Aurora 28
"B-bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko kay Tyler
Tinakasan namin ang mga reporter at pati na rin si kuya Oscar kasi nagmamadali kami. Hinayaan ko nalang na hilahin ako ni Tyler kasi mukhang hindi naman n'ya ako ipapamahak, hanggang sa nakarating kami sa isang lugar na di ako pamilyar. Ang alam ko lang ay nakatayo kami sa harap ng jar kung nasaan ang abo ni Denver, at ang daming bulaklak sa tabi nito, may picture din n'ya na hindi ko matingnan ng maayos kasi naaalala ko lang s'ya lalo. May mga kandila rin.
"Nagsisi ka na ba sa buhay mo?" Nagiba bigla ang tono ni Tyler
Bigla tuloy akong napaisip nang malalim kasi hindi basta basta ang tanong na lumabas sa kanya.
"Siguro.. madaming beses na. Hindi ko na mabilang kung ilan. Bakit mo tinatanong?" Nakatitig lang s'ya sa litrato ni Denver
Nakatulala at parang may lungkot akong nararamdaman sa kanya. Hindi basta-basta ang mawalan ng kapatid.
"Wala lang." Matipid na sagot ni Tyler
Tinap ko ang likod ni Tyler para i-comfort s'ya. Kahit sa ganitong paraan man lang ay may magawa ako para sa kanya.
"Kung ano man ang dinadala mo ay lilipas din 'yan, hindi man ngayon pero dadating yung panahon. Kaya wag ka nang malungkot." Nabigla ako kasi niyakap ako ni Tyler at nakapatong ang ulo n'ya sa balikat ko.
"Salamat." Huling narinig ko sa kanya
Hinatid na ako ni Tyler sa hospital pero hindi na ako dumaretso kay Yuel kasi baka nagpapahinga na s'ya at ayoko naman s'yang abalahin. Hinatid na rin ako ni kuya Oscar dito sa mansion at kasalukuyan akong nakababad sa bathtub. Nirerelax ko lang ang sarili ko habang inaamoy ang mabangong bula. Nakapikit ako at ninanamnam ko ang magandang tugtog mula sa playlist ng phone ko.
"This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
'Cause I've still got a lot of fight left in me." Kinanta ko talaga kasi feel na feel ko ang beat n'ya at saka ganito lang talaga ako kapag naliligo.
Kahit alam kong wala akong talento sa pagkanta e.. pinupush ko pa rin kasi ako lang naman dito at walang nakakarining sa'kin. Isang ring sa phone ang nagpamulat at nagpawala sa pagrerelax ko dito. Sino kaya 'tong abala na 'to baka si Sandy na naman.
Kinuha ko ang phone ko at tumama naman ang hula ko, si Sandy nga pero bakit kaya? At video call pa
"Bakit?" Medyo basa ang kamay ko kaya muntik ko nang mabitiwan ang phone ko
"Musta ka? Bakit hindi ka pumasok?" Usisa n'ya habang may ginagawa
Teka nasa Aurora s'ya tapos may ginagawa s'yang hindi dapat, naku makakagalitan 'to ni Calvin
"Tinanghali ako nang gising at saka nagbantay ako kay Yuel."
Tinignan n'ya ako na para bang may konting pangaasar sa mukha, "Bakit?" Tanong ko
"Para 'yon aabsent ka na? Naman. Ikaw ha humaharot ka, pano na si -" Tumingin muna s'ya sa paligid at parang may chinecheck, "- Sir Calvin." Bulong pa n'ya sa screen
"Tigilan mo 'ko wala akong oras para humarot at saka naawa lang talaga ako kay Yuel."
"Okay." Tapos kumindat pa si luka sa'kin
Aba naman 'apaka-talande. Alam ko nangaasar lang 'to pero hindi ko maiwasan na maisip si Yuel at napapangiti nalang talaga ako.
"Ewan ko sayo pero maiba tayo, ba't d'yan ka gumagawa n'yan aber?"
"Need ko na kasi 'tong thesis ko, alam mo naman pagnursing student ka at saka alam naman ni Sir Calvin na ginagawa ko 'to dito." Paliwanag ni Sandy
"Talaga? Pinayagan ka gawin d'yan?"
Hindi kasi tama 'to at kilala ko si Calvin, ikakagalit n'ya kapag hindi mo inuna ang trabaho mo, kaya nagtataka ako kasi bigla nalang n'ya pinayagan si Sandy.
"Oo nga kasi naman nitong nakaraang araw mahina ang benta nang Aurora tapos itong si Sir Calvin parang wala nang gana magtrabaho. Nagaalala na nga ako e. Si Angeli naman nagresign na tapos si Tyler hindi pumasok." Tsimis n'ya sa'kin at napakagat labi ako sa narinig ko
Ano na naman kaya ang nangyayari kay Calvin.
"Sana maging maayos ang lahat d'yan."
