Aurora 31

Limang araw makalipas mamatay si Lolo.

Nailibing na s'ya sa mismong araw na ito. Masasabi kong marami talaga ang nagmamahal kay Lolo kahit hindi namin kilalang tao ay nakiramay sa pagkamatay n'ya. Merong tribute ang ilang mga TV network para sa kanya, pero hindi pa rin maalis ang issue at kaso na ginawa n'ya. Kahit sa pagkamatay ni Lolo ay hindi s'ya nakatakas sa mga taong galit at patuloy na sinisilip ang mali n'ya. Ipinagpapasa-diyos ko nalang talaga sila. Kahit ano pa man kasi ang gawin ko ay hindi pa rin nila ako papaniwalaan at papanigan. Gusto kong ipagtanggol at kampihan si Lolo pero bakit pa nga ba? Tama naman sila sa sinabi nila, tama na rin siguro na isipin ko pa yun. Gusto ko nalang isama sa paglimot ko ang mga issue ni Lolo.

Nakatulala lang ako, balisa at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. May ilan din akong pagsisisi. Kung bakit hindi ko nalang s'ya laging sinamahan at kung bakit hindi ko nalang s'ya mas inintindi. Sobrang dami kong realization pero hanggang doon nalang talaga siguro 'yon, period.

"Uminom ka na muna ng tubig baka nauhaw ka galing sa sementeryo." Tapos inabutan ako ni Calvin ng baso ng tubig.

Gusto kong uminom pero bakit ayaw ng katawan ko? Siguro sadyang ganito lang ang epekto ng mawalan ng minamahal sa buhay. Namimiss ko na si Lolo, sobra pa sa sobra.

"Magiging maayos din ang lahat, wag kang magalala." Comfort naman ni Sandy sabay niyapos ako saglit

"Sana nga lang, pa'no nalang ako nito? Wala na akong Lolo. Wala na akong pamilya."

Kinuha ko na ang hawak na tubig ni Calvin pero hindi ko 'to iinumin. Wala lang talaga ako sa mood.

"Kinaya mo naman ng wala ang Lolo mo dati kaya makakaya mo ulit 'yan, naniniwala ako sayo, okay? Makakaya mo 'to."

Napunta kay Calvin ang atensyon ko, at tinitigan ko lang s'ya sa mata n'ya. Napatanong ako bigla sa sarili ko. Ako pa ba 'to? Ang Rina na nakilala nila? Ang Rina na matatag sa mga pagsubok na binibigay sa'kin, mga problema na tinatawanan ko lang dati pero ngayon? Parang hindi ko na mahanap ang dating ako, nagtataka rin ako sa sarili ko. Ang saglit na pagbabago sa buhay ko ay ang laki naman ng naging epekto sa sarili ko. Gusto kong umiyak pero pagod na pagod na ang mata ko. Maraming luha na ng naubos ko.

Patuloy lang ako nakatingin kay Calvin. nakasimangot at hindi alam ang sunod kong sasabihin.

"Naalala mo ba dati? Nung mga bata pa tayo. Kapag lagi kang naiyak dahil sa ginagawa ng tita mo sayo... Pumikit ka."

Sinunod ko si Calvin. Naramdaman kong ilagay ni Calvin ang kamay n'ya sa mga mata ko. Tinakpan n'ya ito at nakapikit lang ako.

Naalala ko ang lahat-lahat, kung paano ako tumatakbo mula sa bahay nila Calvin habang umiiyak. Si Calvin lang ang lagi kong nasasandalan. Si Calvin lang ang lagi kong iniiyakan at sinasabihan ko ng problema ko. Sa tuwing may problema ako at hindi ko ito nailalabas ay pinapapikit lang ako ni Calvin at marahan n'yang pinapatong ang kamay n'ya sa mga mata ko. Hinahayaan n'ya akong damahin ang lahat ng sakit, hinahayaan n'ya akong makapagisip at maging relax sa kahit anong problema ko.

"Nandito lang ako para sayo kahit anong mangyari." Mahina pero ramdam ko ang sinabi ni Calvin

Ngayon na ginawa ulit ito ni Calvin ay mas naging positibo ako at naibsan naman ang mga problema ko kahit papaano. Hindi man nito naalis ang lahat ng sakit pero naging sapat naman 'to para maging kalmado ako.

Dahan dahan tinanggal ni Calvin ang kamay n'ya at naiwan ang mainit nitong temperatura sa balat ko. Pagmulat ko ng mata ko ay unti unti kong nakita si Calvin pero nagtaka ako kasi may luhang umagos mula sa isa n'yang mata.

Bakit s'ya umiiyak?

"Salamat Calvin." Nginitian ko s'ya at hindi ko napigilan na yakapin s'ya ng mahigpit

Sa sobrang higpit nang pagkakayakap ko ay hindi ko alam kung nakakahinga pa ba si Calvin ng maayos. Basta ang alam ko ay niyapos din n'ya ako pabalik.

