Aurora 3


Bakit gano'n? Hindi ako makatingin ng ayos. Kapag panakaw naman akong titingin sa kanya ay nakikita ko siyang nakatingin din saakin.

"Di talaga ako makapaniwala. S-si crush. Ang pogi. Ang hot n'ya in person," bulong ni Sandy sa'kin.

Patago akong kapit sa tagiliran ni Sandy habang hindi mapagilan ang kilig at panggigil. Nakaupo sa harap namin si Denver Alcantara katabi si Yuel Saw. Parehas silang nakatingin sa'min.

Teka? Sa'min ba talaga? O saakin lang? Aaminin ko naiilang ako.

Sumama pabalik sa table namin si Denver. Oo s'ya nga. Sa lahat ng tao sa mundo siya pa talaga. Nagulat din ako na magkakilala silang dalawa.

"Rina si Denver nga pala kaibigan ko."

"Kilala ko na s'ya."

"Ahh... sikat talaga 'tong kaibigan ko."

"Oo naman ako pa ba? Pero maiba tayo, sino naman 'yang kasama mo?" Tinutukoy ni Denver si Sandy

"Si Sandy... si Sandy ka 'di ba?" Hindi siguradong tanong ni Yuel kay Sandy

Napailing nalang ang kaibigan ko. Napansin ko na biglaan nalang naging tahimik si meshie—— minsan namin itong naging tawagan. Naaalala ko lang bigla. Nagtaka lang ako kasi kani-kanila lang kasi ay parang ang saya pa ni Sandy.

"P-pwede bang umuwi na kami?" Tanong ko

Nilalaro ko lang ang pasta gamit ang hawak kong tinidor. Hindi ko magawang makatingin ng ayos kasi parang sira kung makatingin saakin si Denver. Parang nakakahiya na kasi baka kung ano-anong isipin n'ya saamin.

"Hmmm, ang bilis naman yata? Di pa nga tayo nagkakakilala. Yuel maganda naman pala siya."

"Oo nga," matipid na tugon ni Yuel

"Kailangan pa bang magkakilala tayo?" Tanong ko.

Hindi ko gustong maging rude kay Denver pero nakakainis lang talaga s'ya ngayon.

"Sa tingin ko naman oo. Gusto ko magsorry para sa nagawa ng mokong ko na kaibigan. Hindi kasi nagiingat. Nakaaksidente tuloy siya ng isang angel na tulad mo."

Nakaramdam ako ng isang panggigigil, hindi dahil sa bulok na pormahan nitong si Denver kundi dahil kay Sandy na todo akong niyuyugyog ng patago. Kilig na kilig siguro.

"Yan ka na naman Denver. Nagsorry na ako kay Rina. Infact napakabait niya saakin."

"Hindi naman siguro Yuel," pagtanggi ko sa sinabi ni Yuel

"Alam mo nakakatuwa ka Rina. Ang humble mo," sabat ni Denver

Napangiti nalang ako kay Denver. "Tara na meshie? Gabing-gabi na yata?" Parinig ko kay Sandy na sobrang titig na titig kay Denver.

"Anla? Sure ka ba Rina?"

"Oo, tara na. Ang laking abala na para kay Yuel. Atsaka inaantok na rin ako."

"Gano'n ba Rina? Sige. Ihahatid ko na kayo," offer ni Yuel

"Sige, salamat.," Sabay ngiti ko kay Yuel

Parang tanga lang si Denver. Kanina ko pa s'ya napapansin. Bakit ba s'ya nakatitig? Iba kung makatingin sa'kin.

Iimik pa sana si Yuel ng biglang nagring ang phone niya. Humingi ulit siya ng konting oras sa'min. Tumayo si Yuel at lumayo ng konti saamin.

"S-si Yuel ba talaga ay sobrang busy sa trabaho?" Tanong kong curious kay Denver

"Oo minsan. Pero kayang kaya na 'yon ng kaibigan ko. Bakit mo pala naitanong?" Nagsmirk siya pagkatapoals magsalita. Medyo nagulat ako.

"Ahh... sensya ang feeling close ko kung magtanong sayo."

"Okay lang. Pansin ko ang tamihik ng kasama mo? Nakakatawa naghang na yata ang mata niya saakin."

Napatawa ako kahit ayoko. Nakita kong biglang nagpalingon-lingon si Sandy sa paligid.

Akala niya siguro hindi siya napansin ni Denver na nakatitig sa kanya.

"Alam mo kasi Denver ——" Naputol ang sasabihin ko ng bigla akong tinakpan ni Sandy ng kamay niya sa labi ko.

