Aurora 25

"Rina ano ka ba umayos ka nga. Pinapaiyak mo naman ako e." Nakatitig lang ako sa pagkain ko

Kasama ko si Sandy dito sa Canteen at kumakain kaming dalawa.

"Totoo ba 'to? Bakit hindi ko matanggap?" Pumatak sa mga mata ko ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan na kumawala

Lumingon ako kay Sandy habang umiiyak, kita ko na katingin lang din s'ya sa akin habang lumuluha.

Ang sakit sakit lang sa pakiramdam ang malaman na wala na s'ya. Ang dami kong realization at regrets. Sobrang hindi ko matanggap sa sarili ko. Kahit na kanina pa akong umiiyak ay para bang hindi ako nauubusan ng luha, tuloy at patuloy pa rin ito sa pagpatak. Hindi ko lang talaga maiwasan na maging sobrang attach sa kanya kaya nagkakaganito ako. Sobrang madami din akong namiss sa kanya.

"Sobrang sakit, bakit? Bakit!" Pinunasan ko ang luha sa mata ko pero hindi ko lang talaga mapigilan ang pagiyak

Lumapit sa'kin si Sandy at niyapos ko s'ya at mas lalo lang akong naging emosyonal. Naramdaman kong humihigpit din ang yakap ni Sandy, sobrang hindi lang namin matanggap at hindi lang din kami makapaniwala.

Wala na kaming pake kahit makita kami ng maraming tao dito. Kahit ano pa man ang isipin nila sa'min basta ang mas mahalaga sa'min ay ang magdamayan ni Sandy ngayon.

"Tumahan ka na.." Pero mismong si Sandy hindi n'ya mapigilan ang pagiyak n'ya

**
Magpapahinga na sana ako kaso may nalaman ako kay Lolo kaya sa ospital na agad ako dumaretso. Ayokong lang humilata sa kama dahil mas mahalaga ito kesa sa kahit ano pa man ngayon.

Hindi pa ako kumakain simula kagabi nung umiwi ako na basang basa sa ulan. Sobrang masama pa nang pakiramdam ko ngayon pero wala 'to kumpara sa taong pupuntahan ko. Gusto ko s'yang makita kahit sa huling pagkakataon, kahit sa huling sandali.

Nanginginig pa ang buo kong katawan at tila ba ang paa ko ay ayaw akong alalayan sa paglalakad pero kailangan ko gawin ito. Pinipilit kong lokohin ang sarili ko at isipin na hindi ito totoo, na.. hindi talaga nangyayari ito. At habang tinatahak ko ang hallway papunta sa morgue ay hindi ko na agad maiwasan na maiyak. Hindi ko ba alam kung ano nalang ang gagawin ko kapag nakita ko s'ya na nakahiga sa lugar na 'yon baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko s'yang yakapin kahit na isa na s'yang malamig na bangkay. Dumidilim na ang paningin ko pero kaya ko 'to at pipilitin ko pa rin. Wala man na akong lakas ay wala na akong pake.

Nasa labas lang ako ng pinto ng morgue at ang daming tao sa labas at naririnig ko nalang ang iyakan at mga sigawan nila. Nabibingi ako hindi dahil masakit sa tenga pero dahil naririnig ko ang pangalan n'ya na paulit ulit na sinasabi ng mga tao sa loob. Ginagawa ko ang lahat para makasingit sa tao kahit nanlalata na ako sa sobrang pagod at sakit ng ulo.

"Bakit ikaw pa!" Sigaw ng isang babae pagkapasok ko sa mismong loob

Napahawak ako sa labi ko habang bumubuhos ang luha ko hindi ko pa rin matanggap na wala na s'ya ang sakit ang hirap tanggapin. Habang humahakbang ay unti unti kong nakikita ang mukha n'ya. Nakikita kong namumutla na ang buong katawan n'ya. Nakatayo lang si Angeli sa tabi nang bangkay na may taklob na puting kumot habang nakayakap dito ang isang matandang babae. Kita sa kanila ang sakit nang pagkawala n'ya.

Nagkatinginan kami ni Angeli at kita ko ang mga mata n'ya na sobrang pula na dala na rin siguro ng kaiiyak sa nangyari. Habang magkatitigan kaming dalawa at sumasabay ang mga luha at labi namin na nanginginig.

