Aurora 30
"Aalis na ako Rina," Napagpaalam na si Angeli matapos n'yang matingnan ang kalagayan ni Lolo.
"Sige salamat sa pagbisita, magingat ka."
Sinamahan ko si Angeli na lumabas ng kwarto at nagwave kami sa isa't isa.
Hindi ko lang talaga maalis sa isip ko kung bakit hindi binibisita ni Angeli si Yuel. Nung huling dalaw ko naman kay Yuel ay mukhang okay pa sila pero ngayon parang may something na off, teka? Bakit ko pa ba pinoproblema? Siguro masyado kong lang talaga binibigyan ng atensyon kaya ganito.
Napatingin naman ako sa kwarto ni Yuel at bigla ko s'yang naisip. Kamusta na kaya s'ya? Gusto ko s'yang puntahan at kamustahin pero... parang mali na unahin ko ang pangsarili ko lang na kagustuhan kesa kay Lolo, pero sige. Pupuntahan ko lang naman s'ya para tingnan at wala na akong ibang gagawin kundi ang tingnan lang s'ya, yun lang ang itatatak ko sa utak ko.
Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Yuel pero nagipon muna ako ng lakas ng loob bago pumasok. Naisip ko na baka tulog na s'ya at nagpapahinga kasi gabi na rin. Ayoko naman s'yang istorbohin, wag nalang kaya? Pero na'ndito na ako e. Sige na nga.
Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan at sinigurado kong hindi ako magcacause ng kahit anong ingay. Pagkapasok ko ay nakita ko na agad s'ya na nakahiga at mukhang mahimbing ang tulog. Lumapit ako sa kama n'ya at pinagmasdan ang mukha n'ya. Hindi ko alam pero namiss ko bigla ang silayan lang s'ya ng ganito. Ang gaan tuloy bigla ng nararamdaman ko, parang gusto ko pasalamatan si Yuel dahil kahit wala s'yang ginagawa ay napapagaan n'ya ang pinagdadaanan ko ngayon.
"Magpagaling ka na." Bulong ko kahit alam kong tulog na s'ya
Pansin ko na maraming bulaklak at mga prutas. May mga bumisita siguro dito kaso lang walang natira para magbantay sa kanya. Naawa tuloy ako bigla kay Yuel, alam ko rin ang pakiramdam na ganito. Kung hindi lang talaga ako kailangan ni Lolo ngayon, ikaw ang ipapriority ko.
"Sorry.." Sabay hinawakan ko ang braso ni Yuel at dahan dahan itong hinaplos
Hindi ko lang talaga maiwasan na maguilty sa sarili ko para kasing wala akong magawa para kay Yuel.
Napalingon ako ng may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto.
"Sshh.." Agad n'ya akong pinatahimik
Sobra akong natakot at nagulat dahil sa biglaan n'yang pagpasok.
"Anong ginawa mo dito?" Pabulong pero rinig ko s'ya
Bakit ba s'ya bumubulong? Para ba kay Yuel ang dala n'yang mga prutas?
"Bakit ka bumubulong?" Usisa ko tapos patago kung inalis ang kamay ko kay Yuel
Lumapit s'ya sa table tapos pinatong ang dala n'yang nga prutas at saka lumapit sa akin.
Sa totoo lang natatakot ako sa kanya kasi mukha s'yang magnanakaw. Bakit ba bumubulong s'ya.
"Wag kang maingay baka magising s'ya." Pagpunto ni Doctor Lee kay Yuel
"Okay sige." Sumangayon nalang ako sa gusto ni Doc
"Kaibigan ka ba ni Yuel?"
"Oo, para ba sa kanya 'yan? Ang dami."
Para kaming ewan na bumubulong sa isa't isa, aakalain mong mga most wanted na magnanakaw kami. Kainis.
"Oo gusto ko na s'yang lumakas at gumaling."
"Ang bait mo naman."
"Anong ginagawa mo dito?" Isang nakakagulat na tanong galing kay Yuel
Langya! Bumubulong nalang talaga kami tapos nagising pa si Yuel. Ganon na ba talaga kami kalakas bumulong?
"Sorry Yuel, hindi ko sinasad -" naputol ang pagpapaliwanag ko
"Anong ginagawa mo dito Henry?" Medyo mataas na ang boses ni Yuel
Lumingon lingon si Doctor Lee na para bang walang alam sa sinasabi ni Yuel
"Di ba ako ang Doktor mo? Edi malamang na'ndito talaga ako." Pilosopong sagot ni Doc Lee
"Saka pinagdala ka n'ya ng prutas. Wag ka nang magalit. Mabait si Doc Lee." Paliwanag ko
Oo alam ko na wala akong karapatan na sumingit sa usapan nila pero syempre hindi ko lang kaya na hindi magsalita. Para kasing galit na galit si Yuel kay Doc kahit wala naman s'yang ginagawang masama.
Napatahimik si Yuel sa sinabi ko at nagtaka naman ako sa nakakalokong ngitian ni Doc Lee. Anong meron sa kanila? Parang may hindi ako alam na dapat nilang sabihin sa'kin.
