita sa kamay ni Calvin

Humiwa ako ng kapiraso at tinikman ito. Nagulat ako sa sarap. Hindi mo aakalain na si Calvin ang gumawa nito.

"Wow ang sarap, ikaw ba ang gumawa nito?" Hindi ko lang mapigilan ang matuwa sa sarap.

"Heto." Biglang napunta ang atensyon ko sa inabot ni Tyler

"Ano yan Tyler?" Usisa ni Calvin

"Cupcake din 'to." Ako na ang sumagot

Binuksan ko ang kahon at tumambad sa'kin ang isang red velvet na cupcake. Napawow naman ako sa ganda ng presentation.

"Tikman ko na ha."

Hindi ako gumamit ng kutsarita kundi kinagat ko ito ng malaki, na excite lang talaga ako sa lasa at sa itsura. Nilalasahan ko ang cupcake ni Tyler at nginitian ko s'ya sabay nagthumbs up ako.

"Kamusta? S-sinong mas masarap?" Tanong kaagad ni Calvin

Nakita kong nagtinginan si Tyler at Calvin, at base sa nakikita ko mukhang may kuryente sa pagitan ng mga mata nila.

So hindi nila ako naimform na pagalingan pala 'to.

"Ang sarap nung cupcake mo!" Inakbayan ko si Calvin sa harap ni Tyler

Oo aaminin ko masarap din naman ang kay Tyler kaso mas nasarapan ako sa gawa ni Calvin, knowing na hindi naman talaga nagculinary si Calvin. Natuwa at naproud naman ako sa kanya.

"Seryoso mas masarap yung sa'kin?"

Di maalis ang saya ni Calvin pero si Tyler naman nakasimangot lang na nakatingin sa'min

"Wag ka magalala Tyler masarap naman ang gawa mo."

Pero tinalikuran lang n'ya ako at nagpunta na sa mga table at naglinis.

Probelma non? Bakit bigla s'yang nainis, naoffend ko ba s'ya? Kainis! Ayaw ako patahimikin ng isip ko kung bakit.

May biglang pumasok sa Cafe, si Angeli at may kasama s'yang dalawang babae na parang mga model dahil sa height.

"Hi musta?" Binati ko s'ya

"Oorder sana kami ng tatlong cappuccino." Tapos inabot sa'kin ni Angeli ang bayad at sinuklian ko naman s'ya

"Dine in ba o take out?"

"Dine in."

"Ah. Sige!"

Humanap sila nang mauupuan at dahil nasa office si Calvin ay ako na ang gumawa ng order.

Hindi ko na pinansin kung ano man ang nakita ko kay Angeli baka kasi hindi naman totoo. Bukod pa don napansin ko rin na parang umikli ang buhok n'ya, nagpagupit yata s'ya.

Nilagay ko na sa tray ang mga order ni Angeli tapos maglalagay sana ako ng stickynote kaso naubusan na kami. Dumiretso na ako sa table ni Angeli at nagtatawanan sila kasama nila si Tyler pero nakatayo s'ya sa tabi nila.

"Ang pogi naman pala talaga ng kapatid ni Denver no?" Narinig ko na sabi nung isang babae na nakapulang dress

Ayoko man maging bastos pero ayoko naman silang hintayin matapos sa paguusap nila, umentrada na ako.

"Heto na po ang order n'yo."

Isa isa kong nilapag ang mga cappuccino nila.

"Totoo ba 'yan?"

Nakita ko kasi ang wrist ni Angeli na may nakasulat na pangalan ni Denver, isang tattoo.

Oo alam ko na maling magtanong ako kay Angeli pero sa tingin ko sapat naman na siguro na magkakilala kami para magtanong ako sa kanya.

"Maganda ba?" Mukhang masaya s'ya sa pinagawa n'ya

"Oo."

"Bakit ka nagpatattoo?" Biglang nagsalita si Tyler

"Wala lang."

"Sa tingin mo gusto n'ya na nakikita kang nagkakaganyan?" Medyo galit ang tono ni Tyler

"Ano bang masama dito?"

"Gusto mo ba talaga 'yan?"

"Tyler tama na." Pagawat ko

Hinila ko sa braso si Tyler at hindi naman ako nahirapan kasi nagkusa s'yang sumama sa'kin.