Grabehan na ang pagkapit ni Sandy sa labi ko. Ayaw ba niyang malaman ni Denver na ultimate crush at number one fan siya? Sayang kasi ang oportunidad. Hindi naman masasabi, baka hindi na ulit ito mangyari.

"Natutuwa ako sayo Sandy dahil nakakatawa ka." Medyo naririnig ko ang mahinang tawa ni Denver

"Eh kasi... ang daldal kasi ni Rina. Hindi ba uuwi na tayo?" pagiiba ni Sandy sa usapan. Inalis na niya ang kamay mula labi ko.

"Nagmamadali ka ba? Akala ko gusto mo muna na magkipag——" pinutol ni Sandy ang aking sasabihin

"Wait lang magcocomfort room nga lang muna ako. Ka-stress ka naman kasi meshie." Tumayo si Sandy tapos mabilis na lumayo.

Pagkaalis na pagkaalis ni Sandy nagkatinginan kami ni Denver nang hindi sinasadya. Pareho siguro kami ng iniisip. 'Yun parang iisa lang ang tumatakbo sa isip namin. Natawa kami nang magkasabay, para nga kaming ewan this time. I don't know kung dahil ba kay Sandy.

Ilang saglit pa ay tumigil kami sa pagtawa dahil sa isang nakakagulat na ilaw. May biglang mabilis na liwanag ang nag-flash. Kaagad namin itong napansin na dalawa.

"Shit," narinig kong bulong ni Denver

Nagtaka naman ako kung bakit kaya napalingon ako.

"Wag!" Sigaw na pigil sa'kin ni Denver kaso huli na ang lahat. Napatingin na ako ng tuluyan.

Nakakita ako ng tatlong babae. May isa na nakahoodjacket. 'Yung isa may cellphone na nakatapat saamin, at 'yung huling babae ay may camera na hawak—— sure ako na 'yun ang nagflash kanina.

Nagulat ako sa biglaang paglapit saakin ni Denver, parang segundo lang. Nakatayo siya sa harapan ko. Napalingon ako sa pataas, sa mukha niya. Nakita ko ang naka-smirk niyang labi. Nagkakapagtaka kung bakit siya nakangiti sa'kin.

"Sino ba sila?"

"Mga fans ko 'yan." Bulong niya

"Hoy sino ka?! Ka-date ka ba ng asawa namin!" Narinig kong sigaw nung isa sa mga babae

"Ang chaka mo grabe. Hindi mo deserve si Denver, pilay ka!" nakakaoffend man pero wala na akong magagawa

Hindi ko alam pero parang mapapatay nila ako dahil lang sa lalaking nasa harapan ko. Gusto ko nalang makaalis dito dahil sa kanila.

Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil nakaramdam ako nang paghawak sa pisngi ko. Marahan na hinahaplos ni Denver ito. Ewan ko ba pero... parang ang werdo lang na hinahayaan ko lang si Denver sa ginagawa n'ya ngayon.

"Ano bang kasing gina——" pinutol ni Denver ang sasabihin ko tapos hinawakan ko siya sa kamay niya na nasa pinsgi ko.

Ngayon ko lang napagtanto na magkahawakan na pala kami ng mga kamay.

"Sshh..." pagpapatimik niya saakin

Ilang saglit pa ay napansin ko ang sunod-sunod na ang pagflash ng mga ilaw. Nagliwanag ang buong paligid. Kinukunan na sigurado kami ng mga litrato ng mga fans ni Denver.

Napansin ko na may dinukot si Denver sa bulsa niya, nagulat ako nang sinuot niya ito sa mukha ko. Kasunod nito ay may kinuha rin siyang shades—— ito 'yung gamit-gamit niya kanina. Marahan n'ya rin itong isinuot sa'kin. Sinundan ko si Denver ng tingin. Nagpunta siya sa likod ko tapos nakaramdam ako nang paghawak sa handle ng wheelchair ko. Ilang saglit pa ay may biglang tumulak sa wheelchair na kinauupuan ko. Paunti-unti ay umaandar na kami.

"Please kumalma ka lang. Ako ang bahala sayo," Katagang narinig ko sa kanya

Nakita ko sa likod ng salamin na suot ko ang dami ng tao na sabay-sabay kumukuha ng litrato namin. Pakiramdam ko ay isa na rin akong artista na napapanood ko lang sa tv. Pasalamat nalang talaga at nakashades ako ngayon, kun'di nasilaw na ako sa dami ng nagpaflash na liwanag.

May mga ilan rin akong bulungan narinig kaso 'yung ay iba hindi ko na narinig dahil sa ingay.

"The who naman kaya siya? Bagong babae?" Nanggigil na sabi sa kabilang bahagi ko

"Ang dugyot niya. Grabe naman," sabi naman nung isa.