"Magkaaway ba kayo?" Curious kong tanong
Patuloy pa rin si Doc Lee sa pagngiti ng walang dahilan, nakakaloko s'ya pero bigla akong may na pansin, may hawig sila nang ngiti ni Yuel. Siguro nagkataon lang kaya hindi ko na masyadong pinansin
"Lumabas ka na nga dito." Pagiinsist ni Yuel
"Oo na. Sige na, bye ganda." Tapos nginitian ako ni Doc Lee at nagwave bago umalis
"Aba't!" Napabulong nalang si Yuel
Napunta na kay Yuel ang buo kong atensyon at nakatingin nalang s'ya sa malayo.
"Bakit mo ko dinalaw? Gabi na ah."
"Napadaan lang ako. Sa totoo lang katabi mo ang kwarto ni Lolo kaya naisipan ko na bisitahin ka dito." Paliwanag ko
"Ahh... Sige na, kaya ko na sarili ko. Bumalik ka na sa kwarto ng Lolo mo."
"G-gusto mo bang ipagtalop muna kita ng mga prutas bago ako umalis?"
"Wag na, ayos lang ako."
Wala naman akong nararamdamang sakit kasi pinipilit ko pa rin iniintidi ang kalagayan ngayon ni Yuel. Mas iindintihin ko pa s'ya lalo dahil yun ang kailangan ni Yuel ngayon, ang taong makakaunawa sa kanya.
"Sige."
Nakita kong nasa paanan ang kumot n'ya kaya kinuha ko ito at dahan dahan kong itinaklob sa kalahati ng katawan n'ya. Nakatingin lang si Yuel sa ginagawa ko. Wala man lang reaksyon ang mukha n'ya.
"Una na ako," Akmang aalis na ako ng pigilan n'ya ako
Hawak ni Yuel ang kamay ko ngayon at hindi ko alam yung bigla kong naramdaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko, sobra.
Bakit ganito ako kahulog sayo Yuel? Hinawakan mo lang ang kamay ko tapos ito na ako at parang sasabog na.
"Rina." Tawag ni Yuel sa pangalan ko
"B-bakit?" Nauutal kong tugon
"Si Angeli na kausap mo ba s'ya? Hindi na n'ya kasi ako dinadalaw dito." Napapikit mata ako tapos biglang nawala ang bilis ng tibok ng puso ko
Angeli? Bakit ba ako nagexpect na may sasabihin s'ya sa akin. Ang tanga ko naman sa part na 'to. Masyado kasi akong nagaassume.
"Oo pero hindi ko alam kung bakit hindi ka n'ya pinupuntahan," Binitawan na ako ni Yuel, "Baka busy lang s'ya. Nagmamadali lang din kasi s'ya kanina." Ngumiti ako kahit pilit para hindi n'ya mahalata na nagexpect ako sa kanya.
"Sige na, salamat." Huling sinabi ni Yuel tapos nagtalukbong na s'ya ng kumot
Imbes na lumabas akong masaya at nakangiti ay hindi rin pala. Pero hayaan mo na, ano ba naman kasi pumapasok sa utak ko. Hindi naman n'ya ako gusto.
Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay kaagad din naman akong pumasok sa kwarto ni Lolo at nakita ko s'yang nakahiga at natutulog pa rin hanggang ngayon.
Sa totoo lang kahit may galit ako kay Lolo ay nagaalala pa rin naman ako. Ang tagal na n'yang natutulog dito sa ospital. Lumapit ako at naupo sa upuan na nasa tabi ng kama tapos hinawakan ko ang kamay ni Lolo.
Hayaan n'yo Lolo kapag gumaling na kayo hinding hindi ko na iisipin ang ginawa n'yo sa'kin at kila-papa't mama. Mas iintindihin ko nalang kayo at kahit ano pa man ang dahilan mo ay magiging bukas ako do'n basta gumaling ka nalang po talaga. Kahit ito nalang ang ibigay sa'kin ni Lord, ang lumakas pa kayo. Ipagmamalaki ko pa rin na nakilala ko kayo.
Biglang may pumasok sa kwarto ni Lolo. Nakikita ko na s'ya dati at s'ya ang laging kasama ni Lolo.
"Miss Rina alam ko pong wala sa lugar na sabihin ko 'to ngayon dahil sa lagay ni Pres. Lucio Garcia pero nagdesisyon na po ang senate. Tinatanggal na nila sa posisyon bilang presidente ng bansa ang Lolo mo."
Bakit parang wala sa akin ang sinabi ng abogado ni Lolo? Bakit hindi ako makaramdam ng pagaalala sa ginawa nila kay Lolo? Siguro hindi nalang talaga sa'kin nagmamatter ang bagay na 'to kasi hindi ito ang priority ko kundi ang sitwasyon ngayon ni Lolo.