Sino bang magaakala na magkakaganito ang buhay ko. Sobrang dami ko nang pinagdaanan, ang dahilan lang para hindi ako sumuko ay ang mga pangarap ko at ang mga kaibigan ko na lagi akong sinasamahan sa lahat nang nagiging pagsubok sa buhay ko.

Hindi lang nila alam talaga kung gaano ako ka grateful na dumating sila sa buhay ko at sila ang naging kaibigan ko. I can't imagine kung ano lang siguro ako without them.

"Pinapaiyak n'yo naman ako e!" Naramdaman ko na rin ang presensya ni Sandy. Nakayakap na rin s'ya sa'kin, I mean sa'min ni Calvin

Hindi na muna binuksan si Calvin ng Aurora kasi walang magaasikaso. Sinamahan n'ya ako kanina sa burol ni Lolo matapos non ay bumalik na kami dito sa Aurora at namahinga muna.

Matapos nga kaming magkaroon ng konting kadramhan ay umuwi na muna si Sandy dahil may kailangan s'yang gawin sa boarding house daw nila. Naiwan lang kami ni Calvin dito. Nakaupo lang ako dito pero s'ya tumayo na at nagpunta sa coffee machine. Gagawa lang daw s'ya ng malamig na malamig na iced coffee.

"Heto na." Lumapit s'yang dala ang dalawang kape na nakatray pa

Naupo si Calvin sa tabi ko at pinatong sa tapat ko ang iced coffee. Nakatingin lang s'ya sa pader sa harap namin pero ako nakatingin sa naka-side view n'yang mukha. Naalala ko yung luha n'ya kanina, para saan kaya 'yon?

"So pano ka na ngayon? Anong mga balak mo?" Nakatingin pa rin s'ya sa malayo

Marahan ko lang na pinakikiramdaman ang malamig na kape habang hawak ito. Wala talaga akong balak inumin 'to, pero syempre nahiya naman ako kay Calvin na nagprepare nito.

"A-ako?" Nauutal kong sagot kasi bigla kong narealize, pano na nga ba ang lahat?, "Sa totoo lang hindi ko alam.. kung paano ako magsisimula ulit." Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot

Tumingin ng dahan dahan si Calvin sa akin at binigyan ako ng ngiti na hindi lang basta ngiti, kakaibang ngiti na may kakaibang kahulugan para sa'kin.

Sobrang komportable na talaga ako sa kanya, yun lang ang sigurado ko sa sarili ko.

"Simula palang noon.. bago ang simula, palagi lang akong nasa tabi mo hindi kita papabayaan. Kaya wag kang magaalala. At saka ngayon pa ba na ang bigat ng lahat nang nangyayari sayo, syempre lagi lang ako nandito."

"Salamat."

"Pero may isa lang akong kondisyon sayo."

Punong puno ng saya ang mga mata ni Calvin habang nagsasalita.

"Ano yun?"

"Na wag kang susuko. Basta kahit anong mangyari.. doon ka sa bagay na magpapasaya sayo at makakabuti para sayo. Gusto ko lagi kang masaya. Makita lang kitang masaya, solve na ko."

Si Calvin ba talaga 'tong nasa harap ko? Bakit nakikita ko s'ya bilang isang matured na tao. Malayo sa Calvin na kababata ko noon. Bakit ibang iba na s'ya ngayong oras na 'to.

"Syempre naman." May ngiti sa mga labi ko

"Dapat lang! Alam mo minsan lang ako magseryoso kaya dapat isapuso mo ang mga sinasabi ko ha."

"Opo."

Inakbayan ko si Calvin at parang bumalik lahat ng mga masasayang memories na kasama ko s'ya.

Nagtawanan lang kami habang pinagkukwentuhan ang lahat ng mga bagay na nangyari sa'min. Mga katarantaduhan, mga kalokohan, at mga awayan. Ngayon ko lang talaga napatunayan na ang totoong kaibigan ay hinding hindi ka iiwan.

"Ano ba! Hindi na ako bata!" Pilit inaalis ni Calvin ang braso ko sa leeg n'ya

"Natutuwa lang ako sayo."

"Baka nga!"

"Oo nga! Na miss nga kita ng sob -" Hindi ako nakapagsalita at nanlaki bigla ang mata ko

Lumingon si Calvin sa'kin at sobrang lapit na ng mga mukha namin sa isa't isa. Nakasunod lang ang mata n'ya sa mga mata ko. Napuno ng katamikan ang buong paligid, tanging paghinga nalang namin ni Calvin ang naririnig ko.

Anong nangyayari kay Calvin? Bakit bigla s'yang nagkakaganito?

Bigla s'yang pumikit at bumilis naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

Unti unti n'yang nilapit ang mukha n'ya sa'kin

"Ginagawa mo?" Tanapik ko yung noo ni Calvin at nilayo ko sa'kin

"Aray naman!" Pagrereklamo n'ya

Halata ang pamumula ng sa mukha n'ya. Napahawak pa si Calvin sa noo n'ya at sumilip sa'kin

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang."