"Welcome po sa Aurora's Cafe!" Pagbati ni Sandy, "Mamaya na ulit, bye." Tapos pinatay na n'ya ang tawag
Napabuntong hininga nalang ako, imbes kasi na nagrerelax ako ngayon ay iniisip ko pa si Calvin at kung anong nangyayari sa kanya tapos nagresign na rin pala si Angeli.
Habang hawak ko ang phone ko ay bigla na naman tumunog at may gusto na naman makipagvideo call.
"Musta Rina?" Nagsalita si Ellise pagkaopen ko ng cam
"Ayos lang, ikaw ba?"
Ngumiti lang s'ya habang may hawak na lapis.
"Heto maganda pa rin, char lang. May ginawa akong bagong design nang damit." Pagbibiro pa n'ya
"Pwede ko ba makita? Nasaan?"
"Hindi pwede kasi hindi ko pa tapos gawin pero hayaan mo nexttime ipapakita ko rin 'to sayo."
"Ahh sige asahan ko 'yan."
"Sexy mo d'yan sa tub." Dumale na naman 'to si Ellise, na pansin pa talaga n'ya nakababad ako sa bathtub
"Hala s'ya, hindi naman." Nilubog ko pa ng konti ang sarili ko sa tubig
"Anyways.. nanunood ka ba ng balita? Nakita mo na ba?" Pagiba ni Ellise sa usapan
"Ang alin? Ano ba 'yun?" Pagtataka ko
"Si Lolo bakit hindi mo pa ba alam?"
"May nabasa lang akong article pero mukhang hindi naman totoo kaya hindi ko nalang pinaniwalaan."
"Totoo 'yon at maiimpeach na talaga si Lolo. Nagtagumpay ako." Tumawa pa ng malakas si Ellise, at para s'yang nababaliw
Impeachment? Edi hindi na magiging president si Lolo? Anong ba talaga ang nangyari?
"Ano bang ginawa ni Lolo?"
"Corruption and tons of debt. Lumabas na ang baho ni Lolo at hindi ako nagkamali."
Sa ngiti at saya ngayon ni Ellise ay para s'yang tumama sa lotto. Ganito ba talaga n'ya kagustong bumagsak si Lolo? Ganito ba s'ya kagalit kay Lolo? Hindi ko alam kung saan galing ang sama ng loob n'ya.
"Bakit parang ang saya saya mo pa?"
Gusto ko magalit sa saya ni Ellise dahil hindi ito tama at mali dahil Lolo n'ya rin ang Lolo ko.
"Hayaan mo lang ako. Dito ako masaya at wag mo sana akong i-judge dahil di mo alam ang ugat ng lahat."
"Kahit ano pa man ang ugat wala ka pa rin karapatan na maging -" Naputol ang sasabihin ko
"Walang tama o mali sa'min."
**
"Mama! Mama ko! Wag mo akong iwan!" Hindi ko na pinapansin kung kumakalat na ang luha at sipon ko basta ang gusto ko ay wag ako iwan nang Mama ko
May dalang dalawang maleta si Mama at handa ng umalis sa bahay ni Lolo pero nakakapit ako sa damit n'ya para pigilan s'ya.
"Sige lumayas ka na! Wala ka namang silbe pero iwanan mo dito si Ellise!" Sigaw ni Lolo kay Mama
"Wag kang magaalala aalis na talaga ako at hinding hindi mo na ako makikita!" Tugon ni Mama
Nakaupo lang si Tito- ang Daddy ni Rina, sa sofa at nakatulala lang. Ganyan na si Tito mula nung palayasin din ni Lolo ang asawa n'ya kasama ang pinsan kong si Rina. Payat na parang buto't balat tapos namumutla na rin dahil hindi na nasisinagan nang araw, para na s'yang nasiraan ng bait.
"Lumayas ka na, matagal na akong nagtitimpi sayo!" Galit na galit si Lolo
"Ellise sorry ha, aalis na muna ako. Mas mapapabuti ka dito." Niyakap ako ni Mama ng sobrang higpit
Ito na ang magiging huling yakap ko sa Mama ko at wala na akong magagawa para pigilan pa s'ya kahit gustuhin kong sumama ay ayaw ni Lolo. Ayaw rin ni Mama na sumama ako sa kanya dahil alam n'yang mas maganda ang buhay ko kay Lolo.
Bumitaw na si Mama sa pagyakap sa'kin at kinuha ang maleta n'ya. Hinawakan ako ni Lolo dahil gusto kong sumunod. Unti -unti nawala si Mama sa paningin ko at umalis na s'ya. Iniwan na talaga n'ya akong magisa.
