Aurora 24
Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung maganniversary ang Cafe tapos heto na ako nagaayos na ng gamit para sa pagpasok ko sa University. Namiss ko lang talaga magaral kasi masyadong maraming nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraan.
Magkavideo call kami kanina pa ni Sandy tapos nasa kotse na rin pala ako ngayon.
"Sa Canteen nalang tayo magkita, maaga kasi ang klase ko." Pinatay na ni Sandy ang video call namin.
Nasa campus na kasi s'ya pero dahil mga 10:30 pa ako medyo hindi ko na inagahan. O)o nga pala hinahatid na ako ngayon ni kuya Oscar at sa wakas nalaman ko rin ang pangalan ng driver ni Lolo sa tagal ng panahon kasi ngayon ko lang buong lakas na tinanong s'ya, nahihiya kasi ako. Habang abala ako sa pagaayos may biglang nagpop sa phone ko kaya kaagad ko rin 'tong tiningnan at si Denver may text, 'Ingat ka Rina sa pagpasok mo. Good luck sa buong klase mo'.
Aaminin ko na touch ako ng konti sa pageeffort ni Denver pero medyo hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi pa rin n'ya ako tinitigilan kahit iba na pinaparamdam ko sa kanya. Dahil sobrang mabait naman si Denver sa'kin ay mas gusto ko s'yang maging kaibigan kahit alam kong may something s'ya para sa akin. Hindi ko man na iniisip 'yon kasi after all s'ya pa rin si Denver.
May nagtext ulit sa akin at si Calvin naman. 'Wag ka magpapakapagod sa buong araw ha. Dumaan ka dito sa Aurora after ng klase mo. May ibibigay ako sayo', 'yan naman ang text na na receive ko kay Calvin.
Sobrang swerte ko lang talaga kay Calvin. Alam ko hangga't nasa tabi ko si Calvin ay hindi ako matatakot kasi alam kong hindi n'ya ako iiwan. Kaya si Calvin ang pinaka the best sa lahat. Mabuti nalang talaga na-settle namin ang lahat nung nakaraan kun'di sa sarili ko talaga isisisi ang mangyayari.
Biglang napasilip ako sa labas ng kotse at natanaw ko na ang campus ng University namin at hindi ko maiwasang mapangiti at maging masaya. Hindi ko lang talaga akalain na darating ang araw na papasok ako dito na may sariling kotse at isa pa ay bilang isang ganap na apo ng presidente ng bansa. Ang laking bagay nito para mabago ang buo kong buhay.
Tumigil na ang kotse at nagpaalam na ako kay kuya Oscar at lumabas na ako ng kotse, hindi ko alam pero nagiba talaga ang aura ko ngayon medyo nagkaroon ako ng confidence para humarap sa ibang tao. Habang naglalakad ako ay hindi maiwasan ng ibang studyanteng mapalingon sa'kin at aaminin ko nakakahiya talaga.
"S'ya ba yung maswerteng naging apo ng president?" Bulong nung babae sa kasama n'ya na nakasalubong ko.
Medyo may konti akong hiyang nararamdaman pero mas lamang ang lakas ng loob kasi hindi ko naman ito hiningi pero ibinigay sa'kin 'to ng tadhana.
Dumiretso nalang kaagad ako sa room namin at naupo nang mabilis at medyo kakaunti kami ngayon, baka late lang sila. Kinuha ko ang libro ko na babasahin kailangan ko magaral ayoko basta basta nalang magpakampante lalo't graduating na ako. Iniisip ko nalang talaga ang gagawin ko right after ng graduation.
"Rina kamusta buhay ng isang prinsesa?" Lumapit si Sam, isa sa dean's lister pero may attitude s'ya kaya medyo nilalayuan ko s'ya. Akala mo kasi kung sino
Hindi ko nalang s'ya binigyan ng pansin at nagpatuloy ako sa pagbabasa ng libro.