"Rina!" Sigaw ang huling kong narinig

Bigla akong nawala sa balanse ko at ramdam kong nawawalan na ako ng malay. Hinayaan ko ang sarili kong pumikit at bumagsak.

Isang mainit na hawak mula sa kamay ko ang gumising sa'kin mula sa pagkakatulog ko nang mahimbing. Kahit hindi ko pa minumulat ang mata ko ay nakakarinig na ako may humihikbi

"Sandy.." Bulong ko ng una ko s'yang makita sa pagdilat ng mata ko

Kita ko sa mata ni Sandy na nagaalala talaga s'ya para sa'kin ng sobra at nakita ko rin si Calvin mula sa likod n'ya at mukhang nagalala rin para sa'kin

"Pinagaalala mo ko ng sobra." Tugon ni Sandy

"Ayos ka lang ba apo?" Lumingon ako kay Lolo na nakaupo sa upuan sa kabilang bahagi ko at hawak n'ya ang kamay ko

Naalala ko ulit ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay. Nakahimlay na talaga s'ya.

"Bakit mo kasi pinilit ang sarili mo, alam mong ang taas ng lagnat mo e." Pagaalala ni Sandy

Hindi ko maiwasan na mangilid ang luha pero nginitian ko nalang si Sandy kahit pilit lang para hindi na s'ya magaalala sa akin ng sobra.

Pero muli sa huling pagkakataon ay isang mainit na luha ang unti unting tumulo mula sa kanan kong mata, ang sakit lang talaga sa loob ko at hindi ko lubos maisip na mangyayari ito.

"Tsk tumahan ka na nga. Hindi maganda yan sayo." Sabay pinunasan ni Calvin ang luha ko

Tumango ako sa kanila kahit napipilitan lang ako, ayoko lang sila magalala sa'kin. Ayokong ako ang maging sentro nila imbes na yung taong nawala.

"President may hearing pa po kayo. Kailangan na po nating umalis." Biglang sumingit ang isang lalaki sa'min, mukhang aalis na si Lolo

Tinap ni Lolo ang balikat ko at tumayo na s'ya mula upuan, "Magpagaling ka apo, aalis lang muna ako." Tapos naglakad na si Lolo kasama ang lalaki pa palabas ng kwarto.

Naiwan kaming tatlo dito nila Calvin at Sandy.

"Ano ba sa tingin mong ginawa mo? Hindi mo na inisip na masama ang pakiramdam mo. Nagmatigas pa rin na pumunta dito, yan tingnan mo ang nangyari sayo." Medyo naiintindihan ko naman si Calvin kung matataasan man n'ya ako ng boses

"Gusto ko lang s'ya makita kahit sa huling pagkakataon."

"Pero bakit kailangan mong pilitin ang sarili mo. Ang kulit mo naman, may sakit ka dapat sari --"

"Calvin pwede ba!" Nasigawan ko si Calvin dahil hindi ko na kayang ma-take ang pagaalala n'ya. Oo alam ko may mali ako pero sana nilulugar n'ya ang mga sinasabi n'ya ngayon, dahil nahihirapan na rin ako sa mga nangyayari. Bakit hindi man lang n'ya ako bigyan nang simpatya o nang konsiderasyon? Hindi ito ang oras sa tama o mali. Hindi rin 'to ang oras para sa kung ano ang dapat at ang hindi dapat. Hindi ito ang Calvin na inaasahan ko ngayon.

Napatulala si Calvin at napatingin naman si Sandy sa'kin. "S-sorry. Nagaalala lang naman ako sayo."

"Kaibigan ko s'ya sobrang masakit sa'kin 'to Calvin, kaya kahit anong sabihin mong magrelax ako o magpahinga muna ako, hindi e! Mali ka kasi mas importante na makita ko s'ya kahit may sakit ako. Wala 'to." Paliwanag ko

"Tama na Rina." Pagpapakalma sakin ni Sandy

"Gusto na muna mapagisa, hayaan nyo muna ako." Kumalma naman ako kahit pa papaano

Lumabas ng kwarto sila Sandy at Calvin at bigla akong napatalukbong ng kumot sa mukha ko.

Iiyak ko nalang ito hanggang sa mapagod ako.

**

"Rina uy!" Bigla akong nawala sa pagkakatulala ko sa kawalan

Nakailang blink ako ng mata.

"Nakuha mo ba kung pano i-compute 'tong equation?" Nagtatanong si Kyle na nasa tabi ko.