"Umayos ka Calvin."

Masaya lang kaming nagkukwentuhan ng may biglang tumunog, ang door chimes.

May pumasok pala.

"Tyler." Napatawag nalang si Calvin nang sabay naming makita si Tyler na pumasok

Puno nang mga mantsa ang puting polo shirt ni Tyler at mukhang kakagaling lang n'ya university kasi may dala s'yang backpack na suot n'ya kapag napasok.

"Anyare sayo?" Usisa ko

Wala s'yang sagot, isang tingin lang sa'kin ay sapat na para makunteto ako. Gaya pa rin s'ya ng dati. Ibang klase talaga s'ya.

"Oo nga pala, kukunin mo na ba yung fermented dough mo?" Tumayo si Calvin

Tumango si Tyler kay Calvin at umalis na si Calvin para kunin siguro ang dough. Lumapit si Tyler sa'kin at naupo s'ya sa inupuan ni Calvin

"Ayos ka lang ba? Pasensya ka na hindi ako nakapunta. May kailangan kasi akong gawin." Nagpaliwag bigla si Tyler out of where

"No ka ba. Ayos lang 'yon atsaka mas mahalaga yung gagawin mo. Baking ka ngayon?"

"Oo."

"Wow sarap siguro maging culinary arts student no?"

Gusto ko sana ang magculinary kagaya ni Tyler pero masyadong magastos at mahirap lang naman ako. Pero second choice ko lang naman s'ya. Solid business Ad ako no! At dadating ang panahon magiging successful ako gaya ni Calvin.

"Ewan ko. Siguro."

Bakit parang hindi n'ya gusto ang kurso n'ya?

"Luh! Ang saya kaya magbaking at magluto."

"Kelan ka papasok?" Biglang nagbring up ng ibang topic si Tyler

Bakit bigla n'ya kong tinanong kung papasok na ko? Pero salamat pa rin at tinanong n'ya 'ko. Naalala ko tuloy mga kailangan kong icatch up na gawain.

"Baka bukas pumasok na ako. Kailangan ko ng humabol kasi natambakan ako ng mga gawain."

Naputol ang usapan namin ni Tyler kasi biglang dumating si Calvin at dala n'ya ang dough ni Tyler.

"O yan, siguro masarap na 'yan at dalawang araw naferment." Inabot ni Calvin ang dough

Tumayo na si Tyler at bumalik na sa upuan si Calvin. Paalis na sana si Tyler ng lumingon pa s'ya sa'kin.

"Ingat!" Tapos nginitian ko s'ya

Tuluyan nang lumabas si Tyler at hinabol ko pa s'ya ng tingin. Nakita kong tumigil s'ya saglit at saka tuluyang naglaho sa paningin ko.

"Ibang klase talaga si Tyler, ibang iba s'ya sa kuya n'ya."

"Kay Denver?"

"Oo, kasalungat n'ya si Denver. Kaya mas gusto ko s'ya kumpara sa kuya n'ya. Iba datingan ni Tyler para sa'kin."

Bakit bigla naman n'yang na bring up si Denver? Wala na nga yung tao e.

"Kung buhay pa kaya si Denver ano kaya ginagawa n'ya ngayon?" Bulong ko pero alam ko narinig ako ni Calvin

"Pati ba naman patay karibal ko pa rin." Bumulong din si Calvin pero nagbingi-bingihan nalang ako

"May sinasabi ka?"

"Wala."

"Ikaw talaga, loko ka." Tapos tulad ng dati, tinapik ko ng mahina ang noo n'ya

Sinamaan lang n'ya ako ng tingin dahil sa ginawa ko. Alam kong na aasar na s'ya at quota na 'ko.

"Pwede ba akong magtanong?" Biglang nagiba ang awra ng paligid

Ako lang ba ang kinakabahan sa itatanong ni Calvin.

"Ano yun?"

"Nagkagusto ka ba kay Denver?"

Isang tanong na bigla akong napangiti dahil hindi n'ya tinanong ang akala kong itatanong n'ya

"Hindi pero sobrang masaya ako na nakilala ko s'ya."

"Sigurado ka?"

"Oo nga," Tinapik ko na naman ang noo n'ya

Loko talaga 'tong si Calvin, akala ko nagbago na pero makulit pa rin.

"May isa pa akong tanong."

Naku parang ito na yata ang one million questioner. Kinakabahan ako, wag sana 'yon ang itanong n'ya.

"Teka parang kailangan ko na ata umuwi."

Napalingon si Calvin sa labas.

"Maaga pa naman e. Dito ka na muna."

"Hindi kasi may gagawin pa ako."

"Teka lang." Aalis na sana ako ng hawakan n'ya ako sa wrist ko

"Bakit?"

"Si Yuel?"

"Huh?"

"Gusto mo ba s'ya?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top