"Salamat po sa pagsasabi sa'kin." Kaagad din na umalis ang abogado ni Lolo
Pinatong ko ang noo ko sa kamay na hawak ko- ang kamay ni Lolo tapos pumikit ako at taimtim na nalangin sa diyos. Humiling ako na sana kahit mas mapahaba pa ng konti ang buhay ng Lolo ko. Sobrang ipagpapasalamat ko nalang talaga kung mangyayari ito. Ano man ang posisyon na nawala sa Lolo ko ngayon ay wala na akong paki basta ang alam ko ay hindi mawawala ang posisyon n'ya bilang Lolo ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog nalang ako bigla.
"Apo, gumising ka." Isang boses na alam kong galing sa Lolo ko.
Pakurap kurap pa akong humarap kay Lolo. Nararamdaman ko pa ang pangangalay ng likod ko.
"Lolo buti gising ka na po."
Pansin ko ang pamumutla ni Lolo at parang mas humina pa s'ya lalo. Bigla akong napasimangot sa nakita kong kalagayan ni Lolo.
"Lumabas na muna kayo." Kahit namamaos at nanghihina na ang boses ni Lolo ay nagawa pa rin n'yang utusan ang mga guards na nasa loob ng kwarto
Kaagad din namang lumabas ng kwarto ang mga guard at kami nalang dalawa ang natitira.
"Lolo magpalakas ka para sa'kin ha." Namumutla na ang labi ni Lolo pero kahit hirap nang ngumiti ay pinilit pa rin n'yang ginawa, "Apo sorry sa lahat, alam kong mali ako. Kaya sana mapatawad mo na ako."
Habang magkaharap at magkatinginan kaming dalawa ay hindi ko alam ang mararamdam ko. Nangingilid na ang mga luha ko, parang hindi ko gusto ang mga sinasabi ni Lolo.
"Lolo ano bang sinasabi n'yo? Pinapatawad ko na po kayo. Magpakalakas kayo please.." Unti-unting pumatak ang luha mula sa dalawa kong mata
"Salamat apo. Pu-pwede ba akong humiling sayo?" Patuloy lang ako sa pagiyak at inisip na kahit ano pa man ang gusto n'ya ay gagawin ko.
"Ano po yun Lolo?" Natataranta kong tanong
Hindi na maganda ang nararamdaman ko ngayon, bakit parang hindi ako mapakali. Gusto ko nang sabihin ni Lolo ang lahat ng gusto n'ya para man lang may magawa ako para sa kanya.
"Gusto ko sanang makita at makausap si Ellise, pwede mo ba s'yang tawagan?" Agad akong tumayo at nanginginig ang buo kong kamay na kinuha ang phone sa mesa.
Nagpapanic talaga ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan na ako dahil kay Lolo, masama na ang lagay n'ya at nararamdaman ko 'yun.
"Lolo, kumapit ka lang please wag mo kong iwan." Hindi ko maclick ng maayos ang bawat letra ng pangalan ni Ellise
Nakahawak lang si Lolo sa dibdib n'ya at nakikita kong nahihirapan na s'yang huminga.
"Heto na s'ya Lo, lumaban ka." Itinapat ko kay Lolo ang phone at kaagad namang lumabas sa screen si Ellise.
Umaalog ang phone sa kamay ko dahil hindi ko maiwasang manghina at kabahan sa nangyayari. "Lolo tatawag na po ako ng Doktor!" Nagpasigaw na ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko
"Wag Rina, wag mo kong iwan."
"Ano ba 'to Rina?" Tanong ni Ellise sa kabilang linya
"Ellise wag mo naman gawin 'to kay Lolo."
"Ano bang drama 'to?"
"Ellise apo. Alam ko galit na galit ka pa rin sa'kin pero sana mapatawad mo na ako." Naiyak na rin si Lolo
"Papatayin ko na 'to Rina, okay?"
"Ellise naman e! Ganyan ka ba talaga ha!"
"Alam ko hindi mo na ako mapapatawad pero sana lang -" biglang humina ang boses ni Lolo
Nabitiwan ko ang phone ko at kaagad tumakbo sa labas, "Tumawag kayo ng doktor!" Sumigaw ako sa mga guards sa labas tapos kaagad din akong pumasok.
Humahagulgol akong tumakbo pabalik sa nanghihina kong Lolo. Kitang kita ko kung paano unti-unting nagaagaw buhay ang namumutla kong Lolo.
"Rina bakit? Anong nangyayari d'yan!" Naririnig ko ang boses ni Ellise sa phone
Lumapit ako at niyapos ko si Lolo. Nararamdam kong hindi na s'ya gumagalaw at lalo akong umiyak.
"Wag mo po kong iwan please.."
Hindi ko na naririnig at naramdaman ang paghinga ni Lolo tanging matinis na tunog ang sumasabay sa pagiyak ko. Wala na akong magagawa dahil alam kong wala na talaga si Lolo.
Wala na talagang mas sasakit sa mawalan ka ng mahal sa buhay.
May mga dumating na doktor pero nakatayo lang sila sa tabi namin ni Lolo. Hinayaan lang nila ako na umiyak at yakapin ang Lolo ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top