Halaka sila saakin. Inaano ko ba sila. Kung naiinis sila na kasama ko si Denver ay magso-sorry ako. Hindi ko alam na ang sobrang famous pala ng isang 'to.

Nagkakagulo na ang mga tao dito. Nagulat nalang ako sa isang babae na talagang lumuhod sa harap ko at face to face akong pinicturan. Kaagad akong napayuko dahil sa gulat. Natakot rin ako sa ginawa n'ya.

"Hoy ikaw! Lumayo ka nga!" hiyaw ni Denver sa babae na nasa harap ko

Muli akong lumingon. Nakita ko na nagdatingan na ang mga security guards ng restaurant. May ilan na humarang sa nagkakagulong tao. May mga ilan naman na inassist kami palabas ng restaurant.

Hindi ko inaasahan na mga desisdido pala ang mga fans ni Denver, hanggang sa labas ay sumusunod  sila.

"Heto kotse ko. Ako na muna ang maghahatid sayo!" Pasigaw niyang sabi kasi sobrang ingay na ng paligid namin.

Binuhat niya ako na para bang bagong kasal. Naririnig ko ang ingay at pagkakagulo ng mga tao. Marahan niya akong inupo sa kotse pagkatapos ay isinara ko ang pinto ng kotse.

Ganito ba talaga siya kasikat? Kaloka naman. 'Yung dati-rati na sa series ko lang nakikita na pinagkakagulo ng mga fans sa idol nila e... ngayon ay naranasan ko na. Iba pala talaga sa pakiramdam. Hindi ko alam kung kukuyugin nila kami dahil sa dami nila. Natakot ako sa kanila kaya hinayaan ko nalang na sumama ako kay Denver.

Napatingin ako ng bumukas ang pinto. Pumasok si Denver ng sobrang bilis. Narinig ko nalang ang pagbagsak ng pinto ng kotse nang isara n'ya ito.

Humalakhak si Denver ng magkatingin kaming dalawa. Tinanggal ko ang salamin ko. Magkatabi lang kami dito sa may unahan, sa driver's seat. Napansin ko na naman na nakatitig si Denver sa'kin. Ilang segundo pa ang lumipas ay namalayan ko nalang na 'yung dalawa niyang kamay ay inilapit niya sa magkabila kong tenga. Tinanggal ni Denver ang face mask na nasa mukha ko. Nakita niya ang nakapintang ngiti sa mukha ko.

"Nice, na-experience mo na tuloy ang pagkaguluhan ng mga tao," natatawa niyang sabi

"Oo nga e."

"Hindi ka ba natakot?"

"Medyo pero ngayon ayos na ako."

"Buti nalang talaga at... " Napansin kong inistart na niya ang makina ng kotse, "—— nakaalis kaagad tayo," dagdag pa n'ya

"Kaya nga. Nakakatakot, akala ko kukuyugin nila ako," natatawa kong tugon

Nakita kong napailing si Denver nang ma-reliaze niya siguro ang nangyari saamin. Sumilip ako sa labas ng kotse. May mga nagkakagulong tao pero hinawi na sila at pinatabi ng mga guards. Pinaandar na ni Denver ang kotse at sabay namin nilisan ang restaurant.

Habang palayo kami ng palayo ay saka ko lang naalala ang mga taong naiwan ko sa restaurant.

"Teka nga pala sila Yuel? Si Sandy?"

"Hayaan mo na sila. Hindi ko na rin kasi naalala. Nagmamadali tayo," sagot ni Denver

"Ibalik mo sa restaurant. Magagalit saakin si Sandy."

"Wag na. Alam mo naman ang nangyari sa'tin do'n."

Mabilis siyang nagmamaneho. Nakafocus lang si Denver sa daan at hindi siya lumilingon saakin.

"Get my phone naramdaman kong nagvibrate sa legs ko."

Ano ka hilo? Ako pa kukuha d'yan sa bulsa mo. Ayoko nga, baka kung ano pa mahawakan ko d'yan.

"Ayoko. I-ikaw na ang kumuha," tugon ko

He left no choice kasi hinding hindi ko talaga kukunin sa bulsa niya ang phone niya. Inabot saakin ni Denver ang phone at kaagad ko naman itong kinuha.

Naiintihan ko naman na kailangan magfocus siya sa daan na tinatahak namin.

"Message ba mula kay Yuel?"

"Oo kaso may password hindi ko alam kung ano," Sagot ko

Yayamanin ang cellphone niya parang malabo saakin ang makabili ng ganitong cellphone.

"143..." Matipid niyang sabi sabay lingon at ngiti saakin.

Nagpapacute ba siya saakin?

"Huh?" Nagtataka kong sagot

"I like you." Pagulit pa niya

"Baliw."