"Hayaan mo nalang s'ya. Ganyan lang siguro kasakit kapag nawalan ka ng minamahal." Paliwanag ko tapos tinap ko ang likod n'ya

Siguro ito lang talaga ang way ni Angeli kung paano gumaan ang loob n'ya. Mahirap naman talaga kapag hindi mo pa natatanggap ang nangyari e. Sa tingin ko nasasaktan pa rin si Angeli at sobra ang pagmamahal n'ya kay Denver kaya n'ya nagawa 'yon sa sarili n'ya. Wala ng mas sasakit sa pinagdadaanan ni Angeli. Gusto ko s'yang damayan pero napakalayo n'ya sakin at saka sa tingin ko hindi na n'ya ako kailangan. May mga kaibigan naman s'ya.

Kumuha ako ng tissue at binigay ko kila-Angeli pero bago pa man ako makaalis ay narinig ko ang topic nila, si Yuel.

Heto na naman ako. Bakit ba gustong gusto kong laging umentrada sa paguusap nila? Nakakahiya pero kakapalan ko na ang mukha ko. Ang tagal na rin kasing wala akong balita kay Yuel.

"Kamusta nag pala si Yuel?"

"Hindi ko alam, matagal ko na syang hindi nakikita."

"Hindi mo ba s'ya gustong puntahan?"

"Ano ba 'yan ate? Nagtatrabaho ka ba? O makikipagusap nalang?" Sumali sa usapan ang kasama ni Angeli

"Sorry po. Alis na po ako. Enjoy!"

Umalis na ako at ng may konting inis sa sarili ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko, may mali e, may iba. Ano bang naging problema ni Angeli kay Yuel, may pinagsamahan naman sila.

"Si Angeli ba 'yon?" Napalingon ako kay Calvin

Nagkasalubong kaming dalawa.

"Oo."

"Nagpagupit ba s'ya?"

"Oo."

"Ahh.. bumagay sa kanya."

Teka nga lang, may naisip ako. Bakit hindi kaya?

"Pwede bang igawa mo ko nung cupcake na pinatikim mo sa'kin? Bibili ako."

"Bakit sobrang sarap ba?"

"Oo kaya igawa mo na 'ko."

Nagokay sign s'ya tapos nagpunta na si Calvin sa gawaan ng mga pastries

Naging normal naman ang lahat sa Cafe, natapos ang trabaho namin ng gaya ng dati . Kinuha ko na kay Calvin ang nagawa n'yang cupcake at nilagay n'ya sa ito sa kahon.

"Salamat ha."

"Walang ano man, basta ikaw pero para saan ba talaga 'yan?"

"Basta may pagbibigyan lang ako."

"Sige. Uuwi ka na ba?"

"Oo."

"Ihatid na kita."

"Naku wag na! Maabala pa kita e."

"Sigurado ka ba?"

"Oo sige na!"

"Magingat ka ha.. mamimiss kita."

Nilagay ni Calvin ang kamay n'ya sa ulo ko at ginulo ng konti ang ayos nito.

"Tsk. Nakakainis ka naman e! Kakaayos ko lang nito."

"Haha! Sige na, magingat ka ha."

Lumabas na ako sa Cafe ng magisa kasi nauna pala si Tyler, hindi ko na alam kung anong oras s'ya nagout kaya wala akong alam.

Pumara ako ng taxi at sumakay tapos umalis na ako.

Sobrang tahimik ng byahe at kung saan saan lang ako nakatingin hanggang napunta ang atensyon ko sa kahon ng cupcake. Hindi ko maiwasang mapangiti. Bakit kaya sobra akong kinakabahan, sana lang talaga ay magustuhan n'ya 'to. Ayoko naman masayang lang ang pera ko.

Nakarating na ako sa hospital at dumiretso na agad ako sa kwarto ni Yuel. Nadaanan ko ang naging kwarto ni Lolo pero hindi ko na nagawang magtagal kasi naaalala ko lang si Lolo. Hindi sa ayaw ko s'yang maalala pero iniiwasan ko lang bumalik ang sakit ng pagkawala n'ya.

Nagipon ako ng lakas ng loob bago ko buksan ang pinto.

Heto na!

"Yuel..." Napatigil ako kasi nakita kong natutulog na s'ya

Gabi na kasi kaya hindi na ako magtataka. Mabuti nalang talaga at na pigilan ko kaagad ang sarili ko kundi nagising ko s'ya.

Lumapit ako sa kama ni Yuel at pinatong ang cupcakes sa mesa.

"Buti binisita mo 'ko. Nilalamon na ako ng kalungkutan dito." Nagulat at napalingon ako

"G-gising ka pala?" Nauutal ako dahil sa gulat

"Pumikit lang ako kasi hindi ako makatulog. Nga pala bakit ka na pa rito?"

"Dinalhan kita ng cupcakes, masarap 'to baka gusto mo. Teka ikukuha kita."

"Wag na, wala ako sa mood kumain ngayon."