"Akala n'ya ba makukuha ka n'ya sa'kin? Hindi." Sabi ni Lolo habang pinupunasan ang pisngi ko na puno nang luha
Lumipas ang panahon at nagkukulong lang ako sa kwarto ko, gusto ko lang mapagisa. Nagrebelde ako at wala akong ginawa sa buhay ko kundi gawin ang mga gusto ko. Mayamang negosyante si Lolo, may ari s'ya nang isang pabrika ng mga damit. Naging marangya ang buhay ko hanggang sa namatay si Tito at dito na nagbago si Lolo simula noon, ang dating masayahin kong Lolo ay naging sugalero at naubos ang pera. Nagkabaon-baon din si Lolo sa malalaking utang. Nang dahil sa pagmamahal n'ya kay Tito ay nasira ang buhay n'ya. Si Tito nalang kasi ang nagiisa n'yang anak dahil namatay na si Papa. Masakit para sa kanya ang lahat pero wala akong paki kay Lolo kahit anong gawin n'ya, sobrang sama ng loob ko sa kanya dahil pinalayas at nilayo n'ya sa akin si Mama. Hindi nagtagal ay ako na ang nagpaaral sa sarili ko dahil hindi na ako kayang suportahan ni Lolo, ginawa ko ang lahat at nagsikap ako. Tumakbo si Lolo bilang mayor hanggang sa nakilala s'ya at naging governor. Nakilala s'ya bilang isang mahusay na pulitiko pero yun ang alam nila. Hindi nila alam ang tinatago ni Lolo. Kinukurakot ni Lolo ang pera para may ipangbayad at may ipangsugal s'ya. Walang nakakaalam nito dahil patago lang n'yang ginawa.
--
Ikinukwento sa'kin ni Ellise ang lahat at ngayon ko nalaman na may mali palang nagawa si Lolo sa past at sobrang hindi ko inaakala.
Nakatulala lang ako kay Ellise at hindi ko mapigilan ang manginig ang kamay dahil sa mga nalaman ko.
"Ganyan s'ya Rina kaya mali ka nang inaakala sa Lolo natin."
"Bakit hindi n'ya kami hinanap ng mama ko?" Tahasan kong tinanong si Ellise
Hindi nabanggit ni Ellise ang ibang detalye kaya gusto ko malinawan. Na bakit ang isang pulitiko ay walang ginawa para hanapin ako. Bakit ngayon lang n'ya ako hinanap at kinuha sa Tita ko
"Dahil tutol si Lolo sa pagmamahalan ng mama at papa mo. Hindi gusto ni Lolo ang mama mo kaya pinilit n'yang paghiwalayin sila. Hanggang sa walang nagawa si Tito, nadepress s'ya dahil sa ginawa ni Lolo kaya namatay s'ya. Pinalayas rin kayo ni Lolo kaya wag ka magtaka kung walang pake si Lolo sayo. Never ka n'yang hinanap kasi para sa kanya ay kayo nang mama mo ang dahilan nang pagkamatay ni Tito pero hindi lang n'ya matanggap na s'ya talaga." Napatayo ako sa bathtub at nilapag ko ang phone ko tapos sinuot ko ang bathrobe ko
Hindi ako makapaniwala. Mali pala ang lahat nang sinabi ni Lolo, lahat pala yun kasinungalingan, hindi ko matanggap pero ang sakit na malaman. Naiyak at napaupo ako sa sobrang inis sa sarili ko. Ang tagal tagal na pala akong niloloko ni Lolo tapos wala man lang akong kaalam alam.
"Andyan ka pa ba Rina?" Paulit ulit na naririrnig ko kay Ellise
Tumayo ako at hinawakan ulit ang phone ko, "Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?" Patuloy pa rin ang pagiyak ko
"Hinihintay ko lang ang tamang oras, at ito na 'yon. Ang lumabas ang baho ni Lolo. Pagbabayaran n'ya ang lahat."
"Kung wala s'yang pake sa'kin bakit pa n'ya ako kinuha sa Tita ko? Ha!" Tumataas na ang boses ko, hindi ko na makontrol ang galit ko
"Dahil may malubhang sakit si Lolo, mamatay na s'ya at dito lang s'ya nagkaroon ng oras para sayo, saka ka lang n'ya naalala dahil mamatay na s'ya. Ang kapal ng mukha ni Lolo no? Gusto n'yang makabawi nung malaman n'yang may stage 4 cancer na s'ya." Pagsisiwalat ni Ellise
Lalo akong umiyak, wala na akong masabi. Lahat nang narinig ko ay pinapaniwalaan ko. Sobrang sakit malaman ang katotoohan. Lumipas ang ilang oras ay lumabas na ako sa kwarto ko habang nakabathrobe pa rin. Dumaretso ako sa kwarto ni Lolo at pumasok.
"Totoo po ba?" Tinanong ko s'ya nang deretsuhan
Nakahiga si Lolo sa kama at handa na sanang matulog
"Ang alin apo?"
"Na hinanap mo lang ako dahil mamatay ka na! Pa'no kung hindi ka nagkasakit Lolo? Hindi mo pa rin ako hahanapin ha? Ganyan ka na ba kasama Lolo?" Bumuhos ang luha ko at wala akong magawa para pigilan 'to.
Tumayo si Lolo mula sa pagkakahiga at bahangyang lalapit na sa'kin.
"Namatay si Papa dahil sayo dahil makasarili ka!" Hahawakan na sana n'ya ako nang lumayo ako sa kanya
"Sorry apo." Humawak si Lolo sa dibdib n'ya at bigla nalang bumagsak
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top