"Pero seryoso, 1433000."

Sinubukan ko ngang itype sa phone niya ang mga numero. Nabuksan ko ito pero may napansin ako. May mga ilan na notification mula sa iisang tao. Hindi ko pa nabubukasan ang message ni Yuel pero agaw napansin sa'kin ang 35 missed calls from Angeli, siguro girlfriend niya ito.

"Anong sabi?" Usisa ni Denver

Binuksan ko ang message mula kay Yuel. Binasa ko ito na may konting lakas ng boses, "Denver pakihatid nalang si Rina sa kanila. Paki-sabi na kasama ko ang kaibigan niya at wag na siyang magalala."

"Okay. Ako raw maghahatid sayo sabi ni Yuel."

Napangiti ako ng walang rason ng mapatingin ako sa mukha niya na nakaside view.

"Thank you."

"Maliit na bagay para sa katulad mong mala-prinsesa, "

"Pwede ba. Wag mo na akong tawagin sa mga ganyan. May pangalan ako, Rina. Rina Garcia," Tugon ko

"Okay kung 'yan ang gusto mo. Salamat nga pala at hindi mo pinakulong si Yuel."

Hindi naman kasi ako gano'n. Maayos rin naman na lumapit at nagsorry si Yuel kaya ayos lang. Uulitin ko lang rin na kasalanan ko rin ang nangyari.

"Mabait naman kasi si Yuel. Alam mo, para na kayong magkapatid."

"Hindi ba kami mukhang magkapatid?"

"S'ya ba yung kapatid mo?" Tanong ko sa tanong niya

Umiling siya, "Nope, hindi kami magkapatid. It's just para na kaming magkapatid sa turingan namin. Busy ang kapatid ko," sagot ni Denver

"Ang bait ni Yuel kung sa iba kasi iyon hindi na niya ako pupuntahan at hihingi ng matinong pagsosorry."

"Ewan ko nga rin ba kay Yuel ang bait no'n sobra. Pero maiba ako, bakit ka nga pala niya na-bunggo. Bakit ka nando'n?" Usisa ni Denver saakin

Napabuntong hininga ako at napangiti sa nakakaloko niyang tanong, "Mahabang kwento kasi, family matter."

"Handa ako makinig."

"Wag na siguro. Pero salamat pa rin at  handa kang pakinggan ang problema ko."

"Syempre naman. Ngayon nalang kasi ulit ako nakakilala ng taong tulad mo. 'Yung sa personal. Ngayon nalang kasi ako nakakausap ng isang tulad mo. Natutuwa lang siguro ako pero kung ayaw mo naman i-share ayos lang rin. Handa naman akong makinig. Hindi bilang isang famous na tao kun'di bilang isang kaibigan. Wag mong isipin na ibang tao ako," sabay dagli siyang tumingin at ngumiti saakin.

Parang bigla akong nagtiwala sa kanya. Ibang iba kasi ang pagsasalita niya para talagang pagkakatiwalaan ko siya. 'Yung mga mata niya parang nangungusap at bigla nalang gagaan ang loob mo.

"Salamat talaga sa concern mo." Nginitian ko siya pabalik, "Ulila na ako sa mama at papa ko. Bago pa man mamatay si mama ay ipinagkatiwala niya ako sa tita ko. Si papa since birth hindi ko na nakilala. Ginawa ko ang lahat para kay tita kahit na nung mga panahon na parang itinatakwil niya na ako. Ako na nagpaaral sa sarili ko at halos hindi na ako kumain para lang sa pagaaral ko. Hindi rin kasi ako suportado ni tita sa pagaaral ko. Dumating na rin sa punto na nagawa ni tita na... pagkakitaan ako. Gusto niyang maging pambayad ako sa pagkalulong sa mga bisyo n'ya."

Nauutal na akong magkwento. Hindi ko na rin mapigil ang luha ko habang inalala ang sakit ng nakaraan.

"Ayos lang 'yan," pag-comfort ni Denver saakin

Naramdaman kong huminto ang kotse niya tapos humarap siya saakin. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang handa akong pakinggan. Lalo ko tuloy hindi napigilan ang sarili ko na hindi umiyak.

Hindi na ako nahiya pa kay Denver dahil nakaiyak na ako sa harapan nila. Para akong bata na umiiyak.

"Magiging maayos din ang lahat."

Naramdaman ko ang kamay ni Denver sa pisngi ko. Pinunasan niya ang nakakalat na luha ko. Nabuhos ko na rin siguro lahat ng mga sama ng loob ko. Simula kasi nung magising ako sa aksidente na 'yun, ay wala pa akong napagkukwentuhan ng nararamdaman ko kun'di itong tao sa tabi, si Denver

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top