"Ngayon ang taas taas ng tingin mo sa sarili mo no? Bakit Rina? Dahil apo ka na nang president kaya ganyan ka na ngayon? Umayos ka."
Nakakagigil naman s'ya hanggang kelan ba n'ya ako bubutaktakan ng ganito? Kulang talaga s'ya sa pansin. Dean's lister pero kung umasta parang walang pinagaralan.
Sinarado ko ang libro at binigyan s'ya ng nakakatakot na tingin at kita kong medyo umiwas s'ya ng tingin sa'kin.
Kitams? Duwag ka naman pala.
"Tigilan mo nga ako Sam. Wala akong oras sayo at saka ano naman sayo kung naging apo ako ng president ha? Ginusto ko ba yun? O na iinggit ka lang?" Gusto ko taasan ang boses ko kaso ayoko kumuha ng atensyon ng iba. Hindi ko lang talaga ugali.
Magsasalita pa sana ako kaso biglang tumakbo si Sam kasi kakapasok lang ng professor namin, mabuti nalang talaga.
Denver Alcantara pov
Naliligo ako ngayon pero si Rina lang talaga ang iniisip ko.
Tumatama sa ulo ko ang tubig mula sa shower at pinapakiramdaman ko ang mga pagpatak nito habang nakapikit. Ayokong umalis hangga't hindi ko naiisip kung paano ako gagawa ng susunod na move kay Rina. Siguro ganito lang talaga ang mindset ng isang taong ayaw ulit maranasan na masaktan ng sobra. Ngayon ba naman na na saakin na si Rina. Saka ko iisipin na sumuko, hell no. Minsan na akong nasaktan ng sobra kaya ngayon gagawin ko na ang lahat.
Pinatay ko na ang shower at kinuha ang towel ko pagkatapos ay pinusan ko ang buhok at katawan ko tapos nagtapis na'ko. Lumabas ako ng banyo at tumama sa balat ko ang liwanag ng araw dahil bukas ang bintana ko. Saglit akong tumigil dahil naalala ko bigla si Yuel, ang nagiisa kong kaibigan at ang isa sa itinuturing kong parang kapatid ko.
Bakit nga ba ako humantong sa ganito? Si Yuel ang nagiisa kong kaibigan pero bakit bigla ko s'yang naging mortal na kaagaw? Ano bang nasa isip n'ya ngayon at bigla n'yang nilalapitan si Rina, ano ba ang rason n'ya? Gusto na rin kaya n'ya si Rina o may iba lang talaga s'yang balak pero ayokong magisip hindi tama dahil kilala ko si Yuel at hindi n'ya magagawa ang masama kong iniisip sa kanya. Sana lang talaga. Afterall kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya kahit ano pa man ang gawin n'ya. Ayoko lang talaga humantong sa masira kami ng sobra dahil sa isang babae.
Pumunta ako sa wardrobe at kaagad na pumili ng isususot, gusto ko ako ang susundo kay Rina sa University ngayon. Gusto ko maging mas maeffort para sa kanya at after ko makapili at makapagsuot ng damit ay kaagad kong tinawagan si Rina para sabihing susunduin ko s'ya paglabas n'ya sa University. Kahit alam kong sobrang kulit ko na pero who knows baka dito ko makuha si Rina. I do what ever it takes.
Nagring nang ilang saglit tapos, "Nasisiraan ka na ba Denver? B-bakit ka ba tumatawag?" Bulong ni Rina na medyo galit
Mukhang naistorbo ko s'ya sa ginagawa n'ya. Ang ganda ng bungad n'ya sa akin, haha.
"Busy ka ba? May ginagawa ka ba?"
"Malamang Denver ano ka ba? Nagkaklase prof namin e."
"Ahh.. ganon ba? Sorry pero may gusto lang ako tanungin bago mo ako patayan ng phone."
"Ano 'yon dalian mo na."
Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil kay Rina. Nakakatuwa lang ang ginagawa n'ya ngayon.
"Gusto kitang sunduin mamaya paglabas mo d'yan sa University, kung pwede lang naman." Pagpapaalam ko
"Naku hindi pwede."
Ano kayang gagawin ko para lang mapapayag s'ya, ayoko naman talaga s'yang makulitan sa'kin e.
"Bakit naman?"
"May pupuntahan ako, may usapan kami ni Yuel."
Takte biglang nagpanting ang dalawa kong tenga pagkarinig ko sa pangalan ni Yuel. Ano ba talagang gusto mangyari ni Yuel!
"Bakit daw?"
"Basta gusto n'ya ako yayain lumabas kaya hindi pwede. Patayin ko na 'to, sorry Denver." Tapos doon na nga natapos ang convo namin ni Rina at aaminin ko nawawala na naman ako sa kontrol ko. Nararamdaman ko ang galit ko, ayokong lamunin ako nito pero hindi ko na talaga kaya. Kailangan ko ang sagot ni Yuel kung ano ba talaga ang gusto n'yang mangyari.
Lumabas ako ng kwarto at agad na dumaretso sa kotse ko at inistart ko ang kotse.
Wala na akong paki kung anong mangyari basta ang alam ko kailangan ko makausap si Yuel.
Calvin Gonzales pov
Kararating lang ni Sandy sabi n'ya magshi-shift na daw s'ya ngayon kahit ang alam ko may pasok s'ya ngayon.
"Akala ko ba.." Kinakausap ko s'ya habang nagaayos s'ya nang gamit sa locker
"Wala akong klase ngayon Sir Calvin nagbigay nalang sila nang notes na rereviewhin namin pero dapat nga magkikita kami ngayon ni Rina kaso tinext n'ya akong may lakad s'ya."
May lakad nga s'ya at ako ang kasama n'ya mamaya. Bigla ko tuloy pinasok ang kamay ko sa bulsa ng apron ko at hinawakan ko ang ticket ng sine. Yayayain ko si Rina magsine mamaya after n'yang lumabas sa University.
"Lalabas sana kami ni Rina mamaya. Yayain ko s'ya magsine." Pagamin ko kay Sandy at tumingin lang s'ya sa'kin na parang nagulat
"Pero Sir akala ko.." Medyo may pagtataka si Sandy
Napakunot noo ako dahil sa reaksyon ngayon ni Sandy, hanggang nakareceive ako ng isang text kaya binasa ko ito. 'Calvin sorry hindi ako makakapunta d'yan mamaya, may lakad ako kasama si Yuel.' at biglang nabasag ang saya ko ng mabasa ko ito.
"Akala ko kasi si Yuel ang kasama ni Rina mamaya, kayo pala. Sige alis na ako." Sabay lumabas na si Sandy ng staff room.
Napaupo ako bigla sa upuan at kinuha ko sa apron ang ticket na hinahanda ko para mamaya. Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig lang ako sa ticket. Gusto kong magwala pero para saan? Bakit hanggang dito lang ang kaya kong gawin? Ang maging mukhang nakakaawa, lagi nalang akong naiinis dahil lagi akong napagiiwanan. Ano bang kulang sa'kin.
Ginusot ko ang ticket at ibinato 'to sa sahig dahil sa sobrang inis at galit. Huminga ako ng malalim para naman mabawasan ang nararamdaman ko at pagkatapos kong kumalma ay lumabas na ako ng staff room at naglakad lang ako ng deretso hanggang sa nakita ko si Angeli na nasa kaha at abala dito.
Ayoko man gawin 'to pero sobra na talaga akong nilalamon ng galit ko kaya lumapit ako sa kanya.
"Angeli kamusta ang benta?" Hindi ako tumitingin sa mukha n'ya habang kausap s'ya
"Medyo mahina tayo ngayon Sir Calvin pero siguro mamaya dadagsain tayo ng tao." Hindi ko maitago ang inis ko kaya nakayukom lang ang kamao ko.
Gusto kong malaman na ni Angeli 'to at naisip ko para saan pa nga ba ito para itago? Ayoko nang ilihim ito sa kanya.
"Maiba lang tayo, gaano mo kakilala si Yuel?" Tapos humarap na ako sa kanya
Ang bait lang talaga ni Angeli at ni minsan hindi ko maiisip na ako ang magsasabi nito sa kanya.
"Siguro sapat nang sagot ang simula pa lang bata kami ay magkaibigan na kami. Bakit mo naman na itanong?"
"Siguro hindi lang n'ya sinasabi sayo pero may tinatago s'ya sayong importanteng bagay."
Napakunot noo si Angeli at halata na naguguluhan s'ya sa'kin. "Anong tinatago naman 'yon? Kilala ko si Yuel wala s'yang itinatago. Gano'n kami ka-solid na dalawa." Pagmamalaki habang may ngiti pa sa labi n'ya
"Alam mo bang may malalang kundisyon ngayon si Yuel?" Kita ang mabilis na pagpapalit ng reaksyon ni Angeli, nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Angeli
"Kundisyon?"
"Oo may malubhang sakit si Yuel. May coronary heart disease s'ya at sobrang lumalala na ito at kasi hindi n'ya agad ito inagapan. Masakit man na sabihin at sa'kin manggaling ito pero malapit na s'yang mamatay." Paliwanag ko
Biglang napakapit si Angeli sa kaha ng pera dahil sa sobrang gulat sa sinabi ko tapos bigla s'yang natulala at napaluha,"S-sabihin mong nagsisisnungaling ka lang."
"Nakita ko ang folder ni Yuel at nakalagay doon na may taning na ang buhay n'ya at dahil malala na nga ang sakit n'ya ay pwede na sa isang hindi inaasahang heart attack ay bawian s'ya nang buhay." Lumuha si Angeli ng sobra dahil sa narinig n'ya sa akin at wala akong magawa kundi ang tingnan lang s'ya.
Napahawak s'ya sa ulo at napaupo habang sobrang umiiyak. Naawa ako para sa kanya.
Denver Alcantara pov
Bumaba ako sa kotse at handa akong sugurin si Yuel sa sarili n'yang teritoryo, ang kompanya n'ya. Lahat ng dinaanan ko ay wala akong pake basta ang mahalaga ay makaharap at makausap ko si Yuel.
"Sir Denver hindi po kayo pwedeng pumasok." Pinipigilan ako nang secretary ni Yuel na makapasok sa office n'ya.
"Bakit mo ko pinipigilan ha? E kaibigan ko lang naman ang kakausapin ko!" Nasigawan ko ang secretary at kita sa kanya ang pagkagulat
Nagtinginan ang mga tao sa'min dahil sa ginawa kong eksena.
"Sabi kasi ni Mr. Yuel wag daw po magpapasok ng kahit sino." Talagang pinipilit n'ya.
Pero katulad nga sa sinabi ko, walang makakapigil sa akin lalo't sumosobra na si Yuel ngayon. Hindi ko na malaman ang ugat ng mga gusto n'yang mangyari. Kahit na pinipigilan ako ng secretary n'ya ay napatabi ko naman s'ya at binuksan ko ang pinto ng office at nakita kong nakaupo lang si Yuel sa trono n'ya.
"Mr. Yuel sorry po nagpupumilit po kasi s'ya." Tapos hinihila ako ng secretary n'ya palabas pero dahil mas malakas ako ay hindi man lang n'ya ako magawang maigalaw sa kinatatayuan ko ngayon
"Sige hayaan mo na si Denver." May kakaiba sa tono ng boses ni Yuel parang medyo mahalumanay
Lumapit ako sa table n'ya at tinitingnan lang n'ya ako at napansin kong namumutla na ang mga labi n'ya.
"Anong pinunta mo dito?" Kaagad n'yang tanong sa'kin
"Anong plano mo?" Naglilisik ang mga tingin ko sa kanya
Ngumiti nang nakakaloko si Yuel pero mukhang pilit lang, nangaasar pa yata 'to e.
"Bakit Denver nagseselos ka na ba? Kaya mo pa ba?" Parang nanginginig ang labi ni Yuel at mukha talaga s'yang may sakit
"Ginagamit mo lang ba si Rina para makaganti sa'kin."
"Nagpapatawa ka naman. Bakit kita gagantihan? Ginagawa ko 'to para kay Angeli para sumaya s'ya kahit kapalit nito ay ang nararamdaman ni Rina. Alam mo ba na mukhang nahuhulog na sa'kin si Rina." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na kwelyuhan s'ya kahit may table sa pagitan naming dalawa.
"Stay away from Rina! Wag mo s'yang gamitin, lumaban ka ng patas!" Nangangalit na ako sa sobrang inis ko kay Yuel
"Ba't ko naman gagawin ang gusto mo. Para sumaya ka? Habang si Angeli nasasaktan. Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa desisyon ni Angeli noon. Makasarili ka kaya dapat lang sayo 'to." Paulit ulit pumasok sa isip ko ang sinabi ni Yuel na makasarili ako
Nararamdaman kong lumalalim na ang paghinga ni Yuel at napahawak s'ya sa batok n'ya at bigla akong natauhan sa sinabi n'yang makasarili ako. Nabitawan ko s'ya, "Sorry Yuel. Hindi ko sinasadyang masaktan ka." Sabi ko
Bigla tuloy akong nahiya sa kanya at lalo sa sarili ko. Naisip ko rin kung magugustuhan ba ni Rina na nagaaway kami dahil sa kanya, t'yak lalo n'ya akong aayawan.
"Ayos lang naman ako pero bakit bigla kang kumalma?" Tumayo na si Yuel sa kinatatayuan n'ya
"Para na kitang kapatid Yuel. Bakit kailangan maging ganito tayo? Sorry talaga kung hindi ko na talaga gusto si Angeli. Alam kong hindi mo kayang makita s'ya na nasasaktan ng dahil sa'kin, sorry talaga.. pero sana lang tigilan mo na si Rina. Wag mo 'tong gawin sa kanya dahil hindi ko na alam sa susunod kung anong magagawa ko."
Oo naisip ko kung gaano pala kalalim ang pinaghuhugutan ni Yuel kung bakit n'ya ginagawa ito kaya ngayon na naiintidihan ko na s'ya at mas lalo akong humanga sa kanya bilang kaibigan. Handa s'yang masaktan para lang makita si Angeli na maging masaya sa akin. Isasakripisyo n'ya ang kaligayahan n'ya para sa taong mahal n'ya.
Biglang lumapit sa akin si Yuel at niyapos ako at tinap ang likod ko tapos saka ko naramdaman at naalala kung gaano kami ka-solid bilang isang magkaibigan mula noon hanggang ngayon.
"Tara sasamahan na kita kay Rina." Sabi n'ya pagkaalis sa pagkakayakap sa'kin
Napangiti ako pero hindi dahil kay Rina kundi dahil heto kaming dalawa, ganito kaming dalawa.
"Salamat."
**
Ako na ang nagmamaneho at sinabi ni Yuel na nasa park malapit daw sa University naghihintay si Rina kaya nagmamadali na ako, mukhang uulan na rin kasi. Magkatabi kami dito sa unahan.
"Ayos ka lang ba?" Pansin ko kasi na kakaiba na talaga ang pagkaputla ng labi n'ya tapos kanina pa s'yang tahimik at hinahaplos ang leeg n'ya.
"Oo." Matipid at mahina n'yang tugon
Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa nagring ang phone ko may tumatawag, kinuha ko 'to at si Angeli lang naman.
Nagdadalawang isip lang talaga ako kung dapat ko bang sagutin o hindi kasi inaalala ko si Yuel ano nalang iisipin n'ya, hanggang sa tumigil ang pagring at ilang segundo ay tumawag muli si Angeli, mukhang dapat sagutin ko na talaga ito.
"Bakit?" Tanong ko
Umiiyak lang si Angeli sa kabilang linya. Anong nangyayari sa kanya?
"Anong problema mo bakit ka ba umiiyak? Anong nangyayari sayo?"
"Si Yuel kasi..." Tumingin ako kay Yuel at nakatingin naman s'ya sa'kin, "H-hindi ako makahinga Denver." Nakatingin lang ako kay Yuel habang tinitingnan s'yang may iniinda
"Si Yuel kasi may sakit s'ya sa puso at matagal na ito pero hindi man lang n'ya sa atin sinasabi." Bigla lalo akong napatitig kay Yuel
Hindi ko alam pero bakit ganito yung pakiramdam ko? Bakit bigla nalang ako nanlambot dahil sa narinig ko.
"Denver!" Sigaw ni Yuel sabay napalingon ako sa daan at may liwanag na unti-unting lumalapit sa'min
Heto na yata ang katapusan.
Rina Garcia pov
Pasado nine na ng gabi at tatlong oras na akong nakaupo at nagsi-swing dito. Ako at ang liwanag lang sa poste ng ilaw ang nandito. Tahimik at kalmado ang lahat kahit ang totoo ay sobra na akong nalulungkot dahil inaasahan kong pupuntahan ako dito ngayon ni Yuel, medyo nagsisisi tuloy akong hindi ko pinuntahan si Calvin kasi magiging ganito lang pala ito. Nakaramdam ako ng likido na tumutulo sa mukha ko at maging sa mga damo dito sa park.
Uulan pa yata? Nasaan na si Yuel? Pakiramdam ko napaasa lang ako.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at unti unti akong nababasa nito. Sobrang lamig sa balat ng bawat patak pero mas mainit ang luha ko na tumutulo sa mata ko ngayon. Oo umiiyak na ako dahil nasasaktan ako.. dahil umasa ako kay Yuel kahit na umulan at mabasa ako ay wala akong paki kasi iniisip ko at alam kong hindi n'ya ako papaasahin at dadating s'ya dito. Kahit magmukha akong tanga ngayon ayos lang, alam kong walang nakakita sa'kin, wala!
Yumuko ako at iniyak ko ng sobra ang lagay ko ngayon pero bigla nalang ako nagtaka, wala na akong naramdaman na malamig na tubig ng ulan. Wala nang pumapatak sa'kin.
Anong nangyayari? Tumila na ba agad?
"Anong ginagawa mo?" Ang malamig na boses ni Tyler
Nakatingala ako sa kanya at pinagmamasdan s'ya habang hawak ang payong na pinagsasaluhan namin ngayon sa gitna ng malakas na ulan.
"Bakit ka na'ndito?"
Nakikita kong nababasa na rin ang likod ni Tyler dahil maliit lang at sobrang lakas ng patak nang ulan pero pilit n'yang inabot sa akin ang payong na hawak n'ya. Kinuha ko ito at saglit kong na hawakan ang mainit n'yang kamay. Nakatayo lang s'ya sa tabi ko at hinahayaan ang sariling mabasa ng ulan.
"Hindi ka na nagiisa, pareho na tayong basa ng ulan." Sabay tumingin s'ya sa akin na nakaseryoso lang ang mukha
"Anong ginagawa mo? Magpayong ka nga." Pagpupumulit ko kasi bigla s'yang nagpabasa sa ulan
May tinuro si Tyler kaya napalingon ako at nasa harap namin si Calvin na nakapayong at may hawak s'ya na isa pang payong sa kabilang kamay n'ya.
Napatayo ako nang makita ko si Calvin. Anong ginagawa n'ya dito? Bakit sila na'ndito ni Tyler? Si Yuel nasaan na ba s'ya? Bakit hindi n'ya ako sinipot?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top