Napatigil ako sa pagalis

"Sige pero maiba tayo kamusta ka na? Ang opera mo."

Gusto ko lang malaman ang lagay n'ya.

"Ayos lang ako, salamat sa pagaalala. Pasensya ka na sa naging treatment ko sayo nung nakaraan."

Napangiti naman ako sa sinabi n'ya kahit simple lang ay sobrang iba ang naging dating sa'kin

"Wala 'yun naiintindihan naman kita."

"Kelan kaya ako makakaalis dito?"

"Magpagaling ka lang tapos malay mo mapabilis ang paglabas mo." Pagiging positibo ko

Kahit sana sa ganitong paraan lang ay macheer up ko si Yuel. Sobrang magiging masaya na ako sa kahit ano.

"Nabalitaan ko na namatay ang Lolo mo, condolence."

"Salamat."

"Paano ka na nga pala?" Bigla s'yang tumingin sa'kin, sa mga mata ko

"Kagaya nang dati. Bumalik lang naman ako sa kung saan ako dapat."

Hindi na ulit kami nagkaroon ng topic kasi hindi na s'ya nagsalita pa. Napuno lang ng tunog ng vital sign monitor ang buong kwarto.

Hanggang sa binasag ko ang katahimikan na ginawa n'ya.

"Namimiss mo na ba s'ya?"

"Sino?"

"Si Angeli." Lalong nanlumo ang mukha ni Yuel

"Ikaw ba? Hindi mo ba namimiss si Denver?"

Naging seryoso ang usapan sa pagitan namin. Hindi ko alam pero natameme ako. Ilang segundo din bago ako makabalik sa usapan

"Bakit hindi mo ko sagutin?"

"Bakit ako ang ayaw mong sagutin?"

Teka nakatitig ba s'ya sa mata ko? Magkaeye to eye kami at ibang iba ang pagtingin n'ya sa'kin.

Bigla kong naramdaman ang puso ko. Heto na naman. Pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko.

Anong nangyayari sa'kin?

"Natameme ka 'ata?"

"Ako? H-hindi ah!"

"Namumula ka yata?" Napapangiti s'ya dahil sa'kin

"Ako? H-hindi no!"

"Talaga? Pero sige aaminin ko sayo na namimiss ko na si Angeli.. sobra. Pero anong magagawa ko. Maghihintay lang ako."

Kung alam mo lang sana. Andito naman ako e.. kaso hindi mo ko nakikita at never mo kong mapapansin. Ganon ka kasi kabulag kay Angeli pero bakit ako nagkakaganito? Kelan ko ba matatalo si Angeli, dyosa s'ya para sa'kin at anghel s'ya sa bait. Never kong matatalo ang katulad n'ya.

"Namimiss ka rin ni Angeli. Busy lang siguro kaya walang time. Di ba may kompanya s'ya na mamanahin."

"Bakit sa Aurora nagkatime s'ya para magparttime job? Saglit lang naman n'ya akong pupuntahan pero hindi n'ya magawa."

Napakagat labi nalang ako kasi wala akong ibang masasabi. May punto naman s'ya kaya wala akong laban.

"Alam mo bang niligawan ako ni Denver dati?" Napansin ko na bigla s'yang umilag ng tingin sa'kin

"Alam ko kung gaano ka n'ya kamahal. Pinagpalit n'ya si Angeli para sayo. Ganon ka n'ya kamahal alam mo ba 'yon? Naisip mo ba na ang saya siguro ng lahat kung ako ang namatay? Wala sanang iwasan na mangyayari."

Naramdaman ko ang konting kurot sa puso ko dahil sa narinig ko. Labis na lungkot ang pinagdadaan ni Yuel ngayon.

"Walang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat at saka meron pa rin naman nagmamalasakit sayo."

"Ikaw ba? -"

"Huh? Ako?"

"Hindi I mean ikaw ba? Masaya ka bang nabuhay ako?" Nagkaroon ng tensyon ang tanungan n'ya

"Oo naman!"

"Kahit si Denver ang nawala?"

"Hindi mo naman kasalanan ang lahat. Pwede bang alisin mo sa utak mo 'yan! Ako ang naiinis sayo e!" Nataas na pala ang boses ko

Napatigil ako ng marealize kong mali ang ginagawa ko

"Sorry."

"Ayos lang, hindi mo kailangan magsorry."

"Basta nandito lang ako ha. Wag ka ng malungkot, okay?"

Nagngitian kami sa isa't isa at sa tingin ko may nabuo kaming isang bagay at 'yun ay ang magdamayan.

Sana ganito nalang lagi para kahit papaano ay sumasaya kami parehas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top