Napansin ko nalang na buong klase pala akong nakatulala lang sa kawalan. Ni-isang tinuro nung prof namin ay wala akong rinig. Ganito pala pagmalalim talaga ang iniisip. Nakaalis na ang prof namin pero heto pa rin ako hindi man lang s'ya naramdaman.

"Hindi ko nakuha pero meron bang binigay na assignment si Prof?"

"Wala naman pero bakit ka nagmamadali?" Nakita n'ya kasi akong nagaayos ng gamit

"Sige na una na muna ako." Sabay tumayo at lumabas na ako sa room

Alam kung nakakabastos pero may naalala kasi ako na kailangan kong gawin. May ipapasa pa akong workload sa isa naming professor kaya nagmamadali na akong nagtatakbo sa main building kasi alam ko nandon lang naman s'ya ngayon. Hindi ako nagtagal kasi nakasalubong ko rin naman kaagad s'ya at pinasa na sa kanya ang hawak ko at umalis na rin ako ng mabilis.

Ayokong magtagal sa kanya baka bastusin pa ako, kilala kasi s'ya bilang 'SM'- simpleng manyak, sa buong campus kaya gano'n takot ko sa kanya.

Huling klase ko na yung kanina kaya pwede na akong umuwi ng maaga. Hindi ko kasabay si Sandy kasi t'yak ko naman na dumaretso na s'ya sa Aurora's Cafe. Ako nalang talaga at si kuya Oscar ang laging magkasabay umuwi. Sinasanay ko na ang buhay ko na ganito.

Mabalik tayo dahil sa kakalakad ko nang mabilis ay di ko na pansin na nakarating na ako sa parking lot. Sumakay na ako ka'gad sa kotse.

"Uwi na po tayo kuya Oscar." Sabi ko tapos nagstart na s'ya ng kotse at umandar na

Naisipan ko magbukas ng instagram dahil gusto kong makahanap ng bagong series na mapaglilibangan para malayo ang isip ko kahit konti sa mga nangyari. Ayoko na namasyadong isipin ang nangyari, oo may konting sakit pa rin para sa akin pero iniisip ko nalang na masaya na s'ya kung nasaan man s'ya ngayon. Nagiging positibo nalang ako kahit medyo sariwa pa ang lahat.

Habang nagiscroll ako ng mga newsfeed ko ay may biglang kumuha sa atensyon ko isang article mula sa isang sikat na tv network. Ano 'to? Bakit na'ndito ang mukha ni Lolo at may mga nagrarally na tao?

'Senate wanted a impeachment trial for the current president' - click the link for more information, 'yan mismo ang nakacaption sa picture ng balita tapos biglang bumalik sa isip ko si Ellise at ang mga sinasabi n'ya noon sa'kin.

Hindi kaya? Heto na ba ang sinasabi n'ya noon sa'kin? Anong nangyayari? Naguguluhan na ako, pero ang alam ko lang sa ngayon ay mabait ang Lolo ko at imposible ito.

Ikiclick ko na sana ang article ng bigla may tumawag sa'kin, si Angeli at gusto n'yang makipagvideo call

"Bakit ka napa-vc?" Tanong ko pagkasagot ko nang video call ni Angeli

Nakafocus lang ako sa mga mata ni Angeli kasi halatang halata ang pagod at pamamaga nito dahil sa labis na rin siguro na pagiyak.

"Tatanungin ko lang kung dadalaw ka pa dito para bumisita." Medyo paos na rin ang boses ni Angeli

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa nakikita ang taong nakaligtas sa aksidente. Isa ang nag-alay ng sarili n'ya para mailigtas ang isa. Sobrang bait at ang galing lang talaga ng tadhana. Hindi man s'ya ang nakaligtas pero s'ya ang nagligtas.

"Sige pupunta ako d'yan. Gusto ko na rin s'ya makita." Sabay ngumiti ako kay Angeli tapos pinatay ko na ang video call.

Nangingilid muli ang luha ko at hindi ko na napigilan ang pagtulo nito, unang pumatak ang sa kanang mata ko. Naalala ko lang talaga s'ya kahit na nacremate na.

Hindi ko na naalala pa mga dapat kong gawin at kaagad akong nagpunta sa message app nitong phone ko at kini-click ang number ni Denver.

'Kamusta ka na?', tenext ko si Denver at bigla akong napangiti ng walang dahilan

"Kuya Oscar tara po muna sa ospital, may dadalawin lang